webnovel

Detective Lee

Action
Actuel · 20.5K Affichage
  • 4 Shc
    Contenu
  • audimat
  • N/A
    SOUTIEN
Synopsis

Parehong sikat at magagaling na detective ang mga magulang ni Kieyrstine Lee Valler. Gusto niyang maging kagaya ng kaniyang mga magulang at sumunod sa mga yapak nito ngunit ayaw siyang payagan ng kaniyang ama maliban nalang kung mapatunayan talaga niyang karapat-dapat nga siyang maging isang ganap na detective. Mapatunayan kaya ni Kieyrstine sa kaniyang mga magulang na siya ay karapat-dapat sa kabila ng kaniyang mga kapalpakan at katangahan?

Étiquettes
2 étiquettes
Chapter 1Prologue

"Mom..Dad.."

Nakayuko akong pumasok sa opisina nina Mom at Dad at naratnan ko silang pareho na abala sa kanilang mga ginagawa.

Huminga ako ng malalim nang sabay silang napalingon sa akin.

'Kaya ko 'to.. Payt Kieyrstine! Payt!'

Kagat-labi at nakayuko naman akong naglakad papalapit sa table nila. Tinanggal ni Mom ang glasses na suot niya at nakangiting nilingon ako samantalang si Dad ay sinulyapan lang ako sandali at ipinagpatuloy muli ang ginagawa.

Hayss..

"What do you need baby? Is there anything you wrong?" kunot-noong tanong ni Mom sa akin at umiling naman agad ako. Inakay ako ni Mom paupo sa tabi niya at hinawakan ako sa kamay. Sinulyapan ko muli si Dad pero busy talaga siya sa ginagawa niya.

Hindi ba siya pwedeng makinig sa akin kahit sandali? Napanguso ako sa naisip.

"Anak?" tawag pansin sa akin ni Mom at agad akong napalingon sa kaniya. Kitang-kita sa nga mata niya ang pagtataka dahil siguro sa seryosong mukha ko na ipinapakita sa kanila.

"Mom, A-alam ko na po kung anong kurso ang kukunin ko sa pasukan." Sabi ko at napalingon sa akin si Dad dahilan para mapalunok ako ng sunod-sunod.

"Really?" Tuwang-tuwa na sabi ni Mom sa akin. Halata sa mga mata niya ang oagka exicite dahil sa sinabi ko. "What course would you like to take up? Business? Medicine?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin at napanguso naman ako nang marinig na wala sa pinapipilian niya ang gusto ko.

"N-no Mom.. G-Gusto ko pong maging police detective kagaya ninyo ni Dad.." sabi ko at halos hindi ako humihinga nang sabihin ang nga salitang iyon.

---------

Date Started: March 6, 2020

Date Finished:

(A/n: This is my first time writing a mystery/thriller story. Hindi ako masyadong magaling sa genre na ito but I will try my best! Pramis! Hope you enjoy!)

©MswRIGHTer

Vous aimerez aussi