webnovel

Chapter 13

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 13

Sa coffee shop malapit sa condo ko naming naisipang doon mag-usap ni L. Mabuti nalang at walang masyadong tao tuwing weekdays sa coffee na iyon. Sa pinakadulong table kami naupo dahil medyo patago.

"Anong ipapagawa mo?" agad kong tanong ng makaupo kami sa pang-dalawahang table.

Tumingin muna siya sa paligid bago nag-salita.

"May pababantayan ako sa'yo ngayong gabi." seryoso niyang sabi.

"Sino?" taas kilay kong tanong.

May lumapit na waiter sa amin para hingin ang aming order na agad naming binigay. Hinintay niya munang umalis ang waiter bago sumagot sa tanong ko.

"Allysandra Cartigal. The heiress of Cartigal State of Company." kumunot ang noo ko. My classmate?

"I know her. She's my classmate. And she even invited the whole section for her birthday party in their mansion tonight." sabi ko kahit naguguluhan parin.

Nagulat siya sa sinabi ko at agad namang nakabawi. "That's good. You don't need to sneak just to go there." may kinuha siyang envelope at inabot sakin.

"Ano 'to?" kunot noo kong tanong at napatingin sa envelope na hawak ko.

"Her background information." sagot niya.

Ilang segundi ko siyang tinitigan bago nagbaba ng tingin.

"Alam ko na ang lahat ng mga inpormasyon tungkol sa kaniya. She's the daughter of Mr. Alejandro Cartigal and Mrs. Alexandra Cartigal. She's 20 years of age. She has two siblings at boyfriend at mga kaibigan. And she's a dependent and a good daughter. At mas pinili niyang mangupahan malapit sa school namin at mag-part-time job dahil gusto niyang ipakita at patunayan na kaya niyang mabuhay ng mag-isa sa sariling sikap na walang kahit anong tulong galing sa magulang niya...." napatango siya sa mahabang sinabi ko.

"That's good to hear."

Nilapag ng waiter ang aming order at agad kaming nag-pasalamat.

"So why? Bakit papabantayan mo siya? And for who?" naguguluhan kong tanong.

"Someone want her dead. And this someone paid a big amount to our organization just to hired one of our best hitman to kill Allysandra Cartigal. She's Allysandra's adopted sister Alondra Cartigal." at sumimsim ng kape niya.

I also know her sister- adopted sister. She's really opposite to Allysandra because she's a brat. The Cartigal couple adopted her when she was six and Ally was already four that time. Now, she managed one of Cartigals company.

"So why her adopted sister want her dead?" I'm still confused because Ally and Alondra has a good relationship towards each other."

I just don't understand why Alondra want Ally dead.

"Dahil sa mana. Akala ko naman may clue ka na kung bakit. Wala pala." napairap nalang ako sa kanya.

Ngumisi naman siya pero agad din iyon napawi na ipinagtataka ko. Bigla tumalim ang kanyang titig at nagtagis ang bagang na nakatingin sa likod ko?

Bago pa man ako makalingon ay may nag-salita na galing sa likod ko. Agad kong nakilala kung sino. Kahit taon pa siguro siyang hindi magparamdam sa akin kabisado ko parin ang boses niya. So he's back, huh? Ang gago.

"Nawala lang ako ng ilang linggo may ka-date kana?" biglang bumilis ang pintig ng puso ko at halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Gusto kong magsalita upang magpaliwanag pero hindi ko magawang ibuka ang bibig.

Gusto ko siyang sigawan, sabunutan at saktan hanggang sa kumalma ako pero kahit daliri ko hindi ko magalaw. I miss him. Fucking miss him!

"Alice," sambit niya sa pangalan ko. Doon lang ako nakagalaw.

Napatingin ako kay L na walang emosyong nakatingin kay Boss na nasa likod ko. Napalunok ako at dahan-dahang lumingon sa kanya at tumingala. Madilim ang kanyang mukha at matiim na nakatitig kay L. Kung nakakamatay lang tingin baka nakahandusay na si L sa mga oras na ito.

Bakit ba ako biglang kinabahan? Parang may nag-uudyok sakin na mag-explain sa kanya kaya yun ang ginawa ko.

"Bo- Saber may pinag-uusapan lang kami. At hindi kami nag-date." gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nanginginig ang boses ko.

Dapat galit ako sa kanya! Pero tila naglaho bigla.

"Yes, we are Alice." nanlaki ang mata ko nang marinig ang putanginang sinabi ni L.

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Pakiramdam ko nag-uusok ang ilong ko dahil sa ngisi niya na para bang nang-aasar. Itong gagong 'to!

"You son of a bitch!" I hissed.

"Oh come on! We've been dating for 2 weeks tapos idedeny mo lang? You're hurting my feelings, Alice." puno ng kasinungalingan at kadramahan niyang sabi.

Mabilis dumapo ang kamao ko sa pisngi niya. Rinig ko ang pag-singhap ng ibang mga costumer sa ginawa ko. Hindi man lang siya nabuwal sa kinauupuan niya sa malakas kong pag-suntok. Tumagilid lang ang kanyang ulo na para wala lang.

"Fuck! Did you just punch my handsome face!?" inis niyang tanong habang hinihimas ang pisngi niya. Late reaction.

Napairap ako at tumayo.

"Buti nga sayo. Sa susunod tatahiin ko na yang bibig mong napaka-sinungaling! Datin mo sarili mo ulol!" someone grabbed me and I just found myself inside his car.

Pinagmasdan ko siya na seryosong nagda-drive. Magulo ang buhok. Gusot ang damit. Madumi ang pantalon. Parang hindi nakaligo ng ilang araw. In short, kulang sa aruga. Pero kahit ganon mahal ko parin siya. Ano bang nangyari sa kanya?

"Nawala ka lang ng isang buwan nakalimutan mo nang maligo." biro ko para kahit papano ay matabunan ang masamang awra ni Boss dito sa loob ng kotse pero mas lalo yatang nag-salubong ang kanyang kilay.

"At saka yung damit mo ang gusot pa halata talagang hindi ka inaruga ng isang buwan!" iling kong sabi.

"Manahimik ka." seryoso niyang sabi pero hindi ako nakinig. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"Tapos yung buhok mo kulang nalang ibon dahil nagmumukhang pugad! Saan ka ba nagsusuot? Ba't ganyan hitsura mo?" ngiwi kong sabi.

"Sabi ko manahimik ka, Alice. Naiirita ako." halata nga.

"Eh namiss kita eh." kusang lumabas sa bibig ko 'yon na ikinagulat ko.

Bigla siyang pumreno kaya muntik na akong mahulog sa kinauupuan kung hindi lang ako naka-seatbelt. Gulat ang kanyang mukhang napatingin sakin.

"Anong sabi mo?" titig na titig saking mga mata ang kanyang mga matang puno na ng emosyon. Hindi kagaya kanina sa coffee shop na walang bakas miisang emosyon sa kanyang mata.

"Wala. Kunehong bingi." irap ko.

Ngumisi naman siya.

"Oh come on! You just said you miss me." halos matawa ako sa itsura niya dahil sa kakaibang kislap ng kanyang mga mata. At ang lapad pa ng ngiti niya habang tinaas baba ang kilay.

Damn! This guys is so adorable. Hindi na ako galit. Makita lang ang ngiti niya.

"Narinig mo pala eh. Hindi ko na uulitin." kunwaring naiinis kong sabi.

Ngumuso siya. "Sige na? Na-miss din kita eh."

Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang braso sa dibdib.

"Bakit ngayon ka lang nag-pakita sa akin? Saan ka nanggaling?" I narrow my eyes.

"I'm just thinking somewhere."

"Bakit?"

"I want you to get pregnant, Alice. But I know you're not ready. Nag-aaral ka pa." nagulat ako sa sagot niya.

"Ano kamo? Anong kinalaman diyan sa hindi mo pagpapakita sa akin? At hindi ka man lang nagpaalam!"

"I'm sorry, okay. It's just that fuck! Paano ko ba ipapaliwanag 'to?" frustrated niyang sabi.

"Ano nga?"

"I want a child, Alice!" he shouted.

Hindi ako nakaimik at nag-iwas nalang ng tingin. "See? You're not ready." mahinahon niyang sabi.

"I'm ready or not you should have tell me. Hindi yung aalis ka nalang bigla at hindi nagpapaalam. If you want a child.....I-I can't give you that, Saber." malungkot kong saad habang nakatingin sa harap.

"How can you be so sure na wala yang laman? We did it for how many times without using any protection! Paano pag meron? Anong gagawin mo? Ha?"

Napahawak ako sa tiyan ko at bumaba ang tingin doon. Doon lang sumagi sa isip ko ang sinabi niya. He's right. I'm not on pills. Hindi din kami gumagamit ng condom habang ginagawa iyon. Damn it! Bakit ngayon ko lang naisip?

"But you know our limitation, Saber. Hindi pwede. Kung magkataon na may laman ito, ang anak natin ang mahihirapan. I don't want thay to happen. Ayoko. Ayoko." iling ko at hindi namalayang lumuluha na pala ako.

Sana walang laman 'to. Hindi sa ayaw kong magkaanak sa kanya. It's just that, it's not the right time. Masyado pang magulo.

Naramdaman ko nalang na niyayakap na niya ako. Tahimik akong umiiyak at nagdarasal na sana wala. Sana walang mabuong buhay dito sa akin. Not yet, please.

"Shhh. I know, Alice. I know. I know that fucking limitation! But I'm just....it's just that....fuck.....I'm just scared that someone might steal you from me. O baka iiwan mo ako." nahihirapan niyang sabi perl mas nangingibabaw ang takot sa

Sinilip ko siya. "Walang aagaw sa akin sayo, Saber. Bakit ba lagi kang nag-iisip ng ganyan? At sa ating dalawa ikaw kay ang nang-iiwan! Hindi man lang marunong magpaalam!" biglang bumalik ang pagkainis ko sa kanya.

"W-What's with the stare?" kinakabahan niyang tanong.

"Isang tanong, isang sagot." sabi ko na ikinatango niya.

"A-Ano yun?"

"Nambababae ka ba? Kaya siguro nawala ng ka ng isang buwan?"

"Hindi ah!" mabilis pa sa alas kwatrong sagot niya.

Tinuro ko siya. "Siguraduhin mo lang dahil pag-nalaman kong nambababae ka," bumaba ang tingin ko sa gitna ng hita niya. "ako mismo ang puputol niyan." napalunok siya sa banta ko.

Mabilis niyang tinakpan ang alaga niya ata mabilis tumango.

"Y-Yes Boss." nahihirapan niyang sabi.

"Mabuti ay nagka-intindihan tayo." mataray kong sabi.

Bigla naman siyang ngumisi.

"Anong ningisi-ngisi mo diyan?"

"You look like a jealous wife." he wiggled his eyebrows.

"Because I am!" natulala ako sa sinabi ko. "Huh?"

"Oh yeah." natatawa niyang sabi at pinaandar ang kotse.

What the fucking fucker fuck!? Did I just say those without even thinking? Damn you mouth! Nakakasama talaga minsan makasama si L eh. Nakakahawa ang pagiging honest at the same time sinungaling. Napailing nalang ako.

"Alice is jealous. Fuck! She made my day." paulit-ulit niyang sabi. Parang sirang plaka habang pinaandar ang kotse.

Muli kong naalala ang pinag-usapan namin. He wants a child but he knows I can't. Alam niyang hindi pwede.

"Boss, gusto mo na ba talagang magka-anak?" i broke the silence inside the car. Nakatingin ako sa labas ng bintana at pilit inaaliw ang sarili sa mga nadadaanan namin.

"Yes. I really want a child, Alice. I want to be a father." may saya niyang sagot pero kabaliktaran ang nararamdaman ko. "Gusto kong makita kung ano ang hitsura ng mga anak natin." kahit hindi ako lumingon para makita ang hitsura niya alam kong nakangiti siya.

And felt sad and bad about our situation. "Why? Why me?" mahina kong sambit.

Hininto niya ang sasakyan sa labas ng condo building.  At ramdam ko ang mariin niyang titig sa akin.

"Because I love you at para hindi ka na makawala sa akin. Marry me, Alice. Be my wife."

Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko sinabi niya. I don't know how to react pero alam ko kung ano ang isasagot ko sa biglaan niyang pag-alok ng kasal. Marriage is not a joke!

"Saber." nilingon ko siya. "Are you nuts?! Hindi nga ako magpabuntis sayo tapos aalokin mo ako ng kasal?! Nag-iisip ka ba? Alam mong hindi pwede! You know the rules! You fucking know the rules, Saber! Dahil ikaw mismo at ang ama mo gumawa no'n!" sigaw ko sa kanya.

Gusto kong magising siya sa kahibangan niya. I know he really loves me. Ramdam ko iyon pero hanggang dito lang ang kaya kong ibigay sa kanya. I'm happy with our relationship. Kontento na ako sa ganito.

"I can fucking change that, Alice! Kaya kong palitan ang mga batas na yan para sayo!"

"At ano? Anong mangyayari sa atin? Kilala mo ang ama mo, Saber. Mister ang huling kakalabanin ko! Your father is a powerful man!"

"I don't care! Fuck his power! Ikaw lang ang gusto ko! Wala akong pakialam sa kanila! Kung kaya kitang ipagdamot gagawin ko!" halos lumabas na ang ugat sa leeg niya dahil sa lakas ng kanyang boses.

"Your selfish!"

"Yes I am! I am fucking selfish when it comes to you Alice! Not seeing you in a month makes me insane, baby! I never felt this selfishness before. Pero nung dumating ka doon ko lang napagtanto kung gaano ako ka selfish." napaigtad ako ng bigla niyang hinampas ang manibela.

"Saber, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo diyan sa utak mo. Look at you! You look like a mess! Isang buwan kang nawala tapos babalik ka ng ganyan ang ayos mo? At mag-aalok ng kasal sa akin? You're just rushing things up! You're not ready! Bakit ka ba nagmamadali kung hindi ka pa handa?"

Pagod niya akong tiningnan. "I just want to be with you, Alice." mahina niyang sabi.

"You know that I'm always here." saad ko.

"Will you marry me?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "Saber!"

"Just answer me."

"No." mabilis kong sabi.

"Come here." he spread his arms. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap. "I'm sorry, baby. I was just desperate earlier. Let's just forget it. I'm sorry for leaving too. It won't happen again. I love you and I miss you, my Alice." bulong niya bago ako hinalikan sa noo.

Napanguso naman ako. "I miss you too. I'm sorry din."

Chapitre suivant