"Do you have a boyfriend?"
"huh!?" tiningnan ni Heshi ang lalaking nagmamaneho kung seryoso ba ito sa tanong nya! "Wala pa bakit?"
"Ows? yang ganda mong yan wala kang boyfriend?" nakangiting sabi nito.
"Kung magtatanong ka tapos di ka maniniwala sa sagot eh wag ka ng magtanong!" nakangusong sagot ni Heshi dito habang binabagtas nila ang kahabaan ng makati pauwi sa bahay nya.
"I'm just kidding! I know na wala kang boyfriend!" She's pretty pero wala syang boyfriend, Good Job Juno!!!
"Pano mo nasabi?" taas kilay na sabi ni Heshi dito.
"Dahil hindi ka sasakay sa kotse ko kung may boyfriend kana, ganun kasimple!" paliwanang nito habang hindi inaalis ang atensyon sa pagmamaneho.
"Ibig mong sabihin pag may boyfriend na ang isang babae hindi na sya sumasakay sa kotse ng ibang lalaki ganon!?" ibinaling ni Heshi ang buong katawan paharap sa nagmamanehong lalaki.
"Yeah, that's right! and hindi naman siguro ikaw yung tipo ng babaeng basta nalang sumasama sa mga gwapong lalaki diba!?"
"Are you saying na gwapo ka?" natatawang sabi ni Heshi na inayos muli ang pakakaupo nya. Ayos din ang bilib sa sarili ng isang to ah! antaas ng level!
"Bakit hindi ba?" Imposibleng hindi sya nagugwapuhan sakin, dalawang beses ko syang nahuling nakatitig!
Hindi na sinagot ni Heshi ang tanong nito dahil natanawan na niya ang apartment nila, itinuro nya dito kung san sa bababa. Pero inihinto nito ang sasakyan sa harap ng mismong bahay nya.
"Salamat sa paghahatid!" sabi niya dito ng akmang bababa na sya sa kotse nito.
"Hindi mo ba ako papainumin kahit tubig lang? nauuhaw na kase ako eh!" tinanggal na rin nito ang sariling seatbelt.
"Ah, oo nga pala!" napaka tanga ko hindi ko man lang sya naalalang alukin. "Lika, don tayo sa loob."
Kinuha nya sa bag ang susi ang gate at pinto ng bahay nya, ng mabuksan iyon ay kinapa nya ang switch ng ilaw malapit sa pinto, maliit lang ang apartment nya yung tipong sa sobrang liit pangdalawang tao lang ang kasya.
"Upo ka muna!" sabi niya dito saka kumuha ng malamig na tubig sa 4"F nyang refrigerator na halos walang laman kundi tubig lang.
Mukhang solo lang sya dito! pinagaaralan ni Juno ang loob ng bahay ng babae, pagpasok sa pinto ay may two seater na sofa at isang maliit na tv, maliit na ref, at good for two na mesa yun lang ang laman ng bahay nito.
"Inom ka muna," iniabot ni Heshi ang baso ng tubig dito, "Pasensya kana yan lang ang pwede kong ialok sayo hindi pa kase ako nakakapag grocery eh!" nahihiyang sabi nya dito.
"Are you living alone?" type ko ang isang to, hindi sya maluho!
"Oo, nasa laguna ang pamilya ko at nagiisa lang ako dito dahil sa trabaho ko!" sagot niya dito.
"Wag ka sanang maooffend sakin ha, hindi kaba naiinip dito sa bahay mo? I mean friday night ngayun, hindi kaba lalabas kasama ng friends mo?"
"Naku hindi no, sayang lang ang pera sa pag gumimik ako tsaka isa pa hindi lakwatsera ang best friend ko kase nagtitipid kaming pareho kaya dito lang ako sa bahay kahit weekend!"
"Aah!! Baka kase naabala kita dahil nandito pa ako sa bahay mo kaya ko tinanong!" She knows how to manage her money, good catch!
"Ikaw nga ang naabala ko kase hinatid mo pa ako pauwi, baka mapagalitan ka na ng boss mo kase oras ng trabaho mo tapos wala ka don!" hinila ni Heshi ang isa sa dalawang upuan sa mesa nya para makaupo sa tapat ni Juno.
"Mabait ang boss ko kaya hindi ako mapapagalitan non bakit gusto mo na ba akong paalisin?" He look into her eyes para mabasa ang iniisip nito.
"Hindi naman kaya lang medyo naiilang kase ako dahil ngayun lang ako nagkaron ng bisita dito sa bahay eh, and isa pa baka malaman ng girlfriend mo na pumasok ka sa bahay ng ibang babae siguradong magagalit yun sayo!" aniya dito.
"I don't have a girlfriend, and single pa ako!" sagot nito saka kinuha ang pitaka sa bulsa at kinuha roon ang Drivers licence nito, "you can take pictures of this nandyan lahat ng important details bout me, pwede mo yang ipacheck kahit saan para makita mo kung nagsisinungaling ako o hindi!"
"Hindi ko naman kailangang gawin yun!" nahihiyang sagot niya dito. Para namang magkikita pa ulit kami pagkatapos nito!
Mukhang hindi nya na ako gustong makita ulit, itinago na ni Juno ang licensya sa pitaka nya. "Okey, ganito nalang if you're looking for another Job dahil sawa kana sa trabaho mo tawagan mo lang ako! i save mo na lang yung number ko sa cellphone mo at isasave ko din yung sayo so we can still contact each other." tumayo na ito at nagpaalam kay Heshi.
"Ah okay, Ingat ka pag uwi at salamat uli sa tatlong beses mong pagtulong sakin sa maghapong ito!" nakangiting sabi ni Heshi dito.
Shit! mukha syang anghel! tinitigan muna ni Juno ng ilang sandali ang mukha ni Heshi bago sya tuluyang lumabas sa pinto ng apartment nito.
Inihatid naman ito ni Heshi sa gate, "Salamat ulit!" saka sya nagbabye dito at hinintay itong makaalis doon.
Lintek ang gwapo ng isang yon ah! bumalik na sya papasok sa bahay niya, nagsalang muna sya ng mainit na tubig sa electric kettle nya bago dumiretso sa kwarto para magbihis. Instant noodles lang ang meron sya kaya yun nalang ang hahapunanin nya dahil tinatamad syang magluto ng ibang pagkain.
Binuksan nya ang tv para sana manood habang kumakain ng noodles nya ng mapansin nya ang itim na bagay na nakapatong sa two seater nyang sofa kung saan nakaupo kanina ang binata.
Wallet? naiwan nya ang wallet nya? binuksan nya iyon out of curiosity, kung bakit kase pati licensya nito ay pinapipicturan sa kanya ayan tuloy naiwan nya yung pitaka nya.
Kinuha nya ang cellphone para tawagan sana uli ito para mabalikan ang wallet nito pero hindi ito sumasagot. Siguro busy sa pagmamaneho! mamaya ko na nga lang ulit sya tatawagan baka maaksidente pa yun pag kinulit ko.