webnovel

Hiwaga ng Mga Singsing

Nagulat si Allen sa mga sinabi ni Aria at tinulak niya ito papalayo dahil sa biglang takot na nadama niya. Nagulat din si Aria sa ginawa nito at tuluyang nakamulat lang ito sa gulat. Mula naman sa likod nila ay may biglang dumating na isang matandang babae.

"Maligayang makilala ko kayo. Allen. Aria. Ako si Rosa, ang taga-pangalaga ng mga singsing na suot ninyo ngayon." Sabi ng matandang babae na nagpa-kilalang "Rosa"

"Ngayon ay nasa mundo kayo ng inyong mga panaginip. Iyang mga singsing na iyan ay mga mahiwagang singsing na nilikha para mapag-isa ang dalawang tao na nilikha ng mga Rivamare para sa mga itinadhana. Sa pamamagitan ng mga singsing ay magkakaroon ang dalawang tao ng malalim na pagkaka-intindihan at tiwala sa isa't-isa." Paliwanag ni Rosa

Napatulala ang dalawa sapagkat masyadong unrealistic ang sinasabi ng babae na bigla nalang nagpakita sa harapan nila. Siguro nga ay totoo ang mga ito. Ang katanungan nila ay bakit sila. Sa kay dami-daming tao sa buong mundo, sa buong campus ay bakit pa sila?

"BAKIT AKO PA???" Sabay na tanung ng dalawa kay Rosa

"Sabi mo na ginawa ito ng mga Rivamare. At ako ay isang Rivamare. Kung para din lang naman pala ito sa pamilya naming, bakit hindi pa si kuya ko ang pinili nyo? Total, siya din naman ang panganay at tagapag-mana ng lahat ng mga pagmamay-ari ng mga Rivamare." Sabi ni Allen

"Bakit nga din ba na ako??? Kay dami-dami ng mga mayayamang anak na pwedeng ipakasal sa isang Rivamare, ba't ako pa???" Sabi ni Aria

"Aria. Ikaw ang betrothed ng kuya ko." Sabi ni Allen

"Wait-ANO???" Gulat na gulat ang reaksiyon Aria sa sinabi ni Allen sakanya

Muka ngang hindi pa nasabi ng mga magulang ni Aria kung sino yung fiancé nya. Binanggit pa lamang ito ngunit hindi manlang sila nagbigay ng introduction tungkol sa kung anong klase na tao ang lalaki na mapapangasawa niya.

"Kaya naman pala gusto nila at ang saya pa talaga nila na ipa-kasal ako sa lalaking iyon… Tagapag-mana naman pala ng isa sa mga famous na coorperations sa buong mundo." Pabulong na sinabi ni Aria sa kanyang sarili saka pakagat-kagat sa kanyang kuko.

"Ang mga Rivamare at Okizamu ay may pinagkasunduan noong 50 taon nang nakaraan. Gusto ko sana na sabihin ang tungkol rito ngunit, nauubos na ang oras ko. Hindi na ako maaring magtagal pa. Ang mahika na nagpapanatili sakin rito ay ubos---" Sabi ni Rosa saka biglaang nawala

Sa paglaho ni Rosa ay may naiwan na isang liham. Pinulot nila Aria at Allen ito saka sabay na binasa.

"Sa inyo ikinaloob ang kadena na magpapanatiling konektado ang susi at ang kandado. Upang magkalapit ang dalawa hanggang sa oras na mabuksan ang kayamanan na kayang ibigay ng mundo at magiging walang kapantay para sa dalawa." Sabi sa liham.

Si Allen ay walang particular na maisip para sa kahulugan ng liham samantalang, Si Aria ay parang may maduming ideya tungkol rito bunga ng mga sikreto nyang binabasa na mga stories online.

Chapitre suivant