webnovel

Chapter 24

Loey

Natatawa ako sa nangyari kahapon, at the same time kinikilig. Alam kong gusto rin ako ni Rose at nagdedeny lang siya. Nasa dorm na kami ngayon, gabi na kasi at naghihintay lang kami sa pagkain na niluluto ni Kuya Minx. Siya kasi ang naka toking magluto ngayon dahil day off ni Dio sa pagluluto.

Kanya-kanya kaming ginagawa. Si Dio, Kyle at Sean ay nanunuod ng Pororo na paborito nilang panuorin.

Si Harvey naman ay nagsesenti mag-isa habang nag gigitara sa gazeebo sa labas.

Si Blake ay nakahilata sa single couch habang may kausap na namang babae sa phone. Ang landi pa ng boses habang inuuto ang kung sinumang kausap nito.

Si Jaydee naman, ay sa tingin ko nag-aaway sila ni Angel ngayon sa bahay nila. Padalos-dalos kasi itong si Angel, napa anak tuloy si Irene. At ang future Daddy na si Jayem ay paniguradong excited na ngayon sa paglabas ng Baby boy nila.

Ako naman, panay scroll sa phone. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at ni search ko siya sa Instagram.

Ni follow ko siya. At nakita kong nag post siya just now.

Selfie niya iyon habang nakatambay sa terrace ng unit niya, with caption.

Where are the stars?

Magcocomment sana ako kaso naisip ko, baka ibash siya ng mga obsessed fans kaya naisip ko na lang i-message siya.

Good Evening.

I started.

Good evening too.

She replied.

Kumain ka na ba?

I asked again.

Tapos na, ikaw?

Hindi pa eh.

Ano kaya irereply niya? Pagkalipas ng mga 10 minutes, hindi na siya nagreply.

Bakit nga naman magrereply? Eh dead end 'yong chat ko sa kanya.

Mag oofline na sana ako kaso biglang nag

Typing….

Slr, kain ka na.

Napa smile ako. Argh. Kinikilig ako men!

Tapos may kasunod pa.

As a friend. Kain ka na as a friend

Nawala bigla 'yong ngiti ko. Okay na sana eh panira naman. Na friend zoned tuloy.

Napa tayo ako at naisipan kong puntahan siya. Nagpaalam ako sa members na aalis at hindi na rin ako kumain sa dorm dahil gusto ko siyang yayaing kumain.

I didn't tell her because I want to surprise her.

Nag drive ako papunta sa condo niya, umorder muna ako ng pagkain sa Jollibee, ang alam ko ay gusto niya ang chicken joy kaya umorder ako ng isang bucket. Pagkarating ko ay siya ang sumalubong sa akin.

I welcomed her with a smile, "Shall we eat?" I asked her habang inaangat at pinapakita 'yong dala kong pagkain.

Parang iba 'yong awra ng mukha niya, parang hindi natutuwa. Giniya niya ako papunta sa kitchen at inihanda niya 'yong dala kong pagkain.

"Sa'n pala si Yaya Shirley?" tanong ko.

"Nasa mall, may pinabili kasi ako," Tipid niyang sagot.

Sinimulan ko nang kumain habang siya ay tahimik lang.

Hindi na ako nakatiis at tinanong ko na siya.

"May problema ba?"

Nananahimik parin siya at napatigil ako sa pagkain ko. "Nagagalit ka pa rin ba sa ginawa ko?"

Hindi siya umimik. I shrugged and sighed. "Look, I'm sorry—"

"Itigil na natin 'to Loey." She cut me off with that word.

"What do you mean?"

Hindi pa nga naging kami titigil na agad? Masakit pa 'yon sa break up ah.

"Huwag na tayo magkita," Mabigat niyang sabi.

"Why?" kunot noo kong tanong.

"Anong nagawa kong mali?"

"Wala."

"Then why are you doing this?"

Lumalim ang paghinga niya at napabulyaw pa siya. "Kasi Gusto kita Loey! gustong gusto." Medyo nagulat ako at hindi ko inasahan ang level ng emosyon na pinapakita niya ngayon.

Napatitig siya sa akin, "Pero hindi pwede."

I didn't answer, instead I listened to what she is about to say. Nangsisimula nang mangilit ang mga luha sa mga mata niya. "I'm sick. My condition is getting worst I'm dying Loey. Masasaktan ka lang ulit kapag sinubukan natin."

Alam ko naman iyon pero hindi ko naman inisip na pwede siyang mawala anytime, ganoon ba talaga ka lala ang sakit niya?

"I need a transplant, and I can't find a donor. What if I die tomorrow?"

Tuluyan nan gang nagbagsakan ang mga butyl ng luha mula sa kanyang mga mata.

"At alam mo kung anong mas mahirap?" tanong niyang muli.

Nahihirapan na siyang magsalita at umiiyak na talaga siya.

"Please stop crying. I'm sorry, hindi na kita pipilitin."

"Ang mas mahirap?" patuloy niya ulit.

"Sa tuwing nandiyan ka, hindi ako makahinga…"

Sunod-sunod na ang malalim na paghinga niya at parang nahihirapan siya.

"Masakit isipin na ang pagmamahal ko sa'yo ang tatapos sa buhay ko." Nabuwal siya sa sahig dahil sa hirap na nararanasan niya.

"Rose!" sigaw ko saka nilapitan at binuhat siya dahil parang naninigas na siya, nawalan siya ng malay at parang hindi na tumitibok ang puso niya. Dali-dali ko siyang binuhat papunta sa baba para dalhin sa ospital.

Please hold on Rose, please survive this and I promise lalayuan na kita.

Chapitre suivant