webnovel

Ang Muling Pagkikita

"Kay ganda naman pala talaga ng mumunting Prinsesa." Nanunuyang wika ng reyna habang hawak sa leeg ang prinsesang nakagapos sa tanikalang encanta. "Huwag mong gagalawin ang anak ko, bruha!" Sigaw ng Hari. "Ang lakas ng loob mo Greamor, at sa kong iniisip mong may magagawa ka, hindi mangyayari ang inaasam mo." Sambit ng reyna at sinimulan ng magsagawa ng isang itim na salamangka. Kasalukuyang nakagapos sa sentro ng itim na kaharian ang prinsesa sa isang mala-dragong estraktura na pinupulipot ng itim na encanta at konektado sa limang pulso ng mahika kung saan dumadaan ang kapangyarihang kinukuha mula sa Prinsesa. Ang mga pulso ng mahika ay nakakonekta sa limang krystal, ang Yvandri Crystalia. "Darating ang itinakda! At mawawasak ang kahariang ito!" Pilit na sambit ng prinsesa habang hinihigop ng itim na encanta ang lakas at ang kapangyarihan nito. "Arha!!! Pakawalan mo ang anak ko!! Wala siyang kinalaman dito!!" Sigaw ng hari habang walang magawa kundi tanawin ang paghigop ng kapangyarihang nagmumula sa anak. "Hahahahah! Hindi ko naman papatayin ang Prinsesa, Mahal na 'hari'. Ang encanta na ang bahala roon." Nanunuyang wika ng reyna habang galit na galit ang nakagapos na hari at pinataboy ito ng reyna sa kailaliman ng piitan ng palasyo kung saan ang nakagapos ang ilang mga Trinadia. "Hindi mo ba ako naaalala, Mahal kong Prinsesa?" Pangising tanong ng reyna at nagsumite ng mahikang nagpapakita ng nakaraan.

*"Avieno, tignan mo, apat ang pakpak ng prinsesa natin." Masayang sambit ng reyna ng Azerfaeil habang hawak ang anak sa mga braso nito. "Prinsesa Andalia, yan ang magiging pangalan ng anak natin." Sambit ng hari.*

"Ang dahilan kung bakit kakaiba ka kompara sa lahat ng Avials ay dahil nabuo ka mula sa kapangyarihan ng isa sa limang sinaunang hiyas ng mundong ito bago pa man nabuo ang Yvandri Crystalia." Wika ng itim na reyna habang patuloy na ipinapakita ang nakaraan sa prinsesa. "Ang hiyas na nasasaiyo ay magiging sentro ng kapangyarihan ko at ang babago sa takbo ng mundong ito." Wika nito habang patuloy na pinapalabas ang isang alaala.

*"Magandang umaga Prinsesa! Ang ganda ganda niyo." Malambing na sambit ni Arha sa Prinsesa.*

"Arha...ikaw nga, ikaw ang nag-iisang Avial na nakalaro ko nuon ng bata pa sa palasyo at ang parehong Avial na trinaydor ang kaharian ng Azerfaeil." Nanghihinang sambit ng Prinsesa, "Ngunit bakit? Hindi ba't pinangarap mong maging isang magiting na Trinadia?". "Patay na ang Arhang yun! Hindi na ako si Ar...h...." Napulot ang pagdadahilan ng renya ng biglang nag-agawan ang dalawang anyong katauhan nito, isang Avial at isang Itim na encanta. "Prinsesa..." Malambing na bulong ni Arha at tuluyang kinain na ulit ng itim na encanta ang katauhan nito. "Patay na si Arha!" Galit na sambit nito. Nagtataka na ang prinsesa habang naaalala ang mga katagang sinambit nina Dantr noon, *Dalawang mundo ang bumubuo sa aming pagkatao.*

"Hindi kaya??" Bumungad sa likod ng isipan ng prinsesa ang isang malalim na tanong.

---

"Ermitanyo, Malapit na tayo." Wika ni Eudora habang tinuturo ang isang islang pinapalibutan ng makakapal at pawang itim na mga ulap. Ligtas silang nakadaong sa isang parte ng isla kung saan walang masyadong galaw ang mga Zharun. "Ang lawak nito!" Pabulong ni Anna habang tanaw ang itim na kastilyo ng Verrier. "Tomas, dito lang kayo sa barko. Kung may darating at may mangyaring kakaiba maliban sa labang magagap dito, patunugin niyo ito ng malakas." Utos ni Aldrin sa mga tauhan at iniabot ang isang trumpeta. "Dantr." Biglang sambit ni Anna. "Oo, ramdam ko." Tugon ni Dantr habang ramdam ang malakas na daloy ng itim na enerheya sa buong kaharian. "Sa tingin ko'y kakailanganin nating maghati, Dantr." Munghaki ni Greg. "Sasama din ako." Biglang sambit ni Eudora. "Magiging ligtas ka sa barko. Dito ka lang kasama nila Tomas." Tugon ni Anna. "Nanghihina ka pa. Magpahinga ka muna dito." Mahinang sambit ni Greg nang biglang bumungad ang limang naglalakihang toreng tumutubo mula sa lupa dala ang limang Yvandri. "Ang krystal?!" Gulat na gulat si Eudora habang itinataas ang mga krystal ng Yvandri sa himpapawid.

---

Kasalukuyang lumalakas ang kapangyarihan ng reyna at unti-unti ng kinakain ng itim na encanta ang Yvandri Crystalia. "Ano ba ang kasalanan ng mundo sayo?!" Sambit ng Prinsesa habang nahihirapan at nanghihina. "Hinding hindi mo maiintindihan." Tugon nito kay Andalia at patuloy na pinapalakas ng itim na encantang kumakain sa mga krystal at unti-unti ng lumalawak ang dilim sa buong kalangitan sa lahat ng direksyon. "Arha! Alam kong nandiyan ka pa! Alam kong hindi ikaw 'to!" Sigaw ng prinsesa at sandaling nag-agawan ang pagkatao ng reyna. "Buhay pa si Arha! At hindi siya kasingsama mo!" Tumawa lamang ang reyna at tinakpan ng itim na salamangka ang bibig ng Prinsesa. "Sa pamamagitan ng lakas ng hiyas na nagmumula sayo at sa limang krystal, mawawala na ng tuluyan ang Arha na pinagkaitan ng buong mundo. At lilikupin ko ang pitong kaharian ng Encantria at ang buong mundo ng Enderia!" Patuloy na lumalakas ang kapangyarihang dumadaloy sa reyna. Kasulukuyang lumalawak na ang pag-itim ng buong kalangitan at tanaw na mula sa Laziel at sa ibang kaharian.

Nakahanap sina Dantr ng isang daan tutungo sa kanila papasok sa kastilyo ng bumungad ang ilang naglalakihang Zharun. "Anna, hanapin niyo ang prinsesa." Kalmadong utos ni Dantr. "Tara na!" Pabulong na tawag ni Aldrin kay Anna tumungo sa isang daanan papasok sa isang piitan at natagpuan nila ang ilang nakakulong na mga Trinadia. "Mga Avials kayo hindi ba?" Bulong na tanong nina Anna at sinubukang buksan ang mga selda. "Hindi maaari, itim na encanta? Parehong pareho sa nakaharap natin sa Iganda." Wika ni Aldrin. "Mahal na Reyna, dumating na po siya." Balita ng isang Zharun at dali-daling nagtungo upang sumugod sa ilang kasamahan ni Dantr. "Maligayang pagdating sa kaharian ng Verrier, Mahal kong Anak." Bulong ni Arha sa hangin. "Tapat kong mandirigma, ipagpapaubaya ko na saiyo ang ermitanyo." Utos ng reyna sa isang aninong alagad nang bumungad ang mukha nito. "F-fred?!" Gulat na gulat ang prinsesa habang kaharap nito ang matalik na kaibigan. "Di ko alam na magiging kapaki-pakinabang ang kanang kamay ng hari." Nanunuyang sambit ng reyna habang malumanay na tinatapik nito ang pisngi ng Avial. "Fred!! Ako 'to! Si Andalia!!....Pakawalan mo ang kaibigan ko!!" Pagpipilit na sigaw ng Prinsesa habang nasisilayan ang kaibigang kinain na ng itim na encanta. "Hindi ka niya maririnig kahit anong sigaw mo, Prinsesa." Tumawa lamang ang reyna at lumipad na palabas ng palasyo ang aninong alagad.

---

"Anna, makakaya mo bang gawin?" Tanong ni Greg habang hawak ang isang libro. "Libro ng Encanta?! Ba't nasayo 'to?" Gulat na reaction ni Anna. "Ahh-eh-ano, napulot ko lang sa aklatan ng heavenspear." Pagdadahilan ni Greg habang kinukuskos ang ulo.

---

"Pagkakataon nga naman, Ermitanyo." Yabang na bungad ng Aninong Encanta. "Ito ang huling magiging laban nating dalawa kaya humanda ka." Dagdag nito habang lumilipad sa hangin dala ng itim na krystal na pakpak kagaya ng mga Avials. "Tama ka. Huling laban mo na nga 'to." Kalmadong tugon ni Dantr at nagsimulang lumiwanag ng magkahalong itim at kahel sa kaniyang mga mata, bumungad ang mala-halimaw na itim na pakpak. Biglang nawala sa hangin si Dantr at ganun rin ang Anino. Naglalakasang sanggaan ang nagaganap sa himpapawid ng Verrier habang patuloy na hinihigop ng itim na encanta ang kapangyarihan ng hiyas mula sa Prinsesa.

---

"Posyon...Itim na salamangka...baliktad na mahika?..." Kasalukuyang hinahanap ni Anna ang pahinang makakapagpawala ng kapangyarihan ng itim na encanta na kumakapit sa bakal ng mga selda. "Ito na!! Tabi muna, tabi!...*Éncántûs.. vérinà lévîàrü là vérêàl...*" Nagsimula ng magsalamangka si Anna ng biglang bumungad ang isang itim na salamangkero sabay ang isang dragong Zharun. "Greg, protektahan mo si Anna." Sambit ni Aldrin. "Ako ang kalabanin mo, panget na ogre!" Bumungad ang mas malakas pang kapangyarihang taglay ni Aldrin at may namuong nagyeyelo manto sa katawan nito. "Yabang!" Sigaw ni Greg. Ngumisi si Aldrin at nagsimulang umatake.

---

Patuloy na nagaganap ang labanan ng dalawang mandirigma na pawang malalakas na nagsasanggaang hangin sa himpapawid. Ngunit kompara sa bilis at lakas ni Dantr, nakakatanggap ng malalakas na atake ang kalabang Anino. "Sa tagal ng paglalakbay ko, nakahanap rin ako ng mandirigmang kagaya mo." Kalmadong wika ni Dantr. Mabilis na nagpapalit-palit ng posisyon sa hangin ang aninong encanta at sumugod ng mas malakas at nang tinangka nitong atakihin sa likod ang ermitanyo'y naging usok na lang ang dapat ay tinamaan ng malakas na ugoy ng kaniyang itim na espada at biglang bumungad sa itaas ang napakabigat na nagbabagang dibinong espada at bumaon mismo sa dibdib nito. "Subalit isa ka lang nagwawalang anino." Kalmadong sambit ni Dantr. "Hindi nga maipagkakaila, ang lakas na taglay ng isang itinakda." Sumuka ng dugo si Fredriez at unti-unting napudpud sa hangin. Agad na tumungo si Dantr sa kastilyo at pinatumba ang mga dragong Zharun sa himpapawid. Nang makapasok sa kastilyo'y unang bumungad sa kaniyang mga mata ang prinsesa na nakagapos sa isang estatwang dragon na binabalot ng itim na encanta. "Maligayang pagdating sa ating kaharian, Mahal kong anak." Malambing na bungad ng reyna ng Verrier. "Matagal tagal rin tayong hindi nagkita. Nagagalak ka bang makita ako Anak?", "D-dantr, Lumayo ka sakanya." Nanghihinang bigkas ni Andalia habang unti-unti ng nawawalan ng malay. "Tignan mo ang napakabait mong kapatid." Wika nito habang malambing na hinahawak si Anna na kinain na rin ng itim na encanta. "Anna?! Pakawalan mo ang kapatid ko!" Galit na sigaw ni Dantr at bago pa man niya maatake ang reyna ay sinangga ito ng kaniyang kapatid. "Anna! Gumising ka!" Sigaw ni Dantr habang patuloy na sumasalakay sakaniya ang mahal niyang kapatid at iniiwasan masaktan si Anna. "Ang lambing mo sa kapatid mo, Dantr." Biglang nagsumite ng malakas na pwersa ng itim na encantang salamangka ang reyna sa ermitanyo at biglang pumulipot sa kaniyang dalawang kamay ang mas malakas na salamangka at napaluhod sa paghila nito. Lumapit si Anna at kinuha ang dibinong espada at inilayo mula kay Dantr ang librong Yvandria. "H-hindi, Hindi ikaw si ang kapatid ko...." Unti-unting nagbukas ang halimaw na anyo ni Dantr at nagsimulang kainin ng itim na encanta ang buong pagkatao niya. "Tignan mo, Prinsesa. Isang masayang pamilya!" Humalakhak ang reyna sa waging natamasa. "Dantr, lumaban ka..." nanghihinang bulong ng prinsesa.

Chapitre suivant