webnovel

Kabanata 93

Sa bahay parin nila Kelly,

Nag-aayos yung magkakapatid sa sala ng kanilang hihigan "Mga repa bakit di nalang kayo matulog dun sa underground. Ah...I mean kwarto rin kasi yun kaya kung gusto niyo doon nalang kayo matulog."

Jang: Nako, hindi na po nakakahiya naman dine nalaang ho kami di ba guys?

"Yeah.." Anila.

Kelly: Pero mas magiging komportable kayo doon dahil may kama dun tsaka wala naman si ninong Arnel walang matutulog dun kaya doon nalang kayo.

Jang: Pero kasi...

"Sanay naman po kaming apat matulog sa ganire." Sya naman si Jeng ang pangalawa sa panganay 27years old.

Kelly: Sigh...sabi ko naman po sa inyo wag niyo na akong i-po nakakaasiwa po kasi di ako sanay.

"But we need to do it your our master." Ang sabi naman ni Jing ang pangatlo sa magkakapatid na parang mainitin ang ulo, 24years old.

Kelly: No! I'm not your master I'm such a college girl here kaya don't be so polite guys para ko lang kayong mga kuya tutal mga anak-anakan naman kayo ni ninong Arnel. So, you guys are my "mga kinakapatid" tsaka di niyo naman ako kailangan sundan pa wag kayong makinig kay ninong kaya ko sarili ko. Malakas ata to! Huh!

Jing: Oh...really huh? So pwede na pala kaming umuwi.

"JING!" Anila Jang at Jeng maliban kay Jong na ang sinabi ay "Kuya!!"

Sa isip-isip ni Kelly "Mukhang di ko gusto ang ugali ng isang ito kanina ko pa napapansin na parang ang init ng ulo niya sakin. Tsss....daig pa may buwanang dalawa. Humph!"

Jang: Ah...eh...wag mo nalang siyang pansinin Ms.medyo maintin kasi ang ulo ng isang yan.

Binato niya ng unan si Jing "Kuya!!!"

Jang: Mag sorry ka!

Jing: Tsss...bakit ba? Sya naman ang may sabi na di niya na tayo kailangan bakit kailangan pa nating mag stay dito?

"JING!!!!" Anila Jang at Jeng.

Tinakpan naman ni Jong yung bibig ng kuya niya "Mmm...mmm..."

"Tumahimik ka na lang kasi muna diyan kuya." Ang pabulong na sabi ni Jong.

At nagulat yung apat kasi biglag tumawa si Kelly "Ahahahahaha..."

Jeng: Ahm...Ms? Bakit po?

Kelly: Hahahaha..kasi gaya rin pala kayo nila kuya may bigla lang akong naalala eh. Sorry...

"Ahh...okay." Anila maliban kay Jing na tinatakpan pa rin ni Jong ang bibig nito.

Kelly: Anyway, kung mag bago ang isip niyo nandun ang susi ng underground sa ibabaw ng ref. Sige matutulog na ako.

Jang: Si---sige po Ms.

Kelly: Goodnight sa inyo and to you Mr. HB.

Nag pupumiglas si Jing na wari'y nagagalit pero di siya binibitawan ni Jong "Goodnight Ms." Anila maliban kay Jing at pagkataas ni Kelly sa kwarto niya tsaka lang siya binitawan ni Jong .

Jing: Ano ba???!!!

Jong: Kasalanan mo naman kasi kuya eh masyado na namang maiinit ang ulo mo.

Jing: Bwiset!

Jang: Jing, bukas na bukas tumakbo ka ng sampung balik mula sa bahay na ito hanggang sa entrance ng subdivision na ito.

Jing: ANO??? Ba---baket?

Binato naman sya ng mga unan ng kapatid niya at sinabing "Nag tanong ka pa gung-gong!"

Jing: Damn it!

Kinabukasan,

Sa bahay nila Vince,

"Morning Mamay." Ang bungad ni Vince sa nanay niyang si Ada na busy magluto.

Ada: Maupo ka na muna matatapos na rin ako dine ano bang oras ang pasok mo ngayon?

Vince: 8am po maaga pa naman po kaya wag kayong mag madali.

Ada: Okay sige ang ate mo ba gising na?

Vince: Wala pa po ba dine?

Ada: Jusko namang bata ire itatanong ko ba naman sayo kung andine?

Vince: Ay sorry naman po baka ho tulog pa gusto niyo bang gisingin ko na?

Ada: Sandale, nitong mga nakakaraang araw may napapansin ka ba sa ate Alice mo?

Vince: Ho? Wala naman po bakit po?

Ada: Ewan ko ba pero parang may nobyo na ata iyang si Alice eh.

Vince: Weh? Si ate po may jowa na? Mamay, baka naman kayo eh inaantok pa kayo eh matulog muna baka nanaginip pa kayo ng gising di'yan.

Binato siya ng pot holder ng nanay niya "Sira! Bakit di sya tanungin mo?"

Vince: Eh, Mamay, alam niyo namang napaka conservative noong si ate Alice mag mamadre nga ata yun kaya ayaw mag jowa tapos sasabihin niyo may boyfriend? Asa naman kayo dun!

Ada: Ay nako, basta nararamdaman kong parang may tinatago yang ate mo satin.

"Ano po yun Ma? Ang bungad naman ni Elmer kuya ni Alice at Vince.

Vince: Oh, kuya himala ang aga ng gising mo.

Bineltukan siya ni Elmer "Ewan ko sayo! Ano ang pinagtatalunan niyong mag ina dine? Ang aga-aga eh rinig na rinig ko na ang mala diyosang tinig ni Mamay."

Binato rin siya ng pot holder ng nanay nila "Mamay naman para naman kayong di mabiro."

Ada: Heh! Ako nga eh tantanan niyong magkapatid.

Vince: Kuya, alam mo ba sabi ni Mamay may bf na raw si ate Alice.

Kumuha ng tinapay si Elmer "Weh??? Di nga?"

Vince: See, Ma? Pati si kuya di naniniwala baka naman kasi umi-issue laang kayo.

Ada: Ah...ewan ko sa inyo kumuha na kayo ng pinggan niyo at maluluto na ire.

Elmer: Ohhhh...pinggan raw kumuha ka na.

Vince: Tsss....oo na!

Elmer: Ma, asan si Papay?

Ada: Ah maaga may delivery kasi tayo ng maja at bico kaya maaga siyang umalis bakit?

Elmer: Papasama sana ako sa Bulacan may kukunin akong bagong unit eh.

Vince: Bakit kuya nakabenta ka na uli ng sasakyan?

Elmer: Syempre ako pa?

Vince: Beke nemen.

Elmer: Oo na Ma ako na mag bibigay ng allowance kay Vincesoy.

Vince: Kuya! Wag mo nga akong tawagin sa ganung nickname.

Ginulo niya yung buhok ni Vince "At bakit naman? Baka gusto mong di ko dagdagan yang baon mo."

Vince; Joke lang sige tawagin mo ko nun gang gusto mo kuya.

Elmer: Ey, pag talaga pera eh no? Ang bilis...Sigh....

Ada: Okay, tama na yan nga pala may natira akong maja ibigay mo kay Kelly mamaya pag pasok mo ha?

Vince: Sige po.

Elmer: Kamusta nga pala sila? Di na kami nagkikita nila Kian eh busy rin kasi.

Vince: Ayos lang sa birthday ko sasabihan kong isama si Jacob ang taba kanyo ng batang iyon kakatuwa at ang talino.

Ada: Aba'y oo nga ano? May anak na nga pala si Kian.

Elmer: Eh sino ba ang nanay nung bata? Kasama ba nila sa bahay?

Vince: Hindi ko kilala eh parang Rica yung name.

Elmer: Rica? Parang narinig ko na yung pangalang yon.

Ada: Eh di ba nga batchmate kayo nung highschool ni Kian baka naging kaklase niyo.

Elmer: Sabagay, baka nga po.

Vince: Gigisingin ko na po muna si ateAlice.

Ada: Sige mabuti pa nga para sabay-sabay tayong mag agahan.

"No need mom I'm here na." Ang bungad ni Alice na ngiting ngiti na ayos na ayos.

"Alice?" Anila Ada at Elmer at "Ate Alice?" naman ang sabi ni Vicne.

Vince: Whoa...ate anyare sayo? Manyamo nag dudugo yang nguso mo.

Bineltukan siya ni Alice "Tsk...kahit kailan ka talaga! Panira ng moment."

Elmer: Sandali nga ano nga uli ang work mo Alice?

Alice: Ahm...isang med.tech ako kuya bakit nalimutan mo na?

Elmer: Hinde mukha kasing rarampa sa mall sa itsura mong yan.

Vince: Oo nga bshis na bihis eh parang makikipag date lang.

"DATE????" Anila Vince at Elmer.

Pinagbebeltukan ni Ada yung dalawa "Eh ano naman kung makikipag date ang kapatid nyo? Nasa tamang edad na si Alice para sa ganyan wag nga kayo diyan di ko kayo pakakainin eh. Alice baby, halika kumain ka na."

"Bleee..." Ang reaksyon naman ni Alice.

"Ma..." Ang sabi naman nung dalawa,

Ada: Kumain na nga lang kayo.

Bumulong si Elmer kay Vince "Toto, alamin mo kung sino yung kawawang lalaki."

Vince: Oo kuya no problem.

Elmer: Siguado akong may boyfriend na nga yang si Alice kailangan nating maabisuhan yung lalaki.

Vince: Oo nga kuya kawawa naman yung lalaki.

"Hoy!!! Kayo diyan!!! Naririnig ko kayo!" Ang pasigaw na sabi ni Alice.

Elmer: Ang amin lang naman eh...a---ano...

Alice: Ma tignan mo si kuya oh binubully ako.

Kinuha ni Ada yung pagkain ni Elmer "Mamay naman!"

Ada: Heh! Magtinapay ka nalang.

Alice: Bleeeh...

At nagulat rin si Vince na kinuha din ng nanay nila ang pagkain niya "Mamay! Bakit pati ako?"

Ada: Wala lang! May angal? Mag tinapay kayo ng kuya mo.

Vince: Mamay naman....Ate!

Pero hindi siya pinasnisn ni Alice "Mamay, ang sarap niyo talagang magluto ng tapsilog da best!" At tinaasan niya ng kilay yung dalawa.

Ada: Talaga ba? Hayaan mo may tinira ako sayo para mabaon mo sa trabaho.

Alice: Talaga po? Salamat Mamay.

At tinaasan niya uli ng kilay yung dalawa "Huh! Bleeh...' Ang pang aasar niyang reaksyon doon kila Elmer at Vince.

"Tsss..." Reaksyon nung dalawa.

Samantala,

Sa Opisina ni Patrick,

May hinahanap si Richmond na animo'y mahalagang bagay "Tsk...nasan ba yun? Saan kaya nilagay ni daddy?"

"Kailangan kong mahanap yon sa lalung madaling panahon."

"Ayokong makulong."

Tahimik lang syang naghahanap na wari'y hindi alam ng ibang staff na nandoon sya sa opisina ng Chairman "Rich boy?"

Paglingon ni Richmond gulat na gulat siyang sinabing "Ma---ricar?!"

Maricar: Ba---bakit ka nandito sa opisina ni Chairman?

Richmond: Ah...eh...a---ano kasi...

Maricar: Lumabas ka na Sir!

Richmond: Ha?

Chapitre suivant