webnovel

Kabanata 89

Kinagabihan,

"Kainan na!" Anila maliban kay Kelly na tahimik lang.

Arnel: Kelly, ayaw mo ba ng ulam?

Kevin: Bakit? Hindi ba't pa borito mo ang adong baboy?

Kian: Kelly!!!

Kelly: Sigh...oho kakain na.

At nilagyan siya ni Arnel ng kanin at ulam sa plato niya "Eto oh, kumain ka ng marami hindi ka kumain ng ayos nung tanghalian mamaya may icecream tayo tska yung eggpie hindi ba't paborito mo yun?" Aniya.

Kelly: Pa---paano??

Kim: Gulat ka? Si tito Arnel ang unang nagpatikim sayo ng eggpie.

Kelly: Eh?

Kian: Oo naalala ko nun pumuslit si tito kila Mama at Daddy kasi aligaga sila sa pag timpla ng gatas mo kasi iyak ka ng iyak di nila malaan ang gagawin tapos sakto naman dumating si tito Arnel may dalang egg pie ayun dahil malambot naman ang texture nun binigyan ka niya ng di alam nila Daddy.

Kim: At ayun na guat sila daddy na tumigil ka na sa pag iyak.

Arnel: Kayo talaga kinuwento niyo pa kay Kelly nakakahiya.

Kevin: Ahahaha...ayos lang po yun nung 4years old nga ho yan nag try mag bake si daddy ng eggpie aba hindi kaniyo namigay siya lang lahat kumain.

Kelly: Kuya!!!

Kevin: Ahahaha...bakit nahihiya ka na ngayon? Tsss...kahit nga ngayon ganun ka parin eh. Bleeeh...

Kelly: Di kaya! Humph.

Kim: Sus...tama naman si Kevin eh pag may eggpie ikaw lang talaga nag e-enjoy.

Kelly: Kuya Kim naman eh.

Kian: Tama na nga yan kumain na kayo.

Pinagmasdan ni Arnel yung magkakapatid at sa isip-isip niya "Kuya Kemwell mukhang naging maayos naman ang pagpapalaki ni ate Keilla sa mga anak niyo. Sana lang makasundo ko na ang bunso mong si Kelly."

"Manong, anong nginingisi-ngisi niyo dyan?" Ang pa bulong na sambit ni Jacob.

"Sigh...at ere ding apo mo kuya sana hindi na niya ko tawaging Manong susme...Tatanda ako ng maaga sa batang a're." Dagdag pa ni Arnel.

Pero nagulat siya nung binigyan siya ni Jacob ng "Ere ho kumain kayo ng saging mainam raw po yan sa katawan lalo na sa buto." Napatingin naman yung magkakapatid.

Arnel: Ang bait naman pala nireng anak mo Kian.

Kian: Ho? Siguro ho? He---he---he...

Sa isip-isip niya "Mukhang may binabalak ireng batang re."

Jacob: Manong, ere pa ho damihan niyo po ang kain ng saging.

Binigay ni Jaocb yung isang buhat ng mga saging kay Arnel "Ha---ha---ha...ang dami naman ata nire baby napaka sweet mo naman."

Jacob: Ahhh...di naman ho masyado inaalala ko lang po yang mga kasu-kasuhan niyo para tumibay damihan niyo kain.

"Jacob!!!!" Ang sabay-sabay na sambit nung magkakapatid at tinakpan ni Kian ang bibig ng anak niya.

"Kasu---kasuhan??? Baby!!! Baka gusto mong!!!" Ang naiinis na tugon ni Arnel kaya bigla silang nag panic kaya napa sigaw si Kelly "Gusto ko na po ng EGGPIE!!!"

Bigla namang nahimasmasan si Arnel sa kaniyang galit "Talaga? Sige kukuhanin ko na para sayo baby girl." Ang pa sweet na sambit ni Arnel at umalis samantala nagulat yung magkakapatid sa naging reaksyon ng tito nila.

"Eh?" Anila.

Kelly: Sigh...

Kim: Jusme! Kala ko sasabog na sa galit si tito mababaliw ako sayo Siopao.

Kian: Jacob! Bad yun ha! At hindi Manong ang dapat na itawag mo kay tito Arnel. Lolo Arnel ang itawag mo sa kaniya bilang parusa hindi ka na muna pwedeng matulog sa kwarto ng tita Kelly mo.

Jacob: Pero daddy!!!

Kian: Hep! Wala ng pero, pero ikaw Kelly wag mo na ring papasukin si Jacob sa kwarto mo bawal mag games sa cellphone.

Kelly: Kuya naman parang di naman na ata tama yun.

Jacob: Sigh...okay lang po tita Kelly tatawagan ko nalang po muna si mommy.

Kelly: Anong sasabihin mo?

Sinenyasan niya si Kelly at umarteng inaapi "Sasabihin ko po na ipasama nalang niya ako kay Uncle Renzo sa probinsya kasi galit po si daddy sakin at manong....ay Lolo Arnel po pala."

Kian: Ha? Baby hindi naman galit sayo si daddy ang akin lang dapat gumalang ka sa nakakatanda sayo. Di ba KELLY???

Kelly: O—Oo naman.

Jacob: Pero galit po sakin si lolo Arnel.

"Sinong may sabi?" Ang bungad ni Arnel na dala-dala na yung slice ng eggpie

Kian: Tito.

Lumapit si Arnel kay Jacob at sinabing "Wag kang mag-alala hindi naman galit sayo ang lolo pero sana sa susunod matuto tayong rumespeto sa nakatatanda naiitindihan mo ba yun baby?"

Jacob: Opo.

Kian: Anong sasabihin kay Lolo?

Jacob: Sorry po Mano....Ay, Lolo.

Sa isip-isip ni Arnel "He—he...parang yung paghingi niya ng sorry sakin labas sa ilong parang gusto kong pisilin ng nail cutter ang pisnge niya."

Kian: Tito?

Arne: Ah...ha---ha—ha...wala yon tara kumain na uli tayo Kelly ayan na yung eggpie na slice ko na rin yan.

Kelly: He---he...sige ho salamat.

Arnel: Sige, sige kain na kayo.

Noong bata ako naalala ko tuwing may okasyon gaya ng birthday ko, pasko o kahit anong merong okasyong para sakin laging may pa-package si Ninong Arnel. Tapos nung nag 8years old ako naalala ko wala siyang regalo noon sabi sakin nil kuya Kevin "Oh? Bakit ka nasa labas? May inaatay ka ba birthday girl?" at ang naisagot ko lang kay kuya "Nag papababa lang ng kinain masyado po kasi akong na busog." Pero sa totoo lang inaantay ko ang papackage sakin ni ninong Arnel nahihiya lang akong sabihin kila kuya pero lumipas ang isang linggo may dumating na delivery man at narinig ko para raw sakin yung package pandalas ako ng labas at nakita ko yung card nakalagay "Happy birthday baby Kelly pasensya na late ang regalo ni ninong sayo naging busy lang sa work si ninong kaya sana tanggapanin mo parin ang gift ko sayo. Love, Ninong Arnel.

At simula noon kahit advance o belated ang kaarawan ko o kahit anong okasyon lagi akong nag-aantay ng regalo mula kay ninong Arnel hindi naman dahil pang mayaman ang regalo niya kundi dahil alam kong nag effort siyang bilhin yon kahit busy siya sa trabaho. Kaso ngayong nandito na siya at nagkita kaming muli after 18years di ko malaan kung ano ba ang dapat maging approach ko sa kaniya.

Kinabukasan,

Sa DLRU,

"Morning guys." Ang bungad ni Kelly na energetic na energetic.

Mimay: Good morning baby girl.

Dave: Morning Master.

Kelly:Tssss....

Harvey: Bakit parang biglang nawala ang pag ka energetic mo? Mornin'

Mimay: Oo nga, bakit may ginawa bang kalokohan yang si Dave?

Dave: Ha? Wa—wala...

Mimay: Yung TOTOO!!!

Lumuhod si Dave at nag makaawa kay Kelly "Master sorry na!!! Napag-utusan lang naman ako."

Kelly: Humph!!!

At bigla namang dumating si Vince "Anong nangyayare dito?" Aniya.

Dave: Master, sige na patawarin mo na ko pangako di na yun mauulit.

Vince: Ano ba talagang nangyayare?

"Hindi rin namin alam." Anila Mimay at Harvey.

Lumayo si Kelly kay Dave pero sinundan parin siya nito "LUMABAYAN MO KO!!!"

Dave: Master!!!

Kelly: HEH!!!

Dave: Master please!!! Kaya ko lang naman yun na gawa kasi ayoko lang na magkasakitan ulit ang magkakapatid nila Patrick.

Vince: Ano raw?

Mimay: Wala bang na kwento sayo si Kelly?

Vince: Wala naman pero sabi niya dumating daw yung tito nila yun lang naman.

Harvey: Hmmm...

"Bitawan mo ko!" Ang pagalit na sambit ni Kelly.

Dave: Ayoko Master!!! Hangga't di niyo ko napapatawad di ko kayo lulubayan.

Kelly: Ahhhh...ayaw mo talagang!!!!

Sisipain na sana ni Kelly si Dave nang biglang may sumigaw ng "SANDALE!!!" Ang bungad ni Richmond.

Dave: Kuya Richmond?

Kelly: Ikaw na naman Manong?

Nagbubulungan pa rin yung tatlo nila Vince "Sino raw yon?" Ang sabi ni Vince.

Mimay: Richmond daw binge lang pre?

Harvey: Parang nakita ko na sya kung san.

"Oh? Artista ba siya?" Anila Mimay at Vince.

Harvey: Hinde! Isa siyang sikat na gambler.

"Gambler?" Anila.

Harvey: Oo at sa pagkakaalam ko nakita ko na siya sa isang magazine di ko lang maalala kung anong magazine eh. Teka...Um...ayun oo kasama niya sa magazine yung tatay ni Patrick.

"Eh?" Anila.

Vince: Don't tell me...

"Wag! Wag kang LALAPIT!!!!" Ang sigaw ni Kelly habang papalapit sa kaniya si Richmond at nakita naman ito nung tatlo kaya humarang sila.

"Hanggang diyan nalang po kayo manong." Ang sambit ni Mimay.

Bumulong si Vince kay Harvey "Pre, tawagin mo si Prof.Mina."

Harvey: Okay sige pero hindi ba dapat si nurse Kevin?

Vince: Basta! Sige na.

Harvey: O---okay.

At tumakbo na si Harvey papalabas samantala kinakabaan na silang lahat pero si Mimay nag lakas loob parin kaya ang sabi niya "Wa---wala po kaming pakialam kung sino kayo pero kung sasaktan niyo si Kelly namin kami muna ang makakaharap niyo."

Vince: OO NGA!!! Kelly diyan ka lang sa likod.

"Guys..." Ang sambit ni Kelly.

Richmond: Dave!!!

"Po??" Ang sabi ni Dave na animo'y ninenerbyos.

Richmond: Pakisabi nga sa kanila kung sino ako.

Dave: H---Ho?

Richmond: BILISAN MO!!!

Dave: O---opo sige po.

Napalunok nalang si Dave at nagsalita "Ah...eh...guys siya si Mr. Richmond Santos siya ang panganay na kapatid ni Patrick."

"Kapatid????" Ang pagulat na sagot nila Vince maliban kay Kelly.

Richmond: Oo sa kasamaang palad kapatid ko si Patrick at sigurado akong alam niyo narin kung saang pamilya kami nanggaling kaya kung mahal niyo pa ang pamilya niyo hindi kayo mangingialam kaya UMALIS KAYO DIYAN!!!

Nagulat ang lahat sa mga sinabi ni Richmond kaya pinigilan siya ni Dave "Kuya Richmond wag hindi siya si Paula!"

Tinulak siya ni Richmond at tumama si Dave sa isang upuan "DAVE!!!" Anila.

Lumapit naman ka agad si Mimay sa kaniya "Ayos ka lang ba?"

Dave: Um...pero kuya Richmond...parang awa mo na wag si Kelly.

Lalapit na sana si Richmond ng "HOY!!! IKAW!!!!" Ang pagalit na sabi ni Vince at sinapak nya ito.

Richmond: Aba't!!! GUSTO MO NA BANG MAMATAY???!!!!

Vince: Bring it on!!!

Hinawi ni Kelly si Vince "Pis, ako na...Salamat."

Vince: Pero...kailangan kitang protektahan.

Kelly: Kaya ko na ito sige na.

Vince: AYOKO!

Kelly: VINCE!!!

Vince: Simula pagkabata ako na ang lagi mong ipinagtatanggol pag may umaaway sakin kaya ngayon ako naman.

Kelly: Salamat Pis, pero...ANG AYOKO SA LAHAT YUNG SINASAKTAN ANG MGA KAIBIGAN KO!!!

Kaya sinapak niya si Richmond.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
Chapitre suivant