webnovel

The End

Ang ibon ay nagpalit-anyo bilang isang babae na blondia at kahawig ni Aria. Itong babae na ito ay agad na yinakap si Aria.

"Mahal kong anak... Noon ay pinagsisihan ko na tuparin ang mga hiling mo... Ang mawalay ka sa pamilya at panoorin kang paulit-ulit na isilang para lang matagpuan ang minamahal mo na lalaki... Bilang isang ina...Nalulungkot ako na panoorin kang isilang at mamatay muli at muli... Ito lang ang kaya ng mahika namin bilang isang huwad na diyos..." Iyak ni Venus.

"Ang kasunduan niniyo kay lolo ay nagpasaya saakin ma. Nahirapan ngalang kaming pag-tagpuin muli dahil ang kondisiyon niya ay huwag makialam samin masiyado... Ginawa niniyo ang Destiny rings, binigay niniyo ito saamin... at hiniyaan mo na ang memoriya at purpose ng singsing ang magpalapit sa aming dalawa ulit! Salamat Ina!" Sabi ni Aria.

Ngumiti si Allen sa nakikita niyang magandang pagsasama ulit ng mag-ina. Tumingin si Venus at tila parang sinenyasan niya ito.

{Lokohin mo lang o hindi pasayahin ang anak ko ay gagawin kita ulit na bato}-Venus.

Pagkatapos ng yakapan ay kailangan na mag-paalam ni Venus.

"Kukunin ko si Shawn. Ang pagiging buhay niya nang walang katotohanan simula noong ilang daang taon ay nanira ng kaniyang isip. Mas maganda na isilang siya muli." Sabi ni Venus sa dalawa.

Bago umalis sina Venus at Shawn ay tumakbo si Shawn papunta kina Aria at Allen upang yakapin ang dalawa.

"Patawad. Mahal ko kayo." Sabi nito at tuluyan ng naglaho kasama ni Venus.

"Ang weird na anak mo yung ex mo no?" Sabi ni Allen at sabay na tumawa ang dalawa.

Limit sa kanilang kaalaman ay natunghayan ni Edward ang lahat ng iyon at nagpasiya na sumuko nalang kay Aria.

"GUYS!!! I FOUND THEM!!!" Sigaw ni Edward at nagsipunta na ang lahat doon.

Ilang minuto pa at nakarating na din ang lahat.

Yinakap ng magulang ni Aria siya at saka umiyak ang mga ito sa sa takot na mawala ang kay-iisang anak nila.

Lumapit si Edward kay Mr. Rivamare at kinausap ito.

"Dad, I want to hand over my engagement to Allen. I only want to work with all my life and I bet that Allen could make Aria happier." Sabi ni Edward sa kaniyang ama habang puno ng determinasiyon.

Nakita ni Mr. Rivamare sa mga mata ni Edward ang mga determinasiyon.

"Sige. Mula ngayon ay Sila Allen at Aria ang magiging engaged sa isa't -isa" Sabi ni Mr. Rivamare ngunit tila napa-hiyaw si Allen upang tumanggi sa desisyon na ginawa ng kaniyang ama.

Lumuhod si Allen Upang pulutin ang isang maliit na kahon na pasimpleng inihulog ni Venus bago ito umalis.

Lumuhod ito sa harap ni Aria at binuksan niya ito. Makikita sa loob ang mga singsing na kaparehas sa mga Destiny Rings.

"Aria, Will you marry me?" Tanung ng Allen.

Nagulat si Aria at halos napaluha pa ito.

"Yes!" Sagot nito sabay niyang yinakap si Allen

Chapitre suivant