webnovel

Chapter 26

Arra's POV:

Nagising ako ng maaga dahil syempre na-excite ako,ako pa ba.Pagdating kasi sa kapatid saya ang aking nadarama kasi ikaw ba naman di magkaroon ng kapatid di ba?Ang lungkot nun sobra kaya nga pumayag na din ako na maging bunso ko si Calyx eh.Feel ko na maging Ate hehe.Pagkagising ko pa lang ay diretso agad sa banyo at ginawa ang dapat gawin dun.Pumunta na rin ako sa kusina ngunit nagulat ako meron na nakalagay sa hapag kainan.Aba si Leng talaga maaga nagising para sakin.May mga nakahanda na at masasarap ang luto niya at ang mga alaga ko naman sa aking tiyan ay nag uunahan na.

"Goodmorning Arra"bati sakin nito.

"Goodmorning din"bati ko pabalik.

"Ang aga mo nagising ah"

"Eh siyempre alam mo naman ako maaga talagang nagigising."

"Tara kain na tayo"pag aya ko.Haha kapalan na aba'y gutom na rin ako noh.Nakakatakam kasi ang mga pagkain e.

"Salamat sa pagkain ah"sabay subo.

"Wala yun"anya nito.

"Dahan dahan di ka naman mauubusan"wika nito kasi kung makasubo ako parang walang bukas.Huhu sorna e gutom lang.

"Ehmm Arra,di ba makikipag kita ka sa mga kapatid ni Zack?"

"Ehmm oo,bakit?"

"Picture kayo ah kasi gusto ko rin makita e.Hehe"

"Oo naman ako pa.Lalo na ngayon I want to meet his twins brother."Masaya kong sambit.Ewan ko ba marinig ko lang na twins ang saya saya ko.Siguro dahil di pa ako nakakakita ng kambal sa TV lang talaga.And now I can see in personal.Twin pa talaga,oh my shemay is it my lucky day?

"Wag naman masyadong ngiting ngiti diyan baka mapunit yan"

"Grabe ka naman sakin."

"Haha,biro lang.Halata naman sa mukha mo ang saya e."

"It's my first to see the twin.At iba talaga kapag sa personal makikita hindi sa TV lang."

"Ganun?"

"Yeah,ikaw ba May kapatid ka ba?"

"Hmm wala e.Im a only girl din like you."

○"Ahh,same lang tayo.Nangangarap talaga ako magkapatid lalo na kambal din.Ewan ko so weird when I heard about twins ang saya saya ko.Di ko naman alam kung bakit?What do you think?"

"Hmm excited ka lang kasi natural first time mo nga makakita ng kambal na kapatid di ba?"

"Siguro nga."Masaya kong sambit.

Tinapos na namin ang kainan at nagpunta na ako sa banyo para maligo.Egzayted talaga ang aking nadarama kapag kambal ang usapan di ko alam kung bakit.At kapatid pa ni King kong.

Inayos ko siyempre ang pagliligo ko para presentable sa kanila no.Nakakahiya naman kasi kung ang baho ko.Naks mga kapatid ni Panget e.Baka kung ano pa masabi sakin kaya much better na presentable sa kanila.

Matapos na ang pagliligo hinanap ko ang paborito kong dress.Yeah dress na pink ang isusuot ko.Mah peyborit,hmm oo peyborit ko talaga ang pink.E babae ako e duhh.

Natapos na ang aking pag-aayos at nakasuot na din ako ng dress.Hapon na at egzayted na ako na makita ang kambal na kapatid ni King kong.

"Ano?Ayos na ba tong hitsura ko?Mukha ba akong tao sa harap nila?"pagtatanong ko kay Leng.

"Ano ka ba naman Arra,relax you look presentable na sa kanila and you look beautiful today.Kaya smile na."Saad nito kaya naman huminga muna ako ng malalim dahil kinakabahan pa rin ako.

Lumabas na ako at laking gulat ko dahil nariyan na pala si Zack.Teka?Sinundo niya ako?Kaya ko naman eh pero ayos lang nakatipid pa ako sa pamasahe.Nice one Kingkong.Teka?Ano ba tong pinagsasabi ko?Umayos ka nga Arra!

"Oh,andiyan ka pala?Kanina ka pa ba diyan?"pagtatanong ko kasi ba naman hindi nagsasabi na susunduin niya ako.Kaya ko naman eh na pumunta dun sa meeting place.Kung alam ko lang edi sana hindi siya naghintay ng matagal nakakahiya jusmiyo.

"You look pretty today,"ani Zack.

"Oh thank you!Nandiyan na ba mga kapatid mo?"pag-uusisa ko.

"No,nauna na sila.So pumasok ka na at pupunta na tayo."

"Ay ganun?Papasok na at FYI walang tayo duh"

"Anong pinagsasabi mo diyan?Pumasok ka na nga dami pang satsat eh"

"Heto na nga!Papasok na nga"

Umupo ako sa likod,ayoko sa harap eh.Baka mamaya kung ano pa ang gawin ni King kong nako kahit madami akong ex virgin pa ako no.

Tahimik lang na nagmaneho si Zack.Impyernes ang gwapo niya sa suot niya nagmumukha siyang ibang tao dahil sa suot niya na para bang ibang Zack ang aking nakikita.Hindi siya nakasimangot ngayon ah,naalala ko kasi dati nung sumabay ako nakasimangot siya.Laging seryoso ang mukha kaya walang babaeng lalapit sa kanya.

Ay teka?Babae?Paano pala lalapit ang mga babae sa kanya eh ako nga lang pala ang babae sa University.Hay self wag kang shunga ngayon okay?Sana di ako mapahiya mamaya sa mga kapatid niya.Jusmiyo di ko keri yun nako po.Mahirap na 'Arra wag kang papalpak okay?'

"Andito na tayo Arra kaya bumaba ka na diyan."

"Kakasabi ko lang kanina na walang TAYO di ba?"

"Wag kang assuming diyan.Baba na dali!"

"Kalma!heto na nga oh,bababa na!"

Ang bilis naman? Kung sa bagay he have a way kaya I-BDO na yan.

Huminga muna ako ng malalim kasi kinakabahan na naman ako.At pagkatapos ay sumunod na kay Zack.

Nakapasok na kami sa mall at hanggang ngayon kinakabahan pa din ako.Para akong naiihi at may umiikot sa tiyan ko.Nakakaramdam din ng gutom dahil sa mga pagkain.

'Tiis muna self mamaya ka na lumamon ang mahalaga makita mo ang mga kapatid ni King kong' sa isip isip ko.

"Kuya!!"rinig kong pagtawag ng batang babae at lumapit siya kay Zack.

"Oh hi ate! Ikaw po ba ang girlfriend ni Kuya Zack?"

"Hello! Girlfriend? Ah,hindi eh.Kaibigan niya ako."

'Ano ba tong pinagsasabi ni gurl? Girlfriend?ako ni Zack?Duh malabong mangyari yun.'

"Ako po pala Ate Arra ang kapatid ni Kuya Zack.I'm Stella Mae 14 years old po."

Ang cute ng batang ire sa bagay gwapo ang kuya.Ay,teka nga gwapo si Zack?Ano ba naman self? Hindi nga sya gwapo.Remember siya si Zacking Panget.

"Hi nice meeting you Stella.I'm Arra your Kuya Zack friend."

Aba ang taray ngayon lang ako nakapag-English.Wait tingnan ko nga ang sarili ko baka mamaya dumudugo na ang ilong ko eh.

"Ate bagay kayo ni Kuya Zack at kung magiging girlfriend ka niya.Botong boto ako sayo.Ikaw po ang manok ko"

'Ano ba'tong pinagsasabi niya? Girlfriend?Manok?Aba tao kaya ako.Kung manok man Cute naman na manok'

"Ah,eh malabong mangyari yan pero thank you.Ang bait mo naman"

'Bat ako nag thank you?Hay nako self sabi ko sayo di ba umayos ka?!Baka isipin niya na ayos lang sa kanya yun.Jusmiyo Marimar'

At so ayun na nga pinakilala ako ni Zack sa kanyang kambal na kapatid.At magkamukhang magkamukha nga naks self wag kang shushunga shunga sa kanila please lang.

"Here's your Ate Arra.She's my friend.Arra this is my brother"turo nito sa kapatid niya.

"I'm Vincent Robertson"

"And I'm Kite Piper Robertson" pagpapakilala ng magkambal.Nakipag shake hands silang dalawa ngunit nabigla ako sa aking nagawa dahil bigla ko na lang sila niyakap ng mahigpit.

Mga limang minuto lang naman ang tinagal.Oh di ba kakasabi ko lang na wag gagawa ng kahit anong kahihiyan ngunit nagawa ko pa din.Hay naku self?

Agad ko ding tinanggal ang pagkakayakap sa kanila at di ko na mamalayan na unti unting may pumapatak na luha sa aking magagandang mga mata na agad ko namang pinunasan.

Napansin pala nila iyon kaya natawa sila lalo na ang isa diyan.

"Ayos lang po Ate Arra"saad ng kambal.

"Tara Ate kain na tayo.Punta tayo dun"saad ni Stella.Magkakasundo kami ng batang ito ah.Mabuti na lang hays gutom na din ako kanina pa gustong kumain ng mga alaga ko.Di ko na inalam kung anong name basta pumasok na lang kami.Ganun talaga kapag nagugutom na wala ng pake pake kung ano man yun ang mahalaga mabubusog ako ngayon at lahat masasarap.

Hinila ako ni Stella papasok sa restawran.At agad na naghanap ng mapupwestuhan.Kasunod namin ang kambal at ang kuya nila.Kaagad na May waiter na dumating para ibigay ang menu.At madaming in-order si Zack kaya ako ay natahimik at pinagmamasdan ang magkambal.

'Kung di lang sila bata nako nako nako liligawan ko ang isa sa kanila.Oops self ?Ano na naman ba?Baka mamaya madulas ka jusmiyo?Kahiya!!'

Siyempre joke lang mapepedophile ako nito.Kay crush Jules lang ako kalampag no.

Ewan ko ba ang saya saya ko lang kasi nakita ko din sa wakas ang kambal.At malungkot din kasi gusto ko din ng kapatid ngunit wala eh ako lang talaga.Halos lahat ng kaklase ko meron tapos ako wala.Okay lang di naman masakit kasi may bunso bunsoan naman ako si Calyx at mukhang si Stella din.

Natapos na ang aming pagkakain at nagkwentuhan kami ng kung ano ano.Naglaro din,gumala at nakita ko sa kanilang mga mukha ang saya.Lalo na si Zack,mabait siya at mahalagang kuya sa kanyang mga kapatid.Iba siya sa School at iba rin ang ugali niya pagdating sa mga kapatid niya.

"Ang ganda ng ngiti mo ah"

"Natural makita ko lang na masaya ang mga kapatid ko masaya na din ako"wika ni Zack habang naglalakad lakad.

Para kaming bumalik sa pagkabata dahil sa mga kapatid niya.Ang kukulit din pala.May mga pagkakaiba nga talaga dahil si Kite mabait at ang si Vince naman medyo masungit gaya ng Kuya Zack niya.At si Stella naman mabait din at masayahin.Ewan ko ba ang gaan gaan ng loob ko sa batang ire at gustong gusto niya ako na maging girlfriend ng Kuya Zack niya.As if naman na magkakagusto ako diyan no.Never wala namang Forever eh.

Magkakajowa lang ako kapag naubos na ang tubig sa dagat.Pero kahit mangyari yan no pa din ako kay Zack duh may Jules kaya ako.

Natapos na ang araw namin at uwian na pero bago yan siyempre yung pangako kay Leng no.Nagpicture picture din kami no.Siyempre remembrance ko yan.

"Ate feel free to visit sa house namin.Welcome na welcome ka po dun"wika ni Stella.

"Oh talaga ba?Thank you Stella."

"Opo basta para sayo Ate.Next time po ah visit ka din dun ah."

"Sige susubukan ni Ate kapag may time ako"

"Salamat Ate.Sige po goodbye"at sumakay na sa kotse nila.

"Babye Vince at Kite"nauna na sila kay Stella sa bagay napagod din sila eh.

Kumaway kaway pa si Stella sakin at kumaway din ako pabalik.

Si Zack naman ay naiwan kasama ko dahil ihahatid niya ako.

"Thank you Zack ah nag-enjoy ako"wika ko sabay yakap na ikinagulat ko.Jusmiyo ito na naman.Ano na naman to Arra?Bakit napayakap ka sa King kong na yan?

Niyakap din niya ako pabalik.Ewan ko ba ang komportable ako sa kanya eh.Feeling ko safe ako nung araw na niyakap niya ako.Kita ko ang ngiti sa kanyang mga labi.At pumasok na kami sa kotse niya.

Makalipas ang ilang minuto nandito na ako sa dorm ko.

"Thank you ulit Zack,"wika ko.Ang weird di siya nagsalita eh.Sumakay na siya sa kotse niya at ako naman ay pumasok na sa dorm ko.Naghilamos na ako at ginawa na ang night routine ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan ko ang litrato.Tinitigan ko ang nakangiting si Zack?Ang gwapo niya kapag nakangiti siya.At tinitigan ko din ang kambal.At unti unti ko ng pinikit ang aking mga mata.

Chapitre suivant