webnovel

One Was Gone Then Another Came Around

Nakipagfist bomb si Benjie sa kapwa trainer na si Mel pagpasok sa lobby. Halos magkasabay lang kasi silang dumating sa pinapasukang fitness center. Its just 8:00 in the morning pero jam-packed na ang nasabing gym sa mga kliyente nito kahit pa araw ng lunes. Siguro dahil na rin sa massive marketing strategies ng kumpanya at word-of-mouth ng mga client nito kung kayat madaming tumatangkilik sa kanilang serbisyo.

"Parang bagong tabas ka, bro.." puna ni Mel sa kanya bagong gupit na buhok.

"Oo, I want to start the week fresh. New day, new start.." sabi niya ditong nakangiti.

"Yeah, its gonna be a hell of a week. I have three trainees everyday, 6 days a week and its very exhausting.."

"Ganun talaga bro, bread and butter natin 'tong trabahong 'to." sagot niya habang itinapat sa biometrics ang kanyang hinlalaki na sinundan din naman ng kasamahan niya.

Nang tuluyang makapasok sa gym ay agad nilang tinungo ang locker room upang ilagay ang kanilang mga gamit.

"Ikaw ba ilan ang trainee mo?" tanong ni Mel sa kaniya.

"Same with you pero nabawasan na ko ng isa,.." sagot niya saka tumingin sa kausap. " si Samantha, you know her right?"

"Ow, yeah, yeah… its very tragic I know. Alam mo ng mapanood ko sa news yung nangyari, talagang I was so shooked. How can someone do that to her?"

Hindi siya sumagot at tanging kibit- balikat lamang ang naging tugon habang abala sa pagbrobrowse sa hawak na cellphone. He doesn't care. He believed that she just deserved what happened to her.

"She seems nice, right? Pero the fact na sa motel siya pinatay, maybe she's having an affair and maybe that leads her to her own death.."

"Honestly bro, I don't know a thing. She doesn't tell me anything about her personal life."

"Yeah, I know. I just feel sorry for her.."

Isinilid na niya ang cellphone sa dalang gym bag saka nagsimula ng maglakad patungo sa hallway. Tila hindi siya interesadong pag- usapan pa ang babae. 'Sino ba siya? Isa na lamang siyang bahagi ng kasaysayan ng Genesis Fitness Center.'

"Ganun talaga ang buhay, if your time is up, its up." maiksi niyang dagdag.

Hindi na sumagot pa si Mel sa kanya ngunit tila may naalaala ito.

"Wait Benjie, di ba client mo din si Ms. Cathrize Guzman? Yung namatay din last year?" magkasunod na tanong nito. "… and if I remember it right, parang sa motel din yata iyon namatay."

Natigilan siya sa paglalakad bago hinarap ang mapag-usisang katrabaho. It's very annoying on his part to dig up past events. Wala ng halaga sa kaniya ang mga babaeng pumanaw. Ni hindi na nga niya tanda on what exact date niya pinatay ang isang iyon. Bahagya siyang tumango.

"Maybe its just purely coincidental." matipid na tugon niya saka nagpatuloy sa paglalakad.

'Ahh, that Cathrize…, how can he forget. Siya lang naman ang kauna- unahang babaeng nakatikim ng bagsig ng kanyang galit. Ang unang dugong bumahid sa kanyang mga kamay. Ang unang buhay na kanyang inutang. It was a great experience though because he got her virginity but life no matter how precious is meant to have an end. It was cut short due to infatuation as well as stupidity. Ohh, Cathrize, long gone but will always be remembered. May you rest in peace…'

Dahilan sa ayaw niyang makabuo si Mel ng konseptong namatayan siya ng mga kliyente sa parehong paraan. Minabuti niyang ayain na ito palabas ng locker room.

"Come on bro, let's go baka nandiyan na iyong mga client natin.." yaya niya rito.

Habang nagsisimula ng bahagyang magjogging sa hallway patungo sa mismong loob ng gym ay namataan nila si Mr. Jimenez ang owner ng gym.

"Good morning, sir." Magkasabay nilang bati.

"Good morning." tugon nito. "Benjie, may dumating na isang client nasa lobby siya ngayon, she's willing to have a personal trainer. Would you take it?"

"Okay lang, sir. If it fits my schedule, I will accept it." sagot niya.

Tumingin muna siya kay Mel upang arukin ang pagsang-ayon nito sa kanya. Itinaas naman nito ang hinlalaki tanda ng pagpapaubaya sa kanya nito sa pagkakataon madagdagan ang kliyente. Kung sa bagay, hindi na din naman nito ma-aaccommodate pa ang bagong client sapagkat full load na ito sa trainees.

"Alright. Mag- usap kayo regarding that. Come with me and I will introduce you to her."

Magkasunod silang pumunta ng kaniyang boss sa kinaroroonan ng kaniyang potential client. He already has a hint that the client is a female because most of the time sa kanya ini-rerefer ng kanyang boss ang mga babaeng kliyente. He does not have any idea but he likes it though. Gustong- gusto niya kasing magpahirap sa mga babae lalo na on their first month of training. Iyong halos hindi makabangon sa sakit ng mga kasu- kasuan the day after the actual training. He likes it when he sees them suffer and struggle to complete a hard routine.

"Ms. Madison Cortes, I would like you to meet Mr. Benjie Dela Cruz, your personal trainer." pagpapakilala ng kaniyang boss sa babae.

Agad niyang iniabot ang kaniyang palad upang kamayan ito. Sa pagtindig nito ay batid niyang mahaba- habang panahon ang kaniyang gugugulin sa pagiging personal trainer nito. The girl who looks like in her thirties is overweight with plenty of bulges in her belly. She has sagging arms and doubled-chin. But she looks classy with what she wears. Although mataba magaling itong manamit. Bumagay ang low plunging neckline nitong blouse sa pigura kung saan na-eemphasize ang lusog ng mga dibdib nito. Samantalang isang capri pants naman ang katerno nito na hapit na hapit sa namimilog nitong balakang. Hindi ito nalalayo sa mga contestant na sumasali sa sikat na reality tv show na Revenge Body with Khloe Kardashian.

"Good to see you Ma'am." nakangiti niyang sabi habang iniunat ang palad upang makipagkamay.

Tinugon naman nito ang kaniyang pakikipagkamay habang tila nagniningning ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Maluwang ang pagkakangiti nito sa kanya kitang- kita niya ang eagerness nito na magkaroon ng isang fitness coach. Batid niyang magiging magaan ang loob nito sa kanya. Sa pagkakatitig nito sa kanya ngayon, alam niyang may paghanga itong naramdaman sa kakisigan niya. Basang- basa na niya ang isip ng mga babae, sa tuwing titingin siya sa mga mata ng mga ito ay tila napapasok niya ang laman ng utak nito. He know exactly what's on their head merely by the way they look at him. Isa siguro iyon sa katangian niya ang makaalam ng saloobin ng isang babae sa pakikipag- usap sa kanilang mga mata. Natitimbang niya rin ora mismo kung ang isang kliyente ay magiging reactive o submissive sa kanya. He prefers the latter because of the unexplainable delight it brings to him. And he can sense it right now.

"Si Benjie ang isa sa mga magagaling naming trainer dito sa gym," pagpapatuloy ng kaniyang boss. "at pinakamagandang lalaki na rin siyempre, di ba Benjie?"

Nag-alangan siyang sumagot kayat mas ginusto niyang magpailing- iling habang natatawa sa kanyang boss. Isa pa'y ayaw niyang maging arogante sa harap ng bagong kliyente. Muli ay nasulyapan na naman niya ang mga mata nitong nagniningning habang pasulyap- sulyap sa kanya. Tila naaalaw pa itong masyadong tumingin ng direkta sa mukha niya.

"Okay, I'll leave you both so you can talk about your schedules." pagpapaalam nito. "Again Ms. Cortes, thank you for choosing our gym."

"Salamat din, sir." tugon naman ng babae.

Parang tila nailang naman ang babae ng maiwan silang dalawa. Upang makaiwas na direktang tumingin ito sa kaniya ay ibinabaling-baling nito ang pansin sa paligid. Alam niya kapag ang babae ay hindi makatingin ng diretso sa kanya. Matindi ang atraksyong pinaglalabanan nito. May hitsura din naman ang babae though malapad nga ang mukha nito.

"Maam, do you want to look around? I can show you the amenities this gym has to offer, if you want." tanong niya dito.

"Maybe some other time, I, I'm sorry but I'm not really familiar with anything in the gym so maybe, I mean, I maybe the kind of trainee that will give you a lot of hard time…" sagot nito.

'Yeah, big time.' Sa laki ng babaeng kaharap niya ngayon ay talagang alam niyang isang challenge na maging trainer nito. And she doesn't even need to say that she knows nothing in the gym because it shows. Hindi pa man lamang ito marahil nakabuhat ng mga magagaang dumb bells maliban sa kutsara't tinidor na madalas nitong inaangat patungo sa bibig.

"No, Ms.Cortes, never, never think that way." sabi niya rito. "Just look on your goals, or the reason why do you want to undergo a fitness program. We're together on this, in reaching your fitness goal…"

Napatingin itong muli direkta sa kaniya at muli nasilayan niya ang kumikinang na mga mata nito. Bihasang- bihasa na siya sa mga magagandang salitang kailangang marinig ng isang kliyente. Alam niya kung papaano paniwalain na ma-aachieve ng mga ito ang mga pinapangarap na pigura. Kahit pa sa isang ito, ipagpalagay ng its easier said than done.

"That's, that's very encouraging. " sagot nito. "And please just call me Mady."

"Okay, Mady, anong schedule ang convenient para sa'yo?" tanong niya rito.

"Maybe I should ask you first kung anong schedule ang available ka para makapag- adjust ako…"

"No, Mady, you tell me what time and days are you willing to come here and I'll be the one to adjust on your schedule."

He just wants it to sound nice. A new client must be served well and he wants her to feel that she's someone more important than the others. That she's being prioritize. Gusto niyang agad ng mahulog ang loob nito sa kanya sa simula pa lamang. And he knows how to play it damn well.

"Actually, about that, I think I prefer to be in here on wednesday, friday and Saturday. I mean if, if that's okay with you…?" tanong nito

"Yeah, yeah, sure, no problem…" agad namang sagot niya. " just wear what you are comfortable with, bring a lot of water to drink and just feel relax, no pressure."

"Sige, magkita na lang ulit tayo sa Wednesday," sabi nito. "How 'bout 10:00 am?"

"Uhmm… okay that's fine, sure do." nakangiti niyang sabi kahit pa alam niyang meron na siyang schedule para sa nasabing oras.

Kakausapin na lamang niya ang trainee sa nasabing oras para mailipat ng ibang schedule. Bukod kasi sa ayaw niyang mawala sa kanya ang isang contract na ito with the new client, may mas maganda siyang plano para sa babae.

Chapitre suivant