webnovel

Kabanata 198

5:30pm

Nagtungo na sa DLRU ang mga kapatid ni Kelly at sila Patrick kasama rin sila Ethan na noon ay mga handa ng mag punta sa kani-kanilamg pwesto kung saka-sakaling may mangyayaring hindi maganda. "Dude, andito na tayo ready ka na ba?" Ang sabi ni Dave na nag dadrive ng kotse ni Patrick habang nasa backseat naman sila Vince at Harvey.

"Oo ready na ko wag na kayong susunod ako ng bahala."

"Pero pre mag ingat ka parin dahil hindi natin alam kung sino-sino ang mga kasama ni Honeygrace."

"Oo nga pre tama si Vince lukaret ang babaeng yun masyadong patay na patay sayo." Ang sagot naman ni Harvey.

Papalabas na si Patrick ng kotse at sinabing "I can do it mga pre may ilang alam din naman ako sa martial arts gaya ni Kelly kaya wag kayong mag alala were partners in crime."

Nagkatinginan naman yung tatlo nila Dave, Harvey at Vince "Gaya ng pinag-usapan walang susunod." ang dagdag pa ni Patrick at tuluyan na syang umalis.

"Magiging ayos lang kaya ang lahat?" Ang sambit ni Vince.

"Knowing Patrick lagi yang handa."

"Anong ibig mong sabihin?" Anila.

"Makikita niyo dahil susunod tayo."

"Ano? Ayoko..."

"Wow...parang hindi ka pinsan ni Kelly pre ah."

"I mean delikado kasi at may pinakalat na mga pulis sa buong area na ito kaya ano mang oras baka magkaroon ng barilan at ayoko pang mamatay gagraduate pa ko."

"Pulis?" Anila Dave at Harvey.

"Oo narinig ko nag usap-usap sila kuya Kian at si senior Ethan kanina tignan niyo sa likod natin kotse yan nila Kelly."

At napalingon nga yung dalawa "Hala! Eh paano yun hindi alam ni Patrick ang binabalak ng mga kuya ni Kelly."

"Ayos lang yun pre at least safe si Dude at si Master."

"Okay, ready na ko let's save my cousin.."

"Sigurado ka? Nakakahiya naman sayo." Anila.

"Heh! Bilisan na natin."

At bumaba na nga yung tatlo ng pakubli samanatala sa kotse naman nila Kian "Guys, are you ready to save our princess?" Ang sabi ni Kian.

"Aye...aye...Sir." Anila.

"Pero kuya mag ingat tayong lahat hindi alam nung mga kumidnap kay Kelly na may pulis na nakapaligid sa buong lugar." Ang sabi ni Kevin.

"Yeah..."

"Gaya ng pingausapan susunod lang tayo kapag sumenyas na si Ethan."

"Oo kuya."

"Kaya ano mang oras mag handa kayo."

"Um..."

Habang si Patrick naman nag lalakad na papuntang likod ng kanilang school kung saan maraming puno na animo'y isang pulo luminga linga siya at hinanap si Kelly "ANDITO NA KO ILABAS MO SI KELLY!!!"

At isa-isa ng nag sisilabasan ang mga kalalakihan at pinaliligiran siya "Nasan si Kelly? Ilabas niyo sya andito na ko."may pumalakpak pag katapos niyang sambitin ang mga linyang iyon "Magling...magling...magaling... you're here my love." Pumaligid naman ang mga kalalakihan at nagbigay ng daan kay Honeygrace.

"I knew it!!!! Ikaw ang may kagagawan ng pagkawala ni Kelly ilabas mo sya andito na ko."

Lumapit sa kaniya si Honeygrace at hinaplos pa ang kanyang mukha "masyadong kang hot my love bakit hindi muna tayo mag kwentuhan?"

Hinawi ni Patrick ang kamay nito "wala akong panahon sa drama mo ilabas mo si Kelly!!!"

Nag iba bigla ang mood ni Honeygrace "Huh! Ano bang meron si Kelly and you need to sacrifice yourself para makapalit lang ang walang kwentang babaeng yon?"

"Ano? Walang kwenta? Si Kelly?"

"Oo wala syang kwenta!!! Dahil hindi mo sya deserve isa lang syang dummy na gustong tumaas ang esdtado sa buhay sa pag sama sayo. Niloloko ka lang niya!!!"

"Huh! Niloloko? Ikaw! Yung sarili mo ang niloloko mo!!! Dahil si Kelly siya ang nakilala kong pinaka honest na tao kahit na prangka sya at least nag papakatotoo sya sa sarili niya hindi gaya mo na nagtatago sa makapal na make up para lang itago ang totoong ikaw!!!" Sinampal naman siya ni Honeygrace pero nag sorry naman ito ka agad "so---sorry...hindi ko sinasadya." Hinawakan niya si Patrick pero hinawi siya nito at napalakas iyon so she fell on the ground.

"Madam.." Ang sambit naman ka agad ng mag tauhan ni Honeygrace.

"Bitawan niyo ko!!!"

"Wala na ko panahon sayo ilabas mo na si Kelly!!!"

Tumayo naman si Honeygrace na para bang walang nangyare pero this time nag iba ang awra niya na animo'y galit na galit "Boys!!! Ilabas ang regalo!!!!" aniya at may naglabas na mga kalalakihan kay Kelly na basang basa at may tali ang kamay at may takip pa ang bibig.

"Kelly!!!" Ang sambit ka agad ni Patrick at nila Vince rin habang naka kubli sa isang puno ganoon rin naman sila Kian "Anong ginawa niya kay Kelly?!!!" Anila.

Susugod na sana si Vince at Kian pero pinigilan sila ng mga pulis na nakapaligid rin doon kung na saan sila "ANONG GINAWA MO KAY KELLY??!!!" Ang galit na galit sigaw ni Patrick.

"Pinaluguan ko she smell bad na eh masyado syang malansa...ay hindi pala malande!!!"

"Pakawalan mo na si Kelly!!! Ako lang naman ang gusto mo hindi ba? PAKAWALAN MO NA SYA!!!"

"Mmm...Mmmmm..." Ang reaksyon naman ni Kelly na gustong kumawala.

Lumapit naman si Honeygrace kay Kelly at sinabunutan "Girl ang ganda mo eh no? Naka bingwit ka ng matabang isda...."

"BITAWAN MO SIYA!!!"

Lalo pa namang hinawakan ni Honeygrace ang buhok ni Kelly "Boys!!! Bring my pets here."

"Yes madam." At kinuha nung dalawang tauhan ni Honeygrace ang transparent na box na may lamang maraming bubuyog.

Nagtaka naman ang lahat kung anong gagawin ni Honeygrace sa mga bubuyog na iyon "Alam mo ba kung bakit Honeygrace ang pangalan ko? Dahil isa akong grasya sa mga magulang ko at honey dahil sweet raw ako pero BAKIT HINDI MO MARAMDAMAN YON PARTRICK??!!!" ang sigaw niyang may kasamang pag hihinagpis.

"Kung ano man ang binabalak mo wag mo ng tuloy!!! Andito na ko at pakawalan mo na si Kelly sasama ako ng ayos sayo pakawalan mo lang sya!!!"

"Huh!!! Para ano? Makalaya kayong dalawa? Alam kong hindi ka naman sasama sakin at alam ko ring pinaliligiran na ang buong lugar na ito ng mga pulis kaya PARA SAAN PA???"

Nagkatinginan naman si Kelly at Patrick at para bang nag uusap gamit ang kanilang mga mata at doon na nga gumawa ng moves si Kelly she bonked her head to Honeygrace kaya nabitawan sya nito at doon na rin nakakuha ng tsempo si Kelly na makawala at dahil marunong ng martial arts she handle herself towards them at gumawa na rin naman ng aksyon si Patrick at parehas silang lumaban sa mga goons."

• Kapanapanabik ang huling mangyayare abangan bukas ang pagtatapos! ♡

▪︎Muli maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa journey ni KELLY ANN MARIE DELA CRUZ a.k.a Ms. Hoodie. Bukas na po ang pagwawakas kaya sana gang dulo magkita kita parin tayo mga kababayan's. ♡

Love lots

Ang makulit niyong Author,

lyniar ☆

Ps. Mamimiss ko po kayong lahat! ♡

lyniarcreators' thoughts
Chapitre suivant