webnovel

Kabanata 83

"Ano? Kamukha niyo po yung patay na kapatid nung Patrick?" Ang sabi ni Jacob.

Kelly: Shhh...baby wag kang masyadong maingay baka marinig ka nila kuya.

Jacob: Ay, sorry ho pero bakit? Paano po nangyare yun?

Kelly: Hindi ko rin alam pero ang alam ko may kamukha akong patay na nakakaloka di ba?

Jacob: Opo nga nakakawindang yun.

Kelly: Tapos parang lumabas na kinaibigan lang ako ng lukong Patrick na yon dahil kamukha ako nung tegibels nilang kapatid. Kaya nauuma ako!

Jacob: Ahm...tita Kelly don't get me wrong po ah? Pero yung Patrick po na yon crush niyo?

Namula ang mukha ni Kelly "Cru---Crush??? Hinde!"

"Hindi raw pero nauutal-utal sya at namumula ang mukha. Sigh...mga kabataan talaga ang hirap intindihin." Ang pabulong bulong na sabi ni Jacob.

Kelly: Ano yon?

Jacob: Ah...wala ho yon.

Kelly: Sa tingin mo anong gagawin ko?

Jacob: Kanino po kay Patrick?

Kelly: Hinde! Dun sa kamukha ko.

Jacob: Ho? Bakit? Gusto niyo bang hukayin yung bangkay niya?

Kelly: Aba'y hinde! I mean paanong mayroon akong kamukha???

Jacob: Yun din ho ang di ko alam pero based on my research po.

Kelly: Ano? Research? Batang ito ano ang mga pinagbabasa mo ha?

Jacob: Wala po kayo naman pero may nabasa po ako dating ganyan meron po talaga tayong kamukha sabi nga po meron pang parallel world eh doon raw po may mga ganire din pero kabaliktaran ng tayo dine sa mundo natin.

Kelly: Eh?

Jacob: Opo kaya kung mabait kayo dine sa mundo natin doon sa parallel na mundo kasalungat ng ugali natin doon.

Kelly: You mean kung bad ka dine doon good ka?

Jacob: Opo ganun na nga.

Kelly: Ohhh...sandali lang! Parang may napanood na kong ganyang anime.

"Opo yung kapapanood lang nating Fairytail.Pffft..ahahaha...masyadong paniwalain ireng si tita Kelly." Ang pabulong bulong ni Jacob na sabi.

Kelly: Ikaw!!! Niloloko mo ko ha.

Kiniliti niya si Jacob "Hahahaha...tita wag joke lang naman po yun kasi.Ahahaha..."

Kelly: Ikaw talagang bata ka naniwala ako doon ha.

Jacob: Hep! Pero tita totoo po yung nabasa ko na mayroroon po talaga tayong kamukha sa mundong ito well, kung hindi man dine sa Pinas baka sa ibang bansa.

Kelly: Baka naman ako'y pinagloloko mo na naman.

Jacob: Di po napanood ko po yun sa isang documentary na palabas siguro sa sampung tao may posibilidad na may kahawig tayo kahit isa o dalawa. Wala naman pong imposible di ba gaya po ng mga artista di ba? Maraming may hawig sa mga ordinary people kaya tita Kelly maniwala kayo may kamukha tayong lahat kahit di natin ka dugo.

Kelly: Mukhang may point ka naman pero curious lang ako ano kayang feeling na makita mo yung kamukha mo noh?

Jacob: Creepy po.

Kelly: Ha? Bakit naman nakakatokot?

Jacob: Ba'y tita kung ang kamukha niyo eh tegi na matutuwa pa ba kayo?

Kelly: Ha? Aba'y hinde nakakatakot nga.

Jacob: See, pero kung ako po yun at buhay naman siya siguro magiging masaya po ako kasi kahit di ko siya kadugo ang astig kamukha ko siya.

Kelly: Well, tama ka naman.

Jacob: Kaya wag na kayong mastress diyan happy lang para walang wrinkles.

Kelly: Hehe...tama ka nga.

Jacob: Ngayon ako naman po ang magtatanong.

Kelly: Sige ano naman yon?

Jacob: Yung tumawag po sa inyo kanina sino po yun?

Kelly: Ah...si Dave nakilala mo na siya kahapon di ba? Tsaka nung mga nakaraang linggo kasama niya si Patrick nalimutan mo?

Jacob: Ahhh...opo naalala ko na kaya pala familiar po yung Dave sakin kahapon.

Kelly: Oo.

Jacob: Eh...ano po palang sabi niya sa inyo? At aligagang aligaga kayo pandalas na kayo ng umalis kanina eh.

Kelly: Ah...bwiset nga yon kala ko totoo.

Jacob: Totoo? Ang alin po?

Kelly: Sabi kasi ni Dave uulit raw ako sa pag i-intern ko doon sa SM.

Jacob: Ohh...ano po yung intern?

Kelly: Ha? Maka ohhh...ka diyan kala ko naman alam mo.

Jacob: Hehe...joke lang po genius ata ang pamangkin niyong ito syempre alam ko po yun, yun yung OJT di ba or On The Job Training.

Kelly: Aba! At ang talino nga ng Siopao namin.

Jacob: Syempre po mana sa inyo.

Kelly: Well, oo at ayoko ng mag ojt doon kaya pandalas na ko kanina bwiset na Dave yon ang lakas ng trip.

Jacob: Gusto niyo po bang resbakan na natin?

Kelly: Hindi na bad yon.

Jacob: Hehe...joke lang po.

Kinaumagahan,

Sa hapagkainan,

Richmond: Magsalita kayo sino yung babae kahapon?

May: Hindi mo na kailangan pang alamin.

Richmond: Aba't!

Patrick: Mauuna na ko.

Richmond: Sandale!

May: Kuya! Tantanan mo na nga si Patrick! Hindi sayo ibinigay ni daddy ang malaking shares ng negosyo kaya wala ka ng magagawa.

Richmond: Huh! Eh ano naman? May karapatan pa rin ako sa kumpanya dahil anak rin ako ni daddy.

Patrick: Sige! Kapag nagising na si daddy wag kang mag-alala sayong sayo na ang lahat ng shares ko!

At umalis na nga si Parick "HOY!!! HINDI PA KO TAPOS SAYO!!! BUMALIK KA DITO!!!" Ang pahabol na sambit ni Richmond.

May: Tapos na rin ako wala na kong gana.

Umalis na rin si May "Aba't! Bumalik ka dito! May!!!" Ang sabi rin ni Richmond.

Habang naakyat ng hagdan "Kumain ka mag isa mo!" Ang sabi ni May.

Richmond: Ikaw!!!!

"Ring...ring..." Tumunog ang cellphone ni Richmond.

Richmond: Anong balita sa taong pinapahanap ko sayo?

Sa bahay nila Kelly,

"Morning daddy, morning tito Kim and tito Kevin." Ang bungad ni Jacob habang nag-aayos naman yung tatlo sa kusina.

"Morning Siopao." Anila.

Jacob: Kailangan niyo po ba ng tulong?

Kian: Hindi na kumain ka na lang muna ng pancake kumuha ka na diyan.

Jacob: Okay po.

Kevin: Ang tita Kelly mo? Hindi pa ba gising?

Habang kumukuha ng pancake si Jacob "Hindi pa po eh." Aniya.

Kim: Ano nga palang sabi sayo ng tita mo kagabi? Hindi na kayo bumaba dine eh.

Kevin: Ha? Bakit may problema ba?

Kian: Si Kelly lang.

Jacob: Ah...wala lang po yun kaya di na po kami nakababa nanood po kasi kami ng horror tapos nakatulugan na po ni tita Kelly kaya ako na po nag sara ng tv. Kaya sorry daddy di na ko nakalipat sa kwarto natin antok na rin po kasi ako eh.

Kian: Sus...ayaw mo lang talaga sa kwarto natin.

Jacob: Di po yan totoo.

"Tsss...paano naman kasi ang init-init sa kwarto niyo kay tita Kelly ang lamig kaya lagi akong nadayo doon ng tulog." Ang pabulong bulong niyang sabi.

Kian: May sinasabi ka nak?

Jacob: Ho? Wala po daddy.

Kevin: Pero ano bang nangyare sa tita Kelly mo?

Kim: Oo nga hindi ako naniniwalang wala lang yon lutang si Kelly nung dumating eh ni hindi kami pinansin ni kuya.

Kian: Kaya nga, Jacob mag sabi ka ng totoo ano talagang nangyare kay Kelly? Wag kang magsisinungaling bad ang mag sinungaling yan ang sabi ni Mamsie sayo di ba?

Jacob: Ahm...ano po kasi eh...

"Ding...dong..."

Kim: Oh? Sino na naman yan?

Kian: Ah...baka gatas lang uli pero sabi ko di na muna ko kukuha eh.

Kevin: Anong gatas?

Kian: Nako tignan mo na Kevin sabihin mo di ako kukuha ng gatas ngayon.

Kevin: Sige.

Jacob: Sama ko tito.

Kevin: Sige halika.

Jacob: Um...

At paglabas nung mag tito "Ethan? Ano't ang aga mo ata?" Ang sabi ni Kevin.

Ethan: Bro, I need your help.

Kevin: Ha? Bakit?

Ethan: Di ba kagabi gabi na tayo umuwi.

Kevin: Oh? Ano naman?

Ethan: Si Alice!

Kevin: Bakit? Anong meron kay Alice?

Ethan: Tsk...basta halika sumama ka na muna sakin.

Kevin: Ha? Pero may pupuntahan kasi kami.

Jacob: Sige na po tito ako ng bahala magpaliwanag kila daddy bumalik ka nalang po agad.

Kevin: Okay sige sabihin mo ha? Babalik din ako agad.

Jacob: Opo.

At umalis na nga yung dalawa na naka motor "Ano kayang meron? Kaya ayoko agad na tumanda eh ang daming problema." Ang sabi ni Jacob habang papasok sa loob.

"Baby!!!"

Jacob: Eh?

Binuksan ulit ni Jacob yung gate "Uncle Renzo?"

Renzo: Yes it's me your one and only Unlce pogi.

Niyakap niya naman siya ka agad ni Jacob "Na miss po kita." Ani Jacob.

Renzo: Na miss ka rin ni uncle kamusta ka naman? Sorry ngayon lang ako nakabalik.

Jacob: Ayos lang po ako ang bait po nilang lahat sakin lalo na si tita Kelly.

Renzo: Buti naman eh ang daddy mo?

Jacob: Sobrang bait din po.

"Siopao? Sinong...Renzo?" Ang bunagd ni Kian.

Renzo: Sup?

Kian: Kailan ka pa nakauwi?

Renzo: Ngayon, ngayon lang din.

Luminga-linga si Kian "Teka lang Siopao nasan ang tito Kevin mo?"

Jacob: Ahh...opo may sumundo po kasi sa kaniya eh sabihin ko raw po babalik siya agad.

Kian: May sumundo? Sino? At bakit di man lang nagpaalam.

Jacob: Ahhh...yung pulis po.

Kain: Pulis? Sino? Naka motor ba?

Jacob: Um...yung Ethan po yung name.

Kian: Ahh...bakit kaya?

Jacob: Hindi ko po alam eh basta narinig ko lang po kailangan niya ng tulong ni tito Kevin para daw po doon sa Alice.

Kian: Kay Alice? Pinsan namin yun eh bali tita mo kapatid yun ni Vince.

Jacob: Ohh...ganun po pala.

Kian: Ah...sorry halika pumasok ka muna Renzo.

Renzo: Si---sige.

Sa isip-isip niya "Mukhang okay naman pala si Jacob sa pamilya ng daddy niya mabuti naman kung ganon."

Jacob: Uncle lika na.

Renzo: Oo susunod na.

Sa isang hotel,

Kevin: Sandale, hindi ba't dito tayo nag reunion sa hotel na ito?

Ethan: Oo bro.

Kevin: Ano ba talagang nangyayare?

Ethan: Basta halika sumunod ka nalang.

Kevin: O---okay.

At nag punta yung dalawa sa isang room doon sa hotel na yon "Nasan nga pala si Alice?" Ang sabi ni Kevin.

Ethan: Nasa c.r siya.

Kevin: Ha? Bakit siya nandoon?

Ethan: Kasi may dugo....

Kevin: Ano?

Ethan: Tsk...halika na bilis.

Kevin: Hindi kita maintindihan.

"Knock...knock..."

Ethan: Alice, pwede mo na bang buksan? Andito na si Kevin.

Kevin: Alice? Andiyan ka nga ba?

"Kevin?" Si Alice ang kapatid ni Vince.

Kevin: Oo ako nga bakit ba? Ano bang nangyare?

Alice: A----ano kasi...yung ano.

Kevin: Anong ano?

Alice: Red alert!

Ethan: Ano raw yon?

Kevin: Haist...

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
Chapitre suivant