webnovel

Kabanata 350

Kinagabihan,

Katatapos lang maligo ni Patrick at kinuha nya yung blower para tuyuin yung buhok nya habang busy naman sa cellphone nya si Kelly.

"Hindi ka ba maliligo?" Ang sabi ni Patrick kay Kelly.

"Hinde, tinatamad ako."

"Ha? Pero honey."

"Bakit, pag ba hindi ako naligo hihiwalayan mo na ko?"

"Honey naman…"

"Tuyuin mo na nga lang yang buhok mo at matulog ka na. Siguraduhin mo ring na inom mo na ang mga gamot mo."

"Na—Na inom ko na."

"Siguraduhin mo lang kapag nakita kong walang bawas yung lalagyan sa araw ngayon malilintikan ka sakin."

"Na inom ko na nga!"

"Sinisigawan mo ko?"

"Hi—Hindi naman ang akin lang kasi…"

Tumayo naman si Kelly at kinuha sa kamay ni Patrick yung blower "amina nga ako ng mag bo-blower ng buhok mo."

"Hi—Hindi na ayos lang."

"Ako na nga hawak ko na oh!"

Nanahimik namang bigla ang kapaligiran "cough… wifey, bukas Sunday gusto mong lumabas?"

"San naman tayo pupunta? Tsaka mag pa gupit ka nga ang kapal ng buhok mo."

"O—Oo bukas bago tayo mamasyal."

"Mamasyal tayo? San?"

"Kahit san. San mo ba gusto?"

"Ikaw ang nag aaya tapos ako ang tatanonungin mo."

"Eh… baka lang kasi may gusto kang puntahan bilang anniversary natin bukas."

"Anniversary? Hoy, matagal pa yung wedding anniv. natin masyado ka namang excited."

"Nakalimutan muna yung date kung kailan mo ko sinagot nung naging mag bf at gf tayo."

"Eh? Bukas na ba yon?"

"Um."

"Sorry, nalimutan ko na."

Humarap si Patrick at kinalong niya si Kelly sa lap nya "a—anong ginagawa mo? Mabigat na ko."

"Kahit maging dambuhala ka pa ayos lang."

"Ahhh… ganon sige bukas na bukas kakain ako ng kakain."

"No! Hindi pwede kailangan mong sundin ang diet mo."

"Yan ka eh no? Sabay bawi anyways, hindi ko alam na anniversary natin bukas wala akong gift sayo."

Hinalikan naman ni Patrick ang leeg ni Kelly at bumulong "kung gusto mo…ikaw nalang." Kinagat naman ni Kelly ang tenga ni Patrick.

"AHHHH…. Honey ang sakit."

Tumayo naman si Kelly at niyapakan pa ang paa ni Patrick "tigilan mo ko ha! Hindi ka na nahiya alam mong bawal yon."

"Na—Nag jojoke lang naman ako."

"Heh! Bahala ka diyan! Ikaw na ang tumapos sa pag blower ng buhok mo!"

At na higa na si Kelly at nag talukbong ng kumot "honey, sorry na hindi ko naman talaga yun gagawin."

"Mag tigil ka! Wag mo kong kausapin!"

***

Kinabukasan hindi pa rin kinakausap ni Kelly si Patrick kaya naman napansin na yon ng mga Dela cruz.

"Anong meron sa mag asawa?" Ang pabulong ni Faith kay Keith.

"Hindi ko alam mukhang mag ka galit na naman."

"Kausapin mo."

"Ba, ayoko nga mahirap magalit ang buntis."

"Haysss… kahit kailan ka talaga ako na nga."

Lumapit naman si Faith kay Kelly na naka upo sa may sala habang papataas naman ng hagdan itong si Patrick "babysis…"

"Ate Faith may kailangan ka?"

Naupo naman si Faith sa tabi ni Kelly at tinanong kung anong problema nung mag asawa.

"Wala ate medyo wala lang ako sa mood."

"Ahhh… sabagay buntis ka pero kung may kailangan o gusto kang sabihin andito lang ako ha?"

"Sige ate salamat."

Bigla namang may nag bukas ng pinto "I'm back!" Ang bungad naman ni Jules at excited naman sya ng nakita nyang agad si Faith "hep, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Ang sabi naman ni Keith at hinarangan nya si Jules.

"Ay, he—hello kuya andiyan ka pala. Hi Babysis."

"Anneyeong oppa."

"At bakit ka naririto? Biglaan naman ata." Ang sabi ni Keith at dahan-dahan namang tumayo si Kelly at umalis papunta sa likod bahay nila.

Tinabig naman sya ni Faith "wag mo nga syang takutin."

"Ehe… hindi naman ate sanay na ko kay kuya Keith."

Keith smirked "si Jules hindi mo kasama?"

"Hindi kuya, pero sabi nya pupunta rin daw sya dito mamayang gabi pagtapos ng duty nya."

"So, anong atin baby bro?" Ang sabi naman ni Faith na naka ngiti.

"Ahm… ano kasi ate…" napatingin naman sya kay Keith kaya naintindihan sya ni Faith.

"Cough… babe pakainin mo na sila Tum-Tum."

"Ha? Hindi ba sabi mo kapapakain mo lang?"

Tinulak naman sya ni Faith "lumakad ka na!!!"

"Oo na!"

At pag kaalis naman ni Keith lumingon si Faith sa kinauupuan ni Kelly "eh? Nasan na si Bunso?"

"Ah… nakita ko pumunta sa likod ate. May problema ba?"

"Wala naman nag aalala lang ako dun kasi mukhang mag ka away na naman yung mag asawang yon eh."

"Eh? Bakit raw?"

"Hayaan mo na bigyan na muna natin sila ng space. So, anong gusto mong sabihin sakin?"

"Ah… eh… kasi ate…"

Habang nag uusap naman yung dalawa nila Faith at Jules kausap naman ni Kelly sa may kubo nila sa likod si Jacob na gumagawa ng assignment "weh? Wag ako tita ganyan rin si Mommy kay Daddy kapag nag aaway sila."

"Hmm? Wala nga hindi kami magka galit ng tito Patrick mo."

"Kung ganon po eh bakit andine kayo?"

"Ha? Bakit bawal na ba ako dine? At maka pag interrogate ka parang mas matanda ka sakin ah."

"Eh kasi naman po tita ganyan naman kayo kapag galit o nag tatampo kayo kay tito Patrick kinakausap nyo ko pero lutang kayo. Tsaka hindi po ba anniversary nyo ngayon?"

"Eh? Bakit mo alam?"

Jacob sighed "tita naman ako ang witness sa inyo ni tito Patrick ako pa nga noon ang nag sinungaling para sa inyo kila daddy di ba po? Naalala nyo nung pumunta tayo sa bahay nila tito Patrick?"

"He… He…He… sorry naman baby boy… Naiinis lang kasi ako."

"So, mag kagalit po kayo o ikaw lang po ang galit?"

"Well, hindi naman sa ako lang ang galit pero mahirap explain kung bakit ako na galit sa tito mo bata ka pa kasi."

"Sus… ano naman po kung bata ako? Alam niyo po kasi minsan mas kayo pa ngang matatanda ang mali kesa saming mga bata."

"Oo ganun na nga, ewan naiinis ako sa tito mo ayoko muna syang kausapin."

"Balita ko po ayaw nyo daw isama si tito Patrick sa delivery room kapag na manganganak na kayo? Dahil po ba yun sa sakit nya?"

"Hmm? Pati yon alam mo?"

"Tita Kelly gaya nga ng sinabi ko po kanina ako ang witness nyong dalawa kung paano kayo naging mag bf at gf at ngayong malapit na kayong maging magulang kaya alam ko po ang mga bagay-bagay sa inyo. Para nyo na kong anak eh." pinang gigilan naman sya ng tita Kelly nya pinisil nito ang pisnge nya "tita Kelly naman eh hindi na ko bata."

"Aba't! Hoy! Bata ka pa ka bibirthday mo pa nga lang 9years old ka palang no!"

"Haysss… bitawan nyo na nga ko kung ayaw nyong isumbong ko kayo kila daddy sige sasabihin ko na mag kaaway na naman kayo ni tito Patrick."

"Tsss… ikaw talagang bata ka minsan lang mag lambing ang tita mo sayo."

"Tita Kelly hindi po lambing ang pamimisil ng pisnge harassment na po yon."

"Huh! Ang dami mong alam ah. Ano attorney ka na ba ngayon at may pa harassment ka na diyang nalalaman."

"Well, sa school po I like debate and palagi po akong nananalo."

"Debate? Meron na nun sa elementary?"

"Opo, advance na po kaya ngayon."

"Ohhh… I see, ahm… gusto mong lumabas?"

"Ayoko po busy ako sa assignment ko baka mamaya bumaba ang grades ko hindi pa ko ibili nila daddy at mommy ng PC."

"Eh? Hindi ba may tablet akong binigay sayo nung bday mo."

"Opo nga pero tita Kelly kasasabi ko nga lang po di ba na advance na ang panahon ngayon at may gusto po akong PC set na ipinabibili kila mom and dad kaya kailangan ko pong maging top 1 sa class namin bilang malapit na rin po mag sembreak."

"Ohhh… Okay, so na didistorbo ba kita?"

"Nope, ayos lang po kung sabihin ko po bang "oo" magagalit kayo?"

"Subukan mong bata ka."

"See, kaya sige lang gawin nyong gusto niyo."

Kelly sighed "na miss ko tuloy maging bata."

"Na miss nyo?"

"Um. Ganyan rin kasi ako kila Mama o kila kuya nun kapag may gusto akong ipabili o may gusto akong isang bagay kailangan mataas muna ang grades ko bago nila ako bigyan ng kahilingan ko."

"Ohh… Kaya po pala ngayon ganun din sila sakin."

"Yah... ganun talaga para maging maayos ang pag aaral at maging disiplinado ka."

"Well, okay lang naman po sakin gusto ko rin po talagang mag aral ng mag aral kasi balang araw gusto kong maging Atty. Jacob Dela Cruz."

"Eh? Gusto mo ngang maging attorney?"

"Um. Kasi po napansin ko na halos lahat ng course nasa pamilya na natin pero walang gustong mag attorney."

"Ahhh… kaya ba gusto mong maging legal counsel namin?"

"Well, parang ganun na nga po pero gusto ko talaga na maging attorney para sa inyo."

"Sakin? Ba—Bakit?"

"Ehhh… na isip ko po kasing wala kayong sariling desisyon."

"Ako?"

"Um. Madalas po kasi parati nyong kinukuha ang opinion nila daddy kapag about sa business nyo well, okay naman po yun pero satin kasing mga Dela Cruz wala pa pong nag a-attorney. Kaya ako na po ang mag vo-volunteer."

"Ahh… Hahaha… kakatuwa ka talagang bata ka pero kahit naman di ka mag attorney may attorney naman na kami para sa business."

"Pero mas okay parin po kung pride ng Dela Cruz. Kaya mag susumikap po ako na mag aral para maging attorney po ako balang araw."

"Silly, ikaw bahala suporatado ka naman namin syempre lalo na ko. Pero na banggit mo na ba yan sa parents mo?"

"Hindi pa po."

"Hmm? Bakit naman I think okay lang naman kila kuya Kian."

"Opo siguro pero kasi narinig ko sila ni Mommy na nag uusap."

"Ano ang kanilang pinag uusapan?"

"Ang future ko po."

"Ohh… di naman masama yun syempre magulang sila eh."

"Kayo po kapag po ba malaki na ang twins at panahon na nila maging college ano pong gusto nyo para sakanila?"

"Hmm? Sa ngayon hindi ko pa alam pero siguro kung ano nalang ang gusto nila because in the end of the day sila naman yung mag aaral at hindi ako. Ayoko naman na sila eh mahirapan kung ako ang pipili ng course nila tapos hindi naman nila gusto."

"That's exactly my point Auntie."

"Eh? So, may gusto ang mommy at daddy mo na course na kunin mo kapag nag college ka na?"

"Um. Gusto po nilang maging Doctor ako."

"Doctor? Well, para rin naman yung pag a-attorney ang daming kailangang pag aralan sakit nun sa ulo."

"Opo andun na ko pero ayoko pong mag doctor."

"Bakit naman?"

"Kasi nga po gusto kong mag attorney."

"Okay, kung yan ang gusto mo tutulungan nalang kita sa mom and dad mo balang araw."

"Salamat po tita kaya lab kita eh."

"Sus… sana lang makinig sila sakin balang araw."

"At kung hindi po mag lalayas ako at kayo ang mag papaaral sakin."

"Ah… Hahaha… bahala ka nga kung san ka masaya."

Ang hindi alam nung dalawa nakikinig sa may balcony si Patrick at natatawa sya sa pinag uusapan nung mag tita "kahit kailan talaga yung dalawang yun partner in crime."

***

Mag hahapon na at hindi pa rin naman na alis ng bahay ang KelRick dahil sila at si Jacob lang ang nasa bahay.

"Ang tagal naman nila kuya na gugutom na ko." Ang sabi naman ni Kelly na naka upo sa sofa habang na nonood sila ni Jacob ng tv.

"Mukhang matatagalan po sila kila tito Jules eh."\

"Ano bang meron dun?"

"Hindi po ba humingi ng tulong si tito Jules kay tita Faith na mag prepare ng surprise para kay tita Wendy."

"Ahh… oo nga pala at pati sila Tum-Tum eh sinama nila kuya Keith. Haysss… bakit kasi hindi pa na uwi sila Mama."

"Tita Kelly, sa isang buwan pa sila uuwi ni Mama Jenny."

"Yah… na mimiss ko lang kasi ang luto niya."

"Gusto nyo po mag microwave ako ng pagkain may natira pa po dun sa ref yung kinain natin ng lunch."

"Hindi na kailangan nag luto ako." Ang sabi naman ni Patrick na may dalang pork curry.

"Hmm? Kailan ka pa nag luto?" Ang sagot naman ni Kelly.

"Masyado kasi kayong busy ni Jacob manood ng tv kaya hindi mo ko na pansin." Ibinaba nya yung pagkain sa may lamisita at nakita ni Jacob na mukhang masarap dahil ang bango ng amoy nito.

"Wow, parang ka amoy po ng parating niluluto ni Mamsie ah."

"Ehe… oo tinanong ko kay Mama kung paano nya niluluto ang paborito ng tita Kelly mo na pork curry."

"Ohhh… wait, kuha lang po ako ng plato."

"Sige baby boy salamat."

"Okay po."

At nag tungo na nga si Jacob sa kusina para kumuha ng pinggan at na upo naman sa tabi ni Kelly si Patrick "cough… honey, sorry na."

"Sus… may pagluto ka pa talaga eh no? Kala ko ba sabi mo aalis tayo?"

"Ehhh… na isip ko kasing wala ka sa mood at si Jacob lang ang gusto mong kinakausap."

"Tsss… parati kang ganyan, masarap ba yan?"

"O—Oo siguro?"

"Anong siguro? Bakit hindi mo ba tinikman?"

"Alam mo namang hindi ako mahilig sa curry."

"Haysss… so, napipilitan ka lang pala na ipagluto ako?"

"Hi—Hindi naman honey."

"Sus… ewan."

"AHHHHHHH!!!!"

Nagulat naman yung dalawa ng bigla sumigaw si "Jacob?"

Chapitre suivant