webnovel

Chapter 9

-Athena Brix Alexandro-

"Sya ba si Brix? "

"Oo, 'yung nakatalo kina Hades, Clyde at Jerix! "

"T*ngina! Kabilang na ba sya sa the kings? "

"Yep. Nakakainggit nga sya eh. "

Ayan, 'yan lang naman ang mga naririnig ko habang naglalakad kami pabalik sa dorm.

"Ang angas mo talaga 'tol! Idol! " sabi sakin ni Kean. Napatawa na lang ako.

Maya-maya pa ay nandito na kami sa dorm.

"Yo yo wazzup! " sabi ni Zef. Napatingin naman samin si Funky.

"Yo. " maikling bati nito.

"Nasan si boss? " tanong ni Gray.

"Nasa kwarto nya, tulog. " sagot nya habang nasa cards lang ang paningin nya. Agad naman na nagtungo sa kwarto namin ni Jerix ang apat. Kami na lang tuloy ang naiwan ni Funky dito.

"Are you already happy? " biglang tanong nya.

"W-what? "

"Are you already happy? Are you still happy? " napakunot-noo ang noo ko.

"I don't get you. " sabi ko ulit at akmang papasok na sa kwarto namin ni Jerix ng bigla ulit syang magsalita.

"Are you still happy? Pretending a boy yet you're a girl? " nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"I d-don't know w-what you are saying. " uutal-utal kong sagot.

"Really? So, how can you explain this? " at tinaas nya ang yellow na panty ko. OMO!

"Pano napunta sayo 'yan?! " tanong ko at mabilis na inagaw ito sa kanya.

"Then, you're really a girl. " sabi nya saka ngumisi.

"P-please, don't tell anyone that I'm just pretending. Please. " nagmamakaawang sambit ko sa kanya.

"Okay, in one condition. "

"A-anong kundisyon? " tanong ko.

"You'll going to sleep in my room for 3 days. " sabi nya saka lumabas ng dormitoryo.

WHAT?! SERIOUSLY?! ARGH! ANO BA 'TONG PINASOK KO?!

Tiningnan ko ang hawak kong yellow panty. Nakakahiya!

***

10:00 PM

Nandito ako sa tapat ng kwarto ni Funky. Pucha naman talaga oh! Walanjo!

I was about to knock nang bigla na lamang bumukas ang kwarto.

"Oh, Brix, nandyan ka na pala. Pinapatawag ka kasi ni Funky sakin eh. Palit daw muna tayo ng kwarto. " sabi ni Gray na nakaboxer lang. Dalawang beses akong napalunok.

"Ah, eh, ganon ba? Sige, dun ka na sa kwarto namin ni Jerix. Hehehe. "

"Sige, good night, Brix! " sabi nya saka umalis. Lumunok muna ako bago tuluyang pumasok sa kwarto. Nakita ko naman si Funky na nakaupo at nagbabasa ng libro. Nakatalikod sya sa'kin.

"Buti naman at naisipan mo ng pumasok. " sabi nya saka binaba ang libro nya at humarap sa'kin at doon ko lang napagtanto na naka-boxer at sando lang sya tapos naka-eyeglasses pa. Bakit ang gwapo nya?

"Brix.. " tawag nya dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Why am I drooling? Because of him? Eww.

"H-ha? A-ano nga 'yun? " tanong ko.

"I'm asking you kung anong totoong pangalan mo. " sabi nya. Hindi naman ako nakasagot agad. Sasabihin ko ba sa kanya?

Nainip na siguro sya sa kahihintay ng sagot ko kaya tumayo sya at naglakad papalapit sa'kin. Omg! A-anong gagawin nya?

Habang papalapit sya sakin ay paatras naman akong naglalakad hanggang sa nakasandal na ako sa pintuan ng kwarto nya. Inilapit nya ang sarili nya sakin kaya napapikit na lang ako pero narinig ko ang pag-click ng door knob ng pinto. So, nilock nya lang 'yung pinto? Argh! Ano ba kasing iniisip ko?!

"Hindi kita type. " sabi nya saka ngumisi. What the?!

"Mas lalo naman ako! Hindi kita type! " sabi ko sa kanya at sumalampak sa ibabang bahagi nitong double deck. Tch. Anong akala nya sakin? May gusto ako sa kanya? Gwapo sya pero hindi ko sya magugustuhan! Gigil!

"Just kidding, Brix. So, ano ngang totoong pangalan mo? " tanong nya sakin saka umupo sa higaan na hinihigaan ko. Bumangon naman ako at umayos ng upo.

"Athena Brix Alexandro. " sagot ko. Napangiti naman sya. Anong kangiti-ngiti sa pangalan ko?

"Athena? So, you're the goddess of wisdom? " tanong nya.

"Kapangalan ko lang sya. " pagtatama ko.

"Okay, okay. Easy, masyado kang hot eh. HAHAHA. " ano bang nakakatawa? Tsaka, 'yung totoo? May bipolar disorder ba 'to? Paiba-iba ng mood eh. Dati, hindi naman sya ganito. Napaka-creepy nya nga eh.

"Bakit mo ba ako pinatulog dito sa kwarto mo? " tanong ko.

"Wala. Gusto lang kitang makilala. " sabi nya saka sumilay ang matamis na ngiti sa mukha nya. Tumayo sya at sumandal sa pader na katapat ko ay nag-crossed arms.

"What? What do you mean? " Justine Bieber lang? HAHAHA!

"Gusto kong malaman ang rason mo kung bakit ka pumasok dito sa all boys school na'to? Gusto kong malaman kung bakit kailangan mo pang magpakahirap pumasok sa DGA at magpanggap na babae? I'm sure, nag-search ka about sa DGA. " mahabang sagot nya.

Sasabihin ko ba ang reason ko? Tinitigan ko muna sya ng matagal. Should I give him my trust? Should I trust him? Argh!

"It's okay kung ayaw mong sagutin ang mga tanong ko. Anyway, ilang taon ka na pala? " pag-iiba nya ng tanong.

"I'm 20 years old. How 'bout you? "

"I'm 22. " sagot nya habang nakangiti.

"Ilang taon ka nung pumasok ka dito sa school na 'to? " curious ako eh, ba't ba?

"19. " tipid na sagot nya.

"Ahh. " 'yun na lang ang nasabi ko.

"San mo nakuha 'yung mga moves mo? I mean, ang galing mo kasing makipaglaban eh. " tanong nya.

"Taekwando. " maikling sagot ko. Gantihan lang 'to, mga tsong! Hahaha!

"Ah, kaya pala. Ahm, gusto mong kumain? "

"Ha? Anong kakainin natin? " tanong ko.

"Kahit ano. Bukas pa cafeteria hanggang ngayon. Tara. " sabi nya saka ako hinila palabas ng pinto.

******

"Anong gusto mo? " tanong ni Funky. Nandito na kami sa cafeteria. Kakaunti na lang ang mga nandito. Anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan na nandito at.. 11 PM na pala?!

"Hey, I'm asking you. " napatingin naman ako sa kanya.

"Ha? Ah, eh, sandwich na lang tsaka kape. Hehe. " nahihiyang sambit ko. Bat ba lutang na lutang ako ngayon?!

Nag-order na nga sya at binigyan naman kami ng cashier ng waiting number, hindi ko alam tawag dun eh. Hehehe. Yaan nyo na!

Nag-hanap na kami ng mauupuan at napili namin 'yung pwesto na banda sa may bintana at wala masyadong tao.

"Sorry kung ginugulo kita ha? " biglang sabi ni Funky. Napakunot-noo naman ako.

"What? Hindi mo naman ako ginugulo ah? " tanong ko. Totoo naman eh.

"I mean, ang kulit ko at ang sama ko pa sa'yo. Tinakot pa kita para lang makatulog ka sa kwarto ko. " sabi nya saka kinamot-kamot ang batok nya. Napangiti naman ako. Ang cute nya kasi. Hihi.

"Ano ka ba? Okay lang 'yun hehe. Pero Funky.. "

"What? "

"Tayong dalawa lang muna ang makakaalam ng secret ko ha? " pabulong na tanong ko.

"Sure. No problem. " nakangiting sagot nya.

"Salamat~ " malapad na ngiting pagpapasalamat ko.

Hays, sana talaga hindi nya sabihin kahit kanino dahil kung hindi, paktay na ako! Yari na kung yari! Walang mangyayari sa plano ko. Lord, please help me. Huhu.

Chapitre suivant