webnovel

Chapter 25

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy readi

•••••

Chapter 25

Nang makarating kami sa harap ng malapad at mataas na gate ng Douglas, may sumalubong sa amin na limang armadong tauhan nila

"Kanina pa kayo hinihintay." napataas ang kilay ko sa sinabi ng isa sa limang tauhan.

Tumango ako at taas-noo naglakad papasok sa loob. Nasa likod ko si L at nasa likod naman ni L ay ang limang tauhan ng Douglas.

Nang nasa tapat na kami ng malaking double door biglang naglabasan ang kaba at takot ko. Pilit kong nilalabanan ang mga iyon habang unti-unting binubuksan ng dalawang tauhan ang pintuan.

Napalingon ako ng may tumapik sa balikat ko. Nakatayo na sa tabi ko si L at walang anumang bakas na emosyon sa mukha at mga mata niya.

"Let's go." sabi ko tumango soya at sabay kaming naglakad.

Hindi na nila kailangang sabihin kung saan ang lahat na naghihintay sa amin dahil alam ko. Sa isang malawak na kwarto laging ginaganap ang ganitong klaseng pagtitipon.

Tanging tunog lang ng takong ko ang maririnig habang tinatahak namin ang mahabang pasilyo kung saan ang dulo no'n ay isang napakalaking kwarto. Nakasunod parin sa amin ang limang tauhan at binabantayan ng maigi ang bawat kilos namin.

Hindi ko pinansin ang dalawang bantay sa labas ng kwarto ng makarating kami sa harap ng pinto. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago itinulak ang malaking double door para bumukas at makapasok na kami.

Bumungad sa amin ang napakalaking pabilog na mesa na kasya ang dalawampu't katao. Dumapo ang mata ko sa dalawang lalaking nasa sentro ng na kangising nakatingin sa akin. Lahat ng mga pares ng mata any nakatuon sa amin.

Those fuckers.

Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng hininga in L na nasa likuran ko at ang mahihina niyang mura.

I looked at him behind over my shoulder. Compose yourself, L." paalala ko.

Tumango lang siya pero matalim at madilim ang kanyang mga mata.

"Oh, our awaited guests are already here!" binasag ni Mister Douglas ang katahimikan dahilan para makuha niya ang mga atensyon namin.

Inilahad ni Sylvester ang dalawang bakanteng upuan. "You can take your seat now." sabi niya na may kakaibang ngiti sa labi.

Tahimik kaming naupo ni L. Pinasadaan ko ng tingin ang lahat ng nandito. Nandito ang sampung Boss ng Douglas kasama ang kanilang pinagkakatiwalaang mga reaper.

Biglang nagtama ang mata naming ni Mina. Kita kong may gusto siyang sabihin sa akin. Nanumbalik ang mga nalaman ko. Alam niya din ang tungkol sa pagkatao ko.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin at napatingin sa kanyang dalawang katabi, si Rai at Miguel na may parehong emosyon sa mga mata kagaya kay Mina.

Huminga ako ng malalim at pinatiling walang ekspresyon ang aking mata at mukha.

"So, let's start ladies and gentlemen!" Mister Douglas exclaimed.

Sylvester stepped in.

"Good evening everyone, we all here to discuss about my reaper's dismissal, Ms. Alice Natasha Baltazar." panimula in Saber dahilan para magbulungan ang iba lalo na ang mga reaper na naging kasama ko.

"I'm not your reaper. Your not my boss, Sylvester." kalmado kong saad.

Kita ko sa mga mata nila na naguguluhan sa mga nangyayari. Boss Teir raised his hands. He's reaper is Miguel.

"Dismissal? Why? We all here know that Ms. Baltazar is one of the best repear and fighter. We all know that." komento niya.

Lihim akong napangiti sa narinig mula sa kanya.

Isa si Boss Teir na gustong akong maging personal repear niya but Saber got me first kaya wala nalang siyang nagawa. At hindi ko akalaing pati ang mga kapatid niya nakuha ako.

Hindi na muli akong umimik.

Mahinang natawa si Mister Douglas. "Best? Really?" puno ng sarkasmo niyang sabi. "Don't worry. Hindi siya kawalan Teir. May mas magaling pa sa kanya." sabay pasada ng tingin sa siyam na reaper sa kaliwang bahagi ng pabilog na mesa.

"No we need her! We can't just dismiss her like that." giit ni Boss Teir.

Napatingin ako kay Sylvester nang bigla itong nagsalita. "Of course we need her but in another matter. But she will still dismiss. Let me remind you Mr. Teir that Ms. Baltazar break the rules. And worst, she's helping or I must say, accomplice to this fucking guy," he pointed the edge of the gun towards L.

Hindi ko pinahalata ang pagkagulat. Fuck. I didn't notice that he's already holding a gun.

Agad kong pinigilan si L sa pagbunot ng kanyang baril. Nagtatagis ang kanyang bagang at nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata.

"he's under the Kopert Mafia." dugtong niya

Umugong muli ang bulungan. Kita ko sa mga mukha nila na hindi sila makapaniwala pero mas nangingibabaw ang pagkadismaya at pagkatraydor sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa akin.

"But before we dismiss her, she should face the punishment first." one of the Bosses said.

Mister Douglas raised his right hand for silence.

"No need. Someone already take the punishment. Didn't you forget?" biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Someone? Who?

"Anong ibig mong sabihin?" malamig kong tanong.

Bumaling siya sa akin. "Oh, you didn't know? Too bad, I forgot na wala ka palang alam." he snapped his finger. Tumalim ang mata ko sa sinabi niya.

"Like father like son. I see." bulong kong sabi at nagtagis ang bagang.

"So nasan na ba ako? Ah okay, as what I have said someone was already take the punishment of yours." ulit niyang sabi.

Biglang sumagi sa isip ko si Yanna. No way.

"You son of a bitch! You killed my sister!" naunahan ako ni L sa aking sasabihin. We have the same thoughts.

Umalingawngaw ang pagsigaw niya sa apat na sulok ng kwarto.

Kumuyom ang mga palad ko. "Anong sa tingin niyo ang ginagawa niyo? My sister is out of this picture! Bakit niyo siya dinamay ha!? Hindi niyo man lang naisip bago niyo basabugin ang classroom na yun na may maraming studyanteng madadamay!? At kailanman hindi kabayaran ang kapatid ko sa mga nilabag kong punyetang rules na yan! You fuckers!" hindi ko mapigilang tumayo kasabay ng paghampas ng palad ko sa lamesang gawa sa glass.

Rinig ko ang kaunting pag-crack pero wala akong oras pagtuonan ng pansin iyon.

I feel hot under the collar. I want to kill them now. Nanggigil ang kamay kong bunotin ang baril na nasa holster ng hita ko at pagbabarilin ang dalawang taong nasa harap.

Mister Douglas chuckled full of sarcasm while playing a pen in his hand.

Sylvester pointed his both gun at my direction and L. "Watch your words. Baka nakakalimutan niyo kung sino ang kausap niyo at nasaan kayo." malamig nitong pagkakasabi. Buong taoang kong sinalubong ang titig niya.

Those eyes. Niminsan ko din ba 'to nakitaan ng pagmamahal? O pagpapanggap lamang?

Nagsalita muli si Mister Douglas.

"May sinabi ba akong kapatid mo ang itinutukoy ko? No, she's not the one I am talking about. Let's just say that this someone is willing to risk and die for you." biglang tumalim ang kanyang tingin sa akin. "Love fools." he tsked and rolled his eyes.

His eyes move to the person beside me and suddenly he smirked. "Oh, how are you? You grow up well, huh? And you already found your sister. I see." tango niyang sabi.

"Papatayin kita!" pigil na galit na sabi ni L.

"Uh-uh." iling ni Mister Douglas at naglakad palapit sa amin. "Not yet. You'll die first before me."

"Ano ba talaga ang kailangan niyo sa amin?" tanong ko dahilan kung bakit tumaas ang gilid ng labi ni Sylvester.

"Buti at naitanong mo yan." Sylvester.

"As you can see Ms. Baltazar, this people here know who you really are. At ang kailangan ko sa iyo ay ang Pantasiz."

Salubong ang kilay ko sa narinig. "Anong kinalaman ko diyan?" taka kong tanong.

"Oh come on Alice, don't play dumb to us. We all know here." puno ng iritasyong sabi ni Sylvester.

Muli, nagkunwari akong naguguluhan.

"I said I don't know!" giit ko.

"Yes you know!" turo ni Mister Douglas sa akin na nanlilisik ang mata.

Ngumisi ako. Mukhang hindi ko sila mapapaikot. Sumandal ako sa upuan at pinagkrus ang braso sa dibdib. Sumulyap ako kay L na blanko parin ang hitsurang nakatitig kay Sylvester.

"Okay, let's just say I know it. But first, tell me, who killed my parents?" malamig kong tanong.

I already know pero gusto ko sa mga bibig mismo nila manggaling. Even they're not my real parent, they raise me well. At ang pagkamatay nila ay kailangang mabigyan ng hustisya.

Halos sabay nag-iwas ng tingin ang naroon maliban kay Mister Douglas at Sylvester.

"You killed them already." sagot ni Sylvester.

"Liar!" sigaw ko.

Tinapik ni Mister Douglas ang balikat ng anak niya. "Palabasin mo ang lahat maliban sa dalawang yan." utos niya.

"No, hindi pwedeng hindi maiwan ang tatlong kasama sa pagpatay ng magulang ko." matigas kong sabi at tumingin sa tatlong tao. "Maiwan kayo dito."

"No you can't order that to our reapers! Isa ka lang tauhan na traydor at aalisin na kaya wala kang karapatang utusan ang mga reaper namin!" biglang bulyaw ng Boss ni Rai.

Tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin.

"But we haven't discuss her dissmisal yet. Her dismissal is the reason why we are all here. Tapos paaalisin niyo kami? No fucking way! Dismiss that traitor right now!" Boss ni Miguel.

Mahinang natawa si Mister Diuglas at bumaling sa akin. "Look Ms. Baltazar, they're too excited to get rid of you."

Taas noo kong sinalubong ang tingin niya.

"I.D.G.A.F" madiing sabi ko sa bawat letra.

His forehead creased.

"I don't give a fuck, Mister. Yan ang ibig sabihin no'n kung hindi mo alam." I said. I heard L chuckled.

Biglang napalitan ng pagkainis ang kanyang mukha.

"An Iakovou indeed." iling na sabi ni Sylvester at pinasadaan ng tingin ang lahat ng taong nandito.

"Ladies and gentlemen, I announced the dissmisal of Miss Alice Natasha Baltazar. She's no longer part of the Douglas Mafia. We all know the reason, she broke the rules and betrayed in our organization and being an ally to our enemy, The Kopert Mafia. She will not be facing any punishment because someone already did. But for now, I'll assure you that they can't get out to this place with out bullets buried in their bodies. In other words, they can't get out alive. That's all you may leave except," he paused and faced the three reapers. "the three of you."

Sabay sumang-ayon ang lahat maliban sa tatlong boss dahil maiiwan ang kanilang reaper. Pero wala silang nagawa dahil utos iyon ni Mister at anak nito.

Nang makalabas na lahat at naiwan ang dapat maiwan ay nagsalita ako.

"Too confident, huh. I see. Baka kako bago kami makalabas dito patay ka na— kayong lahat." komento ko sa sinabi niya.

Biglang nagtagis ang kanyang bagang. Hindi ako natinag nang umalingawngaw ang putok ng baril na hawak niya kasabay ng paghapdi ng kanang pisngi ko. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang nakakuyom ang kamao at hindi natinag.

"Alice!" sabay na sabi ni L at nang tatlong naiwan.

May bigla akong naramdaman pero agad ko iyong winaksi. He just pull the trigger on me. Why? He's that eager to kill me right now?

"You such a bitch! Kanina pa akong natitimpi sayo!" nakatutok parin ang kanyang baril sa akin na may kunting usok sa dulo nito.

Sa gilid ng mata ko ay kita kong nakatayo ang tatlo.

Naramdaman kong may palad na sumakop sa magkabilang pisngi ko at pinaharap ang mukha ko sa direksyon niya.

"Alice," puno ng pag-aalala ang kanyang mata ng makita ang daplis sa pisngi ko.

"I'm fine, L." panigurado ko. Hinawi ko ang kanyang kamay bago pinahid ang dugong dumadaloy sa pisngi ko gamit ang likod ng aking kamay.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

"Alice, they all here and ready." rinig kong sabi ni Red mula sa earpiece. "By the way, did he just fucking shot you!?" di makapaniwala niyang tanong.

"I'm fine and thanks Red." sagot ko.

"Not welcome dahil wala pa ang bayad ko." naiimagine ko ang pag-irap niya habang sinasabi niya yun.

Bigla kong naalala ko ang sarili ko sa kanya pagdating sa trabaho. Laging iniisip ang bayad. Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Tinapik ni Mister Douglas ang balikat ng ama niya. "Maupo ka. I'm gonna tell a short story for our guests." utos ng ama niya.

Tinitigan niya ng ilang segundo ang kanyang ama bago naupo sa upuan na nakalaan para sa kanya.

"So let me talk about ahm," he paused at umaaktong nag-iisip siya at naglakad palapit sa akin. Tinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa mesang nasa harap ko. "bakit pinatay ang mga magulang mo. Or should I say ang mga umampon sayo." he smirk.

Bumaling ang kanyang atensyon kay L. "You knew right?" tanong niya nito. "You knew kung bakit pinatay ang mga magulang mo at ang umampon kay Alice. Bakit hindi ikaw ang mag-kwento? O ikinwento mo na pero puro kulang lang at may halong kasinungalingan?" seryoso niyang sabi.

I stiffed. He knew why parents got killed, I already knew about that part. Kaya tinutulungan niya ako. Pero ang 'kulang' at 'kasinungalingan' na salita ang nakaagaw ng atensyon ko. I slowly turned my head in him.

Puno ng pagtataka ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"Lack? Lies? Anong ibig niyang sabihin?" tanong ko sa kanya.

Imbis na sagutin ako ay nag-iwas lang siya ng tingin at hindi nagsalita.

"Oh hindi mo alam?" I heard Mister Douglas tsked.

"Lagi lang naman siyang walang alam. Huwag ka ng magtaka, Dad." segunda ni Sylvester.

"Talk." halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses dahil sa lamig na pagkakasabi no'n.

"Don't pity on them Ms. Baltazar dahil iyon na talaga ang kapalaran nila. Well, lahat ng nangyari sayo ay planado. From the moment na ipinaubaya ka ng totoo mong ina sa amin kapalit para makauwi sila sa kanilang bansa." at sinimulan na niya sa pagkwento.

Maingay ang paligid. Buong lugar ay napuno ng putok ng baril at maiitim na usok na nag-mula sa iba't ibang parte ng lugar.

It was a war between the two organization. An unexpected war.

Tahimik bumabyahe patungong airport ang isang pamilya. Nakasunod sa kanilang ang tatlong itim na kotse kung saan nakasakay ang kanilang mga bodyguard.

"Hon, sigurado ka bang hindi tayo masusundan? Hindi ko akalaing mahahantong sa away ang pag-uusap ninyo." tanong ng babae sa asawa niyang nagd-drive.

Saglit nitong sinulyapan ang kanyang mag-ina na nasa back seat. Dumapo ang kanyang tingin sa kanilang anim na buwang anak na babae.

Huminga ito ng malalim bago sumagot sa asawa. "Don't worry. Makakauwi tayo ng ligtas. I won't let them hurt us." sabi nito at nginitian ang asawa at tinuon muli ang atensyon sa kalsada.

Tahimik na nagdadasal ang babae habang mahigpit na nakayakap sa kanyang anak.

"Baby, we'll going home. Safely baby. Safely." bulong niya sa kanyang anak na mahimbing na natutulog.

Pero ang akala nilang ligtas ang kanilang byahe patungo sa airport ay hindi pala. Napasigaw siya sa takot ng biglang bumaliktad ang kanilang sasakyan.

Naramdaman ng babae ang mabilis na pagkabig ng kanyang asawa at ang pagyakap ng mahigpit nito sa kanya upang maprotektahan sila ng kanyang anak.

Masyadong tahimik ang kalsadang dinaanan nila idagdag mo pa na gabi na at sobrang madilim ng kapaligiran at walang tao. Kaya walang nakakita o nakapansin sa nangyari.

"J-Jace..." nahihirapang tawag ng babae sa kanyang asawa.

Nagsibabaan ang kanilang mga bodyguard sa kotse para protektahan ang kanilang mga amo habang ang iba ay tumakbo patungo sa bumaliktad na kotse nila. Agad silang naging alerto sa paligid.

Umangat ang ulo nito at nagtama ang kanilang mga mata. Parang dinurog ang kanyang puso ng makita ang hitsura ng kanyang asawa. May sugat ito sa noo at dumadaloy ang dugo nito.

"How are you and our Princess?" tanong ng asawa niya sa kanya.

Gustong umiyak ng babae dahil kahit nasa ganoong sitwasyon ang kaniyang asawa sila parin ang iniisip nito. Biglang umiyak ang sanggol. Kaya bumaba pareho ang kanilang tingin dito.

"Thank god. She's fine." parang nakahinga ng maluwag na sabi ni Jace at mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanila.

Rinig nila ang papalapit na yabag ng mga paa sa kanilang direksyon at sunod-sunod na putok ng baril. Ang mga bodyguard nila na pinoproktektahan sila mula sa kalaban.

"Protect the King and Queen!" sigaw ni Drix ang head ng kanilang bodyguard mula sa labas.

"Licia, Can you move your body, honey?" mahinahong tanong ng asawa niya at binuksan ang compartment ng sasakyan kung saan nakalagay ang dalawang baril.

Pinakiramdaman niya ang kanyang buong katawan kung may masakit ba pero tanging kaunting kirot lang sa kanyang kaliwang balikat na tumama sa sandalan ng passenger seat ang masakit sa kanya. Mabuti nalang at bulletproof ang kotseng ginamit nila kaya walang tumagos na mga bala sa loob.

"Yes." sagot niya.

Inabot ng kanyang asawa ang isang baril sa kanya at kaagad niyang tinanggap.

"Let's get out of here, honey. Don't worry I'll protect both of you. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo. I love you both." sabi nito at masuyong hinalikan ang kanyang noo.

Tumango siya. "I love you too, honey." tugon niya.

Biglang bumukas ang pinto ng driver seat. "King! Queen!" tawag ng isang tauhan.

"Help us to get out of here." utos ng kanyang asawa.

Tatlong tauhan ang tumulong upang makalabas sila bumaliktad na kotse. Agad silang pinalibutan ng kanilang mga bodyguard upang protektahan.

"Sino sila?" seryosong tanong ni Jace.

Nahagip sa mga mata ni Licia ang crest na nasa damit ng kalaban.

"Douglas." sagot niya at nagtagis ang bagang. Humigpit ang hawak niya sa baril na nasa kaliwang kamay habang nasa kanang braso niya ang kanyang anak.

Yumuko sila at nagtago sa likod ng kotse nilang bumaliktad.

Patuloy parin ang barilan sa pagitan ng kanilang mga bodyguard at kalaban. Sa tuwing nakakita siya ng pagkakataong iputok ang baril sa kalaban ay hindi siya nagdadalawang isip na gawin iyon.

They both raised to become a Mafia King and Queen kaya ganoon nalang ang tapang nila.

"Honey, are you okay?" nilapitan siya ng kanya asawa.

"I'm okay, Jace." tumingin siya sa kanyang anak na natulog ulit. Para bang ang mga putok ng baril ang humehele nito. "We're fine." dagdag niya.

"That's good to hear, honey." mabilis siya nitong hinalikan sa labi bago muling nakipagbarilan sa mga kalaban.

Suddenly, the gunshots stop when an expensive white car stopped in the middle. And a man full of power stepped out from the car.

Lumabas din ang mag-asawa sa kanilang punagtataguan para malaman kung anong nangyari at kung bakit natigil ang putukan.

Magulo ang paligid at may usok sa iba't ibang parte ng paligid.

At nang makita nila kung sino ang dumating biglang nagdilim pareho ang mga paningin ng mag-asawa.

"Well well well, still alive?" sabi ng bagong dating na may malademonyong ngiti sa labi.

Tumalim ang tingin ni Licia. "What do you want, Douglas?" matigas niyang tanong.

"Your power." sagot nito.

"We already declined your request. If we only knew na kaya pinapunta mo kami dito sa Pilipinas ay para lang sa kapangyarihan namin sana hindi kami pumayag." sabat ni Jace.

Napailing si Douglas. "But too late. Your here now. Madali lang naman ang gagawin niyo. You just declared to all mafia organizations in the whole wide world that we're merging." tumaas ang kilay nito.

"Hindi pa kami nababaliw ng asawa ko para gawin yan. Dahil alam namin na sa oras na maging isa ang organisasyon natin gagamitin mo iyon sa kasamaan. Knowing you, you're as worst as a demon, Douglas!" galit na sigaw ni Jace.

The man's face stoic.

"Then you have no choice but to leave this country without your daughter. Dahil pag dito lumaki ang inyong mahal na anak ay sisiguraduhin ko na sa pagdating ng panahon mahuhulog ang loob niya sa anak ko. And that will be the reason our organization will merge." nagtatagis bagang na tugon ni Douglas at biglang ngumisi. "Can't wait that to happen."

Sumenyas ito sa mga tauhan na sumugod kaya sumugod din ang kanilang ibang tauhang kaunti nalang ang natira kahit ang iba ay sugatan pilit parin silang pinoprotektahan.

Bigla namang natakot si Licia para sa anak dahil pati ito madadamay. Hindi. Hindi pwedeng makuha ng Douglas ang kanilang anak. Hindi pwedeng pumasok sa ganitong klaseng mundo ang kanilang anak. Gusto nilang lumaking normal ang prinsesa. Pero anong magagawa nila? Mukha hindi nila maiiwasan iyon lalo na't nasa dugo nila ang pagiging mafia.

They already predict that this might happen. Kaya nagplano sila kanina sa hotel na inuukupa nila bago nagtungo sa airport. Masakit man pero kailangan nila iyong gawin. Para sa kaligtasan nila lalo na sa kanilanh prinsesa.

Pinanood niya kung papanong pinipigilan ng kanyang asawa ang mga tauhan nila gustong lumapit sa kanya. Hindi na niya kayang iangat ang hawak na baril dahil ang kanyang dalawang braso ay nakayakap ng mahigpit sa kanyang anak. She need to protect her daughter.

Napasigaw siya ng biglang natumba ang kanyang asawa. "Jace!" nakahawak ito sa tagiliran at pinipigilan ang pagdaloy ng dugo habang nakangiwi sa sakit.

"The King!" sigaw ni Drix at binaril ang bumaril kay Jace.

Mabilis niyang dinaluha ang kanyang asawa. "No. No, honey." naiiyak niyang sabi.

Ngumiti ito sa kanya bago tumayo. "I'm fine."

"Give up now Iakovou." boses iyon ni Douglas.

Umiling si Jace. Tumayo siya at nilagay si Licia sa likod ng niya. "Hindi ako papayag. Hindi kami aalis sa bansang ito nang hindi kasama ang anak namin." matapang nitong sabi at itinutok ang dulo ng baril sa direksyon ni Douglas.

Pero bago pa iyon maiputok ay nauhan na siya nito. Muli natumba si Jace. May tama sa balikat.

Naninikip ang dibdib niya habang pinagmamadan ang asawang namimilipit sa sakit. No! He can't lost her husband. At sa oras na yon ay kailangan niyang mag desisyon. Ang iwan ang anak niya sa bansang ito para makabalik sa bansa nila o ang hayaang mamatay ang kanyang asawa—sila.

She need to think wisely.

Muli siyang nakarinig ng putok ng baril. Napatingin siya sa gawi ni Douglas. "Stop! Please stop! Stop!" pagmamakaawa niya.

Ngumisi si Douglas. "What now, mahal na reyna?" ang boses nito ay nagpalahiwatig ng tagumpay.

Nilingon niya ang kanyang asawang nawalan ng malay pero alam niyang humihinga pa iyon. "Honey, I'm sorry." lumakas ang pag-iyak niya at humigpit ang pagyakap sa anak. "Baby, please forgive me for doing this to you. Sana mapatawad mo si Mommy balang araw. We love you, baby. But Mommy should have to do this. Para sa kaligtasan mo." bulong niya sa anak.

They can't fight anymore. Kaunti nalang ang natirang tauhan nilang isinama nila sa Pilipinas. Talo sila and they have to concede defeat, sa ngayon.

Hinanap ng mga mata niya si Drix at ng magtama ang kanilang mata ay nasalita siya. "Help the king. Gamutin mo ang mga tama niya." utos niya dito na agad namang sumunod.

Bumaling siya kay Douglas. "Take my daughter," patuloy sa pagtulo ang kanyang luha. "at hayaan mo kaming makaalabas ng Pilipinas ng matiwasay." kondisyon niya.

"Deal."tugon nito at tinawag ang isang tauhan upang kunin ang kanyang anak.

Hinalikan niya ang noo ng kanyang anak sa huling pagkakataon. "I love you, my Princess Alice Aspasia Iakovou." bulong niya.

Nanginginig ang kanyang kamay habang inaabot sa tauhan ng Douglas ang kanyang anak na mahimbing na natutulog. "Please, alagaan niyo ang anak ko. Please." hiling niya habang humahagulhol.

Hinabol ng mga kamay niya ang kanyang anak na nasa bisig na ng isang tauhan ng Douglas. "Baby..." tawag niya sa kanyang anak na walang kamuwang-muwang.

Para sa isang ina ay masakit iwan ang anak pero alam niyang hindi sasaktan ng mga Douglas ang kanyang anak lalo na't kailangan nila ito.

May bigat sa kanyang dibdib bago tinalikuran ang kanyang anak.

"Tha sas epistrépsoume prinkípissa. Aplá perímene. S 'agapó tin kóri mou." huling binitawan na salita ni Licia bago sila tuluyang umalis sa Pilipinas.

'We will get you back princess. Just wait. I love you, my daughter.'

At ano sa tingin niya na papayag ako sa pinlano niya noon? No way. Ayoko ng magbulag-bulagan sa mga nangyayari.

"See? Ang dali lang para sa ina mo na ipamigay ka. Well, knowing the royalties. They only need a child not wanting it." may halong pang-aasar na sabi ni Mister Douglas.

"At ang mga tauhan ko namang bobo na nagpalaki sayo ay trinaydor ako. Inilayo ka nila sa akin akala siguro nila na hindi ko sila matutunton. Ang sinabi ko lang sa kanila na alagaan ka hindi mahalin at ituring na anak. Mga bobo mabuti nalang at namatay ang mga inutil na mga 'yon." inis nitong sabi.

Hindi ako nagkomento o ano. Hinayaan ko lang siyang magsalita kahit ang kamay ko ay kating-kati ng kalabitin ang gatilyo ng baril ko sa kanya.

"Tapos iniligtas pa nila ang anak ng mga Brent." tumingin ito sa direksyon ni L. "Kung sumunod lang sa utos ang mga magulang mo baka hanggang ngayon buhay parin sila."

Agad kong pinigilan si L na aakmang susugurin si Mister Douglas na bumaling muli ang atensyon sa akin.

"As what I have said. Planado lahat ang mga nangyari sayo. Well, thanks to my son." puno ng pagmamalaki nitong sabi.

Itinagilid ko ang ulo ko upang makita ang reaksyon ni Sylvestee. Napangisi ako ng makita ang pagtagis ng bagang niya. Hmm.

"From the death of your parents—not real parents. Alam mo bang gusto kong humalakhak ng tawa ng sinabi ko sayo kung sino ang pumatay sa kanila? Seeing you killing those innocent people make me want to laugh hard. Ang laki mo talagang uto-uto. Manang-mana ka sa magulang mo ang daling mauto." parang dismayado niyang sabi.

"See this five people here?" itinuro niya si Mina, Rai, Miguel, Sylvester at panghuli na hindi ko inaasahan, si L. Kulang ng dalawa, Sion and Saber.

"L?" hindi makapaniwala kong tawag sa kanya.

Hindi niya ako sinulyapan. I feel blood just boiled in anger again. He lied! He lied to me! Again!

Hindi ko napigilan ang sarili kong suntukin siya ng malakas dahilan para mabuwal siya sa pagkakaupo at napahiga sa sahig.

"Oh fuck!" mura ni Red mula sa earpiece.

"You lied to me." nanginginig sa galit kong sabi.

"Oh don't blame him. He just did it because he thought he can save his parents." kibit balikat na sabat ni Sylvester.

Tumango naman si Mister Douglas. "At ang nangyari sa kapatid mo noong nabaril siya sa loob ng kwarto ay planado. Tatlong bala. Ang dalawa galing sa amin at ang isa ay galing sa angkan mo." tumalim ang tingin niya sa akin. "We used the Kopert's bullet para magalit ka sa kanila and the other was to deceive you. Pero napakialamera ng angkan mo Baltazar maling tao ang prinotektahan nila. Alam mo ba kung anong ginawa ng kapatid mo? Syempre hindi dahil kilala mo siya bilang inosenteng si Yanna." he quoted the word Yanna using his fingers.

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" tanong ko.

"Why not to ask him kung anong ginawa niya sa sarili niyang kapatid." nguso niya kay L na nakayuko.

Pero walang boses ang narinig ko mula kay L.

"Seems like he didn't want to tell you kaya ako nalang. He invited your sister to joined this kind of world two years ago." pagsagot niya.

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?

"What the fuck L!? Ano pa? Ano pa ang hindi ko alam na nililihim mo?!" dinaganan ko siya sa pagkakaupo sa sahig at pinagsusuntok pero hindi siya nanlaban.

"Oh fuck Alice! Let him explain! Stop Alice! He know what he did! Alice! Stop that! Hindi kayo nagpunta diyan para mag-away kayong dalawa!" sigaw ni Red sa kabilang linya pero hindi ako nakinig.

He lied to me! He fucking lie to me! Bakit lahat nalang ng taong nakapaligid sa akin ay nagsisinungaling sa akin at niloloko ako?! Wala na bang katapusan 'to?!

"Alice! He's the reason why the Pantasiz are here in the country!" natigilan ako sa sinabi ni Red.

"You," turo ko kay L. "explain this." tumango siya at nag iwas ng tingin.

Tumayo ako at malamig na sinalabong ng tingin si Mister Douglas.

I'm done playing dumb here. Pagod na ako sa pagpapanggap na walang alam.

From the moment I opened the boxed that my adopted parents left. Nandoon lahat ng sagot sa mga tanong ko. Kung sino ako at kung bakit nandito ako ngayon sa bansang ito at hindi sa bansang pinaggalingan ko. Hindi ko lang matanggap nung una.

Tumayo ako at humarap sa kanila.

"Ikaw," humakbang ako. "Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari sa amin 'to. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko kasama ang mga magulang ko at ikaw ang dahilan kung bakit ang dami kong pinatay na mga inosenteng tao!" kita ko ang pagkagulat niya.

"Your such a demon craving for a power. Pati mga anak mo dinamay mo! Kaya siguro iniwan ka ng asawa mo dahil isa kang walang pusong demonyo!" sigaw kong sabi.

Bigla niya akong sinampal. "You don't know anything!" galit niyang sigaw.

Tumagilid ang ulo ko sa pagsampal niya. "Yes I know everything Mister Douglas. I'm done playing my part here. It's really hard to act like I didn't know nothing." ngisi kong sabi.

Itinutok niya ang baril nita sa akin pero hindi ako nagpatinag.

"Den échete kanéna dikaíoma na topothetísete éna óplo stin prinkípissa mas, Douglas." biglang may nagsalitang baritono at malamig na boses galing sa likod ko. Mga hitsura nila halatang mga banyaga.

Kita ko ang pagkunot ng noo ng mag-ama. Nilingon ko ang nasa likod. And there, a three handsome men standing autoratively.

"Oh. Hindi nila naintindihan ang sinabi mo. Medyo bobo sila ha." sabi nung isa nakasuot ng dark blue na leather jacket.

"Ako nalang ang magta-transalate. Sabi niya," saad ng isa na may magulong buhok at nakaturo sa lalaking katabi niya na may mapang-asar ngit. "Wala kang karapatang tutukang ng baril ang aming prinsesa, Douglas!" he exclaimed and snap his fingers.

"Who the hell are you?" tanong ko.

Mga baliw ba 'to?

Sabay silang ngumiti ng napakalapad sa akin. "Kami ang mga gwapo mong pinsan!" sabay nilang sabi while spreading their arms like they wanted a welcome hug from me.

What the fuck?

Chapitre suivant