webnovel

Kabanata 259

Ipinaliwanag ni Patrick ang nangyare kung paano sila naging married at ipinakita rin niya kay Kelly yung mga documents na nagsasabi na kasal na silang dalawa sa mata ng batas.

"You!"

Sasampalin niya sana si Patrick pero napigilan siya nito "Oo alam ko hindi ka makapaniwala kahit ako di ko maalala kung paano ko nagawang pakasalan ang tulad mo."

"Ano?"

Nagpupumiglas siya at sasampalin niya ulit sana si Patrick ng kaliwa niyang kamay pero na pigilan na naman sya nito "Don't get me wrong! Oo nung una ayoko sayo pero ngayon... natutuhan na kitang mahalin siguro nga nalimutan kita pero yung puso ko." Inilagay niya ang kanang kamay ni Kelly sa dibdib niya "Ramdam mo ba yan? Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit kapag naiyak ka sobra akong nasasaktan! Siguro dahil di makalimutan ng puso ko na mahal parin kita."

Hindi naman nakibo si Kelly at inapakan lang ang paa ni Patrick at nagtatakbo sa kwarto "Ke— Kelly!!! Open the door!!!"

Katok lang ng katok si Patrick pero di siya pinapansin ni Kelly na tinawagan si Mimay "Mims! Sagutin mo! Gusto ko ng kausap di ko alam ang gagawin ko."

Pero naka ilang miscall na sya kay Mimay at di pa rin sya sinasagot nito "Ano na ang gagawin ko???!!! Daddyyyyy!!!" Nag talukbong lang sya ng kumot at hindi na talaga pinagbukasan ng pintuan si Patrick

Sa magkaparehong oras,

Galit na galit naman si Kian nung nalaman na rin nila na kasal na si Kelly at Patrick sa mata ng batas "Wag kayong mag alala aalagaan naman namin ng ayos si Kelly and we will treat her gaya ng pag aalaga namin kay Patrick." Ang sambit naman ni Mrs. Santos.

"Yes, Kelly is like our own daughter simula palang ng una namin syang makita kaya makaka asa kayo na di namin sya pababayaan." Dagdag pa ni Mr. Santos.

"Isa pa mapapabuti ang buhay ni Kelly kung dito sya titira samin kapag ikinasal na sila sa simbahan." Ang sambit naman ni Richmond.

"Kuya!" Ang nahihiya namang sambit ni May dahil alam niyang lalong magagalit ang mga kuya ni Kelly sa sinabing iyon ng kapatid niyang si Richmond.

"Why? I just telling the truth we can give her a comportable life."

"Richmond!" Ang sabi ng daddy nila na para bang nagagalit na.

"A comportable life? or luxurious maybe right? Gaya ng mga pagkain na inihain niyo samin na parang fiesta ang dating? Huh! Anong gusto niyong ipamukha samin na nahihirapan si Kelly sa side namin? GANUN BA???" Napa sigaw pa si Kian sa galit niya.

Wala namang kibo at ang sama na rin ng mood ng tatlo pang kuya ni Kelly "Ah... Ahm... sorry guys he didn't meant to say those line...kuya mag sorry ka!" Ang nanggigil na sambit ni May.

"Why I should apologize? Tama naman lahat ng sinabi ko una palang naman alam na nila na mayaman ang pamilya natin kaya..."

Hindi na naituloy Richmond ang sinasabi dahil sinapak siya ni Kevin na kinagulat ng mga kuya niya dahil si Kian dapat ang gagawa nun kay Richmond pero naunahan sya ni Kevin. Kaya pandalas namang umawat ang parehas na panig.

"Ano kung mayaman kayo? Wala kaming pakialam!" Ang pagalit na sambit ni Kevin.

"Kevin, sorry..." Ang tugon ni May.

"Richmond! Mag sorry ka sa inasal mo!" Ang galit na ring sambit ni Mr. Santos.

"No need po! Dahil aalis na kami! Hindi namin kailangan ng sorry niyo at lalong lalo na ng pera niyo!" Ang galit na galit na sabi Kevin.

"Kevin..." Ang pahabol na sambit ni May sa papaalis na sila Kevin.

Pero bago tuluyang umalis may pahabol pang sinabi si Keith "Wag na wag kayong magagawi sa Batangas kung ayaw niyong malagasan ng buto!!!"

"Ano ba kasing trip mo kuya?!" Galit na galit na si May dahil inisip nito na lalo nilang pinahirapan ang kapatid nilang si Patrick.

"Gaya nga ng sabi ko I just telling the truth."

"Enough!" Ang sigaw ni Mrs. Santos na hindi alam kung papaano ang gagawin nila.

"Gumawa ka ng paraan Richmond!!! Oras lang na ilayo nila si Kelly sa atin mananagot ka talaga sakin!

"Pero daddy!"

"Walang pero, pero! Gawin mo ang ipinag uutos ko!!!"

"Ye— Yes Chairman."

"."

Lumipas ang ilang araw sa loob ng 2weeks may one night and one day nalang na natitira para sa KelRick na hindi pa rin nag uusap.

"Ding... Dong..."

Si Kelly agad ang nag bukas ng pinto dahil parati niyang tinatanong sa guard kung pwede na bang lumabas pero parati lang sagot sa kaniya ay hindi pa hangga't hindi pa tapos ang quarantine nilang lahat.

"Hindi pa rin po ba akong pwedeng umuwi?" Tanong niya sa guard na nagdala sakanila ni Patrick ng makakain. At iba pa nilang mga kinailangan.

"Sorry miss pero hindi pa rin makaka labas ang kahit sinong nasa condo hangga't hindi pa tapos ang quarantine kaya wag na po sana kayong mag pumilit lumabas. Sige po mag papaaalam na ako."

"Si— Sir!!!"

Paglingon ni Kelly nung sinara niya ang pinto nagulat sya kay Patrick dahil inaantay pala sya nito "Can we talk?"

Kelly just rolled her eyes at hindi pinansin si Patrick "ANO BANG GUSTO MONG GAWIN KO PARA KAUSAPIN MO AKO?" Ang sigaw ni Patrick at lumuhod.

"Fine! I'm giving you 10minutes to talk."

At gaya ng mga nakararaang araw may unan parati sa pagitan nila.

"Okay, first gusto kong humingi ng tawad alam ko di tama ang ginawa ko sayo nung past. Second, pero kahit pa man magka gayon bigyan mo naman ako ng chance. Third, chance para to prove myself to you."

"Yourself? Huh! Ni hindi mo nga maalala kung ano ang ginawa mo tapos gusto mong maniwala ako sa mga sinasabi mo? As if!"

Papasok naman na sa kwarto muli si Kelly pero niyakap siya ni Patrick from the back "bitawan mo ko!"

"Ayoko! Alam ko galit ka parin sakin pero sana naman bigyan mo ako ng chance para kilalanin kang muli. Please Kelly... kahit isang araw lang."

"Fine!"

Binitawan agad ni Patrick si Kelly at pumunta sa harapan nito "Pangako gagawin kong lahat para maalala kang muli sisiguraduhin kong you'll fall for me again."

"Tsss... Whatever! Tabi nga!"

At pumasok na ngang muli si Kelly sa kwarto "Promise gagawin kong lahat para maalala ka!!!"

"Shut up!"

Naupo na si Kelly sa kama ni Patrick na para bang sya na ang may ari dahil sa ilang araw nilang di pag uusap parati lang syang nasa kwarto at si Patrick naman ay parati lang nasa sala.

"Isang araw? Huh! Paano naman niya ako maalala kung may amnesia sya at ano yung sinasabi niya I'm gonna fall for him? Again? Huh! Kapal talaga ng mukha ng werewolf na yon."

"."

Kinahabihan,

Maagang natulog si Kelly dahil last day na ng quarantine nila bukas at excited na syang umuwi samantala nag coconcentrate naman si Patrick para maalala si Kelly pero wala parin syang maalala pa tungkol dito. Ginawa na niyang lahat ang mga nababasa niya sa Google pero wala pa rin kaya tinawagan na niya si Dave. Nag pa kwento sya dito pero wala, hindi niya parin maalala si Kelly pero naisip niya na gumawa ng eggpie na favorite ni Kelly sabi ni Dave sa kaniya.

"Sighhh... sana magustuhan niya ito."

Matapos ilagay ni Patrick ang cherry sa ibabaw ng eggpie biglang umikot ang paningin niya at bumagsak nalang bigla at nawalan ng malay.

Mga ilang minuto pa ang nakalilipas nakaramdam ng pagkabalisa si Kelly at hindi makatulog kaya nag decide syang lumbas at silipin si Patrick pero wala syang nakitang anino nito sa sala.

"Nasan na yon?"

Hinanap niya si Patrick at nung nakakita niya naka handusay nalang ito sa may kusina na inaapoy ng lagnat.

"Ang init niya!"

Hindi naman nya malaman ang gagawin kaya ginising niya muna ito "Huy! Gumising ka."

"Mmm... Kelly?"

"Sighhh... salamat naman at nakikilala mo pa ko ano bang ginagawa mo?"

"Pinaggawa kita ng paborito mong eggpie."

"Eggpie?" Nakita niya sa may mesa sa kitchen yung eggpie nga na ginawa ni Patrick at nakita niya rin na sobrang dumi ng kitchen "Ano ang ginawa mong tukmol ka?"

"I hope you like it my wife..."

At tuluyan ng nawalan ng malay si Patrick "Hey!!! Wake up!!!"

Sobrang init ni Patrick kaya dali-dali syang dinala ni Kelly sa cr para mabasa at mahimasmasan "Sorry pero kailangan kitang basain dahil kapag nalaman nila na may lagnat ka nako, lagot tayo baka akalain nila may ano ka na last day na natin sa quarantine bukas nagka ganyan ka pa. Pambihira"

"Mmm... anlamig." Ang sambit ni Patrick na hinang hina ang itsura.

"Tiisin mo muna."

"Mmmm... Kelly don't leave me."

Niyakap ni Patrick si Kelly "Hoy!!! Anong ginagawa mo? Pati ako basa na."

Nawalan na naman ng malay si Patrick "Hayyysss... Kainis."

Mga 1minute din siguro sila sa bathtub at nag pakabasa na nga rin si Kelly "Huy, wake up. We need to change clothes."

"Mmmm..."

Wala ng energy si Patrick kaya nag pasya si Kelly na sya na ang mag take off ng clothes nito habang naka pikit sya "promise I ain't see anything... I... I will take off your shorts na kaya umayos ka!!!"

"Mmm..."

"Pambihira talaga!!!"

Bago pa man tanggalin ni Kelly ang short ni Patrick iniupo niya si Patrick sa may bawl para mapunasan niya si Patrick ng tuyong towel habang nakapikit at nung tatanggalin na niya yung short nito "What do you think you're doing?"

"Gi— Gising ka na. I... I just want to...."

Hinila siya ni Patrick at napaupo sya sa lap nito "can you just stay with me for a minute I just want to hug you."

"Ha? Ah... Ahm... A... Ano kasi... May lagnat ka pa at baka..."

"Please..."

"Tsk... Kainis! Saglit lang ha?! Kung wala ka lang sakit nako!!! Nasapak na kita!"

"Salamat."

"O— Okay..."

Ramadan ni Kelly sa likuran nya ang init ng katawan ni Patrick at sobrang awkward nito para sa kaniya lalo na nung naramdaman niyang Patrick kisses her neck "A— Anong ginagawa mo?"

"Kelly... I can't take it anymore."

Napatayo naman si Kelly bigla dahil may something sa down part ni Patrick na gumalaw pero hindi pa man sya nakaka tayo ng ayos hinila sya nitong muli at sobrang lapit nila sa isa't isa ramdam na nila ang pag hinga ng bawat isa sa kanila "Kelly... sorry."

"Mmm..."

Hinalikan ni Patrick si Kelly at talagang kinagulat ito ng ating Ms. Hoodie pero hindi niya tinulak o sinapak si Patrick she even kissed him back.

Halaaaaaa!!! Ano kaya sa tingin niyo ang mangyayari sa KelRick? Abangan!

lyniarcreators' thoughts
Chapitre suivant