webnovel

Chapter 29: Persuade

Sam's POV

Nasa kakaibang mundo ako ngayon. Napakalawak na lupain. Napakagagandang mga bulaklak ang sumisibol sa paligid.

"Mahal na Prinsesa, Shakira." sabi ng isang maliit na tao na lumilipad. Fairy, ang tawag sa mga ito sa mundo ng mga tao.

Lumapit saakin ang mga nilalang na tinatawag nilang wolves at saka sila isa isang nagpalit anyo sa harap ko at sabay sabay na yumuko.

"Mahal na Prinsesa." sabay sabay din nilang sabi saakin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko at sa bawat mga nilalang na nadaraanan ko ay yumuyuko sila at sabay sabay nag sasabing 'Mahal na Prinsesa.'

Nang marating ko ang isang malapalasyong bahay ay agad akong umapak sa tila isang glass stairs.

Sa buong pag aakala ko ay sa mga drama at teleserye ko lang ito makikita ng totoo. Napakaganda ng mundong ito.

Pagkahawak ko sa tila isang babasaging pinto ay agad bumungad si Morioka at ang aming ina.

"Shakira, anak." sabi nito saakin saka iniangat nito ang kanyang mga braso. Isang hudyat para yakapin ko ito.

Dahan dahan akong lumapit dito nang bigla na lamang nagliyab ang buong paligid. Tumingala ako sa itaas at nakita ko ang pagmumukha ng isang nilalang na kamukhang kamukha ng aking ina.

Tuluyang nagliyab ang paligid at saka ko ginamit ang kapangyarihan ko upang makaligtas ako sa pag liyab. Kitang kita ng mga mata ko kung papaano sunugin ng nagliliyab na apoy ang mga nilalang na kanina ay nadaanan ko lamang.

"Tulong mahal na Prinsesa!" sigaw nila sa direksiyon ko. Bakit? Bakit kailangan nilang mapagdaanan yung ganyan? Anong kasalanan nila?

Nag umpisa ng tumulo ang aking mga luha dahilan upang mapapikit ako ng sobra.

Pagkamulat ko ay nasa harapan ko yung Solomon. Hindi ko alam kong bakit. Pero kailangan ko na atang tanggalin ang kulangot ko sa ilong at kunti na lang ay babahing na ako. Nakakahiya naman sakanya.

Ipinasok ko sa aking ilong ang isang daliri ko at saka ko kinalikot ang loob nito upang makuha ko ang kulangot na kanina ko pa nararamdaman.

"Anong tinitingin tingin mo?" pag susungit ko sakanya. Napakamot naman ito ng ulo sa inasal ko. Teka nga, paano nga ba ito nakapasok dito sa loob ng pamamahay ko?

Ah, oo nga pala. Gaya ko ay may kapangyarihan din ito.

Tumayo ako sa kama ko at agad bumaba upang tignan si Mel at ang iba ko pang mga alaga. Laking gulat ko nang lahat sila ay nasunog.

"Puta!" pagmumura ko.

"SOLOMON!" tawag ko dito. Ngunit hindi si Solomon ang lumapit saakin kundi si Clyde. Ano rin bang ginagawa nito dito sa pamamahay ko?!

"Good Morning, honey! Did you like it?" masaya nitong sabi. Anong i-lalike ko diyan? Namatay ang mga alaga ko. Putang ina talaga  nitong mga to!

"Huwag mo akong matawag tawag na honey dahil una sa lahat yung keringking mong kasamang babae sa bar ay GIRLFRIEND MO! Pangalawa, bakit mo sinunog ang mga pinakamamahal kong alaga?!" pagtatalak ko sakanya.

"Easy honey." easy-hin mo pag mumukha mo. Hindi ka nakakatuwa. Sinamaan ko naman ito ng tingin habang nag aayos ito ng basurahan.

"Dalawa na nga lang kayong galing ng Damnivia dito ganyan pa kayo." singit ni Solomon na asa taas namin. Bumaba ito at saka nito pinagalaw ang lahat ng bagay, maging ang mga basura ay kusang pumunta sa basurahan.

"Correction, we're three." sabi ko dito. Bago ako maupo sa sofa ko at magbuklat ng magazines.

"Yung Kevin nga pala, matagal na siyang nawawala." ani nito. Paano niya nalaman?

"Tumawag dito kanina ang mga magulang niya. Wala akong nagawa kundi magpanggap na siya." Ano? Nagpanggap siya na si Kevin? Papaano?

"Matagal ko na kayong sinusubaybayan ng kakambal mo." sabi nito saka ito naupo sa upuan.

"At nakita narin ako ni Kevin." Ahy, weh?

"At sa malamang ngayon ay nag aagaw buhay na siya. Hindi ganun kalakas ang katawan ni Morioka para magtagal sa Lavreska ngayon." wika nito saakin.

"So anong gusto mong gawin ko?" ibinaba ko ang magazine na hawak hawak ko at saka ko siya tinignan ng diretso sa mata.

"Hay naku, love. Kapag nawala si Morioka, isa lang ibig sabihin nun, mawawala na din ang katawan ni Kevin." sabi nito bago maupo sa tabi ko at umakbay. Bwisit!

"Alisin mo yang braso mo sa balikat ko kung ayaw mong pasuin kita." pananakot ko sakanya saka ko inilabas sa kamay ko ang nagliliyab na apoy na mayroon ako.

"Si Clyde ay galing din sa mundo ng Damnivia ngunit hindi sa Lavreska. Anak siya ng isang kalahating wolf at kalahating dugong manlilikha katulad mo, Sam." sabi nito saamin. The hell I care naman nuh. Let me think of it. Kaya ko namang mabuhay ng wala si Morioka at si Kevin.

"Bakit ba kasi banggit kayo ng banggit sa Damnivia na yan saka si Kevin at Morioka, wala akong pakialam sa kanila. Mamatay silang parehas kong gusto nila." napatingin naman saakin si Clyde at lalo nitong inilapit ang mukha nito saakin dahilan upang mabahingan ko siya at saka tumalsik ang sipon ko. Yummy ano? Hahahaha! You deserved it, ulol!

"Kailangan ka ng Damnivia." singit ni Solomon sa kalagitnaan ng pagsasamaan namin ng tingin ni Clyde. Alam ko namang nainis siya saakin pero kasalanan narin ba ngayon ang bumahing? Kasalanan niya naman kaya. Bakit kasi niya ilalapit saakin yang mukha niya?

"Saka mo na yan sabihin kapag nakapag isip na ako ng maayos, siguro pagkatapos nalang ng Ball ko tutulungan ang Damnivia." sabi ko dito bago ko alisin ang masama kong tingin kay Clyde at bago ako tuluyan ng tumayo sa kinauupuan ko.

"Nauubusan na ng panahon ang Damnivia." sabi nito saakin dahilan upang mainis ako.

"At nauubusan narin ako ng pasensiya sainyong dalawa." wika ko sakanila bago ako padabog na lumakad paakyat saaking kwarto.

Muli akong bumaba at muli akong sumilip sa mga ito.

"Make sure to clean there since wala na ang kasambahay ko. Ayoko sa makalat." utos ko sa mga ito bago ako tuluyang pumasok ng kwarto ko.

I don't know if this is a kind of saying or what we call na LIFE IS SO DAMN UNFAIR since Prinsesa ako sa ibang mundo. Nasa akin naman na lahat pero hindi ko alam, ang dami ko paring reklamo sa buhay.

Sana matapos na lang ito.

Chapitre suivant