webnovel

The Princess's Saviour

Maaga kaming nakauwi ni Becca galing hospital dahil may pasok pa kami. Ayos na rin naman ako kaya naisip ko na pumasok na lang kaysa tumunganga sa condo. At gusto ko rin makita si Chris.

"Ang sarap talaga nito,hmmmm!"

Ninanamnam ko ang kinakain kong burger na binili ko sa Jollibee habang naglalakad dito sa campus. Kapag talaga kumakain ako nito ay nawawalan ako ng interest sa paligid ko kaya't hindi ko namalayan na may tao pala sa likod ko.

"Ay tipaklong!"

"Ahhhhhh! shot!"

Mapapamura pa ako dahil sa gulat at natapon ko ang pagkain ko. Tiningnan ko kung sino yun. Si Anton. Remember? Siya yung nagsabi sa akin na mali yung room na napasukan ko.

"hahahahahahaha! grabe ka naman magulat!" Natawa pa ang kupal.

"Sino kayang hindi magugulat sa ginawa mo?! Tingnan mo tuloy, natapon yung kinakain ko!"

Naiinis talaga ako kapag iniinterrupt akong kumain lalo pa't natapon yung favorite kong burger.

"hahaha,nakakatawa ka kasing tingnan habang kumakain na naglalakad." pang aasar niya pa.

"Hindi kaya nakakatawa!" inis kong sabi sa kanya.

"Ay naku,sorry. Bilhan na lang kita. wait mo ako dito."

Aalis na sana siya ng pigilan ko.

"'Wag na,malilate na ako pati na rin ikaw. Pabayaan mo na."

"Eh di pagkatapos na lang ng klase, I'll treat you sa jollibee."

Lumaki yung tenga ko pagkarinig ko ng sinabi niya. Naglalakad na kami papuntang building namin. Pareho lang kasi kami ng course. Actually, hindi talaga ako sumasama sa kung sino sino pero binanggit niya kasi ang jollibee. Tumingin ako sa kanya ng nakangiti.

"Talaga?! okay,hehe!"

"Hala! biglang nag iba ang aura mo,hahahaha. Kakaiba ka talaga. Anong oras ba ang tapos ng klase niyo para mahintay kita."

"6 pm. Sa parking area mo na lang ako hintayin. Sige dito na ako."

"Sige. See you!"

Natapos din ang last subject. Ang daming pinapagawa. Third day pa lang dami ng assignments. Nag unat ako ng kamay at inayos na mga gamit ko para makaalis na. Pumunta na ako ng parking area at nakita ko na siya sa may dulo malapit sa gate.

"Hi,kanina ka pa?"

"Hindi naman,medyo kakarating ko lang. Tara?"

"Sige. Let's go!"

energetic kong sabi. Syempre jollibee yun. Nakita ko siyang natawa.

Nakarating na kami at siya na ang umorder. Ako naman ay naghanap ng mauupuan sa taas kasi mas gusto ko doon dahil kita ko ang labas. Maganda rin naman kasi ang view mula sa taas. Naupo na ako sa may dulo. Habang naghihintay ay naalala ko na pupuntahan ko pala si Chris sa building nila kaso nakalimutan ko dahil excited sa Jollibee.

"Bukas ko na lang siya pupuntahan, sigurado namang galit pa yun at hindi rin naman niya ako papansinin."

Habang nagmumuni muni ay naalala ko yung laro namin ni Chris noon. Naghahabol habolan kami noon nang madapa siya. Sobrang nag alala ako kasi grabe ang iyak niya. Ni hindi siya tumatayo kaya tinulungan ko siyang bumangon.

"Halika at aalalayan kita. Maupo ka muna diyan. Tatawagin ko sila tita at tito."

"Huwag na. Papagalitan lang nila ako. Mag aalala lang sila."

umiiyak pa rin siya.

"Kailangan magamot yang sugat mo sa tuhod. Diyan ka muna."

Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Ple-Please,huwag muna."

"Haynaku naman Chris!"

Hindi niya pa binibitawan ang kamay ko at nagpapaawa ang kanyang mga mata.

"Sige. Hindi ko muna sasabihin sa kanila pero kukuha ako ng cotton at alcohol para sa sugat mo. Ako na ang gagamot. Hintayin mo lang ako dito."

"Okay. Bumalik ka ka agad,huh?"

"Oo naman."

Umalis na ako para kunin yung gamot. Mabuti na lang at madaling mahanap. Narinig ko ang tawanan ng parents ko at parents ni Chris. Hindi na ako nagpahalata sa kanila at dali daling lumabas. Malapit na ako ng mapansin kong hindi mapakali si Chris. Nakatalikod siya sa akin kaya't hindi niya ako napansin ng lumapit ako. Gugulatin ko sana siya kaso bigla siyang nagsalita.

"Asan na kaya si Yka? Ba-baka iniwan niya na ako."

patuloy pa rin siya sa pag iyak. Naawa ako sa kanya kasi ako lang talaga ang kaibigan niya,ang kalaro niya.

"Ano ka ba? hindi naman kita iiwan. Oh heto na ang alcohol. Kapit ka sa akin kasi masakit ito."

"Yka! akala ko di ka na babalik."

nakakaawa talaga ang mukha niya. Hindi talaga siya bumitaw sa akin. Alam ko na nasasaktan siya sa alcohol pero hindi niya pinapahalata dahil nakangiti lang siya.

"Hindi ba masakit?"

hinihipan ko ang sugat niya.

"Hindi naman. Okay lang ako kasi inaalagaan mo ako." nakangiti niyang sabi.

"Promise me na you won't leave me,okay?"

"I promise,no matter what happen Im still gonna be here. Ako lang kaya kaibigan mo,pano pa kung mawawala ako,haha."

"At kung aalis ka man, sabihin mo sa akin para alam ko. Para alam ko na may hihintayin ako."

"Oo naman. Personal akong magpapaalam sayo para hindi ka mag alala."

Nagpinky swear kami. Alam kong kailangan niya ako kaya hindi ko siya binibigo palagi kapag aalis kami. Alam niya kasi na babalik ako. Kapag tinitingnan ko ang mukha niya,para siyang munting anghel.

Ngayon nang makita ko siya,parang hindi na siya ang Chris na kababata ko,yung mabait at palaging nakangiti sa harap ko. Nalungkot ako bigla. Ano kaya ang nangyari sa kanya at naging ganoon na lang ang pakikitungo niya. Alam ko naman na may kasalanan ako pero hindi sapat yun para kamuhian niya ako ng sobra.

"Iintindihin ko na lang muna siya. Kaya ko naman ehh."

"Anong kaya mo?"

Hindi ko namalayan na kaharap ko na pala si Anton dala ang inorder niya.

"Wala. Ang tagal mo kasi,nagugutom na ako,haha." pabiro kong sabi.

"Pasensya na,ang haba kasi ng pila eh."

"haha,joke lang. Let's eat."

Habang kumakain ay nagkwentuhan na rin kami ni Anton. Ang full name niya pala ay Anton Chael Garcia. Nagshift course pala siya. Galing siyang business course kaso daw may naghahari harian na sa batch nila kaya umalis siya. Siya kasi yung tipo na ayaw malamangan pero tingin ko naman ay mabait siya. Saka gwapo siya,maamo ang mukha, matangos ang ilong,maputi,fit din ang katawan. Feeling ko nga magugustuhan siya ni Rebecca.Enjoy naman siyang kasama. Tawa ko nga lang ng tawa sa mga ikinikwento niya.

"Omo,nabusog ako ng sobra,haha. Salamat sa treat Anton."

"Wala yun,kasalanan ko kasi kung bakit nabadtrip ka kanina. Jollibee lang pala ang magpapangiti sayo,haha."

"Favorite ko kasi to kaya yun napasama ako sayo,haha."

"So friends na tayo?"

"Oo naman. Nilibre mo na ako dito sa jollibee eh,haha. friends."

Nagkamay kami at pagkatapos ay umalis na kami kasi late na rin. Dadaanan ko muna si Becca sa condo niya para ihatid yung pagkain. Ang dami kasing inorder ni Anton kaya pinatake out ko na.

"Sige Anton dito na ako. bye"

"eh dito rin ako nakatira, haha."

"Huh?talaga? what a coincidence. Saang floor ka?"

"Sa 36th floor ang condo ko."

"Oi,ako rin. Ang galing naman,haha. Dito rin nakatira ang kaibigan ko."

Nakasakay na kami ni elevator ng makita ko si Becca na papasok na rin.

"Oi Yka! wait papasok ako."

"Becca! hahatidan sana kit-."

"Wait a minute! Ikaw! Ikaw yung lalaki na tumulong sa amin ni Yka kahapon di ba? I'm sure of it. Diba? Diba?"

pangungulit ni Becca.

"Si Anton? Ikaw ang tumulong sa amin?"

"Ah,hehe. Oo ako nga."

napakamot sa ulo niya.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Eh di sana ako yung nagtreat sayo. Ano ba yan."

"Hoi ano to? Anong treat?" pang iintriga ni Becca.

"He buys me meal from jollibee. Oo nga pala, Anton siya si Rebecca Montefalco,my bestfriend, and Becca this is Anton Chael Garcia,señior ko sa school."

"Hiiii Anton. Nice to meet you." inaabot ang kamay habang kinikilig.

"Hello Rebecca,nice to meet you too."

" Nauna ka pa sa akin na kunin ang name niya,hmm!" nagtampo pa itong kaibigan ko.

"Hindi ko naman alam kasi,haha. Saka ok na rin yun. Nakilala natin yung tumulong sa atin kahapon."

"Sabagay. Ahm, Anton if you have time sa Saturday, can i invite you to have dinner with me?"

haynaku talaga itong kaibigan ko.

"Huh? ehh. . ."

"I mean with us ni Yka. If okay lang para naman makapagthank you kami sa tulong mo."

"Ay oo nga Anton, may masarap yatang restaurant dito."

"Okay! Sa Saturday. Wala rin naman akong pasok niyan."

"Okaaay! hehe."

grabe talaga ang kilig ni Becaa.

So pagkatapos kong ihatid yung pagkain ay umuwi na rin ako dahil pagod na pagod na ako kakalakad.

Dahil sa bigat na ng mga mata ko ay dumiretso na ako ng kwarto saka pumunta ng banyo para maghilamos. Nahiga na ako dahil hindi na kaya ng mata ko. Hindi ko na rin binuksan yung ilaw ko dahil matutulog na rin naman ako. Umusog ako ng kaunti sa may gitna at nag unat. Pero may naramdaman akong matigas sa may bandang kaliwa ko.

"ahhhhhh! Sino ka?! Pano ka nakapasok dito?Shot asan ba yung phone ko?!"

wala akong makita dahil sa dilim. ang tanging ilaw lang sa kwarto ko ay ang liwanag ng buwan. Hindi ko makita ang mukha niya.

"Asan na ba?"

patuloy ko pa ring hinahanap ang phone ko.

Nabigla ako ng bigla siyang magsalita.

"Don't bother finding your phone."

Familiar ang boses. Binuksan ko ang ilaw.

"So kumusta ang date mo? Napasarap ba ang kwentohan niyo kaya hindi mo namalayan ang oras?!"

"Chris? What are you doing here? Pano mo nalaman na dito ako nakatira?How-"

"It doesn't matter. Sagutin mo yung tanong ko?!"

galit na naman siya.

"Alin? Si Anton? Señior ko lang siya. Niyaya niya akong kumain. Yun lang."

"Sumama ka naman?! Pano kung may gawing masama sayo yun?! lumalakas na ang boses niya.

"Wag kang sumigaw. Kumain lang naman kami. Saka pano mo nalaman na may kasama ako?

"Wala ka nang pakialam doon!"

"Teka nga lang? bakit ka ba nagagalit? Ano ba kita? Ano susulpot ka na lang ng basta basta pagkatapos mong gawin sa akin yun?!

nagagalit na rin ako sa mga sinasabi niya.

"Hindi mo kasi naiintindihan!"

"Ikaw ang hindi makaintindi. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko ng iwan mo ako sa gitna ng kalye. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Anton dalhin sa hos-".

"Huh? bakit? anong nangyari sayo?"

"Wala. Umalis ka na kung susumbatan mo rin lang naman ako. Gusto ko nang matulog. Pwede ba?

Naiiyak na ako. Magkikita na nga lang kami ay mag away pa.

Umalis nga si Chris at naiwan ako na nakayuko. Nakatulog na ako dahil sa kakaiyak.

Kinabukasan.

Ang bigat ng katawan ko. Feeling ko magkakasakit ako dahil sa nangyari kagabi. Sana naging panaginip na lang yun. Sana hindi na lang kami nag away ni Chris. Ang sama pa rin ng loob ko.

"Oo nga pala! May assignment ako na kailangan tapusin."

Nag ayos na ako at pumunta ng school. Medyo maaga pa naman kaya't tatapusin ko na yung assignment ko. Nakalimutan ko na rin mag almusal sa pagmamadali.

"Okay class hand me your assignments. At saka pag aralan niyo yung susunod na topic para naman makapagparticipate kayo sa klase." professor naming lalaki na ang dami daming pinapagawa.

"Yes sir."

"That will be all. Class dismissed."

Hay salamat at natapos din. Gutom na gutom na ako at ang sakit pa ng ulo ko. Medyo mainit na ako.

"Ayos ka lang?" tanong ng isa kong classmate dahil nakita niya na nakaupo pa ako at nakahawak sa ulo ko.

"oh it's nothing, I'm fine, thank you."

nginitian ko siya para hindi na mag alala.

"Okay, I'll go ahead."

Naiwan ako sa classroom dahil parang hindi ko na kayang tumayo. Ipinatong ko muna yung ulo ko sa mesa. Maya-maya ay may narinig akong naglalakad papasok ng classroom.

"Hey miss, are you alright?"

Familiar ang boses. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko na nasa harap ko si Anton.

"Yka? ikaw pala. Masama ba pakiramdam mo?"

"Medyo masakit lang ang ulo ko pero magiging okay rin ako."

"Mainit ka ah, dalhin na kita sa clinic. Doon ka na magpahinga."

Kinuha niya ang mga gamit ko at inalalayan ako papuntang clinic. Nahihiya man ako ay sumama na lang ako dahil hindi ko na kaya. Nakarating na kami ng clinic pero walang tao. Lumabas ata kasi lunch break ngayon.

"Oh mahiga ka na muna diyan at hahanapin ko yung nakaassign dito."

Aalis na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya.

"Anton,pwede magpabili ng pagkain? Gutom na gutom na kasi ako ehh. Pasensya na sa istorbo."

hiyang sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba,okay lang. Kaibigan mo naman ako. Sige, I'll be right back."

Nakaalis na siya at ako naman ay nakahiga sa isa sa mga kama doon. Ipinikit ko muna ang mata ko. Makalipas ang ilang minuto ay may narinig akong pumasok at nahiga sa isang kama na katabi ko. I did not see the face because of the curtain which is in between our beds. Hindi ko na pinansin dahil pagod ang mga mata ko.

"Yka? hey."

May naririnig akong boses. Pero hindi ko maibuka ang mga mata ko dahil sa bigat. I tried to open it but It's blurred. So i just close my eyes again.

"Yka,wake up. You need to eat this and drink your medicine."

Nagising ako dahil sa pagkalabit sa akin.

"Anton, nakatulog pala ako. Sorry kanina mo pa ba ako ginigising?"

"Oo eh,parang hindi ka nakatulog kagabi sa tulog mo ngayon. Well anyway, ito yung pagkain mo. Kainin mo na then after that drink this medicine given by the nurse."

"Okay,thank you."

Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot ay nahiga ulit ako at nakatulog.

thank you for reading. Please keep on subscribing. And please comment if there are errors that i made. Tumatanggap po ako ng criticism mula sainyo para mas mapaganda ko pa o maayos itong stories. Arigato minna♥️

Aquarius_Vinsmokecreators' thoughts
Chapitre suivant