webnovel

Chapter 29

Enjoy reading! Sorry for the typos and grammatical errors.

••••••

Chapter 29

Agad akong naupo sa visitor's chair. Nilibot ko ang tingin ko sa loob. I'm still amaze how L made this. I know this mansion is really huge pero hindi ko inakalang malaki pala talaga 'to sa inaasahan ko. From equipments to all the things in here.

Tumikhim si L kaya nalipat ang atensyon konsa kanya. "I heard pinuntahan ka daw niya kaninang madaling araw." he said.

Kumunot ang noo ko.

"How did you know?"

He shrugged. "I just knew."

I leaned and cross my legs while tapping my fingers on my knees. "Start explaining L."

Huminga muna siya ng malalim at nagsalin ng mamahaling inumin sa kanyang baso at nilagok iyon. Ipinatong niya ang kanyang dalawang siko sa lamesa at deretso sa mata akong tinitigan.

He opened his mouth and started to speak. Nakinig lang ako. Hindi ako sumapaw o magreact man lang habang nagsasalita siya. Kumuyom lang ang palad ko at pinapakalma ang sarili lalo na yung part kung saan nabugbog si Yanna sa mga tauhan ng Douglas.

I was blind for everything about my sister. Paano niyang nagawang umaktong sa harap ko na para bang wala siyang sekretong itinatago. Simula la lang alam na niya na hindi kami magkapatid. But she stopped herself for telling me because she's afraid that she might lose me. She know how dangerous my life is. And all this time, she's protecting me secretly.

"Hindi ko naman talaga dapat ililihim sayo ang tungkol dito. But it's Yanna's request." sabi ni L matapos niyang mag-kwento.

"I can't believe it. My inoccent and lovely Yanna....." nakayuko kong bulong.

Tumayo ako at tahimik na lumabas sa kanyang opisina. Malalim ang aking iniisip habang naglalakad ako sa tahimik na pasilyo patungo sa salas nila L sa baba.

I still thinking about how Yanna endure all the pain everytime she's in a fight. The thought of mine how fragile my sister is, was vanished when L told me how bad-ass and scary Yanna is.

Kahit papaano'y napangiti ako tuwing naiisip ko ang kapatid ko. The way she smile at nagpalalambing sa akin.

"I miss you, Yanna."

Nagtaka ako nang makarating ako sa salas ay sobrang tahimik. Nasaan ang tatlo?

"Faustus? Estevan? Flavian? Nasaan kayo?" tawag ko. Nag-echo ang boses ko sa buong salas.

Walang sumagot. "Faustus, Estevan at Flavian! Nasaan kayo? Ihatid niyo na ako baka ma-late akk sa klase!" pero wala parin

"Nasa third floor sila. Naglalaro." napalingon ako sa likod ko.

Si L. Nakapamulsang nakatingin sa akin. Tumango ako at iniwan siya sala at umakyat sa ikatlong palapag ng mansion.

Agad ko narinig ang ingay pagdating ko sa third floor. Dumeretso ako sa pangalawang kwarto at mabilis binuksan iyon. Napairap ako nang bumungad sa akin ang seryosong mga pinsan na naglalaro ng Plants vs. Zombies sa PS4.

"Aalis na tayo." sabi ko pero hindi nila ako pinansin. Or should I say they didn't hear me.

"Aalis na tayo! I-off niyo na yan!" sigaw ko.

Pero nanatili parin ang kanilang mga mata sa malaking screen at hindi ako nilinigon. Sa inis ko ay nilapitan ko ang saksakan ng T.V at tinanggal iyon sa pagkakasaksak.

"What the fuck?!" Faustus.

"Anong nangayari?" Estevan.

"Nandito ang prinsesa! Siya ang nangyari!" masiglang sabi ni Flavian na nakaturo pa sa akin. Napatingin sa akin ang dalawa. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Ihatid niyo na ako." sabi ko at naunang lumabas.

Nasa sala si L pagkababa ko. Napatingin siya sa akin at muling itinuon ang mata sa T.V.

"Aalis na kami." paalam ko at lumabas ng bahay.

"Ingat!" pahabol niyang sigaw.

I raised my right hand and waved.

Nasa likod ko na din ang tatlo at humihingal pa. Kakatakbo.

"Let's go." pinagbuksan ako ng pinto ni Estevan at inimuwestra ang kamay sa nakabukas na pinto ng passenger's seat.

"Salamat." sabi ko at agad pumasok at naupo. Maingat niya iyong isinarado.

At dahil bukas ang bintana rinig ko ang pag-uusap nila sa labas. Sinilip ko ang tatlo sa bintana.

"Hindi mo din ba kami pagbubuksan ng pinto?" nakangusong saad ni Flavian.

"Oo nga! Hindi mo ba kami pagbubuksan?" segunda ni Faustus.

"Wow! Wala ba kayong mga kamay?" ismid na sabi ni Estevan sa dalawa.

"Meron! Pero si Aspasia may kamay din naman siya ah pero bakit pinagbuksan mo?" pangatarungan ni Faustus.

"Tapos kami hindi? Ang unfair naman niyan, pinsan!" Flavian na may papadyak-padyak pang nalalaman.

"Babae kayo? Babae? Mga gago kayo ang aarte niyo! Doon kayo mag inarte sa mga jowa niyo!" iritadong singhal ni Estevan bago umikot patungk sa driver's seat.

"Heh! Bitter!" sigaw ng dalawa bago pumasok at umupo sa backseat.

Habang palabas kami sa malaking gate ng mansion ni L ay bigla kong naalala ang itatanong ko sa mga pinsan ko.

"May tanong ako." nilingon ko ang nasa likod.

"Ano yun?" sabay nilang sabi.

"Bakit marunong kayong magtagalog?"

"Tinuruan kami ni Mama." sagot ni Faustus.

"Mama?"

Tumango si Flavian. "Oo. Mama. Mama mo." and wiggled his eyebrows.

"Si Mommy? Bakit naman gusto niyong matuto noon na magsalita ng Tagalog?"

Bigla humalakhak ang tatlo ng tawa na mas lalo kong ipinagtataka. May pa ubo-ubo pang nalalaman si Faustus agad namang hinagod ni Flavian ang likod nito. Si Estevan naman ay naiiling.

"What's funny?" medyo inis kong tanong ulit.

"We just remember why we want to learn to speak Tagalog." hagikhik na sabi ni Flavian. Siniko niya si Faustus na naiiyak na kakatawa. "Kwento mo kay Aspasia, Faustus." utos niya sa nito.

Itinaas ni Faustus ang kanyang palad. "S-saglit hihinga muna ako." pigil tawa niyang sabi.

Napasimangot ako sa kanila. Hindi ako maka-relate.

"Okay." tumikhim siya. "Ganito kasi 'yon. When we were young, we always went to your palace. Halos araw-araw kaming pumupunta doon para bisitahin si Mama. Hindi kasi kami pwedeng matulog doon."

"Bakit?" taka kong tanong.

"That's one of Iakovou's House Rules. We can visit but we can't overnight." napatango ako kaya nagpatuloy siya sa pag-kwento. "Lagi din kasi tumatawag si Mama sa bahay na papuntahin kami sa palasyo niyo. Mama was always sad because she misses you so much. Kaya upang hindi siya malungkot ay araw-araw namin siyang binibisita."

"Galing kaming tatlo sa school no'n at dumeretso sa palasyo niyo dahil Mama invited us for dinner. We can't say no that's we went. Naabutan namin si Mama at Uncle na nagtatalo sa kusina. But we didn't understand them dahil ibang lenggwahe ang ginamit nila."

"Which is tagalog." sabat ni Estevan. Tumango ang dalawa.

"Naabutan naming sinisigawan ni Mama si Uncle. Sinigawan ni Mama si Uncle ng "Tanga! Anong alam mo sa paminta at asin? Ba't mo pinakialaman ang niluto ko?! Hindi paminta ang ilalagay dito! Kundi asin! Asin!" at dahil tiklop si Uncle kay Mama napakamot nalang siya sa ulo niya sabay sabing "Sorry, mahal. Akala ko kulay itim yung asin. Puti pala 'yun.". At ito ang pinakamatindi! Hindi namin inaasahan ang ginawa ni Mama kay Uncle!"

"Ano?"

"Pinagbalat niya si Uncle ng isang daang sibuyas!" malakas na tawa ni Flavian at agad tumahimik at nag-poker face. "Pero nadamay kami. Nakita kasi kami ni Mama na tumatawa. Kaya ayun tinulungan namin si Uncle sa pagbalat. At pagkatapos, sobrang namaga ang mga mata namin dahil iyak kami ng iyak dahil sa sibuyas. Kaya simula no'n nagpaturo na kami kay Mama ng Tagalog. Para naman sa susunod na mag-away sila maiintindihan na namin!" malapad ang ngiti ni Faustus.

"Ganon ba?" pilit ako ngumiti bago tumanaw sa labas ng bintana. Natahimik sila.

I felt so envy and jealous at them. Dahil mas nakasama nila ng matagal ang magulang ko. Samantalang ako, ngayon lang. Nasubaybayan ng magulang ko ang paglaki nila. Samantalang ako, hindi. Ang saya siguro na kasama din nila ako.

I feel someone tap my shoulder. I looked behind. Flavian. He smiled. "But I think it more happier if we grew up together. Your the only princess in the family that's why all of us were so sad the you were seperates to us. Don't be sad, our princess. Babawi kami mga taong hindi ka namin nakasama at alam kong ganun din sila Mama at Uncle." doon na ako napangiti.

"Thank you, Flavian." lumipat ang tingin ko kay Faustus. "Thank you, Faustus. And thank you Estevan." may ngiti kong pasasalamat sa kanilang tatlo.

"You're always welcome, our prinsesa." sabay nilang tugon.

Nang makarating kami sa paaralan ay nagtatalo kaming apat sa loob ng kotse. Gusto kasi nila akong ihatid sa classroom pero tumanggi ako dahil kaya ko naman. Pero para daw malaman nila kung nasaan ako.

Kaya heto kami ngayon nakaagaw ng pansin sa mga studyante dahil sa taong nasa likod ko. Nasa hallway kami ng unang building. Nasa pangalawang building ang unang klase ko kaya doon ang punta namin.

"Damn. They're lots of pretty girls here!" rinig kong sabi ni Faustus na ikinairap ko.

"Pretty? Wala naman. Tss." masungit na komento ni Flavian.

"Palibhasa si sister-in-law lang kasi ang nakikita mo!" sabi ni Faustus.

"Eh siya lang ang maganda sa paningin ko eh. Bakit ba?"

"Ewan ko sayo. Hay, ang daming magaganda. Biglang nawala yung allergic ko sa bansang 'to dahil sa mga dalagang pilipina dito!

"Iparinig mo yan kay Nana, Faustus. Putol yang kaligayahan mo." may pananakot na sabi ni Estevan.

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang tatlo.

"Nana? Sino siya?"

Sabay silang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Hoy! Sino si Nana?" ulit ko.

Siniko nila si Faustus na nasa gitna. "A-Ah. S-si....S-si girlfriend ko." utal niyang sagot.

I shrugged at tinalikuran sila.

"Mga gago kayo!" inis na bulong ni Faustus.

"Ikaw Estevan. Sino ang girlfriend mo?" tanong ko.

"Naghahanap pa." deretso niyang sagot.

I snappes my fingers. "Ayos! May irereto ako sayo!" ngisi ko.

Pagdating namin sa classroom ay agad kong hinanap ang kaibigan ko para ipakilala kay Estevan. Hindi ko pinansin ang iba kong kaklaseng puno ng kuryosidas ang mga matang nakatingin sa tatlo kong kasama na naaa labas ng pintuan.

Napangiti ako ng makita si Armen na nasa kanyang upuan at abala sa pagbabasa ng kanyang libro. Agad ko siyang nilapitan. Inilapag ko muna ang gamit ko bago siya hinatak.

"H-hoy! Saan tayo pupunta?" gulat niyang tanong.

"Halika dito. May ipakilala ako sayo." sabi ko at kinaladkad siya palabas ng classroom.

Huminto kami sa harap ng tatlo kong pinsan nay may nagtatakang mukha maliban kay Estevan na nanlalaki ang mata.

"T-teka lang. Alice naman eh!" binitawan ko siya at hinayaan munang ayusin ang nagusot na damit.

"Alice ano ba ka—" nag-angat ng tingin si Armen.

"Ikaw?!" sabay na sabi ni Estevan at Armen.

Napaangat ang isa kong kilay. "Magkakilala kayo?"

"Hindi!" iling ni Armen. "Pero siya yung lalaking humalik sa akin!" galit na sigaw niya.

Napanganga kaming tatlo nina Faustus at Flavian. Woah. Mabilis.

"You know it was just an accident!" depensa ni Estevan.

Napaismid si Armen. "Accident?! You even bit my lips! Accident din ba 'yon?! Gago!" mas lalo kaming napanganga.

"Because.....because....I was...fuck!" at biglang nag-walk out si Estevan.

"Gago! Gago!" nagsisigaw ni Armen at nag walk-out na din.

Nagkatinginan kaming tatlo. "Ang lupet pala ng pinsan nating iyon! Unang pagkikita hinalikan agad! Kinagat pa! Nakakabilib." manghang sabi ni Faustus.

"Kagat pa more!" Flavian whistled.

Napailing naman ako. "Matinik." natawa ang dalawa.

Nagpaalam na ang dalawa sa akin. Hihintayin nila ako hanggang uwian sa malapit na coffee shop ng school. Bumalik ako sa classroom. Nakasangoy na Armen ang naabutan ko sa tabi ng aking upuan.

"Alice, kaano-ano mo ba yung gagong 'yun?! Bakit nandito siya?!" inis na tanong ni Armen.

"Pinsan ko." sagot ko.

"What? Pinsan mo ang gagong 'yon? No way!" di makapaniwala niyang sabi.

"Yes way." tango ko.

"Tss. Anyway, sino yung ipakikilala mo sana sa akin?"

"Yun."

"Huh?"

"Yung pinsan ko. Ipakikilala sana kita. Well, irereto pala. Single yun eh tapos single ka din!"

"What?! Alice naman eh! Ayoko."

Nginisian ko siya. "I think type ka ng pinsan ko."

"Gago 'yon. Hindi nga iyon nagsorry sa akin eh. Biglang nalang akong iniwan." irap niya.

Lumapad ang ngisi ko kaya pinanliitan niya ako ng mata. "Alam mo bagay kayo. May spark kaho eh. By the way, Estevan ang pangalan niya. Matanda yata yun ng taong taon sa atin."

"Hindi ako interesado sa pangalan at edad niya Alice. At anong spark ang pinagsasabi mo? Kuryentehin kita diyan eh." natawa naman ako.

"Oh. Alam mo na ang pakiramdam pag-inaasar!: tawa ko.

"Ewan ko sayong babae ka. Magsama kayl ng pinsan mo!"

Lihim akong pangisi ng may maisip. I'm gonna be evil little cupid to them. Let see what will happen.

Mabilis natapos ang klase kaya agad kong pinuntahan ang mga pinsan ko. Hindi siguro ako inabot ng tatlo minuto at agad akong nakarating sa coffee shop. Tanaw ko mula sa loob ang nag-uusap ko pinsan. Wala silang pakialam sa grupo ng mga babae na panay sulyap sa kanila.

Itinulak ko ang glass door ng coffee shop. Umingay ang wind chimes na nakasabit kaya napatingin ang tatlo sa akin na agad naman akong nginitian. Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Estevan.

"I have a good news, Aspasia." ngising sabi ni Flavian.

"Ano 'yun?"

"Crush niya daw yung babae kanina. Yung kaklase mo." Faustus.

"Fuck you!" bumaling si Estevan sa akin. "Huwag kang maniwala sa dalawang yan. Nababaliw na naman sila." sabi niya sa akin.

"Her name is Armen." Itinagilid ko ang ulo ko ng may mapansin. "Your ears are so red, Estevan. Are you okay?" nag-aalala kong tanong.

"I'm fine." parang nahihiya niyang sabi.

"Don't worry, Aspasia. He's just blushing!" tawa ni Faustus habang nakaturo sa namumulang tenga ni Estevan. Puro mura ang natatanggap ng dalawa mula kay Estevan dahil inaasar nila ito hanggang sa makasakay kami sa kotse. Ako na ang nag-drive dahil baka ibangga pa kami ni Estevan dahil sa inis niya. Sasakalin ko talaga ang dalawa pag nagkataon.

Chapitre suivant