webnovel

Chapter 22

CHAPTER 22

--ALEX:

Matapos kong maka-order ng kape dito sa Starbucks, siyempre umupo na ako sa upuan, obvious naman 'diba. Alangan namang nakatayo lang ako dun?

Habang hinihintay ko si Godyr, nagbasa muna ako ng dala kong comics para naman makamove-on ako sa sobrang hassle ng biyahe ko.

Parang sa pag-ibig lang, kung gusto mong mag move-on sa nanakit sayo, kailangan mong ibaling sa iba ang atensyon mo sa iba para mapatunayan mong you can live kahit wala siya. Pero hindi ko sinasabing gawin mong panakip butas. 'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Ang tao, hindi gaya ng isang vulca seal para lang gawing panakip butas. May feelings ang tao at ang vulca seal ay wala.

Napansin kong magdidilim na pala, takte, ilang oras na din pala akong naghihintay dito sa Starbucks.

Bakit wala pa si Godyr?

Tumngin tingin ako sa paligid hoping na nasa paligid lang si Godyr pero naalala kong hindi ko pala siya kilala, ni hindi ko nga alam kung anong itsura niya eh.

Ano ba kasing kabaliwan itong pinasukan ko. -_-

Tatawagan ko na lang ulit si Ms. Mega para tanungin kung nasa'n na si Godyr kasi baka naman naliligaw yun dito.

Agad din naman din niyang sinagot ang tawag ko.

"Where's Godyr? For Petes sake, it's almost evening, but then he's not yet here! I don't even know his face, paano ko siya makikilala eh hindi ko alam kung anong itsura niya!" Bungad ko sa kanya.

"Oh relax there Azh--"

"Wow, I've been waiting for almost 5 hours, then you're expecting me to relax? You're so unbelievable!" Pambabara ko sa kanya.

"Okay Azh didiretsuhin na kita. Godyr will not be able to go there anymore because he's sick."

"Whaaat?! So gano'n, pinagloloko niyo ako?"

"Hindi naman sa ganon Azh--"

"Anong hindi sa gano'n ms. Mega? Naghintay ako dito sa Starbucks for almost 5 hours then now you're telling me na hindi makakapunta si Godyr?! So gano'n? Naghintay ako sa wala? Tsk."

"Patapusin mo muna ako Azh kasi. Nagrereact ka na agad eh hindi pa naman ako tapos magsalita!" Nakaramdam naman ako ng konting hiya, oo nga nag react agad ako eh hindi pa siya tapos magsalita, stupid me tsss.

"Then speak." Sabay buntong hininga ko.

"So yun nga, as I have said earlier, hindi makakapunta si Godyr pero don't worry kasi may kapalit naman siya."

"Sino?" Ayoko ng magsalita, nasasayang laway ko, hahayaan ko na lang siyang mag explain kasi nahihiya ako sa inasta ko kanina at nakakahiya dito sa Starbucks, sumisigaw ako, pinagtitinginan tuloy ako ng mga ibang costumers. Buti na lang kasi kaunti lang ang costumers ngayon.

"Si Vince, siya ang kapalit ni Godyr. Makikita mo siya diyan maya-maya, nakasuot siya ng v-neck shirt na color gray at naka-maong pants."

"Okay." Maikling sagot ko at agad pinutol ang tawag.

Haiisst, nakakainis naman oh.

Yung feeling na naghintay ka ng matagal tapos malalaman mo na lang na hindi ka pa sisiputin. Tsk

Bigla naman akong napatayo nang may nakita ako sa kabilang table na lalaking nakatalikod sa'kin. Nakasuot siya ng gray na shirt at naka maong pants din siya.

Nilapitan ko yung guy at bago ko pa siya makalabit, bigla siyang lumingon sa'kin.

"IKAW?!!!" Sabay naming sigaw with matching turo sa isa't isa.

Paano napunta itong, unggoy na 'to dito?

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya habang nakapamewang.

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan." Sagot niya sabay tayo at humarap sa'kin.

"Paki mo ba." Sabay irap ko sa kanya at balik sa table ko.

At ang unggoy sinundan ako sa upuan ko.

"May hinihintay kasi ako, eh ikaw?" Sabi niya sabay upo sa upuan na nasa harap ko.

"Same." Sabay inom ko ng kape ko.

"Hinintay ko kasi yung kasama ko, Azh ang pangalan niya."

Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong kape sa sinabi nya.

"W-what did say?" Takang tanong ko.

"Bingi ka ba Alexa?" Argghh, that name again. -_-

"Narinig ko sinabi mo." Bored na sabi ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niyang 'yon.

"Narinig mo naman pala tapos tatanungin mo pa." Sabay irap niya din sa'kin.

Abat, iniirapan na niya ako ngayon huh.

"Kinukumpirma ko lang kung tama ang narinig ko." Cold na sabi ko.

"Haiissst, sabi ko, hinihintay ko ang kasama ko Azh daw ang name at nakasuot ng maong pants at naka color black na t-shirt." At bigla naman siyang napatingin sa damit ko.

Bigla naman akong namutla kasi narealized ko na naka color black ako na shirt at naka maong pants.

Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya natuloy kasi may tumawag sa kanya sa phone niya.

Agad niyang kinuha ang phone niya at sinagot ang tawag.

"What? Haha I didn't expect this... Okay... Copy... Ahhh... Okay... Ako na bahala... Bye..." Rinig kong sagot niya sa kausap niya sa phone niya sabay patay ng tawag at tingin sa'kin nang nakangisi.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Napakaliit nga naman ng mundo Azh." Sabi niya sabay kuha ng mga maleta ko at naglakad palabas ng Starbucks.

Haaaiisst, nagets ko na ang nangyayari kaya naman sinundan ko na lang si unggoy sa labas ng Starbucks.

Madami pa akong gustong tanungin sa kanya kaso pagod ako at naaantok na rin kasi ako.

Naglakad lakad kami at may nakita kaming hotel at dumeretso siya doon kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Nag-check in sa isang hotel, since wala ng vacant room ay sa isang kwarto na lang at syempre with two bed. Alangan namang isalang. Maya gapangin pa niya ako.

Thanks God kasi hindi naman na kami nagtalong dalawa at bakas rin sa mukha niya na pagod siya.

"Nagugutom ka ba?" Tanong niya pagpasok namin sa kwarto.

Umiling na lang ako bilang sagot at humiga agad sa kama para matulog kasi pagod na talaga ako.

Kahit alam kong gutom ako pero sadyang tinatamad na talaga akong kumilos.

-

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumama sa mukha ko at nakita ko si unggoy na kumakain na sa maliit na table.

Pumunta muna agad ako sa cr para maghilamos at magmumog.

Napatingin naman siya sa'kin pagkalabas ko ng cr at nakita kong na amuse siya pagkakita niya sa'kin.

"Mag-almusal ka na, sure akong nagugutom ka na. 'Di ka na kumain kagabi." Sabi niya sa'kin. Akala ko hindi na niya ako aayain.

Pagkaupo ko sa bakanteng upuan na nasa harap niya, sinunggaban ko agad ang pagkain na nakahain.

"Takaw mo pala." Sambit ni unggoy na mukhang naaliw sa nakikita niya at di makapaniwala. -_-

Inirapan ko na lang siya at tinuloy na ang pagkain ko.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Chapitre suivant