webnovel

Entrance Exam

"Nasan kaya si Juliana? Sana hindi pa nag-uumpisa ung entrance exam!"

Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad na ako papunta sa gazebo dito sa school namin.

"Ibon!"

Tawag sakin ni Juliana sabay tayo na niya sa pagkakaupo niya dun sa gazebo. Dali-dali na akong lumapit kay Juliana habang nakangiti na ako.

"May pila na dun sa examination room?"

Tanong ko kagad kay Juliana habang tinitignan ko na siya.

"Oo! Bilisan na natin!"

Sagot sakin ni Juliana sabay hawak na niya sa pulso ko at saka tumakbo na kami papunta dun sa pila papasok ng examination room sa kalapit lang na building.

"Ba't ang tagal mong dumating?"

Tanong sakin ni Juliana nung nakarating na kami sa pinakadulo ng pila papasok sa examination room.

"Na trapik kase ako sa highway, eh."

Sagot ko sa tanong sakin ni Juliana habang hinahabol ko na ung hininga ko.

"Buti naka habol ka pa tayo."

Sabi sakin ni Juliana habang tinitignan na niya ako at hawak pa rin niya ung pulso ko.

"Oo nga, eh. Pwede pakuha ng tubig ko sa bag?"

Sabi ko kay Juliana habang tinitignan ko na rin siya. Tumango na lang siya at saka tinalikuran ko na siya para makuha niya ung tubigan ko sa loob ng bag ko.

"Bon, oh."

Sabi sakin ni Juliana sabay abot na ng tubigan ko.

"Thank you~"

Pasasalamat ko sakaniya sabay inom na ng tubig. Pagka tapos ay inabot ko ulit sakaniya ung tubigan ko at saka binalik na niya un sa loob ng bag ko.

"Paki ayos ung pila! Isang pila lang!"

Sabi ng instructor saming mga nakapila dito sa labas ng examination room. Agad naman na nagsi ayos ng pila kaming mga estudyante at ilang saglit pa ay pinapasok na niya kami sa loob.

"Kinakabahan ako, Ibon."

Mahinang sabi sakin ni Juliana habang naglalakad na kami papasok.

"Bakit ka kinakabahan?"

"Baka kasi hindi ako maka pasa sa entrance exam, eh."

"Makakapasa ka, Juliana. Tiwala lang."

Nakangiting sabi ko kay Juliana sabay upo na naming dalawa sa magkasunurang upuan.

Lumipas ang isang oras ay natapos na rin kaming mag-entrance exam. Kaso maghihintay pa kami ng ilang minuto para makuha ung resulta ng exam. Sana pasado kami pareho ni Juliana. Nauna na kasi sila Christina at Violado, eh! Kaya kaming dalawa na lang ni Juliana ung sabay.

"Tagum."

Tawag ng instructor, dahilan para agad akong lumapit sakaniya. Inabot na niya sakin ung papel na naglalaman ng resulta ng exam pero hindi ko muna agad tinignan un. Sabay kasi namin titignan ni Juliana ung results namin pareho.

"Ready ka na, Ibon?"

Tanong sakin ni Juliana. Tumabi na ako sakaniya at saka tumango na lang.

"Isa…"

"Dalawa…"

"Tatlo."

Bilang namin ni Juliana at sabay na namin tinignan ung result naming dalawa…

"Pasado tayo Ibon!"

"Sabi sayo papasa tayo, eh!"

Tuwang sabi namin ni Juliana sa isa't isa habang nagtatatalon kami pareho sa tuwa.

"Punta na tayo sa library, sabihin na natin kila Violado!"

Sabi ni Juliana sabay hawak na ulit niya sa pulso ko at naglakad na kami papunta sa building kung saan andun ung classroom namin.

Lumipas ang ilang minuto ay nasa library na kami ni Juliana at kasama na namin sila Christina, Chin at Violado. Wala kami masyado ginagawa kaya tamang scroll lang ako sa newsfeed ko sa fb habang naghihintay na lumipas ung oras. Pagka refresh ko ng newsfeed ko, nakita ko na online si Jervien kaya… why not?

~OCT 11 AT 10:44 AM~

: Magtetake ka ng entrance exam dito sa school natin??

Jervien: hinde

Jervien: bakit?

: Ahh

: Wala natanong lang ahahaha

Jervien: ikaw ba??

: Kakatake lang namin ni Juliana kanina ahahaha

: Pasadooo

Jervien: tungkol saan ba yung ano tnake nyo?

: Math, science, english reading comprehension, logic tsaka grammar

Jervien: anong course?

: Counted naman na daw un sa kahit na anong course, eh

: Kesa lang sa mga course na may major sa math

Jervien: ahh

Jervien: kailangan ba yan??

: Sa pag enroll sa college??

Jervien: pwde pa ba mag take??

: Oo, any day naman, eh

: Tsaka libre lang pag dito ka sa school natin nag shs

Jervien: pwede sa Monday?

: Oo, si raymond sa monday daw magtetake, eh

: Sabi niya kay Juliana

Jervien: ano ba kailangan ipasa??

: *Online application form *dalawang 2x2 picture mo *grade 12 ID

Jervien: saan yung online application

: Teka send ko sayo ung link

: *You sent a link*

Jervien: ayaw bumukas

: Type mo na lang yan

Jervien: eto?

Jervien: *Jervien sent you a photo*

: Oo yan

Jervien: anong gagawin ko??

: Pindutin mo ung apply for college

: Tas sagutan mo na ung mga kailangan na sagutan dun

Jervien: *Jervien sent you a photo*

Jervien: *Jervien sent you a photo*

Jervien: ano yung semester?

: Wag mo na galawin yan ahahaha

: parts yan ng school year, eh

Jervien: saan ko makikita yung ZIp code?

Jervien: nvm

: Isearch mo na ggle ung zip code ng lugar niyo

Jervien: *Jervien sent you a photo*

Jervien: Yes or No?

: Yes

: Tas lagay mo na dyan ung school natin

At… hindi na nag reply pa si Jervien. Makapag sulat na nga lang ulit sa web novel! Ala una pa ung pasok namin tapos 11:30 pa lang ng umaga. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at akma na sanang maglalakad papunta dun sa desk kung saan ka iaassign kung anong computer gagamitin mo ng…

"San ka punta, Ibon?"

Tanong sakin ni Violado habang nakatingin na siya sakin. Tinignan ko na siya at saka tinuro ung mga computer.

"Magkocomputer. Bakit?"

Sagot at tanong ko pabalik kay Violado habang tinitignan ko pa rin siya.

"Sama ako, kocomputer rin ako."

Sagot ni Violado sa tanong ko sakaniya sabay tayo na sa pagkakaupo niya, hawak sa braso ko at saka naglakad na kami papunta dun sa desk na tinutukoy ko sainyo kanina.

And… yes! Oras na para paganahin ko ulit ung imagination ko for something na productive! Tamang log in lang sa web novel at sa fb and I'm all set! My seven boys, here I come~!

~Always try to trust yourself whenever you’re trying to do something new or doing something that means something to you.~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts
Chapitre suivant