webnovel

Chapter 8❤️?

Chapter 8

Pagpasok ng unang linggo ay puro lang kami pagaaral at long quizzes na nakakaburyo! Buti nalang matatalino ang mga friends ko kahit hindi halata sa mga mukha nila.

"Jusko! Mga friends… akala ko maloloka na ako sa quiz natin  kay maam ramirez!" sabi pa ni bakla habang nagaayos ng kanyang hairlalu

"oo nga! Makakalbo na ang kilay natin kaka-aral natin eh!"sabi ko pa sa mga yun habang natatawa nalang kami.

"hoy! Ricardo! Matatapos na naman ang buong linggo na hindi mo pa binibigay pasalubong mo samin!" sabi deo  na kinasama ng mukha ni beks.

"oh.. Oh.. Baka mamaya magkapikunan pa kayo ah! Pananampigahin ko kayo dyan eh!" si she na nagbabanta sa dalawa.

"yan kasing patay gutom na yan ang nauuna eh! Sampigahin kita ng pasalubong ko eh!" sabay kalkal ng gamit nito at nilabas ang bracelets at mga kung ano ano pa.  "yan! Mamili na kayo.. Yung isa dyan.. Wag na bigyan!" nagpaparinig pa na sabi nito sabay sama ng tingin kay deo.

"wow! Ang dami naman nito magandang rica!" sabay akbay nito kay beks habang ngingiti ngiti ito na parang demonyo.. Hahaha.. "aray! Ito naman parang hindi mabiro eh!" sinampal kasi ni bakla ito eh..

"ang ganda naman nitong bracelet!" tsaka ko sinukat na saktong sakto sakin. Nag kanya kanya na din sila ng kuha at sinukat na din.

"win.. Tingnan mo oh! Bagay sating dalawa" sabay tapat nito sa bracelet ko kasi same kami ng napiling design.  

"para-paraan ka na naman deoboy" sabay pengot ni she dito. "Aray naman!" sabay tanggal ng kamay ni she sa tenga nito kaya pulang pula ito.

"P. E  na natin.. Tara na!" sabi ng president namin. Nagmadali na kami lumabas para pumunta sa Gym namin.

"uy! Excited!" sundot sakin ni she sa bewang. Napangiti naman ako kasi ito ang pinaka favorite subject ko dahil kasabay namin ang 4th year sa P. E. anebe.. I'm so kilig!

"sshh.. Wag ka maingay! May makarinig sayo!" tumango naman ito at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng gym.  Hindi ako nagkamali ng inaasahan nandito nga sila at nakita ko agad sya na nakikinig sa pag didiscuss ni sir toledo.

Pumunta kami sa pwesto namin para hintayin si sir bago magstart ang activity na gagawin namin this week.

Magbavolley ball kami ngayon at naghati kami sa 4 groups bago magstart, hindi kami magkakagroup kasi si sir ang pumili ng groupings namin pero pasalamat na din ako kasi kahit papano ay kateam ko si deo.

Naunang grupo ay sina she vs. Kay na rica na grupo. Unang hampas palang ay sa puntos agad nina rica, oh well di na ako magtataka kasi since elementary ay varsity na sa volleyball si beks.

"awww!!" lahat napa singhap sa lakas ng grupo nina rica. Nasa kanila na ata ang lahat ng malalakas mag spike.

"nakakatakot naman! Tapos mixed pa ang girls and boys.. Parang di tama!" reklamo ko kay deo.  " wala na tayong magagawa yun ang gusto ni sir eh. Kawawa nalang pag lalake ang nagspike tapos ang matatamaan ay girls mas malakas  ang impact diba?" naguusap kami ni deo ng mapalinga ako sa bahagi kung san basketball naman ang mga classmates nina kuya. Nagkatitigan kami ni jesthle  na masama ang tingin na naman sabay irap sakin. Problema non?

"uy! Nakikinig ka pa?" sabi ni deo habang winawagayway ang kamay sa mukha ko. "a-ah huh? Ano ulit yun?" nawala ng bahagya ang wisyo ko sa sinasabi ni deo nalimutan ko na kausap ko pala to. "tsk! Ano ba win! Malapit na tayo kaya makinig ka okay?" bigla naman akong kinabahan kasi malapit na kaming lumaban parang ngayon palang nararamdaman ko na ang sakit ng bola sa pagtama sa mukha… Lord! Gabayan mo po ako!

" titingnan mo lagi ang bola kung san pupunta okay? Pag medyo malakas ang pagkakapasa ng bola ay wag mo na tirahin. ilagan mo nalang hanggat maari para di ka masaktan." yinugyog pa ako sa braso nito. "oo! Ikaw bahala ah?!" tumango naman nito at nagoffer na mag apir kami. Nag apir kami habang nagtatawanang dalawa.

****prrrrtttt….

Sumenyas na si sir na kami na ang lalaban. Sa unang grupo na naglaban ay nanalo ang grupo nina beks samantalang yung kabilang grupo na nakalaban nila ay puro masasakit ang katawan kasi halos sambutin nalang ng katawan nila ang bola eh!

"Win! Makinig ka lagi sakin kung titirahin mo o hindi okay?" sabi ni deo na nasa kabilang bahagi ko. Samantalang yung kabilang grupo ay nagreready na din. Syempre ako ay humanap muna ng inspirasyon kaya hinanap ng mata ko ang love of my life ko, nakita ko sya na pawis na pawis habang nainom ng tubig. Win! Kaya mo to self!

"okay maghanda na kayo! Sa mga girls.. Walang lalamya lamya! At wala din dapat aarte arte pa okay?! Kaya kayo nasasaktan eh! Ang mananalo na grupo ay mataas ang grade na makukuha sakin." sabi ni sir at nagpito nato na hudyat na magstart na kami.

Ang unang grupo na nagserve ay kami kaya hinihintay nalang namin ang bola na bumalik samin. Nasambot naman ng team namin at pinasa ito pabalik sa kabila na hindi naman nakuha ng kabilang team kaya unang puntos ay kami. Grupo parin namin ang nag serve " win!tirahin mo!" sigaw ni deo sakin  kaya halos maduling ako sa bola na parating sakin at tinira ito kaso parang kakapusin napatingin naman ako ng may humampas dito ng malakas kaya malakas na bumagsak ito sa kabila. Sa pangalawang pagkakataon ay sa amin na namin ang puntos. "ang galing mo deo!" nag apir kami nito. Di ko akalain na magaling pala magvolleyball ito.

Malapit na matapos ang laro namin ng mga nanood na samin ang 4th year. Naconscious naman ako bigla kaya di na ako nakapag concentrate sa paglalaro. *PAK!* nawindang naman ako sa pagkagulat ng  muntikan na ako matamaan sa mukha ng bola buti nalang si deo ang tumira nito. " ano ba win! Muntikan kana matamaan!" naiiyamot na sabi ni deo sakin. "so-sorry!" feeling ko kasalanan ko kung matatalo kami ngayon. "tsk! Magconcentrate ka nalang muna dyan ng di ka masaktan!" tama! Kailangan ko magconcentrate.. Mas nakakahiya siguro kung matatamaan ako sa mukha ng bola at mahimatay.

"ayos ah! Medyo marunong ka din pala mag volleyball eh!" apir ni deo sakin. Sina beks at she nagchicheer lang samin. Kanya kanyang cheer kaya kagulo na sa gym at lalong dumadami na ngayon ang taong nanonood samin. Lahat kami pawisan na ngayon kasi mahirap din pala kalaban ang kabilang team.

Habang si sir ay natutuwa sa panonood samin kumpara kanina na galit na galit kakasigaw sa team nina she kasi ang aarte nung kateam ni bes.

5 points ang lamang namin sa kabilang grupo kaya palagay na ang loob namin na kami na ang mananalo. "Go! Win!" pagchicheer ng mga kaibigan ni kuya na kinabigla ko. "WIN!" pagkatapos ng malakas na pagsigaw nila ay nagdilim na ang paningin ko. Parang naalog ang buong kaluluwa ko sa pangyayari, masyadong mabilis ang nangyari.

Chapitre suivant