webnovel

Chapter 76 her child

"Are you sure you dont want to go inside" kanina pa sila nakatayo ni Heshi sa pinto ng hospital room ni Jion, at may sampung beses na rin syang tinanong nito kung papasok ba sya sa loob o hindi.

"Ikaw nalang siguro, dito nalang muna ako sa labas maghihintay." pakiramdam kase ni Yra ay hindi sya gustong makita ni Jion dahil ilang araw na syang pabalik balik doon at sa twing darating sya ay hindi sya kinikibo man lang nito at lalong hindi sya nito kinakausap. Napakasakit non para sa kanya pero wala syang magawa kundi tiisin yon.

"Halika na, sumama kana sakin don sa loob! wag mo ng intindihin si Jion siguro na iistress lang yon kaya hindi ka pinapansin, alam mo naman inopera ang utak non kaya malamang na nag aadjust pa rin yon." pilit pa rin sa kanya ni Heshi.

Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao doon sa lobby kaya napilitan syang pumasok doon sa loob.

"Mom, Dad!" humalik si Heshi sa mga biyenan bago lumapit sa nakaupong asawa.

"Yra, hija kanina ka pa don sa labas?" kinabig sya ng ginang at niyakap.

"Hindi naman po tita, kararating lang ko lang po!" Medyo tumalikod sya ng kaunti kay Jion para hindi nya makita ang mapang akusa nitong mga mata.

"Yra pagnakalabas na si Jion dito sa ospital isama mo si Xymon sa bahay at miss na miss na namin yung bata, gusto na namin syang makita uli!" ani Mr. Lorenzo sa kanya.

"Opo tito, pag maayos na po ang lahat ibibisita ko po sa inyo ang anak ko!

"Anak mo? may anak kana?" biglang tanong ni Jion sa kanya na ikinagulat nilang lahat. "Tapos sasabihin mong girlfriend kita!"

Nasaktan sya ng husto sa sinabi nito na para bang hindi sya worth it na maging girlfriend nito.

"Actually Jion hindi ko lang anak si Xymon, kundi anak natin sya." yung similya mong ibinaon sa katawan ko sa loob ng siyam na buwan! gusto sana niyang sabihin dito kung wala lang silang ibang kasama doon.

"Anak ko!?" tiningnan nito ang mga magulang na nandoon, "Pano ko magkakaanak? I make sure I always use protection whenever I-"

"Jion!" putol ni Mrs. Guia sa anumang sasabihin niya, "Please, your language!"

napahawak si Jion sa noo nya saka nagpatuloy sa pagtatanong, "How can you make sure na ako ang ama ng batang yon? do you have any proof? DNA! pina DNA test mo na ba ang bata para masiguradong ako nga ang ama nya?"

Natigagal naman si Yra sa mga sinasabi ni Jion, kung noon ay hinahabol nito ang lahat ng karapatan sa bata, ngayun naman ay halos itanggi nitong siya ang ama ng bata!

"Its okey anak! hindi nya na kailangan mag pa DNA, we Already saw him and his like a miniature of you!" sagot ng kanyang ina, and besides hindi natin kailangan pagdudahan si Yra!"

"Hindi porket kamukha ko ang bata ay ako na agad ang ama, maraming tao ang magkakamukha sa mundo kahit hindi naman magkakamag anak!" giit pa rin nito.

Ang Walangyang to! pagkatapos magpasasa sa katawan ko noon bigla nalang tatanggihan ang anak ko ngayun! nag uulap na ang mga mata ni Yra, kung hindi lang may amnesia ang sira ulong to kanina pa niya nayabog sa ulo! hmmp.

"Bro relax kalang ha, wag kang masyadong mag isip at maaalala mo rin silang mag ina!" hindi na nakatiis at sumali na sa usapan ang kuya Juno nito.

Tiningnan siya ng matalim ni Jion, talaga bang girlfriend niya ang babaeng to? pero pano naman nangyari yun? Hindi naman talaga sya nakikipagrelasyon dahil puro fling lang naman ang nakakasama niya. Good for one day lang ika nga! malimit isa o dalawang maiinit na gabi lang tapos wala na! ganon lang naman ang gawain niya, kaya napaka imposible talaga ng sinasabi nito.

Yra close her eyes, namumuro na talaga sa kanya ang may amnesiang Jion na ito, kung hindi lang ito matutuluyan ay baka na headbat na niya ito! Lord please po, ibalik nyo na po ang pinakamamahal kong Jion, hindi ko na po kayang tagalan ang isang to! naidalangin nalang niya.

"Ganito nalang muna Jion ha" singit n Heshi dahil hindi na nakatiis sa mga mapanghusgang pananalita ni Jion, "Alam namin na naguguluhan ka pa sa ngayun dahil marami kapang hindi naalala at nakahanda naman kaming tulungan ka, kaya kung pwede lang sana hinay hinay sa pagsasalita para hindi ka naman makasakit ng damdamin ng kapwa." madiing sabi ni Heshi dito.

"Whatever! iwan nyo na muna ako at gusto ko ng magpahinga." pagtataboy sa kanila ni Jion kaya wala na silang nagawa kundi magsialis nalang.

"Yra, pagpasensyahan mo na si Jion ha." hinging paumanhin sa kanya ni Mrs. Guia ng makalabas sila sa kwarto ng anak, "Siguro nahihirapan lang sya sa sitwasyon nya ngayun kaya sya nakakapagsalita ng ganon pero hindi nya naman sinasadya yon."

"Naiintindihan ko naman po yun tita siguro lang po sa ngayun ay kailangan kong bawasan ang pagdalaw dito sa ospital para makapag adjust sya sa kalagayan nya." kanina ay naiinis siya kay Jion dahil sa sinabi nito, ngayun naman ay naiiyak na sya dahil mukhang mauunsyami pa ang pinapangarap niyang masayang pamilya para sa anak na babago palang nakikilala ang ama.

Nang makalabas na ang pamilya ni Jion ay napaisip syang bigla, talaga bang girlfriend niya ang babaeng yon? dahil kung hindi bakit parang close na close ito sa pamilya niya tsaka alam ng mga ito ang tungkol sa anak ng babaeng yon?

Sumagi sa isip nya ang mukha ni Yra, hindi na masama! maganda sya kaya malamang na naikama ko na nga ang isang yon! pumasok sa isip nya ang bahagyang nakaawang na labi nito, ano kayang lasa ng isang yon? he felt a sudden hardening on his groin, napapikit sya ng mariin. Ano ka teenager? sita niya sa sarili! wala sa loob na nahaplos niya ang ibabang bahagi ng katawan, naisip mo lang ang babaeng yon ay nagrereact kana agad ng ganyan! buti nalang at nakakumot sya dahil kung nagkataon ay kitang kita sa Cctv ng kwarto ang ginagawa niya.

Chapitre suivant