webnovel

Twelve

(Bel-Air Village, Makati City)

(Bernardo's Mansion)

(Monique's POV)

(Evening, 8:04 pm)

After naming maghapunan ay nagpunta na ako sa kusina para magbake ng crinkles. Sinunod ko ang lahat ng instructions ni Miyaki at nakagawa ako ng medyo presentable at mukhang masarap na crinkles. Kumuha ako ng isang piraso at tinikman ko iyon and oh! It tastes delicious! Nagbake ako ng para sa amin ni Kuya at para kay....Leeward.

Leeward loves crinkles and halos lahat na ng sikat at mamahaling brand ng crinkles na alam ko ay ibinigay ko na sa kanya but he only says, "Thanks, the crinkles is good." Why he's not satisfied?

I love him ever since and I will do anything to make him happy. But, it's still useless.

Until one person told me about making crinkles. She said, The person will much appreciate the things from your effort rather than your purse. 

Tama si Miyaki.

Higit na ma-a-appreciate ng tao ang isang bagay na mula sa puso kesa sa pera.

Kaya pala nagustuhan ni Kuya Callix ang gawa niya at gayundin si Leeward.

I packed the crinkles at the specialized box and I put it to the refrigerator.

Ang natirang crinkles ay dinala ko sa sala kung saan nandoon si Kuya Callix at kasalukuyang nakahiga lang.

"Good evening Kuya! Here's the crinkles I made to you!" sabay patong ko ng crinkles sa metal table ng sala.

"Wow, ang bait mo yata ngayon Nick!" sabay kuha niya ng crinkles sa metal table. "Sigurado ka naman bang masarap yan Nick?" ang tila nang-aasar na tanong sa akin ni Kuya.

"Haay, why you don't just take a bite and know if it's good." ang sabi ko sabay tabi ko sa kanya sa sofa. He took a bite at nakita kong satisfied siya sa crinkles na ginawa ko.

"In fairness Nick, masarap ang pagkakagawa mo ng chocolate crinkles unlike kanina sa baking class natin, karumal-dumal ang lasa." at kumuha pa siya ng isang piraso ng crinkles at kinagatan ito. "Sino ba ang nagturo sayong mag-bake nito? I know that you really hate baking." ang tila nagtataka niyang tanong sa akin.

"Si Miyaki ang nagturo sa aking mag-bake."

Nakita kong muntik nang mailuwa ni Kuya ang kinakain niyang crinkles. "Are you serious Nick? Si Miyaki ang nagturo sayo?" my Kuya asked.

"Yes. She know how to bake. Magaling siyang magturo ng steps. At may isa pa akong natutunang technique sa kanya."

"Anong technique naman yun?" ang curious na tanong ni Kuya Callix.

"Mas magugustuhan ng isang tao ang isang bagay na mula sa puso at hindi sa bulsa. Yun bang pinaglalaanan ng pagod at panahon para lang maging special ang bagay na yun sa taong pagbibigyan mo. That's what I learned from her."

My Kuya smiled and said,  "Kaya nga ganyan ko siya kamahal eh. Isa yang katangiang yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Alam mo naman kung gaano ko pinapahalagahan si Miyaki. Higit pa sa pagpapahalaga ko sa sarili ko. Kaya kung darating man ang opportunity na maging kami, hinding-hindi ko sasayangin yun. Mamahalin ko siya at aalagaan nang higit pa sa buhay ko." ramdam ko ang pagnanais at paghiling sa boses ng Kuya ko.

"Mangyayari rin yan Kuya. Just be a good friend to her. Matututunan ka rin niyang mahalin." ang pagpapalakas-loob kong sabi sa Kuya ko.

"Salamat Nick."

Haay, sadyang opposite kami ni Kuya Callix pero hindi sa mga ganitong bagay. He loves Miyaki. I love Leeward. At pareho pa kami ng suliranin, kung paano ba namin sasabihin sa mga mahal namin ang mga nararamdaman namin para sa kanila. 

Pero hangga't may pag-asa pang natitira sa mga puso namin, patuloy naming gagawin ang lahat para tuluyan naming maipabatid sa kanila ang aming mga nararamdaman.

Chapitre suivant