Nailabas na siya sa selda at kasalukyang nagpapaalam ang ama niya sa ninong niya. Nandoon lang pala ang ninong niya at ito ang kinontact ng ama para sa pagdakip sa kanya.
See?
This is all a fucking set-up.
Ang daming gustong lumapit sa kanya kanina. Namumukhaan yata siya. Pero dahil napapalibutan sila ng ibang mga police ay hindi na nagawang lumapit ng mga tao. Pero dinig niya ang pangalan niya na tinatawag ng mga ito. His fans and everyone that supports their group knows how mysterious he is, and he's not the accommodating and approachable type of celebrity. He wants to keep everything in private, especially his personal life.
Nanatili siyang tikom ang bibig at sumusunod lang sa ama sa paglalakad nito. He fucking looks defeated, and he fucking is! Pero wala na siyang magagawa. He already signed the contract.
Kasalukuyan na silang naglalakad palabas ng presinto. May kausap ang ama niya sa cellphone nito. He kept his head down while walking. Nag-iisip siya ng mga posible pang paraan para hindi 'to matuloy. But he knows how powerful his dad is, lalo na ngayon na mas lalong dumami ang connections nito.
Honestly, he can fucking disregard the blackmail, but when his dad included Georgina alam niyang wala na talaga siyang magagawa but to accept this.
But maybe.. may magagawa pa siya..
"Okay. Got it. Salamat." Dinig niyang sabi ng ama bago binaba ang tawag.
Tumigil ito sa paglalakad and ganoon din ang ginawa niya, "Anak, baka umuwi sa bahay nila si Kyra. Pupunta tayo doon and you will meet and talk to her parents. You know the drill."
Mariin 'yong pagkasabi nito sa kanya, and hindi na siya pwedeng magreklamo dito pag tinawag siya nitong anak. That's part of the contract and he needs to follow all of his orders. Damn!
"Big bro!"
"Honey!"
Napaangat siya ng tingin dahil doon. Halos lahat ng taong nakadungaw lang sa kanya kanina ay nagtitilian na rin ng nakita ang mga kagrupo niya. Malayo na sila sa mga ito at mas dumami na ang mga police na nag babantay sa kanila para hindi makagawa ng komosyon. Humahangos na lumapit ang mga kaibigan niya at ang girlfriend niya sa pwesto nila.
"Break up with her." Simpleng sabi ng ama niya na akala nito parang sobrang dali lang gawin.
Tumiim ang bagang niya sa sinabi nito. Dalawang taon. Dalawang taon na ang relasyon nila ng girlfriend niya, tapos itatapon na lang niya ngayon. Hindi pumasok sa isip niya na dadating ang araw na maghihiwalay sila ni Georgina. Hindi pa man niya naiisip ang pagpapakasal nila sa ngayon, pero alam niya sa sarili niya na ito lang talaga ang nag-iisang babaeng gusto niyang iharap sa dambana.
And now, he regrets it. Dapat nagpakasal na sila ni Georgina kahit secret marriage lang muna, at least he can shove their marriage contract on his father's face. And his father won't have the chance to separate them. Pero kahit anong pagsisisi niya, eto na. Nandito na siya sa sitwasyon na 'to.
"Honey! You're out, thank God!" Sabi ni Georgina sa kanya pagkalapit nito sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
"Bryan." Tawag sa kanya ng ama which sounds like a warning.
Hindi na niya binalingan ang ama, at hindi na rin niya niyakap pabalik ang girlfriend niya na magiging ex na niya.
Damn!
"Honey?" Nagtatanong na mukha ni Georgina ang nakatingala sa kanya.
"G-Georgina. Let's b-break up."
Malakas na napasinghap ang mga kaibigan niya sa sinabi niya.
"W-What? What are you saying?" Nahihindik na tanong nito sa kanya.
"I'm sorry."
"What the hell, Bryan!!!" She exclaimed tapos tiningnan nito ang ama niya, "Did your dad forced you to break up with me? Huh? And you're following his fucking orders like a puppet now!? Honey! Please! Don't do this!" Pagmamakaawa nito sa kanya.
Napaiwas siya ng tingin dito, hindi niya kayang makita ang hinagpis ng babaeng mahal niya. "I'm sorry. Let's just end everything between us."
"Fuck you!!" Mura nito sa kanya sabay suntok ng paulit-ulit sa dibdib niya.
"Hey!" Sigaw ng ama niya na siyang nagpatigil kay Georgina. "Do you want to get arrested, lady? Take your belongings out of my house and go back to where you came from! Huwag na huwag ka ng magpapakita sa amin kung ayaw mong makulong. Huwag na huwag ka ng magpapakita sa anak ko! Do you understand?"
"Fuck you! Fuck you both!" Malakas na sigaw ni Georgina sabay takbo palayo sa kanya.
He wanted to run after her, but his father's hand immediately grabbed his arm to stop him. "Pumasok ka na sa kotse. Remember, may pupuntahan pa tayo." Mariin na sabi nito sa kanya.
Tiningnan niya muna ang mga kaibigan niya na nanatiling tahimik at nagulantang pa sa lahat ng naganap sa araw na 'yon. Nagtatanong ang mukha ni Nathaniel sa kanya, pero yumuko lang siya at tuloy-tuloy ng pumasok sa loob ng kotse ng ama.
Habang nasa loob ng kotse ay dinig niya ang pagsabi ng ama sa mga kaibigan niya na antayin na lang sila ng mga ito mamaya sa bahay at hahanapin pa raw nila si Kyra. He can't imagine he just did that to the girl whom he loves and who loves him truly and fairly. Kumirot ulit ang puso niya ng maalala ang mukha ni Georgina kanina when he broke up with her.
Gago kasi siya eh. Now, eto na ang parusa ng kalibogan niya. This is his karma.
But he promised to himself na hindi lang siya ang makakaranas ng karma. Papatikim niya rin ang tanginang karma na 'to sa babaeng ipapapakasal sa kanya ng ama. Karma is a fucking bitch, and he will make sure that he will inflict the same pain that he and Georgina is feeling and experiencing right now to that woman. We'll see if hindi ito susuko.
Napangisi siya sa naisip niya and hindi nawala 'yon kahit na tumabi na ang ama niya sa kanya sa loob ng sasakyan and nagsimula ng magdrive si Manong Andres para hanapin ang babaeng.. ang babaeng papakasalan niya.
Nasa loob na ng kwarto niya sa bahay ng mga magulang niya si Kyra. Nakahiga siya sa kama at hindi niya mapigilan ang mga luha sa pagtulo habang niyayakap niya ang stuff toy niyang hello kitty. Nilakasan niya ang volume ng TV niya para hindi marinig ng mga magulang niya ang paghikbi niya.
Isang oras at mahigit na ang nakalipas noong nakauwi siya dito sa bahay nila. Gulat na gulat ang mga magulang niya sa pagdating niya ulit hila-hila ang maleta niya. Dalawang araw pa lang naman ang nakalipas noong umalis siya dito, tapos ngayon ay umuwi na naman siya dito ng walang pasabi.
Mabuti na lang at nakagawa na siya ng idadahilan niya sa mga magulang at hindi na rin siya nahuli ng mga ito lalo pa't sobrang sigla niya ng dumating siya kanina. Ang gawa-gawa niyang rason is that nagbakasyon abroad ang pasyente niya at ang anak nito. At hindi niya alam kung kailan ang uwi ng mga ito. Ginawan niya rin ng kwento na niyaya siya ng mga ito na sumama pero tumanggi siya dahil mas gusto niyang umuwi sa kanila.
Grabeng self-control ang ginawa niya sa byahe pauwi para hindi lang tumulo ang mga luha niya and she did it successfully. Pero ngayong nasa loob na siya ng kwarto ay hindi na niya ulit mapigilan ang mga luha niya. Sobrang guilty at nalulungkot na siya dahil nagagawa na talaga niyang mag sinungaling sa mga magulang niya ngayon, but what can she do? If hindi siya magsisinungaling baka mas grabeng gulo at problema pa ang magaganap. Kilala niya ang daddy niya, and alam niyang magkakagulo talaga if malaman nito ang lahat. Its better for her to keep this to herself, and everything that happened to her in the Sevilla's mansion.
Makakalimutan niya din 'to..
"Baby anak?" Dinig niyang tawag sa kanya ng mommy niya pagkatapos itong kumatok ng isang beses sa pintuan niya.
Mabilis niyang pinalis ang mga luha at nagtalukbong ng kumot.
"Baby anak? Nasa baba si Arthur." Sabi ulit ng mommy niya sa likod ng pinto ng kwarto niya.
Si Arthur? Mukhang alam na nito ang nangyari.. Ayaw niya sanang makausap ito pero.. pero baka mahahalata ng mga magulang niya kung iiwasan niya ito..
"A-Ah. Sige po, mommy. Bababa na po ako.."
"Sige, baby anak. Yayain ko na si Arthur na maghapunan dito." Sabi ng mommy niya at nagpaalam ng babain si Arthur at tatapusin ang pagluluto nito.
Mabagal siyang tumayo sa kama niya at pumasok muna sa CR para ayusin ang sarili bago bumaba.
Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse ng ama niya habang inaantay ang tawag ni Arthur. Nauna na itong pumasok sa loob ng bahay nina Kyra para alamin if nandoon nga siya. Alam na alam ni Arthur ang daan papunta dito sa bahay nina Kyra, and ibig sabihin lang niyon ay nakapunta na ito dito.
'Nice move, Arthur.' Nang-uuyam niyang sabi sa isip.
Ayaw niya munang pangalanan ang nararamdaman niya at baka mas lalo lang gumulo ang isip niya sa nangyayari. May mas malaki pa siyang problema na dapat atupagin kaysa i-entertain 'tong kakaibang nararamdaman niya sa sarili.
"Ngumiti ka mamaya, anak. Don't forget you're going to meet your future in-laws." Marahan na sabi nito sa kanya. "Naaalala mo pa ba 'yong sinabi ko sa'yo na gagawin mo mamaya, anak?"
Tumango lang siya ng isang beses dito at tumingin sa labas ng bintana. Dinig niya ang malalim na paghugot ng hangin ng ama niya.
"I-I'm sorry, anak.. but I wish you will find it in your heart to forgive me and understand why I have to force you on this."
'Yeah, right..'
Hindi na siya umimik sa sinabi ng ama at hinayaan na lang itong patuloy na napapabuntong-hininga sa tabi niya.
Maya-maya lamang ay nagring na ang phone ng ama niya. Si Arthur na ang tumatawag. Sinagot ito ng ama niya and tama nga ang nag imporma dito kanina na umuwi nga talaga si Kyra sa bahay ng mga magulang.
Lumabas na sila ng ama niya sa sasakyan, and agad siya nitong pinaalahanan tungkol sa kailangan niyang gawin. Tumango lang siya ulit dito at nagpatuloy na sila sa paglakad palapit sa gate ng mga Melendez.
Pagkatapos nitong pindutin ang doorbell ay tiningnan siya nito ng masuyo. "This is for your own good, anak, trust me."
He sneered at his father and answered him mockingly, "Sure. If you say so, dad."
Maya-maya lamang ay may narinig na silang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan nila.
"Yes?" Tanong sa kanila ng isang babaeng nasa late 40s na yata. Nakangiti ito sa kanila. She looks like an older version of Kyra, so this must be her mother. Nakita niyang parang namilog ang mga mata ng babae ng tiningnan siya nito ng maigi.
"Ah. Good evening, Madam. I'm Eduardo Sevilla. I'm-"
"Oh! Ikaw 'yong inaalagaan ng anak ko! Come in, come in!"
"Yes, Madam." Magiliw na sabi ng ama niya.
"Ay, huwag niyo na po akong tawaging Madam, Mr. Sevilla. Katherine is fine. I thought nagbakasyon kayo, Sir? Hmm. 'Yon ang sabi ng anak ko kanina." Naguguluhan tanong sa kanila ng mommy ni Kyra.
"Ah. 'Yon nga Katherine, kaya nga pumunta kami dito ng anak ko.." Sabi ng ama niya pagkatapos ay tiningnan siya.
Napabaling din ang tingin ng mommy ni Kyra sa kanya. "You're Bryan Lopez, right?"
"A-Ah. Yes po, Madam." Naguguluhan siya kung paano siyang nakilala nito.
"Oh my! Now I know the reason why our baby anak has been acting kinda strange lately." Sabi nito tapos ay napangiti ito sa kanya.
Niyaya na sila ng mommy ni Kyra na pumasok sa bahay ng mga ito. Pagkapasok nila ay kitang-kita niya kung paano lumaki ang mga mata ni Kyra noong nakita sila ng ama niyang pumasok sa bahay ng mga ito.
"Oh. May bisita pa pala tayo.." Sabi ng isang makisig na lalaking nasa late 40s din yata. Ito naman yata ang ama ni Kyra.
"Yes, hon. This is Mr. Sevilla, ang pasyente ni baby anak, and his son, Bryan." Pagpapakilala sa kanila ng mommy ni Kyra sa mga ito.
"Huh? Akala ko ba umalis sila at nagbakasyon?" Tanong ng ama niya at naguguluhang tumingin kay Kyra.
Kitang-kita niya kung paano naging balisa si Kyra sa tanong na 'yon. Parang sasagot na sana si Kyra sa tanong ng ama pero inunahan na niya ito.
"Sir, Madam, I'm here to ask for your daughter's hand in marriage." Seryosong sabi niya sa linyang kanina pa pinapapraktis sa kanya ng ama niya habang nasa byahe sila.
"WHAT?" Sabay na bulalas ng ama at ina ni Kyra.
Gulantang ang lahat sa sinabi niya, kahit ang ama niya. Ang sabi kasi nito ay sasabihin niya ang linyang 'yon pagkatapos nitong magbigay ng go signal. Pero ewan niya, at bigla na lang niyang sinabi 'yon. Lalo na noong nakita niyang parang nahirapan si Kyra sa tanong ng ama nito.
"What are you saying, young man?" Seryosong tanong ng ama ni Kyra sa kanya.
"I'm here to bring back her dignity, and marrying her is the best solution for this. And I l-love her."