webnovel

Chapter 4 - Enraging Jealousy

Chapter 4

Enraging Jealousy

Nagising si Peter na nakahiga na sa ibabaw ng hospital bed.

He is now wearing a hospital gown.

Sinubukan niyang bumangon ngunit bukod sa nakaramdam agad siya ng kaunting kirot mula sa kanyang likod at kaunting pagkahilo ay mayroon pa siyang napansing nakadagan sa kanyang braso nang tignan ni Peter kung ano ito ay bahagya naman siyang nagulat.

Iyon ay ang kaibigan niyang si Edward na mahimbing na natutulog.

Huminga siya ng malalim at eksaheradong tumingin sa labas ng binta malapit sa kanyang higaan upang humugot nang lakas ng loob upang gisingin ito.

Ngunit noong ibalik niya ang tingin sa natutulog niyang kaibigan ay nagbago ang isip niya.

Kapag nagising niya ito, hindi naman niya alam kung ano ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Ayaw na niyang makitang muli ang namumuhi nitong tingin sa kanya gaya ng dati.

Kung noong isang araw ay nagawa nito siyang pag-initan sa basketball try-out game na nagresulta sa pagkaka-hospital niya ay lalo pa kaya ngayon.

Bumalik na lamang si Peter sa pagkakahiga at matamang ginamit ang pagkakataong iyon para pagmasdan ang kabuuang mukha ng kanyang kaibigan na mahimbing sa pagkakatulog nito.

Natatamaan pa ng kaunting sinag ng araw ang mukha nito mula sa labas, kaya naman lalong mas naging vibrant at expressive ang features ng mukha nito sa paningin ni Peter.

Kapansin-pansin ang mga pagbabago sa kaibigan niya gaya ng una niyang napansin ay pagpapakulay ito ng buhok di gaya ng dati na purong itim ang kulay nito, ang jawline nito ay lalong naging well contoured na siya namang bumagay sa malambot at makinis nitong pisngi even in his cherry coloured lips.

Samakatuwid, para lamang itong isang natutulog na anghel sa kanyang braso.

Aminado si Peter na namimiss na niya ang kaibigang ito. Mula sa kapritsuhan nito hanggang sa mga lakad na pinupuntahan nila dati noong sila'y highschool students pa lamang.

But now, everything about Edward is totally different, hindi niya alam kung ito pa ang Edward na kilala niya noon o baka hindi na.

He took a deep deep breath and shoke off that sudden thougts of fantasy.

He totally passed out from that very bad landing yesterday, umiikot ang paningin niya iyon marahil ay dulot ng gamot na ibinigay sa kanya.

Pagkaraan ng ilang sandali ay narinig ni Peter na bumukas ang pinto ng kwarto kung saan siya naka-confine

Bumalik siya sa pagkakapikit at nagkunwaring natutulog.

Hindi niya din alam kung bakit niya iyon naisipang gawin.

Bahagya niyang binuksan ang talukap ng kanyang mga mata para alamin kung sino ang pumasok na iyon mula sa pintuan.

Si Sammy pala, ang girlfriend niya.

Napamura siya mula sa kanyang isip. Naabutan nito si Edward na natutulog sa kanyang braso.

Hindi naman siya makagalaw dahil baka isipin ng kanyang Girlfriend na nagpapanggap lang siyang tulog.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Sammy.

Inilapag nito sa table ang dalang pagkain at bag.

"Same old days.. magkaibigan nga talaga sila pati pagtulog ... parehong-pareho" Sammy.

Habang nag-aayos ng mga dala-dala nito.

Naramdaman ni Peter na gumalaw si Edward.

Gising na ito.

"Oh Sam.. pasensya na nakatulog ako" Edward.

"Hmm.. malamang.. Lalo na 'yan siguro di parin natatakasan ng pain killers na ini-inject sa kanya mula kagabi hanggang kanina ng doktor kaya ayan tulog parin" Sammy.

"Hmm.." Edward.

Tumayo ito at umalis mula sa hospital bed ni Peter at lumipat sa sofa sa tabi ni Sammy.

"Don't worry, hindi naman ganon kalala ang injury niya, after 2 days gagaling na daw agad siya " Sammy.

"Hmm" Edward.

Nakikinig lang si Peter sa usapan nilang dalawa.

"Kailan ka nga bumalik ng Pilipinas?" tanong ni Sammy kay Edward.

"Last week pa, I'm staying at moms' place.." Edward.

Kung gayon ang aninong nakikita ni Peter ng ilang gabi lumipas sa kwarto nito ay walang iba kundi si Edward at hindi ang kanyang ina.

"Woaah, last week pa pala hindi ka manlang nagsabi" Sammy.

There was a sudden jealousy on Peter naiisip niya how will it be to talk like that comfortably gaya ng ginagawa ni Sammy at Edward ngayon... Jealousy of talking comfortably with Edward with out bringing the thoughts of guilt and betrayal.

Siguro ang mainam na lamang na gawin niya ay i-ignore ito o kaya ay iwasan kase kapag pinilit niyang ayusin ang naging gusot sa pagitan nila ni Edward noon ay baka pangunahan lang din siya ng kanyang takot na baka muli siya nitong layuan o iwasan gaya ng nangyari noon.

"Ibang-iba ka na.. halos hindi nga kita nakilala kahapon sa try-out game. Akala ko namamalik mata lang ako..pero hindi , tama pala ang hinala ko haha" Sammy.

"Maraming nangyari, simula noong bago ako umalis hanggang sa nandoon na ko sa Canada" ang sagot ni Edward at pagkatapos ay humugot nang malalim na paghinga.

"Hmm.. mukhang malalim 'yan ah hula ko tungkol sa pag-ibig?! may girlfriend ka na doon ano? kaya ka ganyan" Sammy.

Umiling si Edward.

"I haven't moved on yet... Ewan ko ba habang nandoon ako mayroong isang tao na pumapasok sa isip ko, nandito siya at nandoon ako somehow I feel guilty for what happened between us" Edward.

"Sus! ang drama mo! so you're single and you came home for that someone right?" Sammy

"Hmm.." Edward.

"I bought you some clothes.. magbihis ka na" Sammy.

"Thanks" Edward.

Tinanggap nito ang paper bags na iniabot sa kanya ni Sammy at pumasok sa loob comfort room.

"Edward came home for someone?" tanong ni Peter sa kanyang sarili.

Sino? Kilala niya ba? o baka naman si Sammy iyon? hindi naman kase lingid sa kaalaman ni Peter kung gaano nito kagusto noon si Sammy.

He even confessed his love for Sammy in front of him. Kaya iyon lamang ang nakikitang rason ni Peter.

May parte sa pagkatao niya ang tahasang napunit sa mga isiping iyon na umiikot sa kanyang utak.

He came home for one good reason and that is Sammy, naiinis lang si Peter sa kanyang sarili dahil if that is the reason Sammy is his girlfriend now.

Nanga-ngalalay na ang mga talukap ng mata niya sa kaka-panggap na wala pa siyang malay.

Inimulat na niya ang kanyang mga mata.

"Sam!" Peter.

Agad na lumapit sa kanya si Sammy.

"Oh.. gising ka na.. kamusta ang pakiramdam mo?" ani ni Sammy.

Hinaplos ni Sammy ang kanyang pisngi at hinawakan ang kanyang kamay.

Ngumiti si Peter sa dito. Kitang-kita naman niya ang pag-aalala sa mukha ng kanyang girlfriend.

"Feeling better...sina Mama?" tanong niya.

"Umuwi muna sila ang sabi ko ako na muna ang magbabantay sa iyo, you slept since yesterday... mild abrasion ang tinamo mo sa iyong likuran hmm..ang sabi ng doktor after 1 day pwede ka naman daw nang lumabas" Sammy.

"Ganoon ba? ...thank you" aniya sabay hila sa kamay ni Sammy at mabilis na siniil ng halik ang labi nito.

Masuyo at puno ng pagmamahal, na siya namang naging dahilan para mamula ang pisngi ng dalaga.

"Peter! ikaw talaga hahaha.. nakakainis ka.. tini-take advantage mo yung sitwasyon mo ah? para saan 'yon?!" Sammy.

Hinampas nito nang mahina ang kanyang braso.

Peter chuckled.

"My payment for all your care and worries.. hahaha aminin mo nagustuhan mo naman hahaha" tukso niya kay Sammy.

Tumawa lamang ito sa sinabi niya.

"Hmm... ikaw talaga kahit kailan" pinisil ni Sammy ang pisngi niya.

"Aww" Peter.

"Dork! ang lakas mong pumisil may lahi kabang amazona? haha" Peter.

"Ano? ako may lahing amazona? sa ganda kong ito? hah?!" pinaulanan siya nito ng sundot sa kanyang magkabilang tagiliran dahilan upang mapatawa ng malakas si Peter.

"Hahahaha ... Sam tama na AHAHAHA nakikikiliti ako" Peter

"Subukan mo lang tawagin akong amazona ulit Peter" Sammy.

"Oo na oo na! hahaha tama na! surrender na!" Peter.

Huminto si Sammy sa pagkiliti sa magkabilang tagiliran niya.

Both of them became flustered ng makita nila pareho si Edward na nakatayo na pala sa kanilang likuran.

Umiwas ito agad ng tingin.

"Oh Edward! tapos ka na pala magbihis.. gising na si Peter" Sammy.

Nabura ang ngiti sa labi ni Peter ng makita niya ang ekspresyon sa mukha ng kaibigan.

Iba ang klase ng titig nito sa kanilang dalawa ni Sammy.

"Ah hinahanap na ko ni mama.. I'm leaving" Edward.

Pumihit na ito patungo sa pintuan ng hospital room.

Tumayo si Sammy at hinabol ito.

"Teka sandali lang Edward... hindi mo ba kakamustahin man lang si Peter?" Sammy.

Ngunit huli na nakaalis na ito.

"Sam.. its okay let him be" Peter.

Bumalik sa loob si Sammy na malungkot ang ekspresyon sa mukha.

"Bat ganon siya.. magkaibigan naman kayo di ba? parang wala siyang concern sa'yo Peter! hay naku hindi ko rin talaga siya maintindihan matino ko naman siyang nakausap simula kahapon pero ngayon?" Sammy.

"Tama na yan Sam.. hayaan mo na lang hindi natin alam ang pinanggagalingan niya" Peter.

Ngunit ang totoo ay halfway alam niya kung saan nanggagaling ang ganoong asal ni Edward sa kanila at iyon ang bagay na hindi niya masabi kay Sammy.

"Nagsabi ba siya sa'yo na nakauwi na siya from Canada? " Sammy. Habang inaayos ang pagkain na dala nito kanina.

"Honestly, hindi.. I haven't heard anything about him.. well maybe because abala siya doon sa Canada nakalimutan na niya siguro na mayroon siyang mga kaibigan dito sa Pinas" Peter.

"Nakakatampo.. parang hindi na niya tayo kilala" Sammy.

Lumapit sa kanya si Sam dala ang pagkain na inihanda nito.

"Hayaaan mo na... baka nag-aadjust lang yan siya sa'tin" Peter.

Tinanggap nito ang kutsara na mayroong lamang pagkain na isinubo sa kanya ni Sammy.

Kinabukasan ay nadis-charge na na rin siya sa hospital. Ang mama ni Peter ang sumundo sa kanya.

Hindi na ganoon masyado kasakit ang likod niya si Sammy naman ay nagpaalam na papasok na sa klase niya nang araw na iyon kaya hindi na niya ito nakasama pa pauwi.

"Okay ka lang ba diyan anak?" ani ng kanyang mama na sinilip siya sa review mirror ng kanilang kotse.

Nakaupo siya sa sa front seat.

"Ayos naman po Ma.. " tugon ni Peter.

"Here's your phone.. dinala ko kagabi pauwi para i-charge i-check mo na, ang daming tumatawag hindi ko lang sinasagot" ani ng kanyang mama.

Iniabot nito sa kanya ang kanyang cellphone habang nagmamaneho ito.

"Thanks ma" Peter.

Tama nga ang mama niya. Punong-puno ng missed calls ang call history niya, mga tawag galing sa mga team mates niya, classmates, at iilang mga random texts mula naman siguro sa mga supporters niya.

May nagpop-up na e-mail sa kanyang notification bar.

Binuksan niya iyon at laking tuwa niya nang mabasa ang laman ng mensahe ng e-mail n iyon.

"Ma! natanggap po akong brand endorser ng Victumakyatnlothing Line" ang sabi niya.

Hindi naman aga nakapag-react ang kanyang ina inihinto nito saglit sa tabi ng highway ang minamanehong kotse.

"OH REALLY? Di ba yan yung tanyag na clothing line sa buong bansa? wow anak I'm so proud of you anong sabi?" ani ng kanyang mama.

Niyakap siya nito at walang pagsidlan ang tuwa.

"Qualified at tanggap na daw po ako for thier major endorsements sa lahat ng sports attire, foot wear and accessories nila maging sa ibang produkto nila Ma" Peter.

Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang pisngi at pinisil ito.

"Hmm! ang galing talaga ng anak ko, galingan mo anak ah? alam ko gustong-gusto mo 'yan pero syempre your studies is your first priority okay? siguro naman maiintindihan nila kase alam nilang isa kang college student " ani ng kanyang ina.

"Opo maman Ma, pag-aaral ko pa rin naman yung first priority ko, tsaka malaking tulong din po ito sa mga gastusin at bayarin po natin pag nagkataon Ma" Peter.

Muli nang pinatakbo ng kanyang ina ang kanilang kotse.

"Hmmm... 20 years old ka palang pero nakapa-responsable mo na anak, naaalala ko tuloy noon kami ng papa mo.. pagka-graduate namin sa college nangako kami sa isa't-isa na tutuparin muna namin ang mga pangarap sa'min ng mga magulang namin at iyon nga ang nangyari naging successful kami pareho, later on hindi na namin pinalagpas pa ang pagkakataong magpakasal" ani ng kanyang ina.

" hmmm.. Mama naman alam mo namang perfect example kayo ng Papa for having a very compassionate love.. sana nga ganyan din ang maranasan namin ni Jacob in the future" Peter.

"Basta nasa tama at pinag-iisipan mo ang bawat desisyon mo sa buhay anak hindi malabong maranasan mo rin ang naranasan namin ng papa mo" ani ng kanyang ina.

"Siya nga pala, nasa bahay ngayon si Stella.. nakabalik na pala ng Pilipinas ang anak niyang si Edward ang kaibigan mo nak... naghahanda siya ng dinner ngayon sa bahay inawan ko siya doon kase ang sabi ko susunduin kita sa hospital" ani ng kanyang mama.

Nabura ang ngiti sa labi ni Peter.

"Ah ganoon po ba?" Peter.

"Na miss niya lang daw kase tayo.. ngayong bumalik na daw si Edward ay baka naman daw pwedeng ipaghanda niya tayo ng Dinner.. nakakatuwa talaga si Stella, I'm very happy for her kase after one year ng paninirahan ng kanyang anak sa kanyang Papa sa Canada ay nakabalik na din ito... sobrang namiss niya siguro si Edward kase she's been living alone for almost a year" ani ng kanyang ina.

"Hmmm..." tanging tugon ni Peter at tumingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Hindi mo ba namimiss ang kaibigan mo anak?" ani ng kanyang ina.

"Hmmm... sakto lang Ma" tugon ni Peter.

The truth is, He is starting to collect his courage.

Seeing Edward is a great torture for him.

Hindi parin niya maloloko ang kanyang sarili.

Mahigit isang taon na ang nakakaraan he's really deeply fallen inlove with Sammy, his girlfriend, but now Edward is back ay tila ba nagkaroon siya ng banta sa sarili na baka unti-unti na namang manumbalik ang lahat sa kanya.

Ang isang bagay na kinakatakutan niya sa lahat ay baka hindi na niya magawang pigilan pa ang sarili kapag nangyari iyon.

Mahal niya si Sammy but he is very stupid enough to feel that the same way with Edward.

Dumating sila ng bahay.

Nandoon na nga ang mama ni Edward abalang nagluluto sa kusina kasama ang kanyang kapatid na si Jacob.

"Hello Peter! I miss you so much how are you? kamusta ang likod mo... I'm so sorry for that accident hayaan mo, Edward will come here to.." ani ni tita Stella kay Peter.

" hayaaan mo na tita Stella aksidente lang naman po iyon it happens all the time for all the athlete, it is not Edwards' fault po" Putol ni Peter sa paghingi ng despensa ng ina ni Edward.

"Ganoon ba but still... We'res sorry ito na nga naisipan kong ipagluto kayo matagal-tagal na din since huli tayong mag-dinner nang sabay-sabay" tita Stella.

"Hi Stella how was it? pasensya ka na naiwan ka tuloy... binantayan ka ba ng security mo?" ani ng mama ni Peter reffering to his younger sibling, Jacob na ngayon ay nilalantakan ang dessert na ginawa ni tita Stella sa ibabaw ng dinning table.

"Ayan... busy ang security natin as usuall sa pagkain.. nasarapan ata sa ginawa kong dessert" Stella.

His mom chuckled.

"Tama na yan tataba ka niyan" tukso ni Peter sa kanyang kapatid.

Benelatan siya nito at pinagpatuloy parin ang pagkain.

Peter chuckled.

"Pagpasensyahan niyo na po tita Stella matakaw talaga itong kapatid kong 'to eh" Peter.

"Hayaan mo na ngayon lang din naman ako nakapagluto ng ganito eh.. pwede ka nang maupo diyan Peter malapit nang matapos 'tong niluluto kong mga pagkain" Stella.

"Tulungan na kita Stella" alok ng mama ni Peter.

"Oh Sure!" Stella.

Pinapanuod lang ni Peter ang kapatid niyang si Jacob habang ito ay kumakain.

"Are you fine na ba kuya?" Jacob.

Ginulo niya ang buhok ng kapatid.

"Hmmm.. oo I'm feeling better na Jacob.. miss mo na ba si kuya?" Peter.

"Slight lang" Jacob.

"Kung gayon penge ng dessert na kinakain mo" Peter.

"Hmmm ayoko nga " Jacob.

Tumawa na lamang si Peter sa sinabi ng kanyang kapatid.

It was past 5:00 o'clock in the evening ng matapos ang niluluto ng tita Stella niya. Nakahain narin ito lahat sa dinning table.

"Siya nga pala nakabalik na ba ang husband mo Claire?" Stella.

"Oo Stella natapos na ang vacation leave niya last week that is why back to service na siya" ani ng Mama ni Peter.

"Oh I see sayang hindi manlang siya namin naabutan?...siya nga pala parating na daw si Edward inasikaso lang daw niya yung document of transfer niya sa University ninyo Peter" ani ng tita Stella niya habang iniligay ang dessert sa gitna ng dinning table.

Naupo narin ang mama niya at si Stella.

"Thats good para hindi siya mahirapan sa pag-adjust atleast nag-aaral din doon si Peter" ani ng mama ni Peter.

"Ang dami naman po ng niluto ninyo tita? namiss ko tuloy yung specialty ninyong beef menudo" Peter.

"Ay sus! ayan pinagluto nga kita kase alam kong paboritong-paborito mo 'yan" Stella.

"Salamat tita" Peter.

Tumunog na ang doorbell nina Peter. Agad na tumayo ang tita Stella niya.

"Oh baka si Edward na 'yan" ani ng mama ni Peter.

"Oo nga baka siya na nga ito.. ako nang magbubukas Claire" Stella.

Tinungo nito ang pintuan ng kanilang bahay at makalipas ang limang segundo ay bumalik na si Stella kasama si Edward na bitbit pa ang bag nito.

"Oh Hello Edward! naku naman ang laki na nang pinagbago mo Ed" ani ng mama ni Peter.

" Hi Tita!" Edward.

Nagtagpo ang tingin nilang dalawa.

"Hi kuya Edward!" Jacob.

"Oh Jacob ikaw na yan? ang laki mo na!" Edward tsaka binuhat si Jacob.

"Para talaga kayong magkakapatid ano?" ani ng mama ni Peter.

"Oh siya maupo kana anak hindi mo ba kakamustahin si Peter?" Stella.

"Kamusta!" casual nitong bati kay Peter.

Ngumiti lang si Peter dito at tumango.

"Alright, let us enjoy this dinner Peter, Claire and Jacob" Stella.

Nagsimula na silang kumain.

Peter contained his self.

Hanggat maari ay iniiwasan niyang tumingin o magkasalubong manlang ang mga tingin nila ni Edward.

They we're talking with his mom and tita Stella.

Hindi siya gaanong nakisali sa usapan nilang tatlo dahil abala siya sa pagkain at sa pag-iwas sa mga usapin nila involving Edward and him.

Sinubuan niya ang kapatid niyang si Jacob ng isang pirasong steak.

"Eat more meat para hindi ka tabang tubig..okay?" tukso niya sa kapatid niya.

9 years old na ito at kasundong-kasundo niya ito sa lahat ng bagay. Kaya naman alagang-alaga niya ito maging sa mga kinakain nito.

"Gulay ang kailangan ni Jacob para lumaking malusog" out of the blue na sabi ni Edward.

Tumingin si Peter sa kanya.

Sinubuan nito ang kapatid niya ng shredded carrots galing sa vegetable salad na ginawa ng tita Stella.

Hindi na lamang iyon pinansin ni Peter kapagkuway ipinagpatuloy niya parin ang pagkain.

"Wow.. totoo ba Peter natanggap ka bilang brand endorser ng sikat na Victoria-Guzman Clothing Line?" tita Stella.

"Opo, ang sabi naghahanap daw sila ng athlete endorser last month nag-submit po ako ng portfolio ko at ng ilang pictures at iyon nga po kanina habang pauwi ay nabasa ko po ang e-mail nila na tanggap daw po ako tita" Peter.

"Mabuti 'yan Peter, anong malay mo hindi lang sa pagiging endorser ka nila kunin hmmm.. baka balang araw i-hire ka din nila to work in thier corporation.. balita ko mag-eexpand na naman daw sila sa ng bussiness sa Europe" Stella.

"Napakalayo pa non Stella, 3rd year college palang si Peter eh" ani ng Mama ni Peter.

"Wala namang impossible Claire stepping stone na 'yan ni Peter" tita Stella.

"Oo nga po!" Peter.

He slightly starred at Edward. Nahuli siya nito nakatingin sa kanya.

They were looking at each other nagsusukatan kung sino ang unang matatalo. Nararamdaman parin ni Peter ang pagka-disgusto sa klase pa lamang ng tingin sa kanya ni Edward.

Hindi kaya dahil ito sa nakita nitong sweetness sa pagitan nila ni Sammy noong naka-confine siya sa hospital?.

"What?!" anito kalaunan.

"Wala!" tugon ni Peter at muli nang ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Hinihintay lamang niya na humingi ito ng despensa sa nangyaring aksidente noong isang araw pero wala siyang nahita dito.

Hindi na nga ito ang dati niyang kaibigan na lagi siyang iniintindi at itinuturing na higit pa sa isang kapatid.

Ewan ba niya at tila ba biglang pumait ang lasa ng kinakain niya. Nawawalan na siya ng gana, hindi na niya kaya pang tagalan ang sarcasm na pinapadama sa kanya ng kaibigang si Edward.

"Oh kamusta naman pala kayo ni Sammy Peter? balita ko siya ang nagbantay sa'yo kagabi.. hmmm still inlove huh alam niyo perfect match talaga kayong dalawa" biglang tanong ng Tita Stella kay Peter.

Iniangat ni Peter ang kanyang ulo.

"Hmmm... One year na po kami Tita Stella yeah, We're still in love towards to each other" ani ni Peter.

"Napakabait nga nang batang iyon Stella.. wala kang masasabi" Mama ni Peter.

"Naku buti ka pa Peter, iyang si Edward naku sabi ng papa niya hindi talaga daw 'yan nagka- girlfriend doon sa Canada" tita Stella.

Nalipat ang tingin ni Peter kay Edward.

Hindi niya mapigilan ang pagtawa ng mahina. Tinaasan lang siya ng dalawang kilay ni Edward at sinamaan siya ng tingin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy...

Chapitre suivant