webnovel

Slowly Recovering

Magkahawak-kamay sina Theo at Rina sa asotea. Matapos gumaan ang pakiramdam ni Theo, nakumbinsi rin siya ni Rina na lumabas sa silid.

Malaki naman ang pasasalamat ni Rina dahil sumunod si Theo sa kanya kaya ngayon ay nasa asotea silang dalawa at pinagmamasdan ang kalangitan. Kahit lumubog na ang araw, hindi naging hadlang iyon para makakita sila sa dilim sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa mga bituing nagkalat sa kalangitan, idagdag pa ang liwanag ng buwan.

Maaliwalas ang panahon kung saan ay katamtaman lamang ang samyo ng hanging binibigay ng mga puno at halaman mula sa hardin ng mansion. Mula kasi sa kinatatayuan nila ay makikita rin ang hardin.

"Okay ka na?" tanong ni Rina samantalang lumapit naman si Theo sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"I'm fine as long as you're here."

Bahagyang nakaramdam ng kiliti si Rina sa winikang iyon ng lalaki, idagdag pa ang mainit na hininga nito na dumampi sa gilid ng kanyang tainga.

"Galit ka pa rin ba sa pamilya mo?"

Hindi nakaimik si Theo sa tanong niya sa halip ay mas lalo lamang siya nitong niyakap nang mahigpit mula sa likod na tila ba isa siyang mamahaling kagamitan na ayaw nitong pakawalan. Umiiral na naman ang pagiging gentle na pag-uugali ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kinasasanayan dahil madalang nito iyong ipakita sa lahat.

"Don't leave me again, Rina. Dito ka lang sa tabi ko dahil ikaw na lang ang kakampi ko."

Sumilay ang tipid na ngiti sa labi ni Rina dahil itinuturing siyang kakampi ni Theo at dahil nagtitiwala ito sa kanya. Kaya nga lamang, hindi naman niya makuhang maging masaya nang lubusan lalo pa't ayaw niyang isipin ng lalaki na siya lamang ang puwede nitong masandalan. Gusto niyang maisip nito balang araw na mayroon pa rin itong pamilya na masasandalan kung bibigyan lamang niya ng pagkakataon ang mga ito.

"Hindi mo naman ako sinagot. Galit ka pa rin ba sa kanila?"

Narinig ni Rina ang paglunok ng laway ni Theo.

"Yes I am."

"Hindi mo na ba sila mapapatawad?"

"I'm afraid that they might betray me again."

"Pamilya mo pa rin sila. Kung mayroon man silang nagawang mali, resulta iyon ng pag-aakala na iyon ang makabubuti sa 'yo. Lahat naman tayo nagkakamali ng desisyon. Maging ikaw ay nagkakamali rin kasi may mga bagay tayo na pinipili na tama para sa pananaw natin, mali naman para sa iba. Pwede ring mali sa pananaw natin subalit tama para sa iba...naniniwala ako na ginawa ng mga magulang at ng iba pa ang bagay na 'yon dahil iyon ang inaakala nilang tama o makabubuti sa 'yo."

"They only thinking about themselves. Kahit na makasakit sila, wala silang pakialam as long as makabubuti iyon sa negosyo o sa hotel na pinapatakbo ng pamilya. They are all acting like a selfish. Ang hotel lang ang concern nila."

"Nag-aalala rin sila sa 'yo at sana balang araw makita at maramdaman mo iyon...at sana subukan mo ring intindihin sila."

"Pero hindi nila ako inintindi."

Hindi na nakapagsalita pa si Rina sa huling sinabi ni Theo. Hindi pa niya mapipilit ang lalaki sa isang bagay dahil sarado pa ang puso nito dala ng sugat nang panloloko ng pamilya. Ang maaari niya lamang gawin sa oras na iyon ay ang damayan muna si Theo at intindihin na nagdaramdam pa ito. Panalangin niya na sana maging mabilis ang paghilom ng sakit na nararamdaman nito.

Humawak si Rina sa kamay ni Theo na nakakapit sa tiyan niya. "Ano'ng oras na. Magluluto muna ako ng hapunan natin. Nagugutom ka na ba?"

Umiling-iling si Theo. "Hindi pa naman."

"Sino'ng niloloko mo? Ang sabi ng mommy at daddy mo, tumatanggi ka raw kumain."

Napansin muli ni Rina na tumamlay ang mata ni Theo at bumagsak ang balikat nito nang sabihin niya ang mommy at daddy. Naalala niya ang inamin ng mag-asawa sa kanya na hindi tunay na ina ni Theo si Caridad subalit tinuring naman ng ginang bilang tunay na anak si Theo.

Hinawakan ni Rina ang kamay ni Theo at nagbabakasakaling makalimutan na nito na nabanggit niya ang mga magulang nito. "Tara na nga, samahan mo akong magluto." Hinila niya ang lalaki pababa sa kusina. Sa ngayon, gusto niya munang iwaglit sa isipan ni Theo ang lahat ng nangyari. Gagawa siya ng paraan na ituon muna nito ang atensyon sa ibang bagay.

Napagpasyahan ni Rina na magprito na lamang ng canned meat product dahil alam niyang gutom na gutom na talaga si Theo.

Habang abala siya sa pagluluto, nakaupo naman si Theo at nakapangalumbaba habang naghihitay na ma-serve sa harap niya ang pagkain. Nakatutok din ang mga mata niya sa ilaw ng rice cooker dahil inaabangan din niya na maluto iyon.

"Matagal pa ba?" reklamo niya.

"Malapit na, akala ko ba hindi ka pa gutom?" sagot naman ni Rina sa natatawang boses.

"Kanina 'yon, iba ngayon...thirty minutes had passed."

"Iba ka rin talaga sumagot, e. Wala nang masasabi pa ang mga kausap mo kapag nagsalita ka na. Tiyak na wala silang lusot." Nginitian ni Rina si Theo na nag-iwas lang ng tingin sa kanya.

"Rina...I...I..."

"I? Ano'ng 'I'?"

"I...I am hungry."

"Oo na...malapit na," natatawang sabi ni Rina.

Yumukyok na lamang si Theo sa mesa habang naghihintay. Ang totoo, nais niya sanang sabihin kay Rina ang salitang "I love you" subalit pinangunahan na naman siya ng hiya. Naisip niya na baka hindi iyon ang tamang panahon para doon.

Matapos nga ang ilang minuto pang paghihintay, sa wakas ay naihain na rin ni Rina ang hapunan nila. Magkasabay silang kumain ni Theo na hindi na bago sa kanya dahil naging ganoon na ang set-up nila lalo pa't palagi siyang niyayaya ni Theo na sabayan na ito ng pagkain. Sanay na siyang kasalo ang lalaki sa hapag-kainan.

"Kumain ka nang marami. Bawiin mo ang ilang araw na hindi ka kumain." Nagpanggap na nagsusungit si Rina kay Theo subalit sinamaan lamang siya ng tingin ng lalaki kaya sa huli, ngitian na lamang niya ito at tinitigan.

"What?"

"Wala lang, nag-alala lang talaga ako sa 'yo kaya huwag ka nang magpapalipas nang gutom."

"It depends on the situation."

"Para kang batang nagtatampo, alam mo 'yon? 'Yong batang tinatanggihan din ang pagkain kapag masama ang loob," pagbibiro ni Rina kasabay ng peace sign.

"Pero, Theo, please...ayoko nang gawin mo 'yon. Nag-aalala talaga ako."

Napahinto nang sandali si Theo sa pagsubo at pinagmasdan ang nakangiting si Rina. Para bang musika sa kanya ang sinabi ni Rina na nag-aalala ang babae sa kanya. Gusto niyang ulit-ulitin iyon sa kanyang isipan. Kung maaari nga lamang ay ibaon na niya iyon sa utak para kahit papano ay palaging may nagpapaalala sa kanya na may natitira pang tao na may malasakit sa kanya.

"Thank you, Rina and...I...I love you."

Pinamulaanan naman ng pisngi si Rina sa huling sinabi ni Theo subalit nang magbalik sa sariling katinuan, nagawa niya rin namang tumugon nang maayos.

"I love you too, Theo."

Nilunok muna ni Theo ang pagkain sa bibig bago nagsalita. "Thank you," sambit niya na paunti-unti nang sinisilayan nang ngiti sa labi. Matatanaw rin ang pagkislap ng mga mata niya at ang pagtuwid ng balikat sapagkat ang kaninang madilim na paligid niya ay muli na namang binigyang liwanag ni Rina. Masasabi niyang mapalad pa rin siya dahil andyan pa rin si Rina para sa kanya. At ang maramdaman nga ang pagmamahal nito sa kanya ay sapat na para magkaroon muli ng sigla ang buhay niya.

Kung magkakaroon lamang siya ng sariling bersyon ni Belle sa Beauty and the Beast, hiling niya na si Rina na iyon. He wanted to stay longer beside her not only because he is afraid to be alone, but also, he also don't want her to get hurt the way he was hurt. Kung nasasaktan siya, sapat nang siya na lang at ayaw na niyang maranasan din iyon ng babae. Masaya na si Theo na nagagawa ni Rina ang pakalmahin ang sugat-sugat niyang pagkatao.

"Rina, bakit mo ako mahal?"

Binaba ni Rina ang kutsara niya, bahagyang napakunot-noo sa biglaang pagtatanong ni Theo tungkol doon. "Hindi naman kailangan ng dahilan para mahalin ka. Mahal kita maging sino ka pa, maging ano pang klaseng pagkatao ang meron kita. Mahal kita at tanggap ko ang lahat ng mayroon sa 'yo. Pero ikaw? Bakit mo ako mahal?"

Umayos nang pagkakaupo si Theo bago sumagot, "I love you because...I feel happy whenever I'm with you. Kaya huwag mo akong iiwan."

Nagpangiti si Rina sa sinabi ni Theo at sa pagkakataong iyon, siya naman ang nagpasalamat sa lalaki.

"Thank you dahil mahal mo ako."

Chapitre suivant