webnovel

#FL 9

#FL

_______

Dumating ang lunes. At hindi ko 'yun namalayan sa sobrang dami ng iniisip ko. Tumawag pa sa akin kahapon si Aydin at Daddy pero tila hindi ko sila nakausap ng mabuti dahil sa mga nakita ko noong sabado.

"Class Dismissed!"

Agad ko inayos ang mga gamit ko. Ngunit bigla may lumapit sa akin.

"Camille!"

Kunot noo ko tinignan ang lalake. Pagkakatanda ko siya si Raven.

"Pwede ba kita maging partner sa con. arts?" Nahihiyang aniya habang umiiwas ng tingin sa akin.

"Okay." Sabi ko at aalis sana ng pinigilan niya ako.

"Ano?" Medyo iritado kong tanong.

"Pwede ko ba mahingi number mo?" Raven.

Hindi pa ba sakanya sapat ang maging partner kami?

Napabuntong hininga ako at ibinigay ko ang number ko sa kanya.

"Salamat!" Masayang aniya.

Tinalikuran ko na siya at lumabas. Akala ko magsosolo ako sa project namin ngayon. Masyado pa naman mahirap. Kailangan pa namin pumunta sa exhibit para sa con arts.

Tumigil agad ang paa ko nang makita ko si Zev. Hindi niya ako napansin habang patungo siya sa room kaya agad ako dumaan sa ibang direksyon upang iwasan siya.

Nakarating ako sa ibang section habang nagmamadali ako maglakad pero bigla ako may nabungguan.

"Ow!"

Nanlaki mata ko nang makita ko kung sino nakabungguan ko.

"S-Sorry!"

Iniwas ko agad ang paa ko sa pagkatapak sa kanya. Paniguradong masakit iyon kasi makapal ang sapatos ko.

"O-Okay lang.." Ngiwi na aniya pero pilit ngumiti.

"M-Masakit ba? Dalhin kita sa clinic!" Hinawakan ko siya sa braso.

Natigilan siya at napaantras.

"H-Hindi! Okay lang ako." Umiwas siya ng tingin at pinulot ang bag ko.

"S-Salamat.. pero sorry talaga!" Pagpapaumanhin ko.

"Ayos lang ako." Ngiti niya.

"Chester!"

Lumingon ako sa mga barkada niya. Nakita kong natigilan ang iba nilang kasama at ngumisi lang.

"Chester ahem!"

"Witwew!"

Agad naman ako nahiya sa mga kaibigan niya kaya hinarap ko itong nangangalan na Chester.

"P-Pasensya na talaga! Nagmamadali kasi ako eh. Sorry talaga! Mauna na ako." Nakagat ko ang labi ko at nauna na maglakad.

Hindi ko na sila nilingon habang naglalakad ako paalis.

"Wow Chester! Kinausap ka ni Camille!"

"Pre! Swerte mo naman."

Dagundong ang puso ko habang pasakay sa tricycle. Kinakabahan na pinagpapawisan. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Sobrang kinis pala ng mukha niya. Sa malayuan ko lang kasi siya nakikita sa tuwing kumakanta siya.

Agad dumating ang order ko at nilantakan agad 'yun. Parang nawala sa isipan ko si Zev pero hindi pa rin matanggal ang bigat sa puso ko nung makita sila ni Charity na magkasama habang ako lubusan na naghintay.

Natigilan ako nang bigla may nagmessage sa akin.

Unknown:

Good afternoon guys! :-D

#ToAllMyFriends

#HappyLunch

Napakunot noo ako. Sino 'to? Hindi ko masyado naintindihan ang nasa bandang ibaba na text niya.

Me:

Who's this?

Wala pa sa sampung segundo ay nagreply agad ito.

Unknown:

Si Raven 'to. Isave mo number ko dyan para hindi ka malito hehe.

Tumaas ang kilay ko. Okay. Gaya ng sabi niya sinave ko number niya at hindi na siya nireplyan.

Habang kumakain ako ng dessert ko ay agad muli tumunog ang phone ko.

Raven:

Kumain ka ba ng lunch ngayon?

Huh? Muli ako napakunot noo habang binabasa text niya.

Me:

What do you want?

Wala pa sa isang minuto ay agad na siya nagreply.

Raven:

Wala lang po. Gusto ko lang malaman kung kumakain ka ngayon ng lunch.

Ano pinagsasabi ng lalakeng 'to? Dahil sa inis ay hindi ko siya nireplyan. Hindi ko maintindihan ano gusto niya iparating.

Mas lalo ako nairita nang sunod sunod ang message niya sa phone ko. Ano ba problema nitong lalakeng 'to?

Raven:

Walang reply? Ay.

Raven:

Hey. I'm done eating lunch. Ikaw? Baka malate ka.

Raven:

Kailan natin gagawin ang sa con arts natin?

Agad ko dinelete mga message niya at iritado ako nilagay sa bag ang phone ko. Muted siya sa akin ngayon. Sobrang ingay niya eh.

Tumingin ako sa paligid habang nagmamadaling tumungo sa building ko. Baka makita ako ni Zev. Iniiwasan ko pa naman siya simula ngayon dahil narealized ko na mas mabuting pagtuonan ko nalang muna ang pag aaral ko kesa sa mga jowa jowa na 'yan.

Hindi pa nga kami pero nasaktan na agad ako. Kaya ito ang ayaw ko eh. Ayaw ko ng ganito.

Aakyat pa lang sana ako nang bigla may humila sa akin. Nagulat ako na makita si Zev habang malamig ang tingin niya sa akin.

"Mag usap tayo."

Napakunot noo ako.

"T-Teka. May klase ako Zev."

"Mag usap muna tayo Camille." Mariin na aniya.

Galit ba siya?

"Late na ako Zev!" Malakas kong inagaw ang braso ko at nagtagumpay naman ako.

"What the fuck?!"

Hinarap ko siya. Siya pa ang galit ngayon? Pagkatapos niya ako paghintayin sa park habang siya kasama niya si Charity?

"Bawal ako umabsent sa isang subject Zev! Kaya pwede ba?" Inis na sabi ko.

Natigilan siya.

"I-I know.. pero pwede ba mag usap tayo kahit dalawang minuto lang?"

Umiling ako. Wala akong panahon makinig sayo Zev. Tinignan ko ang wrist watch ko at tinaasan siya ng kilay. 5 minutes late na ako.

"Mamaya na tayo mag usap." Sabi ko at tinalikuran siya.

Tumakbo ako patungo sa room at naupo agad. Nakita kong wala pa ang teacher namin sa CESAC kaya medyo gumaan pakiramdam ko.

Ang totoo nyan hindi ko siya kakausapin mamaya. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko siya papakinggan. Naghintay ako ng ilang oras doon pero siya ano? Ano ipapaliwanag niya?

Na parang ganito:

Sorry Camille. Nakita ko si Charity eh. Hindi ko namalayan ang oras kaya sorry talaga.

What the hell lang diba? No. I won't accept his any explanation. Masyado masakit ang ginawa niya sa akin. Hindi biro sa akin ang maghintay ng ilang oras doon sa park samantala siya nakita kong masaya siya nakikipag usap kay Charity?

Tapos ang lakas niya sabihin sa akin na wala siyang pakealam sa babaeng 'yun? Anong tawag sa nakita ko noong sabado? Landian?

Alam kong sumama ang loob niya tungkol sa panliligaw niya sa akin pero narealized ko naman sa sarili ko na sasagutin ko siya. Hindi nga lang sa ngayon. Pero hindi maganda ang nakita ko sakanilang dalawa kaya sumama din ang loob ko sa kanya.

Iniwasan ko siya sa loob ng dalawang linggo. Iniwasan ko siya. Sa aking makakaya ay ginawa kong magtago para lang iwasan siya. Hindi na ako nagbebreak time para lang iwasan siya. Sa dalawang linggo na 'yun. Hindi ko na rin nakikita nang malapitan ang boung mukha niya.

Nagsisinungaling na rin ako sa kanya na kakausapin ko siya kapag natapos ang klase ko pero tinatakasan ko lang siya. Minsan kapag hindi niya ako nakikita ay nakikita ko siyang tulala sa kabilang building.

Hindi ko rin maiwasan masaktan pero parang may pumipigil sa akin kaya pinagpatuloy ko na lang umiwas sa kanya. Hindi madali umiwas sa kanya kasi kapag tuwing nakikita ko ang mukha niya parang nakakalimutan ko lang ang pagpapahintay niya sa akin noong sabado.

"Magpapasko na Camille. Wala ka bang balak umuwi sa amin?"

Napairap ako. Kakanovember pa lang Aydin.

"Of course. Magbabakasyon ako d'yan." Sabi ko habang nakahiga at nanonood sa laptop ko ng movie.

"Asahan ko 'yan ha?"

"Yes yes Aydin. Namiss ko din kayo d'yan eh."

"I miss you too.."

Natigilan ako. Pero agad ako napaubo sa kinakain kong junk foods.

"H-Hey are you okay?"

Napainom agad ako ng tubig.

"Oo.. o-okay lang ako.."

Napatingin ako sa screen ng laptop ko at nakita agad ang repleksyon ko. Sobrang laki ng eyebags ko.

Mas lalo ako napasimangot nang makita ang mga kalat sa kwarto ko.

"I need to hang up Aydin. Ang daming kalat sa kwarto ko. Mag lilinis lang ako." Paalam ko.

"What? Why do you have to cle—"

Pinutol ko na agad ang tawag at nag unat. Alam kong magrarant nanaman iyon sa akin dahil naglilinis ako. Well. Aydin. Hindi mo ako reyna kaya okay lang sa akin na maglinis ako. Natuto na rin ako eh.

Nang pinagtipon tipon ko na ang mga basura sa isang garbage bag ay bumaba ako mula sa dorm ko at lumabas sa building. Actually malayo ang basurahan dito na malalagyan ko nito.

Pero napatigil ako nang makita si Zev na nakaupo sa labas habang nakayuko. Hindi niya ako napansin pero ako gulat na gulat na pinagmamasdan siya.

Napakurap ako at hindi siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa basurahan. Gabi na. Bakit andito siya?

"C-Camille.."

Tila napansin niya ako at nakita ko sa gilid ng mata ko na napatayo siya at tumungo sa akin. Agad ko nakita ang big bike niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Camille mag usap tayo."

Agad niya hinawakan ang braso ko pagkatapos mailagay ang basura ko sa basurahan.

"Bukas na tayo mag usap." Iwas tingin na sabi ko at binawi ang braso ko.

Pero nagulat ako nang iharap niya ako sa kanya.

"Palagi na bang ganyan ang rason mo para iwasan mo ako Camille?!" Nasasaktan na aniya.

Napakunot noo ako.

"Bakit? Mag uusap tayo na gabi na?! Kailangan ko matulog ng maaga Zev!"

Napamura siya sa sinabi ko.

"Hindi! Hindi ako naniniwala sa mga parason mo Camille! Iniiwasan mo ako! Mag usap tayo!"

Umiling ako.

"Sabi na bukas na tayo mag usa—"

Napasinghap ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Bakit mo ako iniiwasan huh? Let's talk please Camille."

Mas lalo bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Wala siyang alam kung bakit ko siya iniiwasan? Nakalimutan ba niya ang usapan namin noong sabado huh?

"C-Camille magsalita ka naman please.." Pagsusumamo niya.

"Bitawan mo ako." Giit ko at tinulak siya.

"Wag ka naman g-ganito oh... Ano ba nagawa ko?" Nahihirapan na aniya.

Natawa ako sa tanong niya. Shit.

"Hindi mo alam kung bakit kita iniiwasan huh? Wala kang alam?!" Hindi makapaniwalang saad ko sa kanya.

All this time? Wala din siyang alam sa sakit na nararamdaman ko noong mga lumipas na mga linggo?

"C-Camille.." aakmang hahawakan niya ako nang tinabig ko 'yun.

"Naghintay ako sa park Zev! Ilang oras akong naghintay doon! Halos kainin na ako ng mga lamok doon kakahintay sa'yo!"

Nagulat siya sa sinabi ko.

"C-Camille pinuntahan kita!"

Natawa ako sa sinabi niya. Really?!

"Pinuntahan mo ako Zev?! Shit hindi ako bulag Zev para hindi kita makita sa park! Wala ka doon! Wala ka doon." Mariin na sabi ko sa huli.

Napailing siya habang kunot noo.

"Nalate ako oo aaminin ko. Dahi—"

Mas lalo sumakit ang puso ko sa sinabi niya. Inamin niya rin. Inamin niya na rin!

"Inamin mo rin na nalate ka? Na pinaghintay mo ako doon?! Habang ikaw nagpapakasaya kausap si Charity huh?!" Muntik ako mapamura habang naalala ko mga oras na 'yun.

"C-Camille! T-Teka kumalma ka. Magpapaliwanag—"

Aakmang hahawakan niya ako sa magkabilang braso nang umantras ako.

"Tumigil ka! Hindi ako maniniwala kasinungalingan mo! Sapat naman 'yung nakita kong masaya ka kausap si Charity nun eh! Diba?!" Nanggilid ang luha ko.

Umiling siya at aakmang hahawakan ako nang tinabig ko lang siya.

"Mali ang pagkakaintindi mo Camille! Kumalma ka muna pakiusap magpapaliwanag—"

Umiling iling ako. Nanlalabo na ang mata ko. Pakiramdam ko ang OA ko tignan pero namimilipit na sa sakit ang puso ko.

"Ayaw ko na Zev! Tumigil ka na sa panliligaw mo! Ayaw ko na! Umalis ka na! Wala na akong pakealam sa paliwanag mo!"

Namutla agad siya sa sinabi ko. Umantras ako nang lumalapit na siya sa akin.

"C-Camille 'wag ganito. P-Pag usapan natin 'to."

Tumulo ang luha ko at matalim siya tinignan.

"Hindi mo ako naiintindihan? Ayaw ko na nga diba?! Doon kana kay Charity!"

"Hindi ko gusto si Charity potangina!"

Nagulat ako nang sumigaw siya.

"S-Sinungaling ka! Umalis ka na dito!" Sabi ko.

Nakita ko lumandas ang sakit sa mukha niya pero tila sarado na utak ko. Naglakad na ako patungo sa loob pero hinabol niya ako.

"C-Camille hindi pwedeng ganito.." aniya "Pag usapan naman natin 'to oh.." Nabasag na boses niya habang pinipigilan ako pumasok.

"C-Camille mahal kita. M-Mahal kita! Mag usap tayo! H-Hindi pwedeng ganito!"

Napasinghap ako nang yakapin niya ako. Pero malakas ko lang siya tinulak.

"C-Camille!"

Tumakbo ako sa loob at umakyat agad. Pagkapasok ko sa kwarto ay muli naglandas ang mga luha ko. Sobrang sakit ng puso ko. Napayuko ako at umiyak.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Lubos ako nasasaktan at ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kakaibang sakit sa boung buhay ko. Dapat wala akong pakealam pero ito. Kakaibang sakit. Parang lason na paunti unti kumakalat sa boung sistema ko.

At mas lalo ako napaiyak nang maaalala ko ang mukha niya na nagmamakaawa sa akin kanina. If I could make him forget me. Gagawin ko dahil hindi ko kakayanin ang mukha niya kapag ganun siya sa akin.

This is my first time heartbreak because of him.

______

Updated.

Chapitre suivant