webnovel

Unknown

NARRATOR

"Yeah they took turns laying a rose down

Threw a handful of dirt into the deep ground

He's not the only one who had a secret to hide

Bye bye, bye bye, bye Bye"

- Two Black Cadillacs by Carrie Underwood

Lumipas ang mga araw pero ganoon pa rin ang pakikitungo ni Kyle kay Ally. Minsan ay tuwing umuuwi si Ally ay hindi niya na naaabutan ng gising si Kyle. Ganoon rin naman eh. Kung hindi tulog, gising nga pero palaging lutang kaya hindi pa rin siya pinapansin nito.

"Kyle magbreakfast na tayo." Aniya ni Ally. Hindi na sumagot si Kyle at umupo na lamang sa harap ng upuan niya. Sinandukan ng kanin at ulam ni Ally ang plato ni Kyle. Ngunit tinignan lamang ni Kyle ang kanyang plato.

Tila napansin ito ni Ally kaya nagtanong siya kay Kyle..

"Isn't your favorite food? Hinanda ko talaga yan para sayo.. Eat na masarap yan." Nakangiting sabi ni Ally.

Bumuntong hininga si Kyle at nagsimula nang kumain. Biglang nagflashback sa kanyang utak ang mga panahong pinalutuan siya ni Elle ng kanyang mga paboritong pagkain.

Gaya nito, Adobong manok na luto ni Ally. Tinikman niya nagbabakasaling ganoon ang lasa ngunit nadismaya siya nang malasahan ang kakaibang panlasa. Ibang-iba sa adobong niluluto ni Elle.

Tinignan niya ang babaeng tahimik siyang pinagmamasdan. Nakangiti ito at tila nasisiyahan sa kanyang nakikita.

Naisip niyang, nageffort ito para paghandaan siya ng makakain. Bastos at ang sama na niyang tao kung pati ito ay iisnaban niya.

"Masarap." Tanging sabi niya dahilan para lumawak ang ngiti ng babae. "See? I told you. Eto, kain ka pa." Sabay lagay pa ng ulam at kanin. Tumango na lamang siya at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.

Bawat subo ng kanin na may ulam at inaalala niya ang luto ng kanyang butihing asawa. Lahat kasi ng niluluto niya ay hinahaluan niya ng pagmamahal.

"Busog na ako." Sabi niya at inilagay ang platong ginamit niya sa lababo at nagtungo sa labas. "Where are you going? Samahan na kita baka --"

"Maglalakad lang ako sa labas. I can manage myself." Walang emosyon niyang sabi at saka naglakad palabas. Bumuntong hininga si Ally at nanlumo sa kanyang kinauupuan.

"Ano pa bang gagawin ko sayo, Kyle? Bat ang ilap-ilap mo na ngayon saakin?" Frustrated niyang tanong sa sarili.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Iona.

"Hello?" Walang ganang niyang sabi sa kakambal.

"Where are you?! I've been calling you kanina pa!" Inis niyang bungad sa kakambal.

"Pwede ba Iona, huwag mo muna akong sermonan ngayon?! Badtrip na badtrip ako kay Kyle ngayon kung pwede lang ay saka mo na ako sermonan!" Inis din niyang sabi.

"Well, I'm sorry to add more burden to you my dear sister, pero kailangan mong pumunta dito ngayon sa company! May malaking problema tayo!" Lalong tumaas ang inis ni Ally sa narinig niya mula sa kanyang kapatid.

"Hindi mo ba kayang resolbahan yan, Iona?!" Tanong niya sa kapatid.

"Sa tingin mo ba kung hindi ganoon ka seryoso ang problema sa company ay tatawagan pa kita?! Malaking problema to, Ally kaya get your *ss here the soonest!" Magsasalita pa sana siya nang inend ng kapatid ang tawag. Walang nagawa si Ally kundi ang mag-ayos na at magtungo sa company kahit na gusto niya munang makita kung nasaan si Kyle.

--

Naglakad-lakad si Kyle. Gusto niya munang magpahangin kaya naisipan niyang umalis muna sa bahay.

Gaya nang nakagawian niya, sobrang tahimik ng paligid. Tanging huni ng mga ibon at paggaspas lamang ng mga puno na tinatangay ng hangin ang maririnig sa paligid.

Umupo siya sa batong lagi niyang inuupuan sa tuwing pumupunta siya dito.

Pumikit siya at bumuntong-hininga.

Ilang buwan na nga bang lumipas mula nang mawala ang kanyang buhay?

3 buwan? 5 buwan? 9 buwan? Isang taon?

Hindi niya na alam kung ilang buwan na ang nakakalipas. Ngunit isa lang ang natitiyak niya.

Sariwang-sariwa pa ang sakit na naiwan sa kanyang puso.

"What have I missed, Elle? Anong mga sinayang ko? Bakit hinayaan kong mangyari ang lahat nang ito?" Sabi niya saka siya nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga.

"Sana'y patawarin mo ako sa mga pagkakamaling ginawa ko, Elle, sa inyo ng anak natin.. Nagsisisi na ako ngayon.. I'm sorry.." Yumuko siya dahil nagbabadya na ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Ngunit agad itong nawala dahil sa kaluskos na naririnig niya mula sa kanyang likod.

Tila may natumba dito dahil sa medyo may kalakasang ingay na nanggagaling dito.

Tumayo siya para tignan kung sino ito..

"May tao ba diyan?" Tawag niya dito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo doon at nakita niyang bahagyang gumalaw ang damuhan na malapit sa isang puno. May kataasan na kasi ang mga damo dito kaya hindi niya makita kung sino ito.

Hindi niya masigurado kung isa lamang itong hayop na naliligaw o tao.

Maya-maya pa'y tumayo ito at nagulat siya sa kanyang nakita..

Itutuloy....

Chapitre suivant