webnovel

Chapter 32

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 32

"Aspasia?" tiningala ko siya habang hindi parin humuhupa ang lakas ng tibok sa puso ko.

Deretso ang tingin niya sa dagat habang nakangiti. Naming an island after me is insane! I mean, sa kanya ito dapat pangalan niya ang ipinangalan niya. At isa pa bakit niya ginawa iyon?

"I name this island after you." may bahid na saya niyang sabi.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"I don't know. I bought this island a year after we met." mas lalo akong nagulat sa narinig. "I love your second name that's why." bumaba ang kanya tingin at nagtama ang aming mga mata.

Nginitian niya ako at muling nagsalita. "I already know you pero hindi pa kita nakikita noon. I only knew your real backgrounds but I never saw you." iling niya.

"I'm still wonder why. Why you love my second name?" mahina kong tanong na magugugluhan parin.

"Because I fell in love with the owner. It all started when you cried infront of me because you lose your parents. Remember the night when we first met? You got drunk and cried all night. Na love at first sight ata ako sayo no'n." mahina siyang natawa sa huling sinabi.

Napangiti ako ng maalala iyon. Inabot ko ang nakapatong niyang kamay sa balikat ko at mahigpit iyong hinawakan bago hinilig ang ulo sa katawan niya.

"At doon mo din ako nilinlang. You take advantage of me. Pinasunod mo ako sa isang kwarto na lasing ako dahil may ipapakita ka sa akin. Tapos kinabukasan parte na ako sa mundong ito. I was really mad at you that time." inis kong sabi sa huli.

"I know. You even punched me. But that's what the best thing I can do para makasama kita. You see, Alice. Unang kita palang nating pagkikita nahulog na ako. Isang taon kong dine-deny ang naramdaman ko para sayo dahil akala ko pansamantala lang iyon. Pero nakita ko nalang ang sarili kong bumili ng Isla para sayo. Hulog na hulog ako, Alice. Pero wala ka para saluhin ako pero kahit ganon ayokong umahon. Dahil inaabangan kitang saluhin kung sakaling mahulog ka na sa akin. I am always ready to catch you, baby. You made me fall hard to you, my Alice." hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya at nakahawak na ngayon sa magkabilang pisngi ko.

"You don't know how much pain it cause me everytime I watch you from afar. I want to hold you, touch you, kiss you and be with you but I know it's impossible. Simpleng kahilingan pero imposibleng mangyari. But I won't give up, Alice. I won't leave you this time. Lalo na't magkakaanak na tayo. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ng malamang buntis ka. I was screaming because of the overflowing happiness. I love you, Alice. I love you." sunod-sunod nagsituluan ang kanyang luha habang paulit-ulit ba hinalikan ang aking noo.

"Let's fight together. This time. For us and for our little angel." bumaba ang kanyang ulo sa aking tiyan at marahan iyong hinalikan.

"Nagiging iyakin ka na naman. Stop crying, Saber. Ako ang buntis at hindi ikaw. Pero mas emosyonal ka pa ata kaysa sa akin." biro ko nang mabawasan kaunti ang madamdaming lintanya ni Saber.

Napanguso siya at nag-angat ng tingin sa akin. "Sayo lang naman ako iyakin." sabi niya bago muling itinuon ang atensyon sa tiyan ko. "Baby, your mommy is bully. Binubully niya ang gwapo mong daddy." sumbong niya na mahina kong ikinatawa.

"Hindi ka pa maririnig niyan." sabi ko.

Mas lalong siyang napasimangot at yumakap nalang sa beywang ko. Umangat ang dalawa kong kamay at marahang hinaplos ang kanyang buhok habang tinatanaw ang maaliwalas na karagatan.

"This is so peaceful." pagbasag ko sa panandaliang katahimikan.

"Yes. I wish this peacefulness won't end." mahina niyang tugon.

Sana nga. Hindi nalang ako umimik hanggang sa bumalik ang nurse para sabihing handa na ang pagkain.

Pagkalabas namin sa kwarto ay bumungad sa akin ang pasikyo patungo sa malaking hagdanan. Mas malaki pa 'to sa mansion nila L.

"This house is huge." komento ko.

Tulak-tulak niya ako sa likuran patungo kami sa hagdan. Pero ganon nalang ang gulat ko ng lumagpas kami. At pumasok sa nakabukas na pintuan.

"Oh shit." mura ko. "May elevator?!"

"Hindi escalator 'to." pambabara niya.

Tiningala ko siya at sinamaan ng tingin. Nginisian lang niya ako at mabilis na hinalikan sa ilong. "This is really a big big house baby. So don't be shock." he said while wiggling his eyesbrows.

"Edi ikaw na ang mayaman." irap ko.

He chuckled before pressing the down botton.

"I have so many questions, Saber." mahina kong sabi at napayuko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I know. Ask me after we eat our lunch. Doon tayo sa labas mag-usap malapit sa dagat." tumango ako.

Bumukas ang elevator at bumungad sa akin ang napakagandang tanawin. The walls were made of glass at tanaw ko dito ang naggagandahang mga bulaklak at berdeng halaman.

"Wow." mangha kong sabi.

"Yes, wow." proud niyang sabi.

Itinulak niya ang wheelchair palabas ng elevator. Nakita ko ang nurse na nakangiting nakaabang sa malaking pintuan.

Nang makalapit kami ay agad niya iyong binuksan at doon ko lang napatanto na dining hall ang aming pinasukan. Kagaya sa nakita ko kanina ay gawa din sa glass ang walls.

Medyo napatalon ako sa gulat ng bigla akong inangat ni Saber at maingat na inilipat sa upuan ng mahabang lamesa.

"S-salamat." mahihiya kong sabi.

He jusy smiled and winked at me before he sat beside me.

Napatingin ako sa mga pagkain na nasa mesa.

"Ang dami naman nito." sabi ko.

"Kailangan mong kumain ng marami para hindi magutom si baby." sagot niya sa akin habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato ko.

Hindi ko alam kong ngunguso ba ako o ngingiti sa sinabi niya. Ang sarap lang pakinggan. Mas excited pa siya kesa sa akin.

Pareho kaming tahimik hanggang sa matapos kaming kumain. Nakatanaw kamj sa labas at parehong malalim ang iniisip.

"Ahm," nag-aangalangan kong sabi.

Nagkatinginan kami. Nagtaas siya ng kilay na para bang naghihintay sa sasabihin ko.

"Pwede na ba tayong mag-usap?"

Tumango siya bilang sagot bago tumayo. Aakmang bubuhatin niya ako pero agad kong siyang pigilan.

"It's fine. I can walk." pigil ko sa kanya.

"No. I'll carry you. Baka mapano ka."

"I said, it's fine. Maiingat ako at isa pa hindi na masakit yung tiyan ko. The baby is calm now." at nginitian siya.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Umayos siya ng tayo at naglahad ng kamay. "At least hold my hand."

Ilang segundo akong napatitig sa kanyang kamay bago iyon tinanggap.

Pagkalabas namin ng bahay ay sinundan namin ang pathway na gawa sa semento patungo sa mga nakahilerang cottage malapit sa dagat.

Napangiti ako ng makitang may hammock sa loob ng cottage. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at nagmamadaling naglakad sa cottage.

Agad akong naupo sa hammock at pinalibot ang tingin sa buong cottage. May nakasabit na mga shells sa paligid nito.

Pinagmasdan ko si Saber na naglalakad palapit sa akin. Ngayon ko lang napansin ang kanyang suot. Naka-itim na khaki short at nakaputing sando na pinatungan ng puting polo. Nakabukas ang lahat ng butones. Ang seryoso niyang mukha at ang madilim niyang mga matang deretsong nakatingin sa akin. Ang magulo niyang buhok na nililipad ng hangin. Hot and handsome.

"Ang gwapo baby noh? Yan ang kasama kong bumuo sayo. Yan ang pumikot sa akin. Yan ang daddy mo." proud kong bulong habang nakahawak sa tiyan ko.

"Are you okay? Sumakit ba tiyan mo?" nag-aalalang tanong niya ng makalapit sa akin.

Ngumiti ako at umiling.

"Pwede ba akong tumabi sayo?" may paglalambing niyang tanong.

"Hindi pwede. Doon ka umupo." turo ko sa mahabang upuan na gawa sa kawayan sa gilid.

Napanguso siya at naupo doon. "Ang daya." bulong niya na ikinangisi ko.

"Wala bang ibang nakatira sa islang 'to?" tanong ko.

"Meron. Nang bilhin ko ang buong islang ito ay marami ng nakatira. Mga mangingisda. Hindi mo nga lang mapapansin dahil nasa pinakadulo tayo ng isla. May palengke at tyanggi sa bayan." sagot niya.

Napatango ako.

"Bakit dito mo ako dinala?"

"Because this is the place that they didn't know. Walang nakakaalam na may isla ako. I keep this island as a secret."

"At bakit inilagay mo ako sa maliit na kwarto sa loob ng malaking kwarto? Like seriously? Ano ang pinagkaiba."

"For your safety. Hindi mapapansin na may maliit na kwarto sa loob dahil sa salaming nakapalibot doon. I put you there incase na malaman ng ama mo o ama ko na nandito ka. I can risk that, Alice. Lalo na't buntis ka. Kaya itinago muna kita oa samantala sa kwartong iyon." paliwanag niya.

Napakuyom ako sa palad ko ng maalala yung dinugo ako.

"Hindi ko alam kung ano ba talagang tumatakbo diyan sa isip mo. Naguguluhan na ako sayo, Saber." mapakla kong sabi.

"I'm just protecting you. You and our baby, Alice."

"I can protect myself too, Saber." may diin kong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ko iyon pinansin. "At paano mo ako nakuha kay Sylvester?"

"I punched him. Hard. And I threat him." he shrugged.

Tumaas ang isa kong kilay. He punched huh. Marami pa akong mga itinanong sa kanya na agad naman niyang sinasagot kahit mukhang napipilitan lang siyang sumagot sa ibang tanong.

"May naging ibang babae ka ba nung wala na tayo?" tanong ko sa kanya na may halong banta boses ko.

"What? No! Wala! Ikaw lang naman ang babae ko eh." mabilis niyang sagot.

"Okay." irap ko.

"Nagseselos ka ba?" nakangisi niyang tanong.

"Bakit naman ako magseselos? Eh wala na nga tayo di'ba? At isa pa nagtatanong lang ako baka kasi may naghahanap na pala sayong babae." mataray kong tugon.

"The fuck?" hindi makapaniwala niyang sabi.

"Huwag kang mag-mura. Nakakapangit yan sa bata!" saway ko at sinamaan siya ng tingin.

"I'm sorry. Kasi naman. Walang tayo? Eh ano 'to? Charchar?" he said flatly.

Kumawala ang malakas kong tawa sa huli niyang sinabi. Charchar? Saan niya napulot iyan?

"Anong charchar ang pinagsasabi mo? Hoy kunehong manlilinlang porke't magkasama tayo ngayon, tayo na ulit. Hindi noh! Galit parin ako sayo!" singhal ko.

Inaasahan kong mas lalo siyang maiinis pero hindi pala. Ngumiti siya ng malapad. "Hmm you're calling me Kunehong Manlilinlang, Alice. It means tayo na ulit." he said as he wiggled his eyebrows.

Napairap ako. "Ewan ko sayo! Diyan ka na nga lang!" sabay tayo at nagmartsa palabas ng cottage.

"Alice! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito! Hindi pa ako tapos!" rinig kong sigaw niya pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa paghakbang pabalik sa mansion.

Gusto ko sanang sa dagat pumunta kaso mainit pa. Kaya mamayang hapon na siguro. Dumeretso ako sa malawak na hardin at naupo sa duyan na gawa sa bakal.

Napanguso ako.

"Baby, huwag kang gumaya sa Daddy mo ha. Eng eng yun. Ang daming alam." pagkausap ko sa anak kong nasa sinapupunan habang hinahaplos ang aking tiyan.

"Ang gwapo ko naman para maging eng-eng." hibdi na ako nagulat ng marinig ang kanyang boses sa likod ko.

"Edi wow." panunuya ko.

He tsked. Lumipat siya sa harapan ko at lumuhod bago yumakap sa aking beywang. "I miss you." mahina niyang sabi.

Lihim akong napangiti. "Same. Anong pinaggagawa mo nung hindi na tayo nagkita?" tanong ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Stalking and following you."

"I'm not surprise." nagbaba ako ng tingin sa kanya.

"Really? Why?" sinilip niya ako.

"Patay na patay ka sa akin eh." pagmamalaki ko.

Mahina siyang natawa bago paulit-ulit na hinalikan ang aking tiyan. "Simmer down, my Alice. Biglang humangin eh." biro niya.

"What totoo naman ah?" mataray kong saad.

Bigla siyang ngumisi na ikinakunot ng noo ko.

"Alam mo bang adik ako noon?" babanat na naman 'tong gagong 'to panigurado. Ngisibpa lang eh kakaiba na.

"Hanggang ngayon rin naman." at mahinang pintik ang noo niya.

Bumitaw siya pagkakayakap pero nakahawak ang dalawang niyang kamay sa beywang ko para hindi gumalaw ang duyan.

Tumuwid siya sa pagkakaluhod.

"Oo nag noh? Hanggang ngayon adik parin ako. Adik sayo."

Sabi na eh! Tangina kahit korni kinikilig parin ako.

"Baliw!" singhal ko para maitago ako kilig na nararamdaman.

"Sayo." dugtong niya.

Napasimangot ako dahil umiinit ang pisngi ko. "Heh!" at nag-iwas ng tingin.

"Pero kinulong mo ako." seryoso niyang sabi na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.

"Ha? Ano?"

"Kinulong mo ako diyan sa puso mo." turo niya sa dibdib ko kung saan ang puso ko.

"Manahimik ka!" sigaw ko at mahina siyang sinuntok sa dibdib.

"Aray! Ramdam ko ang sobrang kilig mo. Ang lakas ng suntok eh." nakangiwi niyang sabi.

Inirapan ko nalang siya. Nabubwesit ako sa ama mo baby.

Chapitre suivant