webnovel

"Climb for your life, Joyce..."

"Rise and shine,..."

Bagaman ay tila hindi pa sapat ang sandaling pagkakaidlip ni Joyce ay unti- unti niyang iminulat ang mga mata. Natagpuan niya ang sariling nakahiga sa isang malapad na kama. Sa pagbaling niya sa kaliwa ay saka niya napagtantong nakatali ng zip tie ang kaniyang kaliwang kamay sa headboard ng kama. Gayundin ang tumambad sa paglingon niya sa kaniyang kanang kamay. Kapwa mahigplt na nakagapos ang dalawa niyang kamay. Nang tangkain niyang magsalita upang humingi ng saklolo ay tila walang lumabas na anumang kataga sa kaniyang labi. Doon niya naramdamang parang may nakatakip sa kaniyang bibig. Gumapang ang matinding nerbiyos sa kaniyang katawan. Nagsimula siyang magpumiglas mula sa pagkakagapos. Hanggang sa nasulyapan niya ang isang nilalang na nakatayo sa kaniyang paanan. Nakangiti itong pinagmamasdan siya. Walang iba kundi si Benjie.

"Stop, stop... you know you are just wasting a lot of your energy..." saway nito saka dahan- dahang nagpalakad- lakad sa harap niya. "...kahit anong gawin mo, hindi ka na makakawala d'yan..."

Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Ano bang nangyari? Tanong niya sa kaniyang sarili. Bakit biglang- bigla ay nasa isang silid sila ng lalaki? Ang huling pangyayaring kaniyang natatandaan ay iyong inalalayan siya nitong sumakay ng kotse. Na sa buong akala niya ay ihahatid siya nito sa kanilang bahay. Pero malayung- malayo ang hitsura ng kaniyang silid sa lugar kung nasaan siya ngayon. Saan siya dinala nito? Napadakong muli ang kaniyang pansin sa lalaki. Tangan nito ang kaniyang cellphone.

"Alam mo kanina habang tulog ka, may tumatawag sa'yo, naka tatlong missed call nga eh, " sabi nito. "Francis ang pangalan. Who is it? Is he your boyfriend?"

Nakatingin lamang siya rito. Kung sana'y nalalaman nga lamang ni Francis kung nasaan siya ngayon ay siguradong tutulungan siya nito sa kaniyang kinakaharap na sitwasyon. Kasabay ng matinding sikdo ng kaniyang dibdib ay ang mabilis niyang paghinga. Ang lalaking kanina lamang ay nagpahayag sa kaniya ng pag-ibig ay tila biglang nag-iba ang pagkatao. Ang taong lubos niyang pinagkatiwalaan ngayon ay may masama pa lang binabalak sa kaniya. Ang dating kalaro at kaibigan na sana'y magiging unang kasintahan niya ang gumapos sa kaniya ngayon at tila walang balak na siya'y pakawalan.

Lumapit ito sa kaniya at saka naupo sa bandang kaliwa ng kama. "Joyce, you are just like the rest of them, ang dali n'yong sumakay, ang dali ninyong utuin!"

Hinawakan nito ang kaniyang mukha. Pilit man niyang inilalayo ang kaniyang pisngi ay nagawa pa rin nitong kulungin iyon ng isa nitong palad. He puts much pressure on it as if he wants to crush her chin. Pilit man niyang iwaksi ang kamay nito ay sadyang malakas ito kayat wala rin siyang nagawa.

"So I thought maybe, I will end your life just as I ended the lives of others..." sabi nito saka biglang binitawan ang pagkakapigil sa kaniyang baba at saka tumayo.

Napa-iyak siya sa tinuran nito. Hinding- hindi niya inakalang mapapahamak siya sa pagsama rito. Walang- wala sa hinagap niya na magagawa nitong saktan siya. Sa kabila ng mga ipinakita nitong kabutihan sa kaniya ay may itinatago pala itong lihim na kasamaan.

May kinuha ito sa nakalapag na backpack sa isang bangko sa silid saka muli itong lumapit sa may paanan niya. Kitang - kita niyang may hawak itong isang uri ng patalim.

"But this time, babaguhin ko naman ang nakagawian..." sabi nito. "I want you facing me while I cut your throat."

Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya ngayon. Tinipon niya ang natitira pa niyang lakas saka muling nagpupumiglas upang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang hindi niya magawang makaalpas.

"It's just that I wanted to witness your suffering mula sa paglaslas ko ng leeg mo hanggang sa tuluyang malagutan ka ng hininga..." anito habang ganap na itong sumampa sa kama at unti- unting gumagapang papalapit sa kanya mula sa kaniyang paanan. "Trust me, it would only take few seconds... "

Abot- abot ang dasal ni Joyce sa mga oras na iyon. Na sana'y huwag tuluyang ilapat ni Benjie ang patalim sa kaniyang leeg. Na kahit papaano'y tamaan pa rin ito ng awa sa kaniya. Walang tigil ang luhang kumakawa sa kaniyang mga mata. Animo'y nanlilimos ng awa sa lalaking pinagtatangkaan siyang patayin.

Hindi nagtagal at halos magkaharap na nga ang mukha nilang dalawa. "Say your prayers, Joyce..." bigkas nito at akmang itututok na ang labaha sa kaniyang leeg.

Tila may nakitang opurtunidad si Joyce sa tagpong iyon. Sa paggapang kasi nito palapit sa kaniya mula sa kaniyang paanan ay nakaposisyon itong magkahiwalay ang dalawang hita habang pumapailalim siya rito. Kumuha siya ng buwelo saka tinuhod ang nasa pagitan ng mga hita nito.

"Ouch!!" sigaw nito matapos niyang bayagan.

Sa sobrang sakit ng tinamong pinsala ay napahiga ito at kusang nahulog sa kama pababa sa sahig. Sapo ang puson nitong naka- fetal position sa ibaba ng kama. Hindi mailalarawan ang hitsura ng mukha nitong tila pulang- pula habang namaluktot sa sakit. Ang straight razor na hawak nito ay naiwang nakapatong sa ibabaw muli ng kama ng hindi nito namamalayang nabitawan bungsod ng pagkakatuhod sa kaniya ni Joyce.

Nang makita ito ni Joyce ay sinikap niyang maabot ito ng daliri ng kaniyang mga paa. Bagaman may panginginig ay nagawa niyang ipitin ang patalim sa pagitan ng kaniyang dalawang daliri sa kaliwang paa. Bagaman ay may kahirapan ay nilayon niyang palayain ang mga kamay mula sa pagkakatali. Sa pamamagitan ng kaniyang paa ay pilit niyang inilusot ang labaha sa ibabaw ng kaniyang pulsuhan upang unti- unti niyang mahiwa ang zip tie. Ngunit dahil sa sobrang nerbiyos at kaba ay hindi siya magkaigi sa ginagawa.

"P---- ina ka, Joyce!" muling palahaw ni Benjie na hindi pa rin magawang ibangon ang sarili na papihit- pihit sa pamamaluktot.

Lalong nataranta si Joyce ng marinig ang boses nito. Sa sobrang pagmamadali ay imbis na ang talim ng labaha ay nakaharap sa zip tie ay umikot ito paharap sa kaniyang palad at saka aksidenteng nahiwa niya ang kamay.

"Aray!" nasabi niya. Malalim ang naging pagkakahiwa niya sa sarili kayat bukod sa masakit ay nagsimula ring daluyan ng dugo ang nalikha nitong sugat.

Hindi sinasadyang nahulog ang nasabing patalim sa pagitan ng kaniyang mga daliri sa paa papunta sa ibabaw muli ng kama. Agad na hinagilap ito ulit ng kaniyang mga paa. Nang ganap na makuha ay inulit niyang ilusot ang labaha sa tali sa kaniyang kamay saka iniharap ang talim nito sa mismong zip tie upang mahiwa ito. Unti- unti ay nagawa niyang hilisin ang nasabing gapos ng kamay saka matagumpay niyang napatid ito.

Nang mapalaya ang isang kamay ay kaniyang hinawakan na ang labaha saka ginamit muli upang ang isang kamay namang nakatali ang maalpasan. Matapos ito ay saka niya tinanggal ang duck tape na nagkukubli sa kaniyang bibig. Kahit pa masakit ang pag-alis ng dikit nito sa kaniyang mukha at bibig ay tiniis niya upang kung kinakailangang makasigaw at makahingi ng saklolo ay magagawa niya. Dali- dali siyang bumaba ng kama upang makalabas ng kuwarto ngunit sa kaniyang akmang paglakad ay nagawang hilain ni Benjie ang kaniyang isang paa. Natumba siya sa sahig sa ginawa nito at ang hawak niyang patalim ay tumilapon sa kung saan.

"You cannot escape in here, Joyce. Humanda ka sa aking babae ka...!" sabi nito bagaman hindi pa rin nakakabangon at patuloy na iniinda ang masakit pa ring parte ng katawan nito.

Sa puwersadong pagkakapigil ng lalaki sa kaniyang binti ay tila may litid siyang naipit kung kayat nahihirapan siyang ibangon ang sarili. Tumihaya siya mula sa pagkakadapa. Nakita niyang muling naglalayon si Benjie na lumapit sa kaniya habang hirap nitong hinihila ang katawan sa sahig. Nanaig ang kaniyang galit sa ginagawa sa kaniya nito kayat imbis na magmakaawa ay binigyan naman niya ito ng isang sipa sa mukha. Tila napuruhan niya ang mata nito kayat ininda nito ang pagkakatadyak niya habang sapo ang mata.

"Hayop ka talagang babae ka, papatayin talaga kita...!" palahaw nito. He is very pissed off.

Dito na nagawa ni Joyce na bumangon at saka mabilis na tinungo ang pinto ng silid.

-oOo-

Wala pang kalahating oras ay narating na ni Francis ang nasabing night club. Sa sobrang bilis ng kaniyang pagpapatakbo ay para bang hindi na nasayad ang gulong ng motorsiklo sa kalsada. Literal na parang lumilipad siya sa bilis. Ngunit base sa kaniyang GPS locator ay wala na sa vicinity ng establisimyento ang cellphone ni Joyce. Nangangahulugan lamang na nakaalis na ito doon.

"Jeez, nasaan ka na Joyce?" usal niya.

Sinubukan niyang muling tawagan ito ngunit bigo pa rin siyang makausap ito. Naisip niyang wala siyang magagawa kundi ang magrely sa feed ng locator niya hinggil sa kinaroroonan ng babae. Bagaman ay hindi niya nakakausap ito ay nagpapasalamat na rin siya at hindi nakapatay ang cellphone nito kung kayat nakaka- access siya sa internet hinggil sa kinaroroonan nito. Hindi pa ito nakakalayo. Tila malapit lang sa kinaroroonan niya ngayon ang lokasyon nito.

Napaisip siya. Hindi kaya ang lalaking tinutukoy ni Joyce noong huli nilang pag-uusap na kinatatagpo nito ay walang iba kundi si Benjie? Baka ito ang dahilan kung bakit hindi na nito pinaunlakan ang kaniyang panliligaw dito. Kung gano'n, maaaring gusto lamang din nitong biktimahin ang babaeng kaniyang napupusuan.

"Don't you dare mess with my girl...." bulong niya sa sarili.

Pero saan nga ba maaaring dalhin ni Benjie si Joyce? Doon niya naalala ang mga ginawa nitong krimen. Nang lumarawan sa isipan niya ang mga ginawa nito sa mga naging biktima sa mga kinasangkutan nitong insidente ay nataranta siya. Hindi siya maaaring magkamali, sa motel dadalhin ng lalaki ang dalaga. Wala na siyang inaksayang sandali. Tutugisin niya ang kinaroroonan nito. Labis na pag-aalala ang namamayani sa kaniya ngayon. Hindi niya mapapayagang may mangyaring hindi maganda sa kaibigan. Sapagkat sa totoo lang, higit pa sa kaibigan ang pagmamahal niya dito.

"Joyce hang on. I'm coming for you..." dalangin niya habang matulin na namang pinaaandar ang kaniyang motorsiklo.

Patungo siya sa mga dikit-dikit na motel sa Adriatico. Sa lugar kung saan nag-iwan si Benjie ng mga marka ng karahasan. Dito na marahil matutuldukan ang kasamaan nito. At kung kakailanganin, ito na ang magiging huli nitong destinasyon.

-oOo-

(Recommended Song while reading this part- Chase Scene Music (2 Minutes Dark Action Film/ Movie Track)

Dahil walang malay si Joyce ng sapitin nila ni Benjie ang lugar ay hindi niya alam kung saang direksyon tutungo paglabas ng kuwarto. Makirot ang kaniyang kanang paa dahil sa biglang paghila dito ng lalaki. Gayunpaman, ay pinilit siyang lumakad palayo sa pinanggalingang silid. Maya- maya pa'y nabungaran niya ang isang service elevator ng gusali. Pinindot niya ang push button pababa sapagkat nasa ika-apat na palapag siya. Ngunit papaakyat pa lamang ito papunta sa eight floor. Luminga- linga siya. Taglay ang pangambang baka masundan siya ng lalaki. Hanggang sa isang hiyaw ang lalong nagpabagabag sa kanya.

"Joyce, lintik kang babae ka!"

Si Benjie. Tila nasa labas na ito ng kuwarto at tinatawag ang pangalan niya. Dahil hindi pa rin nahinto ang elevator sa palapag kung saan siya naroon ay pinasya na niyang umalis. Naglakad palayo kung saan nagmumula ang tinig. Halos hila niya ang isang paa sa paglakad. Hanggang sa nakita niya ang Exit Sign na tanda na may hagdan sa gawi roon na maaari niyang gamitin papunta sa ground floor.

As she approached the stairs, deep darkness welcome her. Tila walang ilaw pababa ng hagdan ngunit sa pataas na bahagi ay may liwanag na nagmumula sa nagpapatay- sinding bombilya na tila mapupundi na. Kung tatahakin niya ang madilim na daan pababa ay hindi malayong mas mahirapan siya sa kaniyang papilay- pilay na paglakad. Baka magresulta pa ito sa tuluyan niyang pagkadisgrasya o di kaya'y dito siya maabutan ni Benjie. Kayat ipinasya niyang umakyat na lamang pataas ng hagdan.

"Ughh..!" aniya.

Dahil nga hirap siyang maglakad ay itinutuon niya ang kamay sa hand grills ng hagdan na nagsisillbing suporta niya sa pag- akyat. Sa pagdiin naman niya ng nahiwang kamay ay nagiiwan ito ng dugong marka sa bawat niyang paghawak sa nasabing bakal Hindi niya lubos maisip na dadanasin ang ganitong paghihirap ngayong gabi. Wala siyang ideya na ang Benjie na inakala niyang isang mabuting tao at iniisip na magiging potential boyfriend, ay isa palang serial killer.

Bumalik tuloy ang tagpong naganap noong kaarawan niya. Kung saan ay walang kahirap- hirap nitong ginilitan ng leeg ang isang manok. Tandang- tanda pa niya ang sinabi nito.

"Butcher po talaga ako, pero mga inahin lang ang pinapatay ko..."

OMG! Naisip niya. Hindi kaya ito ang suspect sa krimeng minsan ng naikuwento sa kaniya ni Francis? Na kung saan dalawang biktima sa magkahiwalay na insidente ang namatay sa magkatulad na paraan? Na parehong ginilitan ang mga leeg nito sa kaparehong lugar kung saan siya naroon!

"Joyce!!" sigaw muli ni Benjie.

Sa pagkakarinig ni Joyce sa tinig nito ay pinilit niyang patuloy na umakyat. Paanong nalaman nito na ang direksyon patungo sa hagdanan ang kaniyang pinuntahan? Tumingin siya sa mga lugar na dinaanan. Nag- iiwan pala ng patak ng dugo ang kamay niyang nasugatan kaya natukoy nito kung saan siya nagpunta. She then elevate her hands to prevent the blood from dripping. Climbing up the stair turns more difficult as she held up her hand.

"Come on Joyce, climb for your life!!!"

Tila panunukso sa kaniya nito. Tumingin siya sa ibaba. Medyo malapit na ang distansya sa kaniya ng lalaki. Senyales ito upang mas bilisan pa niya ang pag- akyat. Nag marating ang dulo ng hagdan at buksan niya ang pintong nasa harapan ay tumambad sa kaniya ang kalawakan ng langit. Rooftop na pala ang kinaroroonan niya.

"Noooo!" nasabi niya.

Wala na siyang pupuntahan pa. Dumiretso siya sa paglakad. Hangad na makalayo sa lalaking humahabol sa kaniya. Naghanap siya ng mapagkukublian ngunit wala siyang makitang maaaring pagtaguan. Hanggang sa tuluyan na ngang iniluwa ng pinasukan niyang pinto ang lalaking nakasunod sa kaniya.

"Well, well, looks like you're running out of option, Joyce..." sabi nito habang unti- unting papalapit sa kaniya.

"B-benjie parang awa mo na, h'wag mong gawin sa akin 'to..." nagmamakaawa niyang sabi habang dahan-dahan din namang umaatras palayo sa lalaki.

"Awa? Awa ba Joyce? Bakit? N'ung nakita mo akong binugbog ng nanay ko noon dahil sa kagagawan mo, naawa ka ba sa akin?!"

Halos isang metro na lamang ang layo nito sa kaniya. May pag-iyak na siya habang balot na balot ng takot ang buong pagkatao. Lumingon siya sa likuran. Kung sakaling tatalon siya ay kailangan pa niyang umakyat sa mahigit kumulang na dalawang metrong steel fence. Hindi rin siya sigurado kung sa pagbagsak niya mula sa ika- siyam na palapag ay mabubuhay pa siya. Ngunit isa lang ang alam niya, hindi siya bubuhayin ni Benjie. Sa hitsura nito ngayon na animo'y demonyong walang-awang pumapaslang ng tao ay malabo siyang kahabagan nito. She thought she rather take the risk. Nang akmang sasampa na siya sa fence ay umimik muli ito.

"Hey, hey, don't try that dare devil act unless you know how to fly..."

Ngunit hindi niya pinakinggan ito. Hirap man sa pag- akyat ay pilit niyang inaangat ang sarili. Ngunit bukod sa may sugat niyang kamay at masakit na binti ay alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kakayaning ihulog ang sarili sa ganito kataas na gusali. Naghihinagpis na bumaba siyang muli mula sa steel fence bagaman hindi pagasinong nakaaakyat. Walang nagawa kundi ang mag-iiyak sa sinapit na kapalaran. Biglang naramdaman niyang hinablot siya ng lalaki.

"Good girl." sabi nito. "You know I'm sick and tired of you wasting my time! Alam mo bang winala mo pa iyong straight razor na gagamitin ko sa lahat ng babaeng pinapatay ko. May sentimental value kaya 'yun, gaga ka!"

Halos mabingi siya sa pagsasalita nitong malapit sa kaniyang tenga. Panay ang pag-luha niya sa mga oras na iyon. Hindi mawala sa kaniyang isip na maaaring ito na nga ang katapusan niya. Kung sana'y sinunod niya ang payo ng kaniyang kaibigan kanina na tumawag sa kaniyang ina. Disinsana'y nakapag- usap pa sila nito kahit pa iyon na ang kanilang magiging huling pag-uusap.

"Good thing I have a backup plan..." biglang sabi nito habang inilalabas ang isang butterfly knife sa likod na bulsa ng pantalon nito.

He grabbed her closer to his body. Then put the knife on her throat. She can hear her heart beats faster and her body shaking uncontrollably. Though she tried to free herself from his tight embrace, he undeniably overpowered her.

"Sakaling mapatay mo man ako Benjie, mananagot ka pa rin sa batas sa mga ginawa mong krimen!"

"Shhh...I don't give a damn!"

Tila napikon ito sa sinabi niya kayat mas dinait nito ang patalim sa kaniyang leeg.

"Tapos na tayong maglaro, Joyce. Kaya oras na para tapusin ko naman ang buhay mo...!"

Sa pagkakataong iyon ay batid niyang mamamatay na siya. Kayat ipinako niya na lamang ang tingin sa langit. Naghihintay sa mga anghel na sasalubong sa kaniyang sa oras na ganap na malagutan ng hininga.

"Put your weapon down, now!"

Hanggang isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa kanilang atensyon.

Chapitre suivant