Kyra woke up very late the next morning and she's feeling very dreadful and sad at the same time. Pakiramdam niya'y parang pinagbagsakan na naman siya ng langit pagdating sa kanila ni Bryan. Nawasak na talaga kagabi ang paninindigan niya sa sarili na ituloy pa ang kasal nila ni Bryan. Pero habang iniisip niyang mag back-out sa kasal ay bigla na lang nagpa-pop ang mga mukha ng mga magulang niya, ni Ma'am Selena, at ni Mr. Sevilla.
Of course.
She's not just doing this for herself, but also for the people who are important to her and needs her help.
Bakit kasi sa ganoong tao pa siya nainlove? Ba't kasi hinayaan niya ang sarili niyang mahulog ng tuluyan sa taong may minamahal nang iba? Ba't hindi na lang sa taong kaya ring tugunan at ibalik ang pagmamahal niya?
Nakaranas nga siyang mainlove pagkatapos ay sa maling tao pa.
Pero ganito ba talaga kasakit ang magmahal?
Kaya siguro andaming nagkakahiwalay, meron ding ibang nagpapakamatay. Pero meron namang masasaya at tumatagal ah, just like her parents.
Siguro'y minalas lang talaga siya, at wala na talaga siyang iba pang magagawa but to make sure that the wedding will happen. Iseset-aside na lang niya ang damdamin niya, basta ang importante ay matulungan niya ang ibang tao at magawa niya ang ipinangako niya sa mga ito.
Kakatapos lang maligo ni Kyra and agad siyang naglagay ng concealer sa mata para maitago ang pamamaga niyon. Luckily for her last night at maagang natulog ang mommy at daddy niya at hindi na nakita ng mga ito ang bakas ng pag-iyak niya sa labas ng bahay nila kagabi.
When she's already contented on her looks ay lumabas na siya sa kwarto niya at bumaba na para batiin ang mga magulang. She chose not to tell them about what happened last night. Itatago na lang niya sa sarili para wala ng problema.
She was about to greet her parents enthusiastically pero naurong agad 'yon ng nakita niya ang mga ito at si Mr. Sevilla na seryosong nag-uusap sa sala nila. Hindi rin napansin ng mga ito ang pagbaba niya sa hagdanan.
"Uhm. G-Good morning everyone!" Bati niya pa rin sa mga ito at agad na pinakita sa mga ito na masaya siya.
Binati rin siya ng mga ito pabalik, pagkatapos ay iginaya siya ng mommy niya na kumain muna ng agahan habang naiwan naman sa sala sina Mr. Sevilla at ang daddy niya. She obliged, lalo pa't parang ayaw niya munang matukoy ang nakikita niyang lungkot sa mukha ni Mr. Sevilla.
Umupo na agad siya sa pwesto niya sa dining table nila at umupo din ang mommy niya paharap sa kanya.
Her mother was eyeing her face earnestly.
"B-Bakit, mommy? Uhm.. Kumain na ba kayo ni daddy?"
Dinig niya ang malakas na pag buntong-hininga ng mommy niya muna bago siya nito sinagot. "Ah. Yes, baby anak. We.. We saw the news earlier. Press con ni Bryan."
Nagulat agad siya sa sinabi nito.
"Pinakita rin doon ang mga videos and pictures nang nangyari kagabi sa restaurant. C-Can you share to mommy what happened, baby anak?"
She was really hesitant to tell her mommy everything, kaya skinip niya ang ibang parts. Hindi na rin niya isinama ang nangyari noong hinatid siya ni Bryan kagabi.
Narinig niya ang pagbuga ng hangin ng mommy niya pagkatapos niyang magkwento. Nagkwento din ito tungkol sa naging press con ni Bryan.
"We told Mr. Sevilla about it, and he said na sinabi nga daw ni Bryan sa kanya 'yong tungkol sa press con. Bryan told him that he needs to do this to save his and his group's career. Kaso naisip namin ng daddy mo na baka ikaw naman ang gambalain ng mga fans ni Bryan, lalo na kung itutuloy talaga ang kasal niyo. There were lots of angry and hate comments from his fans that were directed on you and Arthur, but Bryan also begged his fans na huwag silang magalit sa 'yo during his press con. That you and him were only forced to get engaged. Hindi ka rin daw niya mahal kaya pumayag siyang hindi na matuloy ang kasal kasi nagmakaawa ka raw kagabi and you chose Arthur over him."
Napasinghap talaga siya sa kinwento ng mommy niya.
"Baby anak.. If you're not sure about Bryan then maybe mas mabuting hindi niyo na lang ituloy ang kasal. We don't want you to get hurt by forcing yourself. Your daddy also said the same thing, but Mr. Sevilla told us na purong kasinungalingan at gawa-gawa lang daw 'yon ng company na naghahandle kay Bryan. Tuloy pa rin daw ang kasal niyo sabi niya. Now, I wanna ask you and please answer me honestly. Gusto mo ba talagang magpakasal kay Bryan? Mahal mo ba talaga siya, baby anak? Kasi sa totoo lang baby anak.. I'm sorry to say this pero parang mas boto pa ako kay Arthur kaysa kay Bryan."
Mas lalo siyang napamaang sa sinabi ng mommy niya, lalo na sa huling sinabi nito.
Pakiramdam niya ay parang binibigyan na siya ng mga magulang niya ng chansang makawala sa pinagkasunduan.
'Ano na, Kyra Mae? This is your only chance to save yourself from this set-up!'
Pero...
Paano si Mr. Sevilla?
Si Ma'am Selena?
"Baby anak?" Tawag ng mommy niya sa kanya nang nakitang nag-iisip siya ng malalim.
'I'm sorry, mommy.' Usal niya sa isip niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng mommy niya.
"I love him, mommy, at gusto ko pong magpakasal sa kanya." Walang kautal-utal na sagot niya sa tanong nito to show her mother that she's sure of her words.
She's already done eating her brunch, at kahit patuloy na kumikirot ang puso niya ay itinago niya 'yon at ipinakita sa mga magulang niya at kay Mr. Sevilla na okay siya. Na masaya siya.
Sinabi na ng mommy niya kina Mr. Sevilla at sa daddy niya ang sinagot niya kanina sa tanong nito. At kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata ni Mr. Sevilla because of unshed tears. Pasikreto din itong nagpasalamat sa kanya.
Sa ginawang pagpapasalamat sa kanya ni Mr. Sevilla ay alam na niyang tama nga ang naging desisyon niya.
She knows nabahala din si Mr. Sevilla sa nangyari, lalo pa't limang araw na lang ay kasal na nila ni Bryan.
Patuloy na nagkikwentuhan ang mga magulang niya at si Mr. Sevilla nang biglang may nagdoorbell sa bahay nila. Ang daddy na niya ang lumabas para tingnan kung sino 'yon. Maya-maya lamang ay bumalik ang daddy niya at napamaang siya nang makitang kasama na nito si Bryan.
Gulat na gulat siya kahit ang mommy niya. Ikalawang beses pa lang kasi ito ng pagbisita ni Bryan sa bahay nila. Kita rin niya na kahit si Mr. Sevilla ay nagulat pagkakita sa anak nito.
Agad naman niyang pinilit ang sariling ngumiti habang nakatingin kay Bryan.
"Magandang tanghali po." Bati ni Bryan sa kanila at binati din ito ng maayos ng ama nito at ng mommy niya.
"Tabihan mo ang fiancee mo, anak." Maligayang sabi ni Mr. Sevilla.
Kaya umusog siya ng kunti noong lumapit si Bryan sa pwesto niya at umupo doon sa tabi niya.
"Mabuti naman at bumisita ka. Ba't ka pala napunta dito, anak?" Paunang tanong ni Mr. Sevilla.
Dinig niya ang pagtikhim muna ni Bryan sa tabi niya, pagkatapos ay inabot nito ang isang kamay niya na nagpapahinga sa hita niya. Pinagsalikop nito ang mga daliri nila bago sinagot ang tanong ng ama.
"Gusto ko lang po manghingi ng sorry sa inyo, tungkol sa presscon ko kanina." 'Yon ang paunang sinabi nito at inexplain nito sa mga magulang niya ang nangyari at kung bakit kailangan nitong maglabas ng pahayag sa publiko. Nanghingi din ito ng pasensya sa pag-akto ng ganoon kagabi sa restaurant.
Alam niyang nakikinig ng mabuti ang mga magulang niya sa sinabi ni Bryan, habang siya naman ay hindi na makaconcentrate. Pakiramdam niya'y nasa alapaap siya while looking at their intertwined fingers.
'Ayan ka na naman, Kyra, eh! Kaya ka nasasaktan eh!' Saway niya sa sarili at agad na kinontrol ang pag-asang lumulukob na naman sa sistema niya.
"Its okay, iho. We understand. At least pumunta ka dito para i-explain ang side mo. That's enough for us." Sabi ng daddy niya dito.
"Salamat, Tito." Sabi naman ni Bryan. "And.. I also came here to give this to Kyra." Sabi nito at agad na kinuha ang isang maliit pero pahabang kahon sa bulsa ng jacket nito at inabot 'yon sa kanya.
"A-Ano 'to?"
"Open it." Sagot lang nito at agad na binitawan ang kamay niya para madali niyang mabuksan ang kahon na binigay nito sa kanya.
Agad siyang napanganga ng mabuksan ang kahon at makita ang laman niyon. Isang gold necklace 'yon na may malaking ruby gemstone na pabilog bilang pendant. Napapalibutan din ang ruby ng maliliit na diamonds.
"Wow!" Her mother exclaimed.
"Galing pa 'yan sa mga kanunuan ng mommy ni Bryan, iha. Its being passed to the wife of the eldest son of the family. Kaya its rightfully yours now." Pagbibigay imporma ni Mr. Sevilla.
Ngumiti na lang siya ng tipid at agad na ibinalik ang necklace sa loob ng kahon. Gusto niyang isipin noong una na bukal sa loob ni Bryan na ibigay 'yon sa kanya, pero mukhang may alam doon si Mr. Sevilla. For sure, inutusan lang ito ng ama nito na ibigay 'yon sa kanya. Baka binlackmail na naman ito ni Mr. Sevilla.
"T-Thank you." Pagpapasalamat niya pero hindi na siya bumaling dito.
"You're welcome." Mahinang sagot din nito bago tumikhim at dahan-dahang tumayo sa inuupuan nito. "Kailangan ko na pong umalis. Sumaglit lang po talaga ako dito para makausap kayo at maibigay ang kwintas kay Kyra."
"Mag lunch ka muna dito, iho." Pagpipigil ng mommy niya dito pero tinanggihan 'yon ni Bryan sapagka't marami pa daw itong aasikasuhin.
"B-Baka bibisita na lang po ako ulit dito, Tita. Mas gusto ko din pong makasama niyo ng matagal si Kyra lalo pa't limang araw na lang at kasal na namin. Mahihiwalay na po siya sa inyo." Dagdag pa ni Bryan.
"Sige, ikaw ang bahala, iho." Sagot ng mommy niya dito. "Baby anak, ihatid mo na ang fiancee mo sa labas." Dagdag pa nito noong nagpaalam ulit si Bryan sa kanila.
"S-Sige po." Sagot na lang niya at tumayo na rin.
Akmang mauuna na sana siya sa paghakbang palabas pero napatigil siya ng inabot ni Bryan ang kamay niya at pinagsalikop ulit ang mga daliri nila. Kita niya ang tuwa sa mga mata ng mga magulang nila noong nakita 'yong ginawa ni Bryan.
"Sige po, Dad, Tita, and Tito. Alis na po ako." Nakangiting pagpapaalam ulit nito at hinila na siya papunta sa pintuan nila.
Nagpatianod lang siya sa paghila nito habang nanatiling nakababa ang mga mata niya sa mga kamay nilang magkasalikop. Maya-maya lamang ay nagulantang na lang siya ng papiksi nitong binitawan ang kamay niya. Malapit na pala sila sa gate at paniguradong hindi na sila matatanaw ng mga magulang nila sa loob ng bahay. Hindi na siya nito nilingon ulit at tuloy-tuloy lang nitong binuksan ang gate nila at umalis.
Hindi na siya gumalaw sa pwesto niya kung saan siya nito iniwan. Napangiti na lang siyang mag-isa noong narinig na niya ang pag-alis ng sasakyan ni Bryan. At least she didn't get her hopes up. Kahit may kirot pa din ng kunti, pero ramdam niya na parang namamanhid na siya sa ilang beses na pananakit nito sa damdamin niya.