webnovel

Kabanata 327

Kasalukuyan,

"Andito na ko." Ang sabi ni Kelly.

"Oh, ikaw lang? Nasan si Patrick?" Ang bungad ng Mama Keilla nya.

"Ah…na una na po ako may meeting pa po kasi sya medyo masama po kasi ang pakiramdam ko."

Lumapit naman agad si Keilla sa anak at inalalayan "anong nangyare? Ayos ka lang ba?"

"Opo Ma medyo nahilo lang po ako kanina kaya sabi ni Patrick umuwi na muna ako."

"Sabi ko naman kasi sayo mag leave ka na muna maselan ang pag bubuntis mo."

"Ma, ayos lang po ako medyo na pagod lang pos a opisina kanina marami po kasi kaming ginawang adjustment."

"Siya sige maupo ka muna dine sa sofa ikukuha kita nag maiinom at makakain mo tamang tama nag luto ako ng sopas."

"Okay Mom thankies."

"Um."

At habang papunta ng kusina si Keilla kinakausap at palinga linga naman si Kelly na parang nag tatakang walang katao tao sa bahay nila.

"Ma, kayo lang po ba ang tao dine sa bahay?"

"Oo anak, wala pa naman ang mga kuya mo ang ate Faith mo naman nag punta sa kuya nya kasama yung dalawang bata."

"Oh? Nasa Manila po?"

"Oo, kaya baka bukas pa makauwi sila Faith ewan ko lang kung susunod ang kuya Keith mo sa kanila."

"Ehhh…si Jacob po nasan?"

"Nasa kabila."

"Kabila? Sa bahay po nila?"

"Oo may iniutos kasi ang ate Rica mo sa kaniya kaya ayun. Baka papunta na rin yun dine."

At may nag bukas na nga ng pinto at ito na nag ay si Jacob na may dalang pagkain "Mamsie, nakabalik na po ako dumating na po ba si tita Kelly? Nakita ko po kasi ang kotse ni tito Patrick kanina sa labas." Ang sabi ni Jacob habang nag sasara ng pintuan at inaayos ang dala nyang pagkaing dala-dala.

"Oo andito na ang tita mo halika na dine at kumain ka na rin ng sopas."

At nakita nga ni Jacob ang tita Kelly nya na nakaupo sa sofa habang inaabutan naman ng Mamsie Keilla nya ito ng sopas "are you sick tita?"

"Eh? Hindi I'm okay naman. Ano yang mga dala mo?"

Dali-dali namang ibinaba ni Jacob ang mga dala nya sa baknateng sofa at lumapit sa tita Kelly nya "ang putla nyo po di ba po Mamsie?"

"Oo pero wag kang mag alala andine na sya sa bahay kaya aalagaan natin ang tita Kelly mo okay?"

"Opo Mamsie…" tumayo siya at kinuha yung mga pagkaing dala nyaat ibinigay sa tita Kelly nya "ayan po sa inyo po yang lahat ipinabibigay po ni Mommy."

"A---Akin?"

"Opo sabi ni Mommy kunin ko dun samin tapos ibigay ko raw po sa inyong lahat yan healthy foods daw po yan para sa inyong buntis."

"O—Okay? Pero bakit ang dami naman ata."

Kung ano-ano ngang pagkaing pang buntis iyong dala ni Jacob na ibinigay kay Kelly may isa pa ngang eggpie roon na may flavor na malunggay.

"Look paborito nyo poi to di ba? Ipinagawa po yan ni mommy sa friend nyang pastry chef."

"Ah…Oo nga eggpie pero may malunggay? Kakaiba nga iryan baby boy." Ang awkward na sagot ni Kelly na napatingin sa nanay nya na para bang hindi nya alam kung kakain nya iyon dahil ayaw nya ng malunggay.

"Tita Kelly, may tanong nga po pala ako."

"Hmmm? Assignment?"

"Hindi po nabanggit po kasi sakin ni tito Patrick na may virus daw po kayo kaya po ba masama ang pakiramdam nyo?"

"Ah? Nako, hindi baby boy ibang virus ang sinasabi ng tito mo tungkol yung sa virus sa computer. Naalala mo yung itinuro ko sayo noon?"

"Ohhh…yun po ba yung like Trojan horse?"

"Yes… may kumakalat kasi na virus sa company ng tito Patrick mo kaya naging busy kami these past few days."

"Ahhh…ganun po pala."

"Sya, mamaya na iyang mga iyan lalamig na ang sopas kumain na muna kayong dalawa."

"Kumain na rin po kayo Mamsie."

Pinisil naman ni Kelly ang pisnge ng pamangkin nya "ayyy… ang good boy naman ng baby boy namin na yan."

"Tita Kelly naman ehhhh…para naman po kayo si Mommy parati nalang po kayo maka baby eh.."

"Aba eh…baby ka naman talaga namin eh."

"Pero tita naman hindi na po nga kasi ako bata 8years old na po ako."

"Asus… kuyang kuya na nag aang baby boy namin nay an."

"Opo naman marami po kaya ang may crush na sakin."

"Anong crush?" Ang sabi naman ng Mamsie Keilla nya.

"Hehe… pero hindi ko naman po sila pinapansin ang bata pa po namin eh mga kaklase ko po kasing babae eh parating nag papansin po sakin."

Nagkatinginan naman sila Kelly at Keilla at iisa lang ang reaction nila "ohhhh…"

"Bakit naman po parang hindi kayo naniniwala?"

"Hahaha…ang cute mo kasi."

"Mamsie si tit Kelly oh."

"Bakit? Ayaw mo bang tinatawag kang cute"

"Hindi naman po Mamsie kasi parang pag cute po kasi napapansin ang pisnge ko kaya nga po nag da-diet na ko eh."

"Hahaha…talaga lang baby ha? Ang cute mo nga dahil sa chubby cheeks mo."

"Tita Kelly!!!"

"Hahaha…sige na joke lang."

"Okay, okay kumain na kayong dalawa mamay na ko may gagawin pa ko sa kusina baka dumating na rin sila Kian."

"Hindi pa po kayo kakain Ma?"

"Hindi na anak kumain naman na ko kanina nung nakaluto ako ng sopas kaya sige na kumain na kayo dyan ni Jacob."

"Okay po."

"Salamat Mamsie."

"Eatwell."

At pagkaalis naman ni Keilla nag patuloy yung dalawa sa pag uusap at natuon na naman sa virus yung kwentuhan nila.

"Talaga po nahirapan kayong tanggalin yung virus?"

"Oo, medyo magaling rin kasi yung kupal na nag lagay ng virus."

"Kupal po?"

"Ah…hahaha…. Don't mind that word, expression ko lang yon hahaha…salitang balbal yun na ibigsabihin ay kinaiinisan na tao parang ganun pero wag mong gagamitin ha? Lagot ako sa mommy at daddy mo kain na naman nila kung ano na naman ang itinuturo ko sayo."

"Okay po promise."

"Good."

"Pero ano po ang ginawa nyo dun sa virus?"

"Pinatay namin bago pa kumalat."

"Eh?"

***

Ang nakaraan...

Nasa hotel room na ng KelRick ang IT team ni Kelly na sila Vince, Dave at si Mr. Sensen na may kani-kaniyang hawak na laptop.

"Madam na pasok ko na po ang main PC ni Chairman." Ang sambit ni Mr. Sensen.

"Talaga?"

Lumapit naman agad si Kelly at sila Dave at Vince kay Mr. Sensen "ayos! Ngayon kaya mo na bang ma control ang lahat?"

"Yes Madam buti nalang po hindi ko pa na bura yung apps na ginamit natin nung gumamit po tayo ng special firewall para sa pc ni Chairman at salamat din po sa inyo at naalala nyo yung password ni Chairman."

"Kaya nga eh lately pa naman nagiging makakalimutin ako ganun ata kapag buntis."

"Ay oo Master si Mimay marami syang nakakalimutan minsan nga nakalimutan nya na rin akong pag buksan ng kwarto namin." Ang sabi naman ni Dave.

"Haysss…tungaw! Ayaw ka lang nun makatabi tukmol ka kasi." Ang mapan."g asar na sambit naman ni Vince.

"Heh!"

"Hahaha…ganun talaga yon kala mo diyan."

"Pffft… hahaha..tumigil na nga kayo bilisan na natin para matapos na ang problemang ito at sisiguraduhin ko mananagot ang gumawa ng virus na ito sa company ang lakas ng loob nyang mag labas ng fake news. Huh! Lintek lang ang walang ganti."

"Yeah!!!" Ang reaction naman nung tatlo.

At matic namang bumalik ang lahat sa kanilang mga gawain ng biglang may nag doorbell.

"Ako na mag bubukas mag focus lang kayo sa ginagawa nyo." Ang sabi naman ni Kelly.

"Yes Madam." Anila.

At pag ka bukas naman ng pinto ni Kelly nakita nya si Julian "kuya?"

"Hi, nakakaistorbo ba ko?" Ang namumutlang sambit ni Julian.

"Hi—Hindi naman po. Kamusta ka? Bakit parang ang putla mo naman ata ngayon kuya? Ayos ka lang po ba?"

"O—Oo…"

At biglang nawalan ng malay si Julian at sinalo naman sya ni Kelly "kuya? kuya?"

Narinig naman nung tatlo na parang na sigaw na si Kelly kaya dali-dali silang lumapit at tinulungan nila si Julian "anong nangyare?" Anila.

"Pis, tawagan mo si kuya Kevin pumunta kamo dito."

"O—Oo sige."

"Dave…"

"Master?"

"Ihiga mo muna si kuya sa sofa."

"Sige."

"At ikaw naman Mr. Sensen patuloy mo lang ang ginagawa mo."

"Pero Madam…"

"Ayos lang si kuya kami ng bahala mabuti ng lahat tayo ay nagalaw kailangan nating maging productive para magawa ang dapat gawin."

"Opo Madam."

At gaya nga ng mga inutos ni Kelly sumunod yung tatlo dito at dumating rin naman agad si Kevin na kasama sila Kian at Keith na pauwi na rin pala galing sa isang café.

"Anong nangyare sa kaniya?" Ang tanong ni Kevin.

"Nag punta sya rito ng putlang putla tapos yun nag kamustahan kami tapos bigla nalang nahimatay sya kuya." Ang nag aalalang sagot naman ni Kelly.

"Mukhang kulang sya sa tulog may ammonia kong dala sa bag ko sandali kukunin ko."

Ibinigay naman ni Dave ang medicine bag ni Kevin "oh? thanks."

"Welcome po."

Agad namang kinuha ni Kevin ang ammonia nya at ipinaamoy kay Julian at nagising rin naman ito agad "nasan ako?"

"Kuya Julian! Ayos ka na po ba?" Ang excited na sambit ni Kelly.

"Wag kang masyadong malapit sa kanya kailangan nya ng hangin." Ang sabi naman ni Kim kahit na naka aircon naman sa hotel room nila.

"O—Okay kuya sorry."

"It's okay I'm good…" Ang nahihinang sambit ni Julian na nag ta-try na tumayo pero hindi pa nito kaya.

"Wag ka na munang mag pumilit tumayo hindi ka pa malakas hindi ka nakakatulog?" Ang sabi ni Kevin at hindi naman nakasagot si Julian.

"Kung gusto mo sumama ka na muna samin pauwi ng Manila bukas para makalimot la." Ang seryosong sambit naman ni Kian.

"Kuya…" Ang mahinahong sambit ni Kelly na para bang natutuwa dahil sinabi ng kuya Kian ang mga bagay na yon.

"Oo nga pwede ka naman samin ka muna para maka pag relax ka bro." Ang pag sang ayon naman ni Kevin.

Excited na excited naman si Kelly na sinabi na "oo nga kuya dun ka na muna samin para makita mo si kuya Keith rin tapos mamasyal tayo."

Hinawakan naman ni Julian ang kamay ni Kelly na naka hawak sa braso nya "sorry babysis pero hindi na muna ngayon hindi ko pa kayang iwanan ang Cebu."

"Pero kuya, wala na si…"

"Kelly…" Ang mahinahon namang sambit ni Kim at umiling ito na para bang sinasabing "wag mo na munang ungkatin ang tungkol sa nanay Wilma nya."

"Sila Mommy naman na ang nag aayos para sa cremation ni nanay Wilma dahil yun ang kahilingan nya pero hindi ko sya kayang makitang…" bigla nalang na tumulo ang luha ni Julian kaya niyakap naman sya ni Kelly.

"Kuya…"

"Bunso, wala na kong kasama iniwan na ko ni nanay Wilma." At umiyak na nga ng umiyak si Julian at naging malungkot naman ang atmosphere kaay na luha na rin si Kelly at sa isang gilid naman…

"Anong inaarte mo? Naiyak ka ba?" Ang sabi ni Vince kay Dave na naiiyak iyak na rin.

"Oo bro."

"Wow. Kapamilya ka? Daig mo ko ah."

"Hindi naman porket hindi kapamilya hindi pwedeng makaramdam ng sakit lalo na kung niyayapakan mo ang paa ko. Bwiset ka!"

Matapos sabihin ni Dave ang mga linyang yun itinulak nya si Vince "sorry kala ko kasi luya."

"Bwiset ka talaga bro."

"Shhh…wag ka ngang maingay dyan may moment yung makakapatid epal ka diyan."

Dave smirked "ikaw ang na una niyapakan mo ang paa ko buraot ka."

"Hahaha… chill bro chill."

"Bakit ba parang hindi ka man na lulungkot eh kamaganak mo naman sila?"

"Alam mo hindi naman porket kamaganak ko sila eh iiyak na rin ako hindi lang talaga ako madramang tao."

"Hmmm?"

"Simple lang isang palabas lang naman ang mga ito para kay Kelly."

"What do you mean?"

"Kilala ko sila kuya Kian at ang mga kuya ni Kelly lalong lalong na si kuya Kim dahil hindi yan mabilis mag tiwala."

"Eh? Pero they seem to be okay?"

"Hinde, sure akong ginagawa lang nila ang lahat ng ito para kay Kelly si kuya Kian pa ayaw nyang sa huli magsisisi sila sa huli dahil lang na hindi nila kasundo sila kuya Julian."

"Kaya para kay Master nag papakita sila na okay na sa kanila si Sir Julian? Kahit hindi?"

"Yap, alam mo marami ka pa kasing hindi alam pero si Aling Wilma kasi ang nag pa patay sa daddy nila Kelly kaya mahirap talagang ibigay ang tiwala kay kuya Julian at kay kuya Julio."

"Sandali lang hindi ko na maintindihan ang mga sinabi mo bro."

"Of course, hindi ka naman kasi Dela Cruz pero wag ka ng mag tanong dahil mahiraop ipaliwanag hindi mo rin naman magegets."

"Hoy!!!!"

Nakaagaw na naman ng atensyon ireng si Dave kaya napatingin sila Kelly sa kanila "ah…ahm…so---sorry po." Sumenyas naman sa kanya si Vince na para bang nang aasar pa ito.

Tama nga kaya ang hinala ni Vince na di pa talaga tuluyang natatanggap nila Kian si Julian? Nag papakita nga lang ba sila ng kabaitan dito para kay Kelly? O baka naman ayos na sila kay Julian at kay Julio at Flin nalang ang hindi?

* Ano sa tingin n’yo ang kailangan pang gawin ni Kelly para maging maayos na ang nga kuya nya? Hmmmm... Abangan sa susunod na kabanata. Bitin po muna tayo. Hehe...(ง^︠.^︡)ง

lyniarcreators' thoughts
Chapitre suivant