webnovel

Kabanata 105

Kinagabihan,

"Good evening tita Kelly." Ang bungad ni Jacob sa tita niya.

"Aba, at nauna ka sakin ngayong bumati anong nakain ng baby na yan?" Nanggigil si Kelly at niyakap niya si Jacob "Aba, mukhang bagong ligo ang baby namin ah, pero bakit hapon ka na ata niliguan ng daddy mo?"

"Ahhh...kasi nag swimming po ako."

"Swimming? Saan?"

" Sa bahay po namin."

"Wow...ang yaman naman pala ng Siopao na yan at may pa pool sa likod ng bahay ang syala naman pa utang naman si tita Kelly."

"Hehehe....inflatable pool lang naman po iyon bagong bili sakin ni mommy."

"Ahhh...kala ko naman kabogeo ka na ng taon. Hehe...anyways, bakit parang wala na namang tao sa bahay na ito?"

"Nasa likod po sila."

"Ha? Bakit sila nandun? May luto na bang pagkain gutom na ko eh."

"Dun nga po tayo kakain."

"Eh?"

"Halika na po nag iihaw sila daddy dun at sila tito."

"Oh? Masaya yun may karne ba?"

"Wala po."

"Ha? Wag nalang aakyat nalang ako sa kwarto ko."

"Hehehe...joke lang po syempre meron kayo naman masyado kayong funny."

"Aba alam mo na yang funny na yan ah funny-walain ba yan?"

"Ha? Hindi po palabiro po ang ibigsabhin ko."

"Eh? Kala ko alam niya nakalimutan kong para nga palang matandang mag isip ang batang ito." Ang pabulong bulong na sabi ni Kelly.

"Ano po yun?"

"Ahhh...wala sabi ko tara na."

"Okay po."

At nagmadali naman yung dalwa na mag tungo sa likod "Wow...ang bango naman niyan mga kuy's." At kumuha na siya ng isang barbeque pero nakita ito ni Kevin kaya tinapik nito ang kamay niya "Hoy! Mag hugas ka nga muna ng kamay mo di'yan galing ka sa labas."

"Tsss...napaka arte naman yung stick lang naman ang hahawakan ko hindi yung karne mismo. Ba naman yan kuya."

"Kahit na! Lakad na mag hugas ka muna ng kamay mo!"

"Humph! Oo na baby ikaw nag hugas ka na ba ng ka...Siopao? Nasan ka?" At nakita niyang nag huhugas na ng kamay si Jacob "See, buti pa yung bata marunong sumunod kesa naman sa isa diyan." Ang sabi ni Kevin na wari'y nang iinis. "Tsss...oo na ho!"

"Ano na naman bang pinag aawayan niyo diyang dalawa?" Ang sabi ni Kian na may dalang iba pang na ihaw na barbeque.

"Si kuya Kevin kasi ang arte." Nag tatangka ulit siyang kumuha ng isang stick ng barbeque pero nakita iyon ni Kevin "Tumigil ka diyan mag hugas ka na ng kamay mo don!"

"Oo na nga!"

"Tama na yan ha ang ingay niyo." Ang sabi ni Kian.

"Oh, ere nakasaing na ko mga brad." Ang sabi ni Kim na may dalang kaldero ng kainin.

"Wow...boodle fight po ba ang gagawin natin daddy?"

"Oo baby gusto mo ba yun?"

"Opo sa probinsya mahilig po kami sa ganyan nila mommy eh."

"Nasan nga pala ang mommy niyan kuya?" Ang sabi ni Kim.

"May pasok po sa work si mommy call center agent po sya remember?"

"Oh, nasagot naman na siguro niya ang katanungan mo bro."

"Yeah..."

"Okay, naka pag hugas na ko ng kamay baka naman pwede na akong kumain."

"Pwede na pero naka uniform ka pa kaya mag palit ka na ng pambahay mo!" Ang sabi ni Kevin.

"Kuya naman!!!"

"Aba! Ang dumi mo mag kamay pag nakain kaya sigurado akong magiging dugyot yang uniporme mo kaya mag bihis ka na hindi ka naman nag lalaba ng damit mo!"

"Humph! Kaasar naman ayoko na ngang kumain!" At umalis na si Kelly ng pa dabog dabog "Hoy! Bumalik ka dito hindi ko naman sinabing wag kang kumain."

"Ewan wala na akong gana!"

"Tita Kelly!!!"

"Sige na baby sundan mo muna ang tita Kelly mo." Ang sabi ni Kian.

"Sige po daddy."

"Napaka arte ni Kelly!" Ang sabi ni Kevin.

"Alam mo namang ayaw niya ng maraming inuutos sa kaniya lalo't gutom na sya ayan tignan mo hindi na yun bababa ng kwarto niya mag totoyo na yon!" Ang sabi ni Kim.

"Nako, bahala siya."

"Hayaan niyo na dalhan nalang natin ng pagkain doon at ikaw ang mag dala Kevin!" Ang sabi ni Kian.

"Aba, bakit ako kuya?"

"Anong aba ka diyan bakit ako ba o si Kim ang may kasalanan kung bakit nagalit si Kelly? Galing mo rin!"

"Tsk...oo na!Sigh...parang nagiging bugnutin yang si Kelly this past few days."

"Pansin ko nga rin nagiging matatakutin rin kung minsan hindi kaya epekto ng dugong isinalin sa kaniya?" Ang sabi ni Kim.

"Baliw! Wala namang ganung effect yun kuya."

"Pero, sinigurado mo bang malinis ang dugo nung Richmond nung isinalin sa kapatid natin?" Ang sabi ni Kian.

"Oo naman wala naman syang kung anong sakit healthy siya."

"Mabuti na yung sure baka mamaya mahawa si Kelly."

"Yeah..."

Samantala,

Sa DLRH,

"Hindi pa ba kayo uuwi baka may kailangan pa kayong gawing mag kakapatid lalo ka na Patrick umalis ka agad ng school niyo kanina." Ang sabi ni Ricardo habang nanonood ng tv yung magkakapatid.

"Okay lang po yun daddy nasabihan ko na si Prof, Mina.

"Ako naman po ayos lang ako naman ang boss eh. Hahaha..." Ang sabi ni May.

"Tssss....sorry naman kung hindi pumasok ang Vice." Ang sabi naman ni Richmond.

"Silly, kayo talaga buti at ayos na ulit kayong tatlo."

"Si mommy parang ang tagal naman po atang bumalik non sabi eh ikukuha lang kayo ng ilang damit pa eh." Ang sabi ni Patrick."

"Baka isang kabinet na ang dinala." Ang sabi ni Richmond at nagtawanan ang lahat "Knowing mommy? Yes there's a possibility. Hahaha..." Ang sabi naman ni May.

"Ahm...dad kakausapin ko lang po si Patrick sa labas." Ang sabi ni Richmond.

"Eh? Ako?"

"Sige ayos lang andito naman si May."

"Yeah...I'm here you know."

"Sige po, Rick tara?"

"Si---sige."

At lumabas na nga yung dalawa "Mabuti at okay na yang dalawang yan."

"Yes daddy nagulat nga rin po ako."

"Bakit? Ano bang nangyare?"

"Hindi ko rin po alam pero isang araw okay na sila eh pero sa tingin ko dahil yun kay Kelly."

"That Kelly again? Who really is she?"

"Uhm...daddy paano po kung sabihin ko sa inyong may kamukha ako anong gagawin niyo?"

"Syempre naman magugulat dahil isa ka lang na ipinanganak ng mommy mo eh tapos biglang may kamukha ka? Sino ba namang hindi magugulat doon anak?"

"Well, if you say so pero my nakita na ba kayong ganon?"

"Uhm...wala pa naman bakit ba? Diretsuhin mo na kasi ako."

"Sige na nga po kasi si Kelly ay kamukha ni Paula."

"A----ANO???" Biglang napa bangon si Ricardo at nag alala naman si May "Dad, calm down baka tumaas ang bp niyo sabi niyo kasi diretsuhin ko na kayo eh."

"Sigh...okay pero sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi mo? Alam na ba ito ng mommy mo?"

"Opo dy pero hindi pa nakikita ni mommy si Kelly."

"May picture ka ba niya maaari ko bang makita?"

"Uhm...wait lang parang finafollow ko sya sa IG eh ang ganda nga niya kumuha ng mga picture eh."

"Parang si Paula mahilig rin siyang kumuha ng mga picture naalala mo?"

Habang hinahanap ni May sa cellphone niya yung IG account ni Kelly "Opo, naalala ko iyon ako pa nga minsan ang model niya...Here nakita ko na dad tignan niyo kamukha talaga siya ni Paula." Ipinakita niya kay Ricardo ang picture ni Kelly ng biglang "Dy, naiyak kayo?"

"Namiss ko lang kasi ang kapatid mo parang ganyang edad na siya kung nabubuhay pa siya."

"Yes, daddy pero wag ka na pong umiyak sigurado naman akong nasa mabuting kalagayan na sya. Hindi niyo po ba siya nakita sa taas?"

Napatingin naman si Ricardo sa kisame "Hindi yang taas na yan ang sinasabi ko dy!"

"Ahhh...dun ba sa langit? Hindi ko siya nakita napunta ata ako sa baba."

At napatingin naman si May sa sahig "Daddy naman eh!! Nakukuha niyo pa talagang mag biro sa kalagayan niyong yan."

"Hehe...masyado kasing ma drama pero hindi ko nakita si Paula for some reason I saw your lolo and lola at yung ibang kamag anak ko na yumao na dun sa taas na sinasabi mo."

"Oh? Totoo po talaga yung kapag nasa coma ang isang tao naglalakbay ang diwa nila? Naranasan niyo talaga yun dy?"

"Oo pero hindi ko masyadong maaninag kung nasaan akong lugar parang mausok na maulap tapos nakita ko ang mga yumao nating kamag anak doon pero tanging si Paula lang ang hindi ko nakita."

"Hmmm...hindi kaya hindi langit ang napuntahan niyo kung hindi yung sa baba talaga?"

Bineltukan siya ni Ricardo "Sira! Naging mabuti naman akong tao dito sa sa mundong ibabaw kaya syempre sa langit ang mapupunta parang gusto mo na akong mamatay talagang bata ka."

"Ha---ha...hindi naman po sa ganun pero gaya nga ng sinasbi niyo naging mabait kayo kaya sa langit kayo mapupunta."

"Aba't hindi ka pa talaga titigil diyan?"

"Hahaha...daddy hindi pa naman kasi ako tapos ang ibigsabhin ko mabait ang napupunta sa langit eh mabait naman si Paula nung na bubuhay siya kaya panigurado ako na doon talaga sya sa langit mapupunta kaya bakit hindi nyo siya nakita?"

"Yun nga rin ang pinagtataka ko pero iniisip ko rin na baka sya ang tumulong sakin para makabalik dito sa katawang lupa ko. Kaya eto buhay pa ako."

"Well, you have a point dad."

Chapitre suivant