webnovel

Chapter 1

"Uy, Kyra! Late ka na naman, girl! Hinahanap ka ni Ma'am Ember!" Sabi ng kasamahan niyang nurse sa station kung saan siya nakaasign.

"Hala! Galit na naman ba siya? Namumula na naman ba ang mga mata na parang bubuga na ng apoy nung hinanahap ako?" Kinakabahang tanong niya dito.

Parang dragon kasi kung magalit ang head nurse nilang si Ma'am Ember, kaya eto na din ang nickname niya dito.

Tumawa ito ng malakas sa sinabi niya, "Lokaret ka talaga." Sabi nito sabay iling. "Puntahan mo na baka masira na mood nun. Hindi naman siya galit kanina eh. Nangingiti pa nga. Good mood 'ata." Dagdag nito.

Napabuntong hininga siya ng malalim sa sinabi nito. Agad siyang nagpasalamat dito bago niya inayos ang nursing cap at sinuot ang pin.

Kasalanan na naman kasi 'to ng Bryan niya eh. Aysus. Madaling araw na siya nakatulog kakapanood sa bagong teleserye nito at nang nabitin pa siya ay ang mga dating concerts pa nito na napanood niya na ang kanyang inulit.

'Hay Bryan my loves.'

Huminga muna siya ng malalim bago siya kumatok sa pinto ng office ng head nurse nila.

"Come in." Dinig niyang sabi nito sa loob kaya tuluyan niya ng binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng office ng dragon este ng head nurse nila.

Agad itong napangiti pagkakita sa kanya, "Good morning, Kyra!" Maligayang bati nito.

Good mood nga talaga ang dragon!

"Good morning, dra.. este Ma'am Ember!" Kinagat niya ang ibabang labi niya ng muntik na siyang magkamali sa pagtawag dito. "Hinahanap niyo daw po ako?"

"Yes, yes! Upo ka." Sabi nito sabay lahad sa upo-an sa harap ng mesa nito.

Agad siyang umupo and parang iba ang nararamdaman nito sa kasayahang nakikita sa mukha ng dragon.

"You've been working here for almost two years, right?" Paunang tanong nito sa kanya. "Pero hanggang ngayon eh wala pa din akong nakikitang progress sa trabaho mo. You're always late, parati pa ding nagkakamali sa nurse's notes mo, tapos nagrereklamo pa din ang mga doctors kapag nagrarounds dahil hindi ka nakikinig. In short, always ka nagdi-daydream habang nagbibigay sila ng instructions."

Naging hobby niya na kasi ang pagdidaydream simula noong naging bebeboy niya si Bryan. Hay.

Gusto niyang umangal talaga pero siguro nahalata nito kaya agad nitong tinaas ang daliri para pigilan siyang magsalita. "Ngayon. Gusto kong itanong sa'yo, gusto mo ba talaga maging nurse, Ms. Melendez? Kasi kung hindi, eh itatag na kitang incompetent sa trabaho mo at tatanggalin ka dito." Galit na sabi nito.

'Ayon! Lumabas na ang pagkadragon!'

Alam niya kung ano ang dapat niyang gawin para malampasan ang sitwasyon na 'to. May technique siya para diyan na proven and tested na. Ginagaya niya 'yong ginagawa ni Puss in Boots sa Shrek movie. Hehe.

Yumuko muna siya ng saglit, at nung inangat niya na ang tingin niya dito ay suot niya na ang napakalungkot at puno ng paghihinagpis na facial expression. "Buong buhay ko po ay wala akong pinapangarap pa kundi ang maging nurse, para makatulong sa kapwa, at iparamdam sa kanila ang malasakit ng isang mamamayang pilipino. Tapos tatanggalin niyo lang po sa 'kin ang pangarap na 'yon? Grabe naman po kayo, Ma'am Ember.." Sabi niya dito sabay hikbi-hikbian pero sa sobrang dama niya 'ata sa drama niya ay napaiyak nga talaga siya. "Nagmamakaawa po ako. Please, Ma'am Ember. Huwag niyo po akong tanggalin.." Ajujuju.

"Hay naku! Hindi mo na ko madadaan diyan, Ms. Melendez. Pwede ba? Ilang beses na kitang binigyan ng pagkakataon na mag-improve pero wala pa din." Asik nito sa kanya.

'Tigas na ng dragon, my gosh. Dagdagdan ko pa nga ang drama.' Sabi niya sa isip niya.

Tumayo siya at agad lumapit sa gilid ng upuan nito at lumuhod sabay hawak sa braso nito. "Sige na please, Ma'am Ember. Bigyan niyo po ako ng isa pang chance, oh.." Pagmamakaawa niya dito.

"Tama na nga 'yan! Hay naku!" Sabi nito sa kanya. Pinilit siya nitong tumayo pero hindi siya nagpaakay dito. Nilapit niya pa ang basa niyang mukha sa braso nito para mahabag ito. "Fine, fine! Tumayo ka na nga! Okay na okay na!"

Pagkarinig niya noon ay agad siyang tumayo sabay punas pa ng mukha at humikbi-hikbi pa, "Thank you po, Ma'am Ember! So pwede na po ba akong bumalik sa station? Baka hinahanap na po ako ng mga pasyente ko." Sabi niya sabay yuko, hindi niya na kasi mapigilan ang pagngisi niya.

"Not yet. Get back on your seat and I have some proposal for you." Sabi nito na ikinagulantang at ikinalaki ng mga mata niya. "I think this will definitely help you to improve. So, I hope you will accept this because if not, then you are free to go." Pagpatuloy nito sabay taas ng isang kilay sa kanya.

'Grabe siya.'

"Ano po 'yong proposal niyo, Ma'am Ember?" Tanong niya dito pero pinagpatuloy niyo pa din iyong paghikbi ng mahina kasi baka naman magbago pa isip nito and hindi nito ituloy ang plano.

"Well, naalala mo 'yong dati nating pasyente na si Mr. Eduardo Sevilla? 'Yong nagpa heart transplant?" Tanong nito sa kanya at nung tumango siya ay nagpatuloy ito. "One of his assistants called and asked if may pwede bang maging private nurse na stay-in para kay Mr. Sevilla. Based on Mr. Sevilla, marami daw magagaling na nurses dito sa atin, but obviously, hindi ka kasali doon.." Sabi nito sabay ngisi.

'Sarap bigwasan tong dragon na to.' Sabi niya sa isip niya.

"Pero dahil gusto kong mag improve ka at ang sabi mo nga eh pangarap mo talaga ang profession na 'to. So, ikaw na ang irerecommend ko." Sabi nitong nakangisi pa din.

"Ako po?" Gulantang na gulantang siya.

"Yes. So, please lang. Don't do anything that will ruin our image! Kahit wala akong tiwala sa'yo ay magtitiwala na lang ako. Baka this time ay maaayos mo na trabaho mo." Sabi nito. "So, ano na? Payag ka?"

"Kaso.. stay-in po, Ma'am? So, magstay po ako sa bahay niya? And bakit po ako?" Sabi niyang napalabi na.

"Kaya nga stay-in ang tawag, Miss Melendez, kasi magii-stay ka talaga sa bahay nila." Sabi nitong napaismid. "Well, for your last question gusto ko nga maimprove mo ang pagiging nurse mo. Baka kapag nag iisa lang ang patient mo ay makakaya mo ding ayusin ang trabaho mo. This will be like your training. Its for your own good, okay?"

Napabuntong-hininga siya. "Okay po. Kaso kailangan ko pang kausapin si mommy and daddy. Baka hindi sila pumayag." Sabi niyang napapalabi pa din.

Pinalakihan siya nito ng mga mata. "You're already of age to decide for yourself, Miss Melendez. At baka nakalimutan mo ang una kong sinabi sa'yo? Its either you accept this for you to improve, or decline this proposal and face the consequences."

'Grabe na talaga tong dragon na 'to! Haaaaayss..'

"Sige na po, Ma'am Ember. Tinatanggap ko na po ang hatol niyo." Sabi niya dito. "So, kailan na po ako magsa-start?"

"Very good! I have to inform Mr. Sevilla's secretary first, then update na lang kita, okay? Pwede ka ng bumalik sa station mo and have a good day Miss Melendez." Sabi nitong nakangiting tagumpay.

Tumango lamang siya dito at agad ng tumalima paalis sa "courtroom".

Chapitre suivant