webnovel

Chapter 3

Feeling niya nagpapalpipate siya sa nalaman. Hindi siya makapaniwala, okay? Parang gusto niyang himatayin na parang maglulupasay sa sahig at magtatalon sa sobrang excited na parang kinakabahan, ay ewan.

Nakalabas na si Grace sa kwarto na itinalaga sa kanya at tatawagin na lang daw siya mamaya para sa hapunan. Nakita niya nga na parang nahindik si Grace sa kanya ng slight. After kasi nitong sabihin na si bebeloves niya 'yong anak ni Mr. Sevilla ay napatulala siya ng mga isang minuto siguro, tapos noong tinawag na siya nito ay napatingin lang siya dito at niyugyog ito ng ilang ulit para kumpirmahin lang kung tama ba 'yong narinig niya na sinabi nito.

Napa sinister smile yata siya tapos napatili kaya natakot si Grace sa kanya. Inamin niya na lang din dito na, 'yon nga, na siya ang asawa ni Bryan. Cheka!

Grabe naman maglaro ang tadhana, ay! Sa ilang taon niyang pag-idolize, pagnanasa at pag didaydream kay Bryan Lopez bigla niya na lang nalaman na parang abot kamay niya na ang gwapong 'yon! Shet lungs, bes!

'Tatawagin ko na bang daddy si Mr. Sevilla? Enebe! Ahihi.' Sabi niya sa sarili niya at kung ano-ano na naman napasok sa isip niya. Luh! 'Magiging Mrs. Lopez na ba ko nito? Ay teka! Mrs. Sevilla pala. Ahihi!'

Sobrang secretive naman kasi ni Bryan Lopez, may pagka mysterious epek kasi kaya siguro andaming nahohook sa kanya. As in! Hindi niya talaga alam na Sevilla pala talaga last name ni bebeloves. Tapos lahat ng articles about sa kanya, wala talagang content about sa family niya. Kaya pala wala itong nipost na mga pictures kasama ang family nito. Parati na lang pictures ng mga kagrupo niya ang kasama niya and ibang mga kaibigan.

Parang gusto niya tuloy tawagan si Ma'am Ember, magpapasalamat lang siya at pagawan ito ng rebulto if magpapakasal na sila ni Bryan. Ahehe.

Sabi ni Grace sa kanya ay walang definite date 'yong pagdating ni Bryan, minsan bigla na lang itong susulpot kaya dapat ready siya.

"Hmm.. Dapat magmimake-up ako bukas! Baka naman kasi dumating si Bryan ko. Sana! Sana dumating, please. Hmmm.. Seduce ko kaya siya?" Sabi niya sabay posing na parang katulad sa mga sexy poses na nakita niya sa internet at magazines. Nag bend over pa siya tapos inipit ng dalawang braso ang average-size na mga dibdib para lumaki pa. "Ay hala! Ang landi ko! Hihih!"

Nagising agad siya pagkatunog ng alarm niya. Sino ba hindi magigising sa boses ng mahal mo? Ginawa niya lang naman ring tone 'yong solo na kanta ni Bryan. Agad niyang inabot ang cellphone niya para patayin ang alarm at hinalikan ang screen noon.

"Good morning, Bryan ko!" Bati niya dito. Fine! Bati niya sa wallpaper niya na picture nito. "Saan na goodmorning kiss ko? Yiiiiee!"

Nireview muna niya ang mga gamot at need niyang gawin para kay Mr. Sevilla. May need itong inumin after nito mag breakfast. Bumangon na din siya sa kama after umunat para makapag-ayos na ng sarili. First day niya sa trabaho as private nurse ng father-in-law niya. Enebe!

Naglagay siya ng kunting kolorete sa mukha para ready lang ba. Baka lang dumating siya, di ba? Palabas pa lang siya ng kwarto ay siya ding pag dating ni Grace para yayain siyang mag agahan. Tapos na din daw mag agahan si Mr. Sevilla at nainum na din ang mga gamot nito.

Hala! Nakakahiya! Hindi niya kasi natanong dito kung anong oras itong nagigising. Pinapasabi din nitong kumain muna siya bago niya ito puntahan sa kwarto.

Binilisan niya ang pagkain at nahihiya nga siya kasi mas maaga pa pala nagigising ang "father-in-law" niya.

Kumatok muna siya sa pinto ng kwarto nito bago pumasok. Nakahiga ito sa kama habang nagbabasa at umangat ng tingin at ngumiti sa kanya ng tuluyan siyang pumasok.

"Sir, good morning po!" Bati niya dito at lumapit na sa paanan ng kama nito. "Sorry po. Nalate ako! Nakalimutan ko kasing itanong kung anong oras ka gigising at nag-aagahan."

"No, no! Its fine, Kyra. Medyo napaaga lang talaga ang gising ko ngayon." Sagot nito sa kanya ng nakangiti.

Napalabi siya. "Kahit na po, Sir! Bukas po papagising po ako kay Gra-.."

Nabitin sa ere ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Mr. Sevilla.

OH MY GOSSSHHH! Nagrattle ang utak niya. Feeling niya mahihimatay siya na naiihi.

Bryan Lopez, everybody! In the flesh!

Sheteng ina! Nagpapalpitate siya, bes! Naramdaman niya pang natulo ang laway niya bago siya nahimasmasan at tinikom 'yon.

Natigilan din yata si Bryan pagkakita na may ibang tao doon sa kwarto ng ama nito. Tuloy na din itong pumasok sa loob at tiningnan siya at ang ama nitong tumayo na sa kama.

"H-hello.." Bati niya dito.

Tiningnan lang siya nito na walang emosyon at agad binalingan ang ama nito. "Who's this, Mr. Sevilla?" Tanong nito na tunog arogante, hindi man lang tinawag at binati ng maayos ang daddy nito.

'Medyo tanga pala ang bebeloves niya. Nakita niya na ngang nakasuot ako ng puting uniform ko.' Sabi niya sa sarili.

"Good morning to you, s-son." Bati ni Mr. Sevilla dito. "Meet my beautiful private nurse, Kyra Mae." Pakilala nito sa kanya sabay ngiti.

Nakita niya kung paano nag twinkle ang mga mata ni Mr. Sevilla habang nakatingin sa anak nito. Taliwas naman 'yon sa pinapakita ni Bryan. Ang sobrang lamig nito, jusko.

"Kyra.. This is my s-.." Pakilala sana ni Mr. Sevilla dito pero hindi na tinuloy ng tumaas ng daliri si Bryan dito na parang pinapatigil nito ang daddy nitong magsalita.

"Cut the crap, Mr. Sevilla." Sobrang lamig na sabi nito sa ama. "Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?" Sabi nito sabay baling sa kanya.

Napailing si Mr. Sevilla. "Bryan, anak, pag-isipan mo muna ang hinihingi mo.. Bibigay ko naman sa'yo 'yon sa tamang panahon, anak.. Kumusta na ang trabaho mo?"

Sa kalagitnaan pa lang ng pagsasalita si Mr. Sevilla ay agad ng tumalikod si Bryan at dumiretso na sa pinto. Nakita niya kung paano lumungkot ang mukha ni Mr. Sevilla kaya hindi niya na napigilan ang sarili.

"Hoy! Kinakausap ka pa ng daddy mo, huwag kang bastos!" Galit na sabi niya dito.

Natigilan si Bryan sa akmang pagbukas ng pinto at bumaling sa kanya with disgust and hatred written all over his face.

Kung hindi lang siya nagalit sa asta nito sa ama ay baka nagtatakbo na siya paalis ng kwarto ni Mr. Sevilla sa takot at kaba. Parang susuntukin kasi siya nito, grabe. Napalunok tuloy siya habang nanatiling nakatingin dito. Napakaatribida niya talaga kahit kailan. Eh, naaawa siya kay Mr. Sevilla eh.

Nagulat tuloy siya noong naramdaman niya ang marahang pag tapik ni Mr. Sevilla sa balikat niya. Napabaling tuloy siya dito at binigyan siya nito ng pilit na ngiti. Alam niya agad kung ano ang gusto nitong gawin niya kaya napabuntonghininga muna siya.

"I-i'm sorry, Sir Bryan." Sabi niya dito sabay yuko.

"Sorry?" Sabi nito na parang nang uuyam. Napangisi ito sabay nagpatuloy sa pagsabi. "Hindi ba private nurse ka lang dito? Hinire ka para mag-alaga kay Mr. Sevilla. So, ano ang karapatan mo para pagsabihan ako? Who do you think you are? Or do you want to get fired on your first day?"

Imbes na matakot sa sinabi nitong pagsisante sa kanya ay nakaramdam lang siya ulit ng galit dito. Nainsulto siya kasi totoo naman ang sinabi nito. Pero hindi niya talaga matatanggap na insultuhin siya ng kahit sino, kahit pa iniidolo niya ang gagong 'to.

Agad niyang inangat ang ulo niya at tiningnan ito ng masama. "Sir, lumaki po ako na may isang paninindigan at 'yon ay ang respetuhin at i-honor ang mga magulang ko dahil sila ang nagbigay ng buhay sa 'tin! Alam ko pong nagtatrabaho lang ako sa inyo pero hindi ako makakapayag na gaganyahin mo po ang daddy mo." Galit na sabi niya dito. "Go ahead and fire me, Sir, if sa tingin mo ay mali ang sinasabi ko!"

Naramdaman niya ang mahihinang pagtapik ulit ni Mr. Sevilla sa balikat niya, na parang pinapatigil na siya nito. Pero hindi siya bumaling dito at nanatiling nakatingin kayBryan na parang natigilan sa sinabi niya.

"Tama na, Kyra, iha." Mahinang bulong sa kanya ni Mr. Sevilla. "Anak.." Tawag nito kay Bryan pero nagmartsa na ang huli paalis at malakas na sinarado ang pinto pagkalabas.

"Pasensya na po, Mr. Sevilla. Napasobra po yata ako. Naiintindihan ko po if sisisentahin niyo po ako." Sabi niya dito sabay yuko ng ulo.

"No, Kyra. Ako nga ang dapat na magsorry sa'yo dahil sa ginawa at sinabi ng anak ko." Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga nito at parang nauupos na kandila ay napaupo ito sa kama. "Ako kasi talaga ang may kasalanan kung bakit nagkakaganoon ang anak ko. Pero thank you, Kyra. Buti na lang at ikaw ang naging private nurse ko. Salamat talaga, iha."

Namumula ang mga mata ni Mr. Sevilla habang nakatingin sa kanya, kaya alam niya kung gaano ito nasaktan sa inasta ng nag-iisang anak.

Chapitre suivant