webnovel

Black Blood Chronicles: The First Immortals

Auteur: MariaJeon
Fantaisie
Actuel · 28.6K Affichage
  • 8 Shc
    Contenu
  • audimat
  • N/A
    SOUTIEN
Synopsis

Hindi ka ba nagtatakha kung saan nagmula ang mga bampira?

Étiquettes
1 étiquettes
Chapter 1Kabanata 1

Madilim ang paligid at tanging ang liwanag lang ng buwan ang tumatanglaw sa kanyang daraanan. Walang patid ang kanyang pagtakbo, buhat ang kanyang sanggol na anak. Handa siyang gawin ang lahat upang hindi siya mahuli ng mga taong iyon. Hinding-hindi niya ibibigay ang elixir sa mga taong pumatay sa kanyang asawa. Napapikit siya ng mariin nang maalala ang duguang mukha ng kanyang asawa. Hindi niya maaaring isuko ang pinaghirapan nitong buuin sa napakatagal na panahon. Hindi niya babalewalain ang sakripisyong iyon ng kanyang asawa.

Rinig niya ang mga yabag ng paa ng mga sumusunod sa kanya. Naalarma siya sapagkat napakalapit na ng mga iyon sa kanila. Mas lalo siyang kinabahan nang makita niyang isang bangin na pala ang kanilang kinaroroonan. Hindi! Hindi maaari ito? Ngayon ay saan na sila tatakbo?

Marahil ay naramdaman ng sanggol ang pagkabahala ng kanyang ina kaya naman bigla na lamang itong umiyak. Pinagmasdan ng babae ang kanyang anak, pagkatapos ay tinignan ang batong kanyang hawak na animo'y isang diyamanteng kumikinang sa liwanag ng buwan. Ang elixir. Ito ang bunga ng paghihirap ng kanyang asawa. Ito ay ang pangarap mabuo ng mga alchemist sa buong mundo. At dahil sa maingat at matalinong pananaliksik at pag-aaral ng kanyang asawa ay nalikha nito ang perpektong elixir o mas kilala sa tawag na "Philosopher's Stone".

Ito ang dahilan kung bakit sila ay hinahabol. Nais ng ibang mga alchemist na makuha ang elixir mula sa kanila. Ito rin ang dahilan kung bakit pinatay nila ang kanyang asawa. Lalong sumidhi ang kanyang pagnanais na huwag makuha ng mga baliw na iyon ang elixir. Kaya naman may naisip siya.

Gamit ang isang sanga ng puno ay gumuhit siya ng isang simbolo sa lupa. At doon ay inihiga niya ang sanggol. Pagkatapos ay inilagay niya sa dibdib nito ang elixir. Nagbanggit siya ng mga katagang Latin, unti-unting lumiwanag ang simbolong kanyang iginuhit, at nang matapos niyang sambitin ang huling kataga ay nawala rin ito na parang walang nangyari. Mabilis niyang kinuha ang bato at ang sanggol ay itinago niya sa may damuhan, "Patawarin mo ako, aking anak" bulong niya sa sanggol, "Pagdating ng araw ay malalaman mong ang lahat ng ginawa ko ay para sa iyong kabutihan." dugtong nito bago dampian ng isang marahang halik sa noo ang sanggol, saka niya ito iniwan.

Akmang tatalon ang babae sa bangin nang dumating ang mga humahabol sa kanila at hinila siya, "Bitawan ninyo ako!" pagpalag niya ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkapit sa kanya ng mga ito.

"Mina, ibigay mo na sa amin ang elixir!" wika ng isang lalake.

"Hindi iyon ganoon kadali gaya ng pagpatay mo sa aking asawa, Romulus!" matigas na sagot ni Mina.

"Huwag kang mag-alala. Malapit ka na rin namang sumunod sa kanya" nakangising sabi ni Romulus ngunit isang ngisi rin ang ibinalik sa kanya ni Mina na siya niyang ikinainis.

"Sige! Patayin mo ako. Tingnan natin kung iyong mapakinabangan ang elixir."

Nagsalubong ang kilay ni Romulus na tila ba nagtatanong kung ano ang kanyang ibig sabihin. Tinawanan siya ni Mina, "nakatatawa ang iyong itsura, Romulus! Para kang isang naliligaw na tupa sa gitna ng kagubatan," wika ng babae dahilan upang mas lalong magalit ang lalake sa kanya.

Nilapitan ni Romulus si Mina at saka niya ito sinampal, "masyado kang madaldal" wika niya bago nito tingnan ang mga lalakeng may hawak sa babae, "dalhin siya. Nasa kanya ang elixir. Hindi siya maaaring patayin dahil siya lamang ang may alam ng orasyon."

Marahil dahil sa pagod at biglaang pagsampal sa kanya ay nawalanv ng malay si Mina. Dinala siya ng mga lalake iyon sa kanilang lihim na laboratoryo at inilagak sa isang kulungan. Mula sa kanyang bulsa ay nakuha ni Romulus ang elixir.

Samantala, nang umagang iyon, isang matandang babae ang nakakita sa sanggol. Pinakatitigan niya ang batang lalake na may napakaamong mukha. Pinagmasdan niya kung mas tao ba sa paligid, ngunit wala. Agad niyang binuhat ang sanggol. "Kaawa-awa ka naman. Iniwan ka ba ng iyong ina sa kagubatang ito?" wika ng matandang babae sa sanggol. Isang matamis na ngiti lamang ang isinagot sa kanya nito. Tingin ng matanda ay magiging isang napaka-guwapong lalake nito paglaki at marami itong paluluhaing babae.

Iniuwi niya sa kanilang tahanan ang sanggol. Sinalubong naman siya ng kanyang anak na isang kawal sa palasyo.

"Saan mo nakuha ang batang ito, ina?" tanong sa kanya ng kanyang anak.

"Sa kagubatan, habang ako'y namimitas ng bunga. Nakita ko siya doon na tahimik na nilalaro ang kanyang sarili. Nakatingin sa akin ang kanyang magagandang mga mata na tila ba sinasabi sa akin na kuhanin ko siya," kuwento ng matanda. "Hinintay ko kung may darating upang balikan siya ngunit wala kaya naman akin siyang dinala rito. Kawawa naman kung iiwan ko na lamang siya roon" dugtong pa ng matanda.

Kinuha ng kanyang anak ang sanggol at tinitigan ito. "Ina, sa aking palagay ay masyado na kayong matanda upang mag-alaga pa ng sanggol gaya nito" wika niya sa kanyang ina, "Ang hari at reyna ay lihim na nagpapahanap sa aming mga kawal ng sanggol na kanilang maaampon sapagkat hindi sila magkaanak. Kapag hindi sila nagkaanak ay maaari silang palitan ng kapatid ng hari na si Prinsipe Zeos at alam natin na hindi siya magiging mabuting hari. Bakit hindi na lang natin ibigay sa kanila ang batang ito? Doon ay magiging ligtas siya at magiging maayos ang kanyang kinabukasan."

Nalungkot ang matanda sa suhestiyon ng kanyang anak, ngunit alam niya na tama ito. Napagdesisyunan nilang ibigay sa hari at reyna ang sanggol.

Dahan-dahang iminulat ni Mina ang kanyang mga mata. Masakit ang kanyang pisngi at lasang dugo ang kanyang bibig. Umupo siya mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang paligid. Nasa isang kulungan siya. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari. Kinapa niya ang kanyang bulsa ang elixir ngunit gaya ng kanyang inaasahan ay wala na ito.

Nakarinig siya ng mga yabag ng paa, tinignan niya kung kanino ito nagmumula. Si Romulus, kasama nito ang kanyang asawa at kanilang anak.

"Gising ka na pala" nakangising wika ni Romulus. Hindi sumagot si Mina at umiwas lamang ng tingin. Ano na naman kaya ang binabalak ng lalakeng ito at bakit niya dinala rito ang kanyang mag-ina.

Dinukot ni Romulus ang elixir mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito kay Mina. Hindi naman na nagulat ang babae. Hindi rin siya natatakot sapagkat alam niyang hindi magagamit ng lalake ang bato kung hindi niya alam ang orasyon.

Bumukas ang rehas ng kanyang kulungan. Pumasok doon si Romulus hila-hila ang batang babae. "Ito ang aking anak na si Thea. Nais kong gamitin mo sa kanya ang kapangyarihan ng elixir."

Nagsalubong ang kilay ni Mina. Tinignan niya ang bata. Napakaganda nito at tila walang kamuang-muang sa mundo. Inilipat niya ang kanyang paningin sa ina ng bata na si Aria. Bakas sa mukha nito na ayaw niyang mangyari ang mga gusto ni Romulus ngunit wala siyang magawa. Muling ibinaling ni Mina ang atensyon kay Romulus at saka sinabing, "Hindi ko gagawin ang iyong nais."

Ngumisi si Romulus, bago niya inilabas ang isang patalim mula sa kanyang bulsa at itinutok ito kay Mina. Tumawa si Mina, "ano? Papatayin mo ako? Sige. At nang hindi mo mapakinabangan ang elixir." wika ng babae habang tumatawa, ngunit napahinto siya nang makitang inilipat ni Romulus ang pagkakatutok sa patalim sa batang si Thea.

"Kapag hindi mo ginawa ang pinagagawa ko, papatayin ko ang batang ito!" wika ni Romulus habang nakangisi.

"R-Romulus! Anak natin ang batang 'yan!" wika ni Aria, ngunit hindi siya pinakinggan ng lalake.

"Hindi ka natatakot mamatay? Siguro nama'y matatakot ka sa iyong konsensya. Hinayaan mong mamatay ang batang ito kahit alam mong mayroob kang maaaring gawin upang iligtas siya." banta ni Romulus.

Hindi nakakibo si Mina. Gagawin talaga ni Romulus ang lahat upang mapasakanya lamang ang kanyang mga nais, kahit patayin pa ang sarili niyang anak. Sakim at walang puso. Tinignan niyang muli ang kaawa-awang bata.

"Gagawin ko na." wika ni Mina.

"Mabuti." Iniabot sa kanya ni Romulus ang elixir. Muli niyang iginuhit ang simbolo at pinahiga niya doon ang bata. Inilagay niya sa dibdib nito ang elixir at binanggit ang mga salitang Latin na siya namang kinabisado ni Romulus. Gaya ng dati ay nagliwanag ang simbolo at pagbanggit ng huling salita ay agad din itong nawala.

Tumayo ang batang babae. Kumunot ang noo ni Romulus. Tila wala namang nagbago, "Nakasisiguro ka bang isa na siyang imortal?" Tumango si Mina. Ngunit hindi pa rin naniniwala si Romulus. "Kung ganoon ay bakit hindi natin subukan?" wika nito bago muling kuhanin ang patalim at akmang sasaksakin ang bata ngunit nagulat na lamang siya nang may sumaksak sa kanyang likod.

"A-Aria?" wika nito nang makitang ang sumaksak sa kanya ay walang iba kung hindi ang kanyang asawa. "T-Traydor ka!!!"

"Patawad ngunit hindi ko na kaya ang mga ginagawa mo!" sagot ni Aria, hinila niya palapit sa kanya ang kanyang anak.

"M-magbabayad ka sa g-ginawa mo!" ang mga huling salitang binitawan ni Romulus bago siya malagutan ng hininga.

"Mina! Tumakas na tayo bago pa may makakita sa atin!" yakag ni Aria. Tumango naman si Mina. Kinuha nila ang elixir at dali-daling umalis sa lugar na 'yon.

Vous aimerez aussi

Obsessions: the unusual short stories

Crazy For Her What can you do for love? Are you willing to let go of the one who loves you wholeheartedly for the one who makes your heart beats faster? Who will you choose? The one you love or the one who loves you? Are you willing to bear the consequences of the decision you will make? ___ His dream Obsessing to pursue your dream is not a bad thing. Everyone wants to follow what their hearts desire, what they dreams to become. Pursuing and achieving that dream is what makes someone's life fulfilled. To be able to reach your dream. But what if the dream you wish to achieve have a lot of sacrifices to make? It will still be okay, right? The greater the sacrifice, the greater the fulfillment will be. Then let's see the sacrifices Charles Quizon have to fulfill his dream. ___ The chase We have different kind of race in life that we follow, that we need to chase. We chase to be the best, to be the number one. To be the greatest. But what if the race we want to chase is too hard, will you give up? Will you stop? What if the hardship is too much, will you chase a different kind of race instead? ___ The lover What can you do to attain the love of your life? What can you sacrifice to have that person? Are you willing to give up when the time comes that you found out the love of your life already loves someone else. Will you stay or fight for the love you have for that person, no what matter what happens? ___ The hands We have a different kind of obsession, with kpop idols, Hollywood actors and so on and so on. We like the way they smile, the way they dance or the way the act. We, sometimes are obsessed with how they look. What will you do to attain the sole thing you're obsessed about? What can you do and sacrifice to just have a glimpse of that, to be able to even just touch it? ___ The sounds We have different kind of addiction. Addiction to sweets, to chips, to drugs, to s3x etc. What if the addiction you have for the sounds will be something so fulfilling yet so painful? Is it really true, that pain with pleasure will be more satisfying? ___ Second Earth What if you were given a chance to experience a new life to a new Earth? Will you grab that chance and take off? If you will be at the second Earth what will you expect? ___ My only If you have a sole person who loves you and depends on you, will you be comfortable that they won't ever leave? What if you get too comfortable you bound to hurt that sole person, what will you do and can do to have that person back to your life? ___

spartace_lover · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
19 Chs