webnovel

Chapter 8: Ang bango

Masaya kong sinalubong ang mga dati kong kaklase noong elementary Namataan ko rin si Bamby, na kararating lang.

"Uy, kamusta?.." sinundot ko sya sa likod. Masama nya akong inismiran bago namukhaan.

"O my gosh!. Joyce, namiss kita.." agad nya akong niyakap ng sobrang higpit. Nagusot na mga bagong plantsa naming uniform.

Niyakap ko sya pabalik atsaka humalakhak. Halata ngang miss na miss nya ako. Ikaw naman kasi Joyce. Ang dami mong dahilan o itatama natin, malisya, sa taong gusto mong makita pero ayaw magpakita sa kanya. Tuloy, pati kaibigan mo, nadamay na. Tsk!

Napapailing ako sa tumatakbo saking isip.

"Grabe ka.. bakit di ka na pumupunta ng bahay?. may nagawa ba akong mali?.." anya. Humaba ang pino nyang labi saka lumiit pa ang singkitan nyang mata. Lalo pa syang gumanda.

Ngumiti ako. "Busy lang sa bahay.. hehehe.."

Hindi sya naniwala. "Ayaw mo lang akong puntahan eh.."

"Hindi noh.." agap ko. Ito na nga ba sinasabi ko eh.

Ewan ko sa'yo Joyce!

"E bat lagi kang maraming ginagawa?. bakasyon na nga eh, abala ka pa.."

"Sinasamahan ko kasi minsan si mommy sa shop nya.. Duon ako madalas, wala kasi yung kasama nya at ayoko rin naman na mag-isa sya. Eksaktong bakasyon naman kaya nagvolunteer na akong tumulong sa kanya.." mahaba kong paliwanag. Totoo ito. Walang halong biro.

Matagal nya akong tinitigan bago sya nakunbinsi. Tinanguan nya ako saka muking niyakap.

Pakiramdam ko, nalalanghap ko ang pabangong gamit nya habang yakap ko ang kapatid nya.

Baliw na yata ako!

Nag-usap kami tungkol noong bakasyon. Hanggang sa nagsidatingan na rin ang iba pa. Lalo na si Jaden. May alam na rin ako patungkol sa nararamdaman ni Bamby sa kanya. Nasabi nya iyon ng minsan kami'y natulog sa kanila.

"Batiin mo dali.." tulak ko sa kanya pero natulala lamang sya sa taong naglalakad na patungo samin.

"Tsk.. Joyce, nakakahiya.." anya. Kinurot pa ng palihim ang braso ko.

Dahil sa sutila ko pagdating sa kanyang crush. Tinawag ko ito.

"Hi Jaden.." bati ko sa lumalapit ng bulto nya. Nginitian ko sya't sinuyod ng tingin. Tumangkad sya't bahagyang pumuti. Lumaki ang katawan. Di na patpatin tulad noon dati.

"Nasaan ang room natin?.." tanong nya na, na kay Bamby na ang paningin. Gosh!. Kinikilig ako! Lihim kong pinakawalan ang kilig na kanina pa ako kinikiliti.

Ako na ang kumausap kay Jaden dahil hindi talaga sya makapagsalita. Hanggang, sa napilitan rin sya mismo na kausapin ito.

Tinukso pa namin sya after flag ceremony dahil nasa likuran nya ito. Namamangha ko syang pinapanood dahil pulang pula talaga ang kanyang buong mukha. Pinagpawisan pa kahit tutok na sa kanya ang ceiling fan.

"Uy ha!. ang gwapo nya lalo noh?.." tukso ko sa kanya matapos ang mahabang introduction sa loob ng room. Receess na namin at nataong nasa kabilang table si Jaden. Kausap ang mga dati at bago nyang kaibigan. Nalipat kasi sya kanina ng room mula samin.

Di sya makasagot. Nagpatuloy lamang sya sa pagkain.

"Bamblebie, eat some veggies.." natigilan ako ng biglang dumaan ang kapatid nya sa likod ko at sinabi iyon sa kanya. Naiwan pa ang pabango nyang gustong gusto ko na yatang amuyin dahil sa bango.

"Tsk.. papansin.." bulong ni Bamby after he passed us by.

Kumakain na kami pero lihim pa rin syang hinahanap ng aking paningin. Gusto ko syang makita pero ayokong makita nyang nakatingin ako sa kanya. Hmm.. Ang kumplikado ng gusto mo Joyce ha!.

Pustahan tayo kung magugustuhan ka rin ba nya?.

Chapitre suivant