Kagagaling lamang ni Benjie sa gym kayat pagkapasok na pagkapasok sa inuupahang unit sa isang condominium ay pabagsak siyang umupo sa couch doon. Halatang pagod sa buong araw na pag-tratrain sa kaniyang tatlong kliyente ngayong araw. At the end of the day, it's still very exhausting though he's been doing it for almost six years. Hindi niya tuloy maiwasang magbalik- tanaw sa kung papaano siya nakapasok bilang isang personal trainer sa pinapasukang gym. Kung paanong ang dating tila wala ng direksyon niyang buhay ay nagawa niyang ibangon, magsikap at pagtagumpayan ang kapalaran.
Second year college siya noon ng magsimulang hindi na sila suportahan ng kaniyang ama. Palibhasa'y may una na itong pamilya at silang tatlong magkakapatid ay maituturing ng mga illegitimate child nito sa kaniyang ina na kabit nito. Wala siyang nagawa noon kundi suportahan ang kaniyang sarili sa pag-aaral. Pumasok siya bilang service crew sa isang fastfood chain habang night shift naman ang kaniyang klase sa pinapasukang paaralan. Lubhang naging mahirap sa kaniyang pagsabayin ang pagtratrabaho at pag-aaral kung kayat labag man sa kaniyang kalooban ay hindi na rin siya nagpatuloy pa sa pag-aaral. College undergraduate siya kung kayat hindi naging madali para sa kaniya na pumasok ng trabaho.
Hanggang sa nakilala niya si Claudia Hernandez, isang handler ng mga ramp model. Hindi inaasahang mapansin siya nito isang araw habang nakapila sa labas ng isang building upang mag-apply sana bilang agent sa isang insurance company sa Quezon City. Nilapitan siya nito upang alukin kung interesado siya na pumasok sa larangan ng pagmomodelo. Nagawa siya nitong kumbinsihin kayat isa siya sa mga hinawakan nitong tao sa loob ng mahigit isang taon. Sa edad na 20, isa na nga siyang ganap na modelo. Noong una ay nasisiyahan siya sa ginagawa sapagkat bukod sa kumikita siya ng maayos busog na busog ang kaniyang mata na libreng nakikita ang mga babaeng modelong hubot hubad na makikita sa dressing room. Tila balewala na sa kanilang lahat na nagkakakitaan ng mga ari ang isa't isa. Subalit ng mahaluan na ng iba't- ibang bisyo ang kaniyang pamumuhay bunga na rin ng impluwensiya ng mga nakakatrabaho ay tila wala ng pinupuntahan ang kaniyang kita. Party pills on rave party, meeting girls in bars, sex in everywhere possible and even gambling in high-end casinos. Whatta lavish lifestyle he had way back then! But not until his handler drops him because he forgot to take care of his investment- his body. He's not anymore the neat, good- looking and masculine Benjie but instead he turned into a wasted, haggard and skinny jerk.
Sa paglalayong muling makabalik sa industriya ay nagsimula siyang pumunta sa gym. Nagsikap siyang muling maibalik ang kaniyang dating pangangatawang noo'y sinira ng kung anu- anong bisyo. Ang Genesis ay halos tatlong buwan pa lamang noong nag-ooperate. Kakaunti pa lamang ang personnel nito. Kayat nang mag-anunsiyo ito ng pangangailangan sa mga gustong mag- apply na personal trainer, agad siyang nagpasyang mapabilang dito. Natanggap naman siya. Ang katrabaho niyang si Mel ang naging mentor niya noong bago pa lamang siya rito. Ito ang nagturo sa kaniya ng mga bagay na dapat niyang malaman at gawin as personal trainer. Hindi nagtagal ganap niyang natutunan ang trabaho at nagustuhan niya ito. It's like working without feeling that you are working at all para sa kaniya. Kung kayat magpahanggang ngayon ay patuloy niya itong ginagawa.
Mga katok ang pumukaw sa kaniyang pagmumuni- muni. Agad siyang tumindig upang buksan ang pinto. Bahagya siyang nagulat sa hindi inaasahang bisita. Ang kaniyang nakababatang kapatid na bihirang- bihira na bumisita sa kaniya. Si Raymond.
"Pasok…" sabi niya.
"Nagtext ako sa'yo. Nabasa mo ba?"
"Hindi. Kararating ko lang. Hindi pa ako tumitingin sa cellphone ko.Bakit?"
Magkaharap silang umupo sa sala.
"Si mama. Parang lalong humihina ang katawan niya..."sagot nito. " hindi na halos siya makatayo sa kama kaya lagi na lang siyang nakahiga."
Walang reaksyon sa mukha niya. Sa totoo lang, wala siyang naramdaman sa sinabi ng kapatid. Ni katiting na awa o pag-aalala.
"Nung nag-chemo siya last week, ang sabi ng doktor, nag-metastasis na daw yung cancer niya sa baga…" patuloy nito. "kumalat na rin sa iba pa niyang vital organs, sa atay, sa kidney…"
Nakikipaglaban sa Stage 4 lung cancer ang kaniyang ina at halos kalahating taon na itong sumasailalim sa chemotheraphy. Malamang sa hindi ay malabo na ngang isiping malalagpasan pa ng kaniyang ina ang kalagayan nito dahil tila walang improvement na makikita sa kalusugan nito. Tila balewala na ang pinagdadaanan nitong procedure at iniinom na mga gamot.
Hindi pa rin siya nagsalita. Sa loob- loob niya, wala naman siyang magagawa upang mapabuti ang lagay ng kaniyang ina. Hindi siya doktor at lalong- lalo wala siyang kakayahang gumawa ng himala. Tanging pagbibigay lamang ng tulong pinansiyal ang kaniyang kayang gawin na ginagampanan naman niya sapagkat nagpapadala naman siya ng pera sa mga kapatid na nag-aalaga sa ina. Kaya tila nagtataka siya kung bakit kailangan pang personal itong ipaalam sa kaniya ng kapatid.
"Kuya, madalas niyang binabanggit ang pangalan mo, hinahanap ka niya…" patuloy nito. "Baka naman makakasaglit ka sa Angono…"
"Huh!" singhal niya.
Ito ang namutawi sa bibig niya. Isang sarkastikal na reaksyon. Hindi dahil sa sitwasyon ng kanilang ina sa ngayon kundi iyong tungkol sa huling sinabi ng kaniyang kapatid. Na tila nais siyang makita ng personal nito. Para ano? Sa loob- loob niya. Hindi ba pwedeng tawagan na lang siya nito o video call kaya? Bakit kailangan pang magkaharap silang muli na mag- ina?
"Ano namang magagawa ko sa kalagayan ni mama ngayon, Raymond…" sabi niya. "Kahit pa pumunta ako doon, hindi ko rin naman maaalis ang sakit niya…"
"Kuya alam ko kung gaano na lang ang hinanakit mo kay mama pero kahit sana sa pagkakataong ito ay madalaw mo man lang siya."
"Hindi na Raymond. Wala rin naman akong maitutulong para guminhawa ang pakiramdam niya."
"Hindi sa ganun, kuya. Ang makita ka lang ni mama, malaking bagay na iyon, sapat na 'yon."
"Hindi nga, Raymond. Anong,…? Ano bang saysay na magkita pa kami?"
"Malaki kuya Benjie, malaki…"
"Hay naku, masyado lang kayong nadadala sa pagiging emosyonal ni mama-"
"Kuya hindi mo ba naiintindihan?" tila mangiyak- ngiyak ng sabi ng kapatid niya. "Bilang na ang araw ni mama."
Muli siyang nanahimik. Wala naman talaga siyang magagawa kung ganoon na ang sitwayon. Pinakikiramdaman niya ang sarili ngunit tila parang bato ang kaniyang dibdib. Wala siyang nararamdamang anumang kirot o awa.
"Pwede bang iisang-tabi mo muna ang sama ng loob mo kay mama?" pagsusumamo nito sa kaniya. "Magpakita ka sa kaniya, kahit saglit lang."
Tumingin siya sa kapatid. Naluluha- luha na ang mata nito. Bakas ang labis na pangamba para sa inang may sakit. Ibinaling niya ang tingin sa ibang bagay upang iwaksi ang tingin sa nagdadalamhating kausap. Ewan ba kung bakit hindi siya makadama ng lungkot. Tila hindi siya apektado sa kung anong pinagdadaanan nito.
"Hindi ako mangangako, pero… titingnan ko…" sabi niya.
Sinabi niya ito hindi dahil may posibilidad na gawin niya talaga ito kundi dahil nais niya lamang na tumigil na ang kapatid sa pagsusumamo sa kaniya.
"Mabuti naman kung ganoon." wika nito. "Sana sa lalong madaling panahon, magkita kayo ni mama."
Napabuntong- hininga siya. Eh ano ba kung hindi niya tuparin ang kaniyang salita, sa isip-isip niya. Kung sumama man ang loob ng kaniyang mga kapatid sa bagay na ito, alam niyang mapapatawad din siya ng mga ito.
"Sige kuya, hindi na ko magtatagal pa at kailangan ako sa bahay."
"Sige ingat ka. Saka tumawag ka lang kung kailangan n'yo ng pera."
Tumango ang kaniyang kapatid bago ito umalis.
Isang mahabang pagpapakawala ng hangin mula sa kaniyang bibig ang kaniyang inilabas ng mapag-isa. Hindi niya lubos maisip na ang taong nagpahirap, nanakit at labis na nang-api sa kaniya noon ay nasa banig ng karamdaman ngayon. Wala ng lakas, ni hindi maibangon ang sarili at malapit ng lumisan sa mundong ibabaw. Marahil, kapalaran na ang gumawa ng paraan. Ito na ang ganti sa kaniyang pagiging malupit noon. Ngayon siya naman ang pinagmamalupitan, pinagkakaitan ng hininga ng buhay.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Si Mady. Nagpapasalamat ito sa naging dinner nila few days ago. Though it was just an ordinary dinner for him, some sort of getting to know more about his client actually. Para naman sa babae, isa itong espesyal na pangyayari sa pagitan nilang dalawa. Na para bang naglevel up ang kanilang ugnayan. From client- trainer relationship into client-trainer turns to suitor relationship.
'Thanks for the wonderful dinner we had last Saturday. I really enjoyed it 'coz it made our connection with each other more than just training partners.'
Nakasaad sa text nito. Tila ba napakadali nitong mabola, sa isip niya. Kung sa bagay, iyon naman ang gusto niya, ang makuha agad ang loob nito. As it turns out, it seems that the girl is too easy to convince. Sa lahat ng babaeng nakilala niya, ito marahil ang pinaka madaling mapaniwala. Konting pagpuri sa mga attributes nito ay para bang kinikilig na ito pansin niya. Although she takes those compliments humbly he knows for a fact that she likes being admired. Sa pagkakataong ito, alam niya, hawak na niya ang babae sa mga palad niya. He's now the one in control.
'Yeah, I hope we can do it more frequent Mady. Bein' with you makes me wish the clock stops from tickin' so we can have more time. I'm happy that you enjoyed bein' with me though.'
Reply naman niya. Batid niyang pumapalakpak na naman ang mga tenga nito sa mga salitang iyon. Tila alam na alam na niya ang kiliti nito. Nagulat siya ng biglang nag-ring ang cellphone. Tinatawagan na siya ni Mady. Agad niyang sinagot ang tawag nito.
"Hi Mady,what's up?"
"Hi Benjie, no nothing important…" sagot nito. "It's just about, your text message..."
"What about?"
"Regarding with… goin' out to be more frequent…"
"Oww, yeah, sorry. I, I thought. That's, that's actually a request. I'm, I'm not pushing you though… I mean, would you? No, what I mean is can I, say, ask you again to have dinner with me?"
He makes it sound like he's messing up of words to say. Sinadya niyang kunwari ay nalilito sa mga sasabihin upang isipin nito na tila nawiwindang siya kapag kausap ito.
"Hahaha. Benjie nakakatawa ka. " sagot nito. "Okay. How 'bout on Wednesday? City of Dreams Manila, 8 PM. "
Napangisi siya bago nagsalita. "Yes. I'll meet you in there. Tuesday. No, I mean Wednesday. Wait, what? I'm sorry but, is that the big hotel casino in Paranaque? "
Natawa na naman itong muli. "Ano ka ba Benjie. You are so messed up."
"Sorry Mady, I'm just too excited..."
"Talaga lang, ha." malambing na sabi nito. "Yeah along Asean Avenue. Don't you worry, dinner's on me."
Honestly, he hasn't eaten in there yet. Tila pang- upper class yatang lugar iyon, sa loob-loob niya. Wala namang problema at ang babae pa ang nag-alok na sasagot ng gastos. Pagsinusuwerte nga naman, makakatagpo pa ng utu- utong babae.
"Okay. Salamat Mady, bye."
"Bye, Benjie. See you soon…"
Ganoon lang kadali, sabi niya sa sarili. Matapos ang ilang minutong pagpapanggap ay tila makakasilo na naman siya ng babae. Alam niyang madali niyang mapapaniwala si Mady na may gusto siya rito at hindi magtatagal magiging katipan niya ito. Konting pakagat lang ang gagawin niya at siguradong madali rin itong bibigay sa kaniya. He is a genius in exploring woman's desire and he'll be doing it again… to seek revenge…