webnovel

Chapter 26

Loey

I like her but I can't make her feel it.

I like her but I have to let go of her because it will cause her life.

"Ang sama mo Bro," kumento ni Blake sa'kin nang makasakay ako sa kotse. Nakatitig parin ako sa nakatalikod habang nakatayong si Rose na nilagpasan ko kanina lang. I don't want to do it pero ito ang tingin kong makabubuti sa kanya. Ayoko nang maulit pa ang nangyari sa kanya n'ong nakaraan.

"Ano, alis na tayo?" untag ni Blake sa'kin dahilan para makapag-iwas ng tingin kay Rose. Tango lang ang naging tugon ko at pinaandar na nito ang sasakyan.

Pinanindigan ko ang paglayo sa kanya, lumipas ang araw at lingo na hindi ako nagparamdam sa kanya, nagkataon naman na naging busy ang grupo para sa napipintong World tour concert namin. Kaya kahit papaano ay na divert ang atensiyon ko roon.

Pero hindi ko naman siya totally na kinalimutan. I started to use my influence and did a crowd sourcing for a heart donor na pwedeng mag match kay Rose. Nagpatulong din ako kay Ate Kat at Kuys Jayem lalo na't may koneksiyon si Irene sa mga non-profit organizations na may mas malawak na sakop.

May mga times din na secretly pumupunta ako sa tapat ng building ng condo niya just to check if she is fine. Lagi kasi akong nag ooverthink kung ayos lang siya, at si Dio ang palagi kong kasama sa pag-iistalker mode ko.

"Argh. Puntahan mo na lang kaya at tanungin? Para kang tanga rito. Nadadamay pa ako." Minsan, nagrereklamo na nga ito dahil wala naman akong napapala sa pang iistalk ko dahil bukod sa nasa 10th floor ang unit nito, hindi ko rin nati-tiyempohang lumalabas ito ng condo.

Hindi ko rin naman gustong I contact si Yaya Shirley, baka magsumbong iyon kay Rose, alam kong sa kanya parin ang loyalty nito.

Sa mga sumunod na araw after practice ay ganoon parin ang ginagawa ko. Minsan si Sean or Kyle ang sinasama ko para naman hindi panay reklamo si Dio.

"Tinamaan ka talaga ng magaling Bro," kumento ni Blake. Umiling-iling ako at itinuloy lang ang kabaliwan ko. At ni minsan ay hindi ko siya nakita. Marami akong tanong sa isip ko.

How is she?

Is she eating?

Is she smiling?

Is she feeling better now that I am not showing up?

Nakaka trauma kasi. Ako lang naman kasi talaga ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay. Kaya kahit gustong-gusto ko na siyang Makita ay titiisin ko para lang hindi na maulit pa ang nangyari.

For the nth time ay nandito na naman ako. This time, ako lang mag-isa at hindi ko na inabala pa ang mga kaibigan ko, this time lumabas ako ng kotse na nakasuot ng black cap at face mask. Kaunti lang naman ang tao at sa tingin ko ay hindi naman yata ako makikilala dahil naka hoodie jacket rin ako. Tumayo ako sa medyo may kalapitan sa entrance ng building. Sinubukan ko lang at baka lumabas siya.

Gabi na iyon, at sa dalawang oras kong nakatayo roon ay nagpasya na akong umalis.

Bukas naman ulit.

I turned my back and started to take one step towards my car.

"Loey."

I heared her voice calling me.

Hindi ko siya nilingon. I took another step away from her.

"Stop."

I didn't listen to her at pinagpatuloy ko ang paghakbang palayo.

"Don't go anywhere please," she pleaded and her voice sounded crack. Sa tingin ko ay umiiyak siya. Dahilan para maging marupok ako at mapalingon sa kaniya.

"Nagpapakamatay ka ba? Will you please stop crying?" saway ko na naka kunot ang noo. Nananatili parin akong cold sa kanya.

Ang kulit talaga, ayaw talagang tumigil sa pag-iyak.

"Pinilit ko namang kalimutan ka," panimula nito habang nagbibigay daan sa luha niyang walang humpay sa pag-agos.

"Mas mamamatay yata ako sa sakit ng pakiramdam habang lumalayo ka sa'kin."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Kung mamamatay ako, gusto ko ang dahilan n'on ay ang sobrang pagmamahal ko sa'yo."

Tuluyan na nga akong nanlambot sa sinabi niya. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya.

At nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

Am I being selfish?

Selfish for wishing that, I will be with her until the bottom line?

Chapitre suivant