webnovel

Kabanata 65

Sa Labas ng Ospital,

Pagkababa ni Kelly "Ang astig talaga pag naka motor ang bilis nating nakarating senior ay Prof."

Tinatanggal naman ni Ethan ang helmet niya at tumugon ng "Ethan nalang wala naman tayo sa school."

Hindi matanggal tanggal ni Kelly ang helmet niya "Haysss...naipit na ata ang buhok ko dine di ko matangal."

Ethan: Let me help you.

Bumaba si Ethan sa motor at binaba ang hawak niyang helmet at tinulungan si Kelly "Wag kang malikot." Aniya.

Nagulat si Kelly "O---Okay."

Sa isip-isip ni Kelly "Ang lapit niya naman..."

"KELLY!!!!" Ang bungad na sambit ni Kian.

Sabay na lumingon yung dalawa "Ku---kuya..." Ani Kelly.

Ethan: Kian???

Lumapit si Kian "Anong ginagawa niyo???" Aniya.

Kelly: Ah...eh...ku—kuya kasi di ko matanggal yung helmet naipit ata yung buhok ko.

Kian: Tsk...

Tinulak ng bahagya ni Kian si Ethan "Ako ng bahala dito bro."

Ethan: O---okay.

At natanggal nga ni Kian ang yung helmet kay Kelly "Oh, ayan na."

Kelly: Salamat kuya.

Hinila ni Kian sa tabi niya si Kelly "Nga pala, bakit ka nandito Ethan?"

Ethan: Nabalitaan ko kasing na ospital raw si Jacob sinabi sakin ni Kevin.

Kelly: Di pa ba sinabi sayo ni kuya Kevin, kuya?

Kian: Itatanong ko ba kung alam ko???!!!

Kelly: So---sorry naman.

Ethan: May dala akong kakainin para kay Jacob nasan siya?

Kelly: Dun sa room 108 tara na.

Hinawakan ng mahigpit ni Kian si Kelly "Sasamahan ko na kayo!!!"

Kelly: Ha? Edi ba may pasok ka pa kuya?

Kian: Ano naman? Ako ng bahala doon. Halika na! Sumunod ka nalang Ethan.

Ethan: O---Oo sige.

Hawak-hawak pa rin ni Kian si Kelly habang papasok ng ospital "Sigh...kala mo naman aagawin ang kapatid niya eh." Ang pabulong na sambit ni Ethan.

Kian: Hoy!!! Ano pa bang inaatay mo diyan? Pasko? Bilisan mo na.

Kelly: Ethan, sumunod ka nalang ha?

Ethan: Oo andiyan na.

Sa Ward,

Jacob: Mamsie?

Nag aayos ng kakainin ni Jacob "Bakit baby? May kailangan ka?" Tugon ni Keilla.

Jacob: Wala naman po gusto ko lang pong itanong kung nag pa DNA test na kayo.

Keilla: A---ano???

Jacob: Narinig ko po kasi noon nung nag-aaway sila mommy at si daddy na di naniniwala noong una si daddy na anak niya ako. Kaya naisip ko po yung DNA test.

Keilla: Napakatalino mo talagang bata ka alam mo na yung DNA test???

Jacob: Ahhh...yun po ba? Napanood ko lang po yung sa drama rama sa hapon na pinapanood noon ni Mommy.

Keilla: Ah---ha---ha...ganoon ba?

Jacob: Kayo po? Di po ba kayo naniniwala na anak ako ni daddy? Na apo niyo ko?

Lumapit si Keilla sakaniya at papakainin ng lugaw "Baby, alam mo ba nung unan kitang nakita? Nakita ko ang resemblance mo sa daddy mo ganyan rin kasi siya noong bata siya cute and chubby."

Jacob: Talaga po? Pero sabi ng mga kapitbahay namin dati at mga nanay ng kaklase ko noon sa probinsya kamukhang kamukha ko raw po ang mommy ko kaya natatakot po ako na baka di po ako ma recognize ni daddy.

Keilla: Oh, kain lang ng kain okay?

Jacob: Opo.

Keilla: Wag kang mag-alala sure naman akong naniniwala si daddy na anak ka niya at syempre si Mamsie naniniwalang apo kita.

Jacob: Talaga po?

Niyakap siya ni Keilla "Malakas kutob ko kaya wag kang mag-alala kahit walang DNA test naniniwala parin akong apo kita."

Jacob: Salamat po Mamsie i love you.

Keilla: Love you more....oh sya kain ka na para di ka mamayat.

Jacob: Hehehe...opo.

"Baby...." Ang bungad ni Kelly.

Jacob: Tita Kelly!!!

Keilla: Oh? Eh bakit andito ka? Wala ka bang pasok?

Ethan: Hi tita and Jacob.

Keilla: Oh? Andito ka rin?

Ethan: Opo. Nabanggit po kasi sakin ni Kevin nandito raw po si Jacob kaya dumalaw po ako mamaya pa naman po ako duty ko. Ay, ere nga po pala kakanin padala po yan ni mama.

Keilla: Wow...naman babyboy oh may kakainin ka.

Ang sama ng tingin ni Jacob kay Ethan at napilitan lang syang ngumiti sa lola niya "He---he---he...opo."

Kelly: Oh, anong sasabihin mo kay tito Ethan?

Jacob: Daddy?

Kian: Sige na baby anong sasabihin kay tito?

Jacob: Sa---salamat po.

Ethan: Walang anuman baby boy.

Pabulong bulong si Jacob "Tsss...as if naman talagang para sakin yung dala niya.

Kelly: May sinasabi ka baby?

Jacob: Wa---wala po tita.

Keilla: Oh? Kian? Kala ko ba eh papasok ka na?

Kian: Ahhh...opo hinatid ko lang sila dine baka maligaw eh.

Keilla: Oh? I see...

Kelly: Si kuya kasi alam ko naman yung room number eh may pagsama pa talagang nalalaman.

Kian: Tsss...Oo na alis na nga.

Lumapit si Kian kay Jacob at hinalikan ang noo nito at pagkatapos bumulong siya rito "Baby, alam mo na ang gagawin okay?"

Jacob: Yes, daddy.

Kian: Okay, bye everyone.

Kelly: Tsss...sige na!

Kian: Tsk...bye Ma...

Keilla: Ingat ka.

Kian: Opo....sige bro.

Ethan: Um...

Paglabas ni Kian "Kamusta ka na Ethan? Nabalitaan ko dito na raw ang destino mo? Buti di na sa probinsya." Ang sabi ni Keilla.

Ethan: Ah...opo nga eh kayo po stay for good na po?

Keilla: Nako, hindi pa vacation lang.

Kelly: Ayaw pa kasi ni Mama na mag stop pede naman na eh.

Keilla: Anak naman napagusapan na natin yan di ba?

Kelly: Sigh...opo.

Ethan: Ganun po pala, buksan niyo po yung kakainin mainit init pa po yan kagagawa lang po kasi iyan ni Mama.

Keilla: Oh? Sabihin mo salamat ha?

Kelly: Baby, gusto mo yun kakainin? Masarap yon.

Habang nakain si Jacob ng lugaw "Pero tita, ang aga po ng kakainin para sa agahan tsaka nakain na po ako ng lugaw."

Kelly: Ah---ha---ha....ganun ba?

Ethan: Ayos lang tama naman si Jacob dapat ata pang agahan ang dinala ko.

Keilla: Ha---ha---ha...nako pag pasensyahan mo na ha? Bata eh.

Ethan: Hehe...opo wala po yun.

Sa isip-isip ni Ethan "Parang sinasadya naman ng batang ire. Manang mana talaga sya sa daddy niya at mga tito."

10am,

Sa DLRU,

Harvey: Pre, wala pa si Kelly? Mag start na ng class ah.

Vince: Ahhh...mamaya na siyang hapon raw papasok eh nasa ospital kasi siya.

Mimay: Ha? Bakit???

Vince: Hindi siya yung pamangkin niyang si Jacob.

"Ahhhhh...." Ang reaksyon nung dalawa at nagkatiginan pero nagiwasan rin naman ka agad.

Vince: Oo, mamaya nga pupunta rin ako doon sama kayo?

"Sama ko." Ang bungad naman ni Dave na may dalang bulaklak.

Vince: Oh? Saan ka ba galing? At may pa bouquet ka pa diyan.

Binigay niya yung mga roses kay Mimay "Morning Mimay." Aniya.

Mimay: Salamat.

Vince: Sandali nga, parang nakakagulo naman ata kami sa inyo class president tara nga muna sa labas.

Harvey: Ha? O---okay.

Dave: Bungol! Um...Harvey, can we talk?

Havey: Si---sige.

At lumabas nga yung dalawa "Babaeng ang haba ng hair....anong arte yon?" Ang sabi ni Vince kay Mimay na inaamoy amoy yung bulaklak.

Mimay: Ano yon?

Vince: Tsk...edi wow...kayo na ba ni Dave?

Mimay: Hindi pa pero nag kiss na kami.

"ANO???" Ang pagulat na tugon ni Vince.

Mimay: Ang oa mo noh? Kumalma ka nga.

Vince: Nag ki---kissed na kayo?

Mimay: Shhh...ang ingay mo kakauma.

Vince: Pero ano nga???

Mimay: Sigh...aksidente lang naman yun kaya wag ka nga diyan tsaka di ko pa nga sinasagot si Dave.

Vince: Sandale, bakit di mo naman nabanggit samin yan ni Kelly lagot ka dun.

Mimay: Sorry, alam na nya katext ko siya kagabi.

Vince: Tsss...So, ako pala ang huli sa balita.

Mimay: Aba, malay ko bang di pala sinabi sayo ni Dave.

Vince: Tsk...ewan.

Mimay: Sorry na! Oh eto di ko pa ito nasasabi kay Kelly ngayon palang sayo.

Vince: Sus...

Mimay: Di ko pa nga sya sinasagot kasi nga na kwento sakin ni Dave na may gusto siya kay Kelly kaya may doubt ako.

Vince: Doubt daw! Pero nag kissed na sila...ang arte!

Mimay: Ehhh...kasi nga.

Vince: Sigh...wag kang mag-alala dahil sure na rin naman akong di na nga gusto ni Dave si Kelly dahil gawa ni Patrick.

Mimay: Oo nga alam mo rin pala yon?

Vince: Malamang nabanggit sakin ni Patrick na nag tapat siya kay Kelly ng dalawang beses.

Mimay: ANO???

Vince: Oo pero wag kang magtampo dahil di naman ito na kwneto sakin ni Kelly nalaman ko lang kay Patrick.

Mimay: Ohhh...So, busted si Patrick kay Kelly?

Vince: Wag ka na laang maingay pero nabanggit sakin ni Patrick na baka daw these time may chance na siya?

Mimay: Oh? Waaahhh...I'm happy for my baby girl.

Vince: Wag kang maingay diyan.

Mimay: Oo na!

Vince: Eh yung mga yon? Bakit sa labas pa nag-usap ang dalawang yun?

Mimay: Hindi ko rin alam.

Sa Labas,

Dave: Talaga Pre? Ayos lang sayo na ligawan ko si Mimay?

Harvey: Oo, pero sana wag mo siyang sasaktan.

Dave: Oo naman.

Harvey: Sige na kung wala ka ng sasabihin papasok na ko.

Dave: Sandali lang Pre.

Harvey: Ano na naman? Ibibigay ko na nga sya sayo di ka pa ba masaya?

Dave: Di naman sa ganun pero bakit sumuko ka na?

Harvey: Pagod na ko. Happy?

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
Chapitre suivant