webnovel

Chapter 16

"Wala ka talagang kwenta!" isang malutong na sampal ang iginawad ni Alexandra sa pisngi ni Megan. Ramdam ni Megan ang galit sa mata ni Alexandra. Alam nya kung gaano kasama magalit ang isang Alexandra Singson Ty that she can do whatever she wanted para lang mawala ang mga sagabal sa buhay nya. She has those eyes na isang tingin mo lang ay manginginig kana sa takot dahil sa pagiging atoridad nito.

"I told you to seduce him! Pero wala kang ginawa! Sinayang mo lang ang pera ko!" histerikal na ito habang palakad lakad sa apat na sulok ng opisina nya sa Ty Group of Company.

"Ginawa ko ang lahat ng sinabi mo but he's too hard to get and besides nakuha na ang puso nya ng anak mo." Megan said.

"She's not my daughter! Kung pwede mo syang linlangin, gawin mo!" halos lumabas na ang mga ugat sakanyang leeg dahil sa labis na pagsigaw dahil sa matinding galit.

"I can't do this anymore, Alexandra!" nanlilisik na rin ang matang nakatingin si Megan. She's been like this at wala na syang ginawa kundi maging sunud-sunran sa mga gusto ni Alexandra.

"Yes you can! Dahil kapag hindi mo nagawa alam mo na ang mangyayari sayo!"

"You're a devil!"

"I know. So, get out and do your job! Get out!" agad na pinulot ni Megan ang mga gamit nya at lumabas sa opisina ni Alexandra.

Megan Santillan, anak ng dating driver ng pamilya ng mga Ty. Alexandra gaves those things na wala sakanya dati. Ang pera, ang luho, at ang edukasyon pero lahat ng yan ay may kapalit. Ilang taon na rin syang naging parang asong sunud-sunuran sa kagustuhan ni Alexandra at wala syang kawala dahil hawak sya nito sa leeg at alam nya ang lahat ng sikretong mayroon ito. But, she's been inlove to Norbert Santiago sa mga panahong iyon. Naging magkaibigan rin silang dalawa pero hanggang doon lang pero lahat ibinigay nya sa lalaki kahit ang maging sex buddy at ginawa na rin nya para lang makita sya ni Norbert bilang isang babaeng nagmamahal sakanya ng totoo but that was too dumb to think dahil kahit minsan ay hindi sya nakita nito bilang isang babaeng nagmamahal kundi isang kaibigan lamang.

Galit sya sa babaeng kasama ngayon ni Norbert. Galit na galit sya. At ngayon, tinatanggap nya muli ang trabahong ipinapagawa sakanya ni Alexandra ang maging miserable ang buhay ni Margareth at iyon ay pabor na rin sakanya para makuha nya ang puso ni Norbert.

She knows that Margareth is weak enough para masaktan ito kaagad gaya ng nakita nya noon noong pumunta sya sa condominium. Kita nya sa bawat kilos ng babae ang isang kahinaan at iyon ang labis na pagmamahal but that was a shame dahil pareho silang mahina pagdating sa ganyang bagay but Megan knows how to control herself.

Umuwi sya sa condominium ni Norbert and that was a wrong move dahil andoon si Albert. Norbert's twin. Akmang aalis na sya ng hinila sya nito sa braso saka ipinasok ng tuluyan sa loon ng condo unit saka isinandal sa pader.

"It's been a while ng muli tayong nagkita." He said in a surprised tone. Hindi sya nagsalita bagkus ay nag-iwas sya ng tingin dahil sa kakaibang uri ng tingin sakanya ni Albert. Tinging may pagnanasa na makuha sya.

Lumapit ang mukha ni Albert sa mukha nya at agad nitong hinalikan ang pisngi nya pababa sakanyang leeg and he stop there.

"Makukuha din kita muli. Tandaan mo yan." Hindi sya sumagot. Tanging singhap lang ang ginawa nya dahil kagaya ni Norbert, kaya nitong gawin at kunin ang mga bagay na gusto nya.

"If you want to get what you want then, do me a favor." She said. Ito na lang ang tanging magagawa nyang paraan para makuha si Norbert at mailayo it okay Margareth.

"Yes of course. Basta ikaw." Ngumisi ito. At kita sa mga mata na may masamang binabalak. Hinalikan sya nito sa labi bago umalis sa harap nya.

She gave those information na kailangang gawin ni Albert. And to his surpised ay hindi mapigilan nitong tumawa ng malakas dahil sa ipapagawa sakanya ni Megan. He knows how devilish Megan is pero hindi nya akalaing hahantong sa ganito ang kasamaan nya but still she loves this woman. Mahal na mahal nya pero iba ang mahal nito at iyon ang kapatid nya, si Norbert. Nag-igitng ang panga nya ng maalala ang lahat ng nangayari noon. Mas pinili ng ama nila na si Norbert ang mamahala sa kumpanya at sya, he'to nagpakasasa buhay. He wants to get rid and get what he deserves at yun ang kumpanya at ang babaeng mahal nya.

Ngumisi sya. Pero bago tuluyang umalis sa condominium ay nagbabala ito kay Megan.

"Get ready dahil makukuha ko kaagad ang gusto ko." Devilish smile splash in his lips and then he left the room with a dark aura. Kasabay nun ang isang halakhak mula kay Megan. Halakhak ng isang tagumpay.

Kanina pang naghihintay si Norbert sa parking lot dahil dito sila magkikita ni Norbert.

"Shit! Asan na kaya yun?" kanina pa linga ng linga si Margareth sa kabuuan ng parking lot dahil hindi nya naabutan si Norbert sa office nito.

Halos libutin na rin nya ang buong building para lang makita si Norbert pero ni anino nito ay hindi nya nakita.

Umupo nalang muna sya sa gilid ng sasakyan na nakaparada dahil sa matinding pagkainip. Nagpunas sya ng pawis nya dahil sa kakatakbo kanina pa. Kinuha nya ang mineral water sa tabi nya at uminom. Kanina pa nya iniisip kung pupunta ba sya sa condo nito o huwag na lang.

Kabado sya ng makarating sa harap ng building ng condo unit ni Norbert. Gusto nya sana itong sorpresahin pero kanina pa itong hindi nya makita. Wala syang ibang alam na pupuntahan kundi ang condo na lang nya atsaka hindi din naman ito naglalagi sa mansion nya dahil sa mag-isa nya lamang doon.

Naglakad na sya papunta sa entrance at agad syang nakilala ng guard doon. Ngumiti ito ng matamis sakanya pero tipid nya itong nginitian. Kinakabahan pa rin sya ng walang dahilan kaya inisip na lang nya na baga dahil lang ito sa pagtakbo nya kanina. Ngumiti sya nga ng malawak ng makita ang popular na disenyo ng condominium building ni Norbert. Pagmamay-ari din daw ito ng tiyuhin nya na nakabase sa states pero pinapatkbo lamang iyon ng pinsan nyang si Levinne.

Dumiretso na sya sa elevator. Napasinghap sya ng may maalala sa elevator na iyon. Ito yung elevator na sinakyan nilang dalawa nung gabing una nilang pagkikita. Hindi nya iyon makakalimutan kahit kalian. Pero hindi nya rin iyon pinagsisihan dahil nakilala nya ang isang Norbert Santiago na mahal na mahal sya.

Nakarating na sa tamang floor ang elevator. Pagkalabas nya ay diretso sya sa condo unit ni Norbert pero laking gulat nya ng makitang bukas ang pinto. Nagtaka sya kung bakit dahil hindi naman ugali ni Norbert ang mag-iwan ng pinto na bukas. Inisip na lang nya na baka nakalimutan lang nitong isarado.

Pumasok sya pero mali atang pumasok sa isang kwartong bukas ang pinto. Kinakabahan sya at halos manlamig ang kalamnan nya ng makarinig sya ng halinghing ng isang babae. Kinakabahan sya pero inisip na lang nya na baka halinghing lang ng multo ang narinig nya na gustong magparamdam sakanya. Pinilit nyang ihakbang ang paa nya sa kinatatayuan nya kahit na nanghihina ang dalawang tuhod nya. Mas lumakas ang halinghing na narinig nya kaya nagdesisyon syang tignan kung ano yun kahit na natatakot sya. Kahit na may posibilidad na masaktan sya.

Humakbang sya ng isang beses kaya mas lumakas ang pagkakarinig nya. Humakbang sya ng dalawang beses hanggang sa nagsunod-sunod na hanggang sa narrating nya ang bukas na pintuan ng kwarto ni Norbert. Itinulak nya ang bukas na pinto. Napakagat labi sya at pumikit ng mariin saka humakbang ng isa bago unti-unting binuksan ang mata.

Unti-unting nabasag ang puso ni Margareth dahil sa nakikita nya. Isa-isa na ring nagsihulog ang mga butil ng luha mula sa mata nya. Gusto nyang sumigaw at magmura pero hindi maproseso ng utak nya kung paano sasabihin ng bibig nya ang laman ng utak nya. Sana hindi nalang nya pinilit ang sarili na tignan kung ano o sino ang humahalinghing. Sana hindi nalang sya humakbang ng isa pa at umalis nalang para hindi nya maramdaman ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

Pumikit sya ng isang beses saka binuksan muli ang mata na baka isang masamang panaginip lang ang nasa harap nya. Pumikit sya ng mariin saka muling nagbukas pero ganun pa rin ang nakikita nya. Si Norbert na walang saplot habang pinapaligaya ang isang maganda, makinis at matangkad na babae na wala ring saplot, si Megan. Nakahiga ang babae sa kama habang nakadagan at hinahalikan ito ni Norbert sabay ng mahina nitong paggalaw at paglabas naman ng mahihinang papalakas na halinghing ng babae.

Mas nadudurog ang puso ni Margareth dahil tila wala lang kay Norbert kung may mamakita sakanila ng babae. Tila hindi nito ramdam ang presensya nya.

Tumalikod si Margareth saka unti-unting naglakad palayo. Ayaw nyang gumawa ng eskandalo dahi mas gusto nyang lumayo at huwag ng magpakita pang muli. Kahit anong pilit ng isip nyang utusan syang sumigaw at magmura ay hindi nya kaya. Kahit malakas na paghikbi ay walang lumalabas sa bibig nya. Tanging luha nya lang ang nagsasabing nasasaktan sya ng husto at nadudurog ang puso.

Lumabas sya sa condo unit ni Norbert. At hindi nya mapigilang mapaupo sa sahig dahil sa panlalambot ng paa nya. Umalis na sya sa building na yun at agad-agad syang pumara ng taxi pero may isang mainit na kamay ang humawak sa balikat nya. Lumingon sya roon na agad naman syang niyakap ng makita ang luha sa mata nya. Humagulhol ng iyak si Margareth dahil sa yakap ni Luke sakanya.

Hindi nya pagilan ang hindi mapaiyak. Akala nya lahat ng ipinapakita sakanya ni Norbert ay totoo pero nagkakamali sya. Mali ang maniwala sa isang taong kaya kang lokohin ng isang beses pa o higit pa doon. Tama nga ang sabi nila na kapag nagmahal ka huwag mong ibigay lahat dahil sa huli baka walang matira sayo at walang magsusukli sa pagmamahal mo.

Kumalas sya sa pagkakayakap kay Luke at agad na sumakay sa taxi. Hindi nya alam kung saan sya pupunta ngayon tanging ang alam nya lang ay nasasaktan sya ng husto at gusto nyang mapag-isa.

Huminto ang sinasakyan nyang taxi sa ibaba ng burol kung saan palagi silang pumunta na ni Norbert. Mag gagabi na rin at nagkukulay kahel na ang langit. At kasabay ng pagdami ng bituin sa langit ay ang pagbuhos ng mga luha nya.

Binayaran nya ang taxi at umalis na ito. Nanatili syang nakatayo at hindi nya kayang maglakad, nanghihina ang tuhod nya at baka pag naglakad sya ay unt-unting mabasag ang puso nya sa bawat alaalang kasama nya si Norbert sa burol na ito.

Alaalang magkahawak kamay, nakatingin sa kalangitan habang nakahiga sa damuhan. Nagbibilang ng mga bituin, nangangarap sa bawat bulalakaw na bumabasag. At kasabay na ninanamnam ang lamig ng gabi habang magkatabi. Lahat ng alaalang iyon ay tila nawala na lang bigla at napalitan ng isang masamang alaala. Para syang nasa isang panaginip. Biglaan ang lahat. Parang isang bagyo na binayo ang puso nya at nawasak.

Plano pa naman nyang surpresahin si Norbert pero sya ang nasorpresa. Plano nyang sabihin na buntis sya ngunit ang planong iyon ay hindi na ata mangyayari pa. Gusto nyang magtago. Tumakbo palayo pero saan naman? Kilala nya ang isang Norbert Santiago siguradong mahahanap sya nito.

Humakbang na sya pataas ng burol at pagkarating nya ay isang malakas na sigaw ang ginawa nya upang mailabas ang lahat ng hinanakit na nararamdaman nya. Hinanakit na hindi nya alam kung maaalis pa ba? Masakit. Nakakadurog puso. Pero ito ang buhay, ang realidad na hindi laging masaya ang buhay dahil darating ang isang araw na guguho ang mundo mo dahil sa kalungkutan pero muli, sasaya ka. 'Yan ang daloy ng buhay pero makakaya pa bang makabangon ni Margareth?

Chapitre suivant