webnovel

CHAPTER 16

AN: Hello po sa lahat ng mga naghihintay sa update na ito, pasensya na po talaga kung ang tagal. Oo nga pala sa tingin niyo bakit Bite Me More ang Title?😂😂

----------------

BONITA P.O.V

MATAPOS MAGISING sa isang napakahabang gabi, ngayon ay puro patak ng luha ang nalalasahan ko sa aking bibig habang nakatunghay sa nakahandusay na katawan ni, Rius.

"Rius... Rius... Gumising ka naman." Hagugol niya habang kapit ang dib-dib nito.

Ang mata nito na purong puti lamang at nawala ang ibang kulay nito. At walang kahit na anong tumitibok sa katawan niya.

"Sergio, anong nangyari sa kanya? Pagalingin niyo si, Rius."

Umiiyak na tiningnan niya ang lahat na nandito habang pinagmamasdan ang katawan ni Rius.

"Dalhin mo na natin si Rius sa palasyo at doon natin alamin ang lunas, dahil kung titingnan mukhang natutulog lang ito kahit blangko ang mukha nito."

"Hindi kaya nalason siya sa dugo ni, Bonita?" Wika ni Timothy.

"Hindi siya malalason ng dugo ni Bonita, dahil hindi siya pure vampire. Ang pinagtataka ko bakit may dugong nakakalason itong si Bonita?"

Nagkatinginan ang lahat sa kanya dahil sa sinabi ni Duken, kaya naman naguguluhan siya dahil hindi niya rin alam kung bakit.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi niyo dahil ngayon ko lang din ito nalaman na may lason ang dugo ko."

Sagot niya dito at mga natahimik sila, lumapit naman si Timothy at binuhat si, Rius.

"Bumalik na muna tayo sa palasyo at doon natin ito pag-usapan."

Inalalayan naman akong makatayo ni Sergio at binuhat at ilang saglit lang ay para na akong dinudayan dahil sa mabilis na pagtalon at paglipad sa kagubatan. At ilang saglit lang ay nakarating na kami agad sa palasyo ni Rius.

Sinundan ko si Timothy nang dalhin ang walang buhay na katawan ni Rius doon sa kuwarto nito. Pagkalapag sa kama ay mabilis na kumilos at inayos ito ng pagkakahiga at kinumutan.

"Bonita, halika muna sa ibaba at mag-uusap tayo."

Tumango naman siya at bago lumabas ng kuwarto ay sinulyapan mo na ito, sinarado amg pinto at sumunod kay Sergio. Pagbaba sa may sala ay mga seryosong mga nakaupo ang iba sa sopa.

"Sergio, silipin mo ang nakaraan ni Bonita simula nong isilang siya at sa mga magulang niya."

Napatingin naman ako sa sinabi ni Duken, dahil minsan na itong ginawa ni Sergio pero hindi niya makita.

"Ginawa ko yan noon ngunit hindi ako makapasok at walang lamang ang kanyang mga nakaraan. Dahil parang may pumipigil na makita ko iyo," paliwanag ni, Sergio.

"Pero maaari naman iyan kung may isang tatao na pipigil upang malabanan ang humaharang na 'yun." Sagot naman ni, Timothy.

Biglang napaisip ang lahat at waring nag-iisip mabuti kung ano ang gagawin. Tahimik na nakikiramdam lamang siya.

"Ako, kaya kong makipagsabayan upang pigilan ang ano mang nakaharang. Sasabayan kita Sergio."

Seryosong wika ni Duken, nagkatinginan silang lahat at tumayo na ito upang lumapit sa kanila.

"Ok sige, Bonita. Labanan mo rin at pililitin mong hayaan na pasukin ang nakaraan mo huwag mo ito pipigilan."

Tumango naman siya at pumikit upang ihanda ang sarili, pero kusang dumilat ang mga mata niya at hindi na niya itong magawang ikurap. Naisip niya na nagsisimula na sila.

"Sergio, ano nakapasok ka na ba?"

Narinig niyang tanong ni Duken kay Sergio, naririnig lamang niya ang pag-uusap ng dalawa.

"Sandali malapit, kaya mo pa ba?"

"Kaya pa naman pero kung magtatagal ito baka sumabog ang isip ko."

Sagot naman ni Duken, hanggang sa may nakita siyang malabong alaala. Isang magandang babae na nagsasayaw sa isang entablado, malamyos at tila nang-aakit ito. Biglang nagulo ang eksena na yon at pumalit ang isang eksena mula sa kuwarto.

Biglang bumili ang tibok ng puso niya dahil sa nakikita dahil ito yung laging nakikita niya doon mismo sa club ni Dexter. Ang eksena na puno ng dugo sa higaan habang may nagtatalik at nagsusumigaw ang babae, hirap na hirap at takot na takot.

"M-Mama...."

Kusang kumawala sa bibig niya kabay ng pagdilat ng mga mata niya, nakita niya ang hindi makapaniwalang mukha ni Sergio.

"Anak ka ng isang sinaunag bampira Bonita."

Bulalas ni Sergio at talagang hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"May nakuwento ba sa iyo ang mga magulang mo?"

Tanong ni Duken umiling siya dahil wala naman na siyang naabutan na magulang.

"Lumaki akong walang magulang at hindi sila nakilala." Mahinang sagot niya.

"Hindi ko alam kung tama ba ako ng hinala tungol sa ama mo, dahil siya lamang ang may dugong nakakalason nong panahon ng magulang ni Dexter. At ikaw ang bunga ng gahasain niya ang iyong ina."

Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang tunay na pagkatao ko. At iyon pala kaya hindi ko nakilala ang aking ama dahil sa isa din palang bampira ito. Naiiyak na naupo siya sa upuan dahil hindi pala siya normal na tao, pero bakit ganon? Wala siyang kakayahan katulad ng sa kanila?

"Hindi pa siguro ito lumalabas o hindi pa napapanahon, ngunit ang inaalala namin 'ay ang iyong nasa sinapupunan. Dahil may propesiya ang tungkol sa pagsanib ng inyong katawan ni, Rius."

Paliwanag ni Duken pero hindi na 'yon ang naiisip ko kung hindi ang pagkatao ko.

"Maaaring lumabas ito sa ibang paraan, ngunit paano kaya?"

Turan naman ni Timothy na seryosong nakatingin sa kanya, umiling naman siya dahil hindi niya rin alam kung paano. Muli silang natahimik at malalim na nag-iisip.

"Pupuntahan ko mo na si Tandang Gani baka makatulong siya."

Paalam ni Timothy at bigla na itong nawala sa harap nila.

"Bonita, magpahinga ka muna sa ngayon at hahanap kami ng lunas upang magising si, Rius."

Wika ni Sergio, tumango naman siya at nagsimula ng humakbang papunta sa hagdan. Pagpasok sa kuwarto ay nakita niya si Rius na dilat lang ang mata ngunit puro puti lamang ito. Nakakatakot kung titingnan ngunit hindi siya natatakot. Tumabi siya dito at niyakap ito.

"Rius, gumising ka na. Namimiss na kita..."

Mahinang bulong niya habang tahimik na umiiyak, nakatulog ako sa pag-iisip katabi siya. Hangganh sa makaramdam siya ng mainit na pakiramdam, mainit. Painit nang painit. Sandali? Anong nangyayari sa akin? Sobrang init! Ang init!

Bigla siyang nahulog sa sahig at halos hindi makagalaw ng maayos at pakiramdam niya sinusunog ang katawan niya. Kumawala ang malakas na sigaw dahil sa sobrang sakit.

"Tulong..."

Paulit-ulit na wika niya nagdodoble naman ang paningin niya kaya pinikit niya ito dahil ang sakit sa ulo. Mas lalong tumindi ang init pinilit niyang gumapang papunta sa pinto kahit hirap na hirap. Napatihaya siya nagsisipa, ang damit niya ay halos mapunit na.

"B-Bonita, a-anong nangyayari sa'yo!?"

Gulat na gulat na turan ni Sergio at dumating sa liko niya si, Duken.

"A-a-ang ii-iinit. A-ang i-inittt!"

Hirap na hirap na sagot niya dahil hindi na niya kaya. Bigla siyang tumayo at lahat ng mahawakan niya ay nasisira. Parang may kung anong lakas ang buo niyang katawan kasabay ng paggalaw ng puson niya.

"Ano'ng nangyayari sa kanya, Duken!?"

"Hindi ko rin alam pero mukhang nagising na ang katawang bampira niya, pero bakit ganon parang kakaiba siya."

Hindi na niya halos maintindihan ang usapan ng dalawa, ng makatayo na siya ay naglakad na siya dito. Hinawakan siya ni Sergio pero biglang kumilos ang kamay niya at hinampas ito tumilapon ito sa sa sahig malapit sa higaan.

"S-Sergio, a-anong nangyayari sa akin!?"

Hinatatakot na siya dahil sa nararamdaman, napansin niya ang pamumula ng buhok niya dahil sa hibla na humarang sa mukha niya. Gusto niyang tumakbo, tumakbo ng mabilis. Dahil sa naisip kusang gumalaw ang mga paa niya at mabilis na nakabas ng mansyon. Nasundan pa siya ni Duken at pilit na pinipigilan.

"Dito ka lang Bonita, baka kung anong mangyari sa'yo. Sergio papuntahin mo sila Timothy dito, ako na muna bahala sa kanya."

"Hayaan mo ko umalis."

Tila nagbago ang tinig niya naging nakakatakot at naramdaman niya ang unti-unting pagtubo ng matutulis na pangil niya. Naguguluhan at handang kumilos upang lisanin ang lugar na 'yon, ngunit nahawakan siya ni, Duken.

Hinawi lang niya ang kamay nito at tumalsik ito sa may mga puno, sumugod naman sa kanya ang mga bampira na mga tauhan dito. At lahat ng iyon ay pinatay niya at nagkalat ang mga putol na ulo.

Hindi naman siya makapaniwala sa kanyang nagawa ang kamay niya na puro dugo. Ang lalamunan niya na uhaw na uhaw pa rin, nakita niya si Duken na tulalang nakatingin sa kanya.

"Ikaw ang halimaw sa prosesiya! Dapat kang mamatay dahil ikaw ang uubos sa lahi namin!"

"Huwag! Huwag mo gawin 'yan. Duken!"

Napalingon ako at nakita ko si Timothy na hindi makapaniwala sa nakikita niya. Matapos iyon bigla siyang bumagsak sa lupa at nawalan na siya ng malay.

----------

Chapitre suivant