Kamuntik nang matumba si Rina sa biglaang pagsulpot ni Theo sa kanyang silid.
Sabado ng umaga kaya nasa mansion lamang sila. Napahawak si Rina sa kanyang dibdib at nilingon ang lalaki.
"Tingnan mo 'to. Kalat na kalat na sa social media ang hotel. Magaganda ang comments nila. Mabuti na lang talaga at mayroon tayong video ng buong event kaya makikita nang marami."
Tiningnan naman agad ni Rina ang phone ng lalaking ngiting-ngiti upang ipagmalaki sa kanya ang tungkol sa LED hotel. Bibihira lang ngumiti si Theo kaya iyon din ang ikanatutuwa niya.
"Kaya nga. Big success talaga ang event, Theo. Ang galing mo talaga."
Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa labi ng lalaki at tinanong siya, "Sa tingin mo, matutuwa rin kaya sina Dad at Mom sa 'kin?"
"Bakit naman hindi? Anak ka nila kaya magiging proud sila sa 'yo. Ano ka ba, kung wala kang ginawa, tuluyan nang hinihila pababa ang hotel. Pansin ko rin naman na maayos mong nama-manage ang hotel. Sumusunod din ang mga tauhan sa 'yo at manghang-mangha sa 'yo kaya sigurado akong matutuwa rin ang mga magulang mo."
"You think so?"
"Oo naman."
"But, I'm really happy for the success of this event. Malaki man ang nilabas na pera ng hotel, triple naman ang pumasok. Aside from that, mas nakilala pa sa publiko ang LED Hotel."
"Kaya nga congrats na agad."
Samantala, habang nagpapahinga naman ang katawan ni Armando, wala namang tigil ang kanyang utak sa pag-iisip at pag-aalala sa naiwan niyang responsibilidad. Hindi lang siya nag-aalala sa hotel sa Baguio kundi pati na rin sa hotel na pinamamahalaan ni Theo sa Manila.
"Mahal, tingnan mo 'to." Nilapit ni Caridad ang phone sa asawa upang ipakita ang news tungkol sa event na naganap sa LED Hotel sa Manila.
"Ang galing ng anak mo," papuri ni Caridad.
Inalis ni Armando ang tingin sa screen at nagpanggap na walang pakialam subalit ang totoo ay masaya siyang nakikita ang improvement ng kanyang anak. Kaya nga lang, may kung ano'ng alalahanin ang gumugulo sa kanya. Paano na lamang kaya kung malaman ng kanyang anak na si Theo ang ginawa niya? Mapapatawad kaya siya nito?
Nangangamba si Armando na baka kapag nalaman ni Theo ang lihim niyang kasalanan ay sa halip na tuluyang maka-recover ang anak, mas lalo pang lumala ang kondisyon nito at matakot sa tao.
"Wala ka bang sasabihin sa anak mo? Hindi mo ba siya pupurihin?" tanong ni Caridad kaya napalunok-lunok si Armando.
Nais ni Armando na gawin iyon ngunit hindi naman lingid sa kanya kung gaano na kalayo ang loob ng anak niya sa kanya. Gustuhin man din niyang ilapit ang sarili rito, mas nangingibabaw sa isip niya ang kasalanang ginawa kaya iyon ang kinatatakot niya na kapag mas lalo silang naglapit ng anak, mas lalo niya itong masaktan kapag nagkabukingan na.
"Sabihin mo na lang na pag-igihan niya pa lalo," aniya at bumalik na sa pagkakahiga sa kama. Gusto niya sanang siya mismo ang kumausap kay Theo upang purihin ito pero pinangungunahan talaga siya ng pangamba at hiya.
"Ba't hindi na lang ikaw ang magsabi?"
"Alam mo namang malayo ang loob sa akin ng anak ko."
"Anak natin, Armando. Hindi lang ako ang kailangan niya, kundi ikaw na tunay na—"
"Caridad, hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na huwag mo na'ng babanggitin ang tungkol sa bagay na 'yan?" Napabangon si Armando mula sa pagkakahiga. Salubong ang kilay nitong tumitig sa asawa at pati nga ang suot nitong salamin sa mata ay tumabingi na rin dahil sa biglaan nitong pagbangon.
Umatras naman ang dila ni Caridad sa nakitang reaksyon sa asawa. "Pasensya na."
Kaya sa halip na ipilit ni Caridad ang kanyang concern sa asawa, minabuti na lamang niya na manahimik upang hindi na lumaki at humantong iyon sa pagtatalo nilang dalawa ni Armando.
Agad na sinagot ni Theo ang tumatawag sa kanya sa phone nang makita sa screen ang pangalan ng caller.
"Mom," bungad niya.
"Anak, nakita namin sa social media ang mga magagandang feedback sa hotel natin. Congrats. Proud ako sa 'yo."
"Thank you, Mom. Si Dad?" Hindi malinaw ang tanong ni Theo. Gusto niya sanang tanungin kung kumusta ito at gusto niya ring alamin kung ano ang masasabi nito sa success ng event.
"Ayos lang naman siya, Anak."
Nakaramdam ng pagkadismaya si Theo. 'Iyon lang?' nais niyang iwika subalit nahihiya siya. Unti-unti niya na sanang ibababa ang phone nang magsalita pa si Caridad.
"Masaya rin pala ang dad mo Anak sa 'yo. Ang sabi niya, proud na proud daw siyang naging anak ka niya kaya pagbutihin mo pa lalo. Mahal ka niya, Anak." Nadiin ni Caridad ang hawak sa phone sapagkat may dagdag lahat ng pinapasabi ni Armando sa anak samantalang ang tanging mensahe lamang ng asawa kay Theo ay ang 'pag-igihan pa nito lalo'.
Nakaramdam naman si Theo nang saya nang marinig ang sinabi ng kanyang ina. Sumilay sa kaninang busangot niyang mukha ang isang malapad na ngiti na animo'y isang bata na nakatanggap ng papuri mula sa matanda dahil sa pagiging mabait.
"Thank you, Mom. Mahal ko..." Napahinto muli sandali si Theo sa pagsasalita at huminga nang malalim upang makakuha ng lakas ng loob na ituloy ang sasabihin. "Mahal ko rin kayo ni Dad, Mom."
"Salamat, Anak. Pero kumusta ka naman pala riyan?"
"I'm fine, Mom. Nandito naman si Rina."
"Masaya akong nagkakasundo kayong dalawa. Sige, Anak. Ingat ka palagi riyan. Pakikumusta na lang ako kay Rina."
"Okay, Mom."
"Bye na, Anak."
"Bye, Mom."
Nang binababa na ni Theo ang phone ay saka naman dumating si Rina sa silid kung nasaan siya. May dala itong walis at dustpan saka nilibot ng tingin ang mga koleksyon niyang alak. Matapos ilagay ang kanyang phone sa table ay mabilis na tumakbo si Theo sa direksyon ni Rina upang dambain ng yakap ang babae.
"Theo, bakit?" tanong ni Rina na nabitiwan ang hawak.
"Masaya lang ako."
"Bakit nga?"
"Basta, masaya lang ako kaya hayaan mo lang ako na yakapin ka."
Dahil iyon ang kahilingan ni Theo, nagpaubaya na lamang si Rina sa yakap nito at pagkatapos ay yumakap din pabalik.
Ilang segundo rin nagtagal ang yakap nilang iyon. Ilang segundong yakap na malaking epekto kay Rina. Ilang segundong yakap na waring isang droga dahilan para magbago ang bilis nang pagtibok ng kanyang puso. Ganito niya kamahal si Theo kaya maging ang buong sistema niya rin ay baliw na sa presensya nito.
"Theo, mahal mo ba talaga ang mom mo?"
"Yes, I do."
Ang kaninang bilis ng pintig sa puso ni Rina ay napalitan ng matinding selos para sa ina nito. Tinutusok-tusok siya nang paulit-ulit sa katotohanang hindi siya mahal ni Theo kundi ang ina nito. At dala na nga rin ng kanyang kabaliwan, umalis siya sa yakap ng lalaki upang hawakan ito sa pisngi at walang ano-ano na hinalikan ang lalaki.
Baliw na siya dahil mahal niya na talaga si Theo. At kahit mali na ipagpilitan niya ang sarili rito, gusto niyang subukan. Gusto niyang subukang iparamdam na mahal niya ito. Nagbabakasakali siya na ang halik na ibibigay niya para sa lalaki ay ang siyang gigising dito. Ang siyang magiging susi upang ma-realized nito ang nararamdaman. Sana nga lang talaga ay matauhan ito o sana man lang ay magkaroon siya ng katiting na puwang sa puso ng lalaki.
Mahal na kita, Theo at handa na akong sumugal.
Samantala, nagulat man si Theo sa pagiging agresibo ni Rina sa oras na iyon, hindi niya maiwasang ang mapapikit at tumugon sa babae. Ginagap niya ang dalawang kamay nito, tinulak sa pader at siniil ito ng halik.
Kapwa silang dalawa na nagpapatangay sa sensasyong nadarama. Hindi man maintindihan ni Theo ang sarili subalit nais niyang magpatangay sa sensasyong iyon. Nais niyang sumabay sa init na nadarama. Kung naging agresibo si Rina, doble ang pagiging agresibo niya kung saan mariin niya pang hinawakan ang dalawang kamay ng babae at sinandal iyon sa pader na animo'y isa siyang mabangis na leong takot na makawala ang kanyang pagkain.
He's on fire at ang lagablab ng kanyang damdamin ay mukhang hindi na mapipigilan dahil nasimulan na. At sa tingin ni Theo, ang tanging solusyon upang mamatay ang apoy na iyon ay ang ma-satisfy ang pagkalalaki niya. He wants, Rina. He wants to conquer all of her system. Her lips, her body and even the part that she treasured the most. He wants it for god's sake.
Binitiwan ni Theo ang kamay ni Rina sapagkat bumaba na ang kamay niya sa suot nitong damit. Marahan niyang pinasok ang kamay sa laylayan ng damit nito upang abutin ang dibdib ni Rina. Nagpaparaya naman ang babae kaya tinuloy niya. Matagal na niya iyong gustong subukan kay Rina subalit nahihiya siya sapagkat nirerespeto niya rin ang babae katulad ng kanyang ina. Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pipigilan pa ang sarili lalo pa't si Rina na rin ang gumawa ng first move.
When he finally reached Rina's warming, soft and smooth humps, he played it with his both hands. Kahit pa nga wala sila sa kama, hindi nagpaawat ang bugso ng kani-kanilang damdamin. They want to enjoy every last moment dahil baka hindi na iyon maulit pa.
"I want you, Rina," bulong ni Theo nang sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi pagkatapos ay nagpatuloy na naman sa pagsiil dito.