Ang nakaraan,
"LORD!!! I'm trying to calm down my junjun!!!" Ang pawis na pawis ng sambit ni Patrick pero sa mahinang paraan.
"Mmm... Why my pillow so hot and wet?" Ang sabi naman ni Kelly habang nakapikit na animo'y nagsasalita lang habang tulog tapos gumalaw sya hanggang sa sahig nalang sya lumipat "Now I can sleep well." She said.
Nakahinga naman ng malalim si Patrick "Thankyou Lord!" Then he abruptly sit up and look at Kelly while snoring.
"Paano sya nakakatulog ng ganyang kahimbing nalimutan niya na bang wala sya sa bahay nila? Paano nalang kung hindi ko na pigilan si junjun? May kalalagyan ka talaga sakin Kelly." Ipinunas niya yung damit niya sa kaniyang mukha na pawis na pawis.
"Mmm... Bakit ang ingay!!!"
Napabuntong hininga nalang si Patrick sa sinabing iyon ni Kelly "Buti nalang at tulog mantika itong si Jacob kung hindi baka kanina pa ako napatalsik sa sarili kong kwarto." Tumayo sya at inayos ang kumot ni Jacob at hindi na niya na pansin na tumayo na rin pala sa pag kakahiga itong si Kelly.
At pag lingon niya wala na si Kelly sa sahig "Ke— Kelly? Nasan na yon?"
"Click!"
Nakita niyang nag bukas na ng pinto ng kabinet niya si Kelly kaya dali-dali niya itong sinundan "Kelly!!! Anong ginagawa mo?"
"Bakit ganito ang shi-ar ko? Nashan ang trono? Naiihi ako." Ang lasing na lasing na sambit ni Kelly at pati ang pagsasalita niya ay parating parang may "H".
"Hayyyssss... wala talaga diyan ang trono mo dahil kabinet yan!"
"Teka yung trono bang sinasabi niya yung toilet bowl?" Pabulong na dagdag pa ni Patrick.
Hinawi ng hinawi ni Kelly yung mga damit ni Patrick sa kabinet na animo'y naiinis na "Nasan ang trono ko?!!"
Napakamot ng ulo si Patrick at binuhat si Kelly papunta ng cr "Hey!!! Shino ka?? San mo ko dadalhin?"
"Sa trono mo!"
Pag dating nila sa cr iniupo ni Patrick sa lababo si Kelly "Umayos ka nga! Nahihirapan na ako sayo!"
"Nahihirapan? Bakit nanay ba kita?"
"Ano?"
"SUMAGOT KA!!!" Ang sigaw ni Kelly at bigla nalang syang lumuha.
"Ke— Kelly..."
Sinuntok suntok ni Kelly si Patrick sa balikat habang hawak sya nito "Bakit lahat nalang ng mahal ko sa buhay nahihirapan dahil sakin?"
"I... I'm sorry..."
"Sorry? Aanhin pa ang pulis kung may ganyang salita naman?"
Sa isip-isip ni Patrick "Totoo palang kapag nalalasing ang isang tao nagiging emosyonal sila. Pero bakit ganito ang taong ito lasing na't lahat pilosopa pa rin? Sighhh..."
"I miss my dad!!! Daddy!!!"
Pinagmamasdan lang ni Patrick si Kelly na tawagin ng tawagin ang daddy niya habang umiiyak "Daddy!!! Nasan ka na??? Miss na miss na kita."
"May gusto ka bang sabihin sa daddy mo?"
Sinubukang mag tanong ni Patrick sa lasing na si Kelly "Alam mo ba sabi nila ako ang kamukhang kamukha ng daddy ko kaya mahal na mahal niya ako. Kaya ikaw! Shashabihin ko sha kaniya na dalawin ka niya."
"Ha? Da— Dalawin? Pero hindi ba at matagal ng patay ang daddy mo?"
"Oo, at shashabihin ko na multuhin ka kashe shinaktan mo ko."
"Nakikilala mo ba kung sino ako?"
"Oo!"
Hinawakan ni Kelly ang mukha ni Patrick at pinisil ang baba nito "Ah... Ahm... Ke— Kelly, masakit kumalma ka muna pwede?"
"Kumalma?" Lalo niya pang pinisil ang baba ni Patrick "Baket? Shino ka para utusan ako? Hindi na kita boyfriend kashi..." binitawan niya na ang baba ni Patrick at ipinagpatuloy ang sinasabi "Ang shabi mo ako lang ang mahal mo? Bakit nung bumalik lang ang lintek na si Jena hindi mo na ako pinanshin!"
"Pffft... Hahahaha..."
"Bakit ka natawa???! Tumigil ka!"
"Kasi nakakatawa kang magsalita alam mo kung hindi ka lasing baka hindi mo masabi sakin ang ganitong bagay."
"Shinong lasheng?"
"Hahahaha... bakit nga ba kapag nalalasing nagkakaroon ng "H" ang salita? Hahahaha... pero bagay sayo ang cute mo ka-she. Hahahaha..."
Sinampal siya ni Kelly "PAK!"
"I said stop laughing!!!"
Hindi na napigilan ni Patrick ang sarili niya at hinalikan niya si Kelly "Mmm!!!"
Pero tinulak siya nito at lumabas si Kelly at nag punta sa isang sulok sa kwarto "Ano ba ang ginagawa mo Patrick!!!" Ang sabi niya sa sarili habang nakatingin sa salamin sa banyo at sinundan agad si Kelly.
"Nasan na sya?"
Hinanap niya si Kelly at nakita niya ito sa isang sulok na pinag gigitnaan ng dalawang malaking kabinet kung saan naalala niya yung kabataan niya dahil dun rin sya noon nagtatago kapag pinagagalitan siya ng mga magulang nila "Kelly, I... I'm sorry hindi ko sinasadya."
"Leave me alone!!!"
"I know na bigla ka sa ginawa ko pero mahal pa rin kita at gagawin kong lahat bumalik ka lang sakin."
"Mahal? Bumalik? Wala ng tayo!!! Tinapos mo na simula nung mas pinili mong lumigaya sa piling ng iba."
"Tama na nga! Wala kaming relasyon ni Jena! Sa totoo lang naiinis na ko parati nalang yan ang dahilan mo! Bakit kasi hindi mo aminin sa sarili mo na mahal mo ako pero hindi mo magawa ng ayos kasi takot ka sa mga sasabihin ng kuya mo!"
"Oo! Takot na kung takot! Pero mas gugustuhin kong piliin ang pamilya kaysa sa gaya mong makasarili!"
Tumayo si Kelly na animo'y mag wa-walk out na pero pinigilan sya ni Patrick hinawakan nito ang mga binti niya "No! Wag kang umalis parang awa mo na. Pangako hindi na kita guguluhin wag mo lang akong kamuhian."
"Tigilan na natin ito! Pagod na pagod na ko na umintindi sa ugali mo."
"Lasing ka lang kaya mo nasasabi ang mga bagay na yan."
"Hinde! Nasa tamang pag iisip ako at hindi ganyang Patrick ang kilala ko dahil ang Patrick na kilala ko nirerespeto ang pag kababae ko."
Binitawan ni Patrick si Kelly "Sige umalis ka! Tignan natin kung kaya mo!"
"Talaga!!!"
At lumabas na nga ng condo si Kelly hanggang sa makarating sya sa may lobby at hindi sya pinapalabas ng mga guard doon "Palabasin niyo ko! Gusto ko ng umuwi!!!"
"Pasensya na Ma'am kasalukuyan po kasing malakas ang ulan at sobrang delikado po ng gusto niyong gawin kaya mabuti pa po bumalik na kayo sa condo ni Sir Patrick."
"No!!! Hindi na ako babalik sa manyak na yon."
"Po?"
"Sorry wag niyo syang pansin lasing lang sya ako ng bahala sa girlfriend ko." Ang sabi ni Patrick tapos sapilitan niyang binuhat si Kelly at muli pabalik na sila sa condo "Let me go!!!"
"Umayos ka Kelly Ann Marie nakakahiya!"
"Pag di mo ako ibinaba sisigaw ako dito!"
"Wala akong pakialam dahil ako ang boss dito at nasa policy namin ang hindi pagpatol sa problema ng iba kaya sige sumigaw ka hangga't gusto mo!"
"Patrick!!!"