webnovel

Facing 'Danger'

Dollar's POV

"Ano ba talagang ginagawa natin dito?" nayayamot kong bulong kay Vaughn.

Pero sinenyasan lang niya 'ko na tumahimik at may sinilip siya sa kanan. Naiinis at naiinip na 'ko sa totoo lang.

Kalahating oras din kaming bumiyahe at nakalabas na kami sa bayan ng Flaviejo at pagkatapos iparada ang kotse sa talahiban, naglakad naman kami ng mga sampung minuto papunta dito sa lumang bahay na nakatayo sa gitna ng gubat. At mas mukhang tinitirahan ng mga adik kesa mga multo. Sobrang dilim. Walang gamit ang buong bahay, basag ang mga salamin ng bintana at puro nagkalat ang bote ng beer. Mukhang madalas magkaroon ng away dito. Andami ring mga kahina-hinalang kahon at sa likod nga ng mga iyon kami nagtatago.

Ewan ko lang kung bakit kami nagtatago sa ilang kalalakihan na mukhang mga pugante na nag-iinuman sa di kalayuan.

"Vaughn? Huy." kinulbit ko ulit siya at sinenyasan lang niya ako ulit na tumahimik. "Ibubugaw mo ba 'ko sa mga lalakeng 'yan na mukhang mga gagambang bahay? Huh?"

"Ssshhh! Wag kang maingay. Gusto mo bang pulutanin ka ng mga 'yan pag nakita ka nila?"

Subukan lang nila! Pero tumahimik na din ako. Medyo natakot din ako sa pagmumukha ng mga lalakeng iyon na parang walang sasantuhin.

Mayamaya ay may dumating na isa pang lalake. In black leather jacket. Naka-bull cap kaya di ko masyadong makita ang mukha bukod pa sa medyo madilim nga. Pero ibang-iba ang bulto ng katawan kesa sa mga nag-iinuman na mga lalake na mukhang mga butete.

"Sino yan?" bulong ko kay Vaughn.

"That's Jaguar." turo nya sa lalake.

Hmn... The name definitely suits him. Napaka-predatorial ng arrive niya. And he's lowering his head not because of cowardice but for aim.

Naglalakad ang lalake nang walang pagmamadali at sigurado sa mga hakbang. That Jaguar was born a warrior, perhaps.

At nang naramdaman ng mga nag-iinuman ang presensya niya ay nagsitayuan sila dahil sa gulat sa bagong dating. Nagsipagbunutan ng baril ang mga lalake pero naunahan na agad sila nung 'Jaguar'. At binaril ang mga kamay ng mga ito kaya tumalsik ang mga hawak nilang baril.

Teka... hindi ba siya kakampi ng mga lalakeng iyon? O... hindi ba siya ang leader nila?

"Vaughn...papatayin ba niya sila?" kinakabahan kong tanong sa katabi ko. Potek! Ang ganda-ganda ng gabi ko tapos patayan ang makikita ko? Bakit ba ko sumama sa lalakeng 'to?!

"No.That's not his style. D'you know about acupressure? He'll just make his targets paralyzed for long period of time"

Binalik ko ang tingin sa 'Jaguar' at gusto kong kilabutan kahit di ko nakikita ang mukha niya. "S-So dying is better?"

"Exactly."

"Exactly ka dyan." nanggigigil na ko."Bakit mo ba talaga 'ko pinapunta dito?! Ayoko pang mamatay."

"Well... that's for you to answer" at payuko siyang tumakbo palayo sa pagkagulat ko.

"Huy. Vaughn."

Pero nawala na sya sa dilim.

Gusto ko sanang sumunod pero umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril. Damn you, Vaughn! Sa isip ko na lang siya minura dahil baka marinig pa 'ko ng mga lalake sa di kalayuan.

Sh*t! Sh*t! Sh*t talaga! Wala akong balak gumaya sa mga pelikula kung saan lalabas daw ako para magpakabayani! Pakelam ko ba sa mga lalakeng to!

Sabi ni Vaughn dadalhin niya ako kay Rion. Langyang terorista yun! Ang tanga ko talaga! Pano 'ko aalis dito nang hindi nila 'ko nakikita?!

Binalik ko ang tingin ko sa mga lalake na nakabulagta na sa sahig. Hindi pa naman sila patay, dumudugo lang ang mga kamay at mukha ngang mga... paralisado.

Maa-appreciate ko sana ang fighting prowess nung tinawag ni Vaughn na 'Jaguar' kung nasa bahay lang ako at nanonood ng action movie, pero hindi eh! Live 'to!

Lumingon-lingon yung lalake na naka-black leather jacket. Siniksik ko lalo ang sarili ko sa mga kahon. Syete ka talaga Vaughn! Wag kang magpapakita sakin!

Marunong akong lumaban pero di naman ako tanga para hamunin ang ganito kalakas na lalake. At isa pa, wala man lang akong baril o kahit blade! Hand to hand combat? No. That'll be absolute suicide. Iyon ngang mga lalake napatumba niya, paano pa 'ko na hanggang leeg lang niya yata?

Naglakad siya palapit sa mga kahon at binuklat ang mga iyon na ilang dipa lang ang layo sakin.

Hindi ako kumukurap at palagay ko, pigil-pigil ko din ang paghinga ko. Nabuksan niya ang isang kahon at sinipa para kumalat ang mga laman non. Pake-paketeng shabu!

Tae talaga! Napapalibutan ako ng mga kahon-kahong droga! Langya ka talaga Vaughn!

Gusto kong umiyak sa takot, pagsisisi at kamiserablehan ng sitwasyon ko. Kundi ako lumabas ng kwarto sana kumpleto na ang gabi ko dahil sa moment namin kanina ni Rion. Me and my curiosity!

If curiosity kills the cat, it'll also be the reason of my demise!

Lumibot pa yung lalake sa bunton ng mga kahon na pinagtataguan ko. Di ko pa din makita ang mukha niya dahil liwanag lang ng buwan ang tumatagos sa mga basag na bintana. Pero kahit di ko na makita ang mukha niya basta wag lang na ako ang makita niya!

But come to think of it... masama ba ang mga taong lumalaban sa kasamaan? Kahit mali ang way nila? Sigurado ako na iyong mga lalakeng nakabulagta ang drug dealer o pusher o kahit ano pang tawag sa kanila.

Is this 'Jaguar' the villain or the hero?

"Stand up!"

Nagulantang ako sa boses niya.

Shi*! Nahuli na ba 'ko? Mamatay na 'ko!

Nawala ang mga kahon sa harapan ko at ang pumalit ay dulo ng baril. Unti-unti akong tumayo at hindi hinihiwalayan ng tingin ang baril na nakatutok sakin.

"A-Are you going to kill me?" pabulong kong tanong sa kanya at tiningala sya.

Di ko pa din makita ang mukha niya.

There's really something familiar with this man. Pero di ko matukoy. Unti-unti nyang binaba ang baril pero di ibig sabihin niyon ay ligtas na ako. Malamang kaya niyang pumatay ng tao na gamit lang ang kamay. O baka gahasain nya 'ko!

"P-Papatayin mo ba 'ko?" tanong ko ulit.

Hindi sya nagsalita. Parang natigilan saglit.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na magsalita. Siguro dahil kahit ang morbid ng mga iniisip ko...may part sakin na nagsasabing kumalma at magtiwala sa lalakeng 'to. Hindi kumikilos sa pagkakatayo ang lalake sa tapat ko pero ramdam ko ang pagtitig nya sakin. Dapat na ba 'kong tumakbo?

"You're not going to kill me, right?" Sinubukan kong huwag mautal.

He slowly shook his head no at saka naglakad palabas ng bahay. Natigilan ako sa kinilos niya pero nakahinga na 'ko nang maluwag. Lumabas na din ako ng bahay at halos magkandadapa ako dahil sa mga natuklap na tiles sa sahig.

Nakita ko 'yong lalake na nasa ilalim ng puno, may tinatawagan sa cell phone at nakatingin pa din sa direksyon ko. Hindi ko marinig dahil sa layo namin. Marahan akong naglakad at hindi din hinihiwalayan ng tingin iyong lalake. Madilim sa kinakatayuan niya dahil sa malalagong dahon ng puno. Pasimple kong nilibot ang tingin sa paligid pero di ko talaga matandaan kung saan kami kanina dumaan ni Vaughn.

Gustong-gusto ko ng umuwi pero baka lalo lang akong maligaw.

Naglakad ako papunta sa kanan at muntikan na ulit akong madapa dahil sa naka-usling bato pero nakabawi agad ako.

"Left."

It was the man's voice.

Nilingon ko siya. "H-Huh?"

Pero di na siya nagsalita. He just tilt his head to the left direction.

"S-Salamat." Naglakad ako sa tinuro niyang direksyon. Pero nakakasampung hakbang pa lang ako nang di ko mapigilan na lingunin siya.

Nakasandal na siya sa puno at nakapamulsa. Ramdam ko pa din ang pagtitig niya sakin.

I think.....I know him....

^^^^

Hindi ito ang dinaanan namin ni Vaughn kanina. Pero mas malapit 'to kahit masyadong masukal. Muntik-muntikan na 'kong masabit sa mga ugat ng puno pero lalo kong binilisan nang matanaw ko na ang highway.

Nakarating ako sa gilid niyon at dalawang sasakyan pa lang ang dumadaan. Hindi imposible lalo na dahil gabing gabi na...o madaling araw na yata.

Pero pano ba 'ko uuwi neto? Maglakad? Malamang umaga na 'ko makakadating sa bayan ng Flaviejo.

Gusto ko na namang murahin si Vaughn. Grrr! Kainis!

Sinimulan kong maglakad at mayamaya ay may tumigil na sasakyan sa tabi ko. Kotse ni Vaughn! Hindi pa siya tuluyang nakakababa nang sinugod ko siya at pinagsisipa.

"Aw! Stop it!"

"Langya ka! Hayop ka! Bakit mo 'ko iniwan?!"

"Why? Sinaktan ka ba niya?"

"Hindi!"

"Hindi naman pala, so what's the fuss?"

"Anong what's the fuss?! Akala mo ba normal sa'kin na makakita ng bakbakan o makaharap ng vigilante? Eh kung sinaktan niya pala 'ko?!"

"I know he'll never do that."

"H-Huh?" Natigil ako sa pagsipa sa kanya. Gusto ko talaga siyang murahin ng diretso, nagpipigil lang ako.

"Be calm, Dollar. Kung hindi mo nakaya iyong mga nakita mo kanina... paano pa sa mga susunod?"

"W-What do you mean?!"

Seryoso niya 'kong tiningnan at saka umiling. "Nothing... sakay na."

Gusto ko pa siyang tanungin pero nauna na siyang pumasok sa sasakyan. Padabog din akong pumasok at umupo sa front seat.

"Galit ako sa'yo, Vaughn! Tandaan mo!"

"Suit yourself." Balewala niyang sagot saka pinaandar ang kotse.

Chapitre suivant