webnovel

Chapter 15

Loey.

"Congrats Kuys," Pagbati ng apat na bagong dating na si Blake, Sean, Minx, Dio at Harvey.

Finally, eveything was done after three days. And we are now having our soft opening na dinaluhan ng mga malalapit kong kaibigan.

Nauna na itong lima na dumating at hinihintay pa namin sina Kuys Jayem, Kyle at Jaydee pati na rin ang girls para masimulan na ang dedication ceremony.

"Ah. By the way, this is Rose. She is my co composer," pagpapakilala ko kay Rose sa kanila.

Namilog ang mata ni Blake, "Oh!" Anito sabay turo kay Rose. "Ikaw si Wi---"

Tinakpan ko ang bibig niya bago pa niya masabi ang gusto niyang sabihin.

"Wi?" Takang pag-ulit ni Rose.

Binitawan ko naman ang bibig ni Blake. "Ahh. Ano, Wi... witty girl!" Sabi ko.

"Yun dapat ang sasabihin niya."

Muntik na 'ko d'on, nakakahiya namang malaman niyang tinawag ko siyang weird girl noon.

"Weird girl."

Sabay-sabay kaming lahat na napalingon kay Dio na nagpa innocent face pa. "Ikaw si weird girl sabi ni Loey." He said again.

And the dork is giving me an evil grin.

Walangya!

Hindi na tuloy ako nakatingin kay Rose dahil sa sobrang hiya ko sa katarantaduhan ni Dio.

Tumawa naman si Rose.

"Hahaha. Totoo, weird talaga ako," anito.

Hindi ko mabasa 'yong mukha niya, hindi ko masabi kung natatawa ba siya dahil hindi siya na offend or nagiging sarcastic lang siya?

Mayamaya pa ay dumating na rin ang married couple na si Jayem at Irene.

"Congrats," sabi ni Jayem na tinapik ako sa braso at niyakap pa.

"Congrats!" Sabi naman ni Irene na nakipag fist bump. Bumaling naman ito kay Rose at bumati. "Hi."

"Hello, I'm Rose," sagot naman ni Rose.

"Ahh. This is Irene, siya 'yong sinasabi kong doctor ko. Wife siya ni Kuys Jayem."

Nagkatinginan sila ni Jayem at parang napapamilyar ang isa't isa.

"Wait... ikaw 'yong nakapulot ng passport ko sa airport dati 'diba?" Ani Rose.

Namangha ang mukha ni Jayem at napa snap. "Oh. Oo nga! Ikaw nga 'yon. What a small world."

Bumaling si Jayem kay Irene. "Love, nameet ko siya dati n'ong sinundan kita sa Samar. Nakita ko 'yong passport niya sa bench."

Namangha rin si Irene. "Wow. Ang liit nga naman ng mundo," natutuwa nitong ani.

"May qoute pa nga akong nabasa n'on. Sabi mo..." napahawak sa sintido si Jayem at pilit inaalala 'yong qoute.

"Ayon! Sabi mo sa qoute na sinulat mo.

If you still fail even after chasing the person you love, try to stop and wait. If it will come back to you, it is for you. And if not, it is not meant for you," sabi muli ni Jayem saka napangiti at sumulyap kay Irene.

"I've stopped chasing her after I tried, but now she's back in my arms again. And she is worth the wait," he said while passionately looking at his wife habang hinihimas ang baby bump nito.

Nakakatuwa dahil after a year of being apart, and a year of being married again, ngayon ay magiging isa na silang ganap na pamilya.

"Cheesy," kumento ko sa kanila. Ngumiti at umiling-iling si Jayem saka nag excuse at pumunta sa members para bumati.

Mayamaya pa ay dumating naman si Jaydee at asawa niyang si Angel kasama ang kanilang supling na 2 year old baby na si Maddison.

"Congrats bro." Jaydee patted and hugged me.

"Congrats! Oh Maddie, you bless Ninong Loey," sabi naman ni Angel sabay inabot sa'kin si baby Maddie at bumaling kay Rose.

"Hi, girlfriend ka ni Loey? I'm Angel Jaydee's wife." Deretsahang sabi ni Angel kay Rose.

Medyo pasmado kasi ang bibig ng isang 'to at walang preno. Hahaha.

Medyo natameme si Rose d'on at hindi nakapagsalita.

"Ahahaha! Honey naman, nang iintriga ka dyan."

"Nagtatanong lang ako, ano ka ba."

Hinihila na ni Jaydee si Angel palayo kaya hindi na ito nakapagsalita, binigay ko naman si baby Maddie kay Jaydee at sinundan ko sila ng tingin habang papunta kina Jayem at iba pang members.

Pailing-iling akong natawa at bumaling kay Rose. "Pasensiya ka na, pasmado talaga bibig n'on."

Tumango siya at ngumiti.

Mayamaya pa ay nagsidatingan rin 'yong iba.

Si Kyle, kasama si Ate Wendy niya.

At ang team bridesmaid na nabuo n'ong kasal nina Jayem at Irene sa Korea noon.

Isa isa nila akong binati at masaya ko silang pinagmasdan habang nakangiting nagkakatipon.

And I realized something.

While I was busy nursing my pain of loosing Zoey.

I never noticed that my circle of friends are already growing.

May umalis man, mayroon namang nadagdag.

Si Irene, si Joy, si Angel, ang mga anak ng mga kuys kong si Jayem at Jaydee.

And my family na kahit hindi ko madalas nakikita ay nagpaparamdam parin ng suporta sa akin.

While I was being sentimentally looking at them, naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa likod ko.

Ni Rose.

"Congrats."

I see her smiling widely, and suddenly realized, what she wrote in the handrail at the cruise ship before was right.

Life is too short to be sad.

And there will always be another reason to be happy indeed.

Chapitre suivant