"Nakakatuwa naman ang mga tanim niyo dito, ang lulusog at ang gaganda!" tinutulungan ni Yra si macoy sa pagbubunot ng damo sa paligid ng mga nakatanim ni petchay. "sino ang nagtanim nito?"
"Yun po ng mga workers dito, tinutulungan lang po namin sila." tumanaw si Macoy sa pwesto nina Jion na tumutulong sa pagdidilig ng iba pang gulay di kalayuan sa kanila. "Girlfriend ka po ba ni Kuya?"
"Oo bakit?" tuloy lang siya sa pagbubunot ng damo.
Hindi na sumagot ang bata, nanatili lang itong nakatingin sa kanya kaya inihinto muna niya ang ginagawa.
"Magpapakasal po ba kayu?"
"Hmm!?" nabigla sya sa tanong nito, ano bang isasagot niya rito? kahit nakakakilig isipin ang bagay na yon ay hindi pa pwede sa ngayun! "di ko pa alam, siguro! balang araw!" natatawang sagot niya rito.
"Bakit di mo alam? di mo ba sya mahal?"
"Alam mo Macoy, kahit love na love ko Kuya Jion mo ay hindi ko pa rin masasagot yang tanong mo!" habang tuloy lang sya sa pagbubunot ng damo.
"Bakit? ano bang tanong niya ang hindi mo kayang sagutin?" biglang nagsalita ito sa kanyang likuran. Teka, kanina lang andoon sya? bat biglang nandito na sya sa likuran ko?
"Ah, wala naman, tinatanong niya la-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil yung bata na mismo ang nagtanong dito.
"Magpapakasal po ba kayo?"
Nakangiti naman nitong sinagot ang bata habang nakatingin sa kanya "Depende yan sa ate mo!"
"Sir dumating na po ang pinadeliver m
nyong pagkain." ani Luz na nakalapit na rin pala sa kanila.
"Sige tawagan mo na silang lahat at ng makapag almusal na tayo." saka siya nito tinulungang tumayo.
"Yes!" sigaw naman ni Macoy tsaka patakbong umalis.
"Ang mga bata talaga ngayun kakaibang magisip ano!" basag niya sa katahimikang nagsisimulang mamuo.
Tiningnan lang siya ng nobyo, imbis na magsalita ay hinalikan siya nito sa labi.
Nagenjoy talaga ng husto si Yra na maghapong kasama ang mga bata sa Foundation nina Jion, kaya nung umuwi sila kinagabihan ay nakatulog agad sya sa sobrang pagod sa dami ng activities na ginagawa ng mga bata roon.
kinabukasan ay nagising siyang wala na sa tabi ang binata, malamang ay nasa kusina ito at naghahanda ng almusal dahil tuwing linggo ay day off ni garette at walang ibang magluluto ng kanilang pagkain. Hindi nga siya nagkamali dahil naroon nga si Jion at nagkakape na habang hinihintay sya.
"How's you're sleep?" tanong nito ng makalapit sya sa mesa.
"Napasarap nga ang tulog ko kagabi!" uupo sana sya sa tabi nito pero hinila sya nito at iniupo sa kandungan nito.
"Dito ka nalang maupo, Ill feed you!" saka siya sinubuan nito ng isang buong bacon.
natatawa sya sa itsura nilang dalawa para syang baby na sinusubuan nito kaya lang ay hindi niya maenjoy ang pagkaing nasa bibig dahil nararamdaman niya ang matigas na bagay nito na tumutusok sabalakang niya dahil sa pagkakakalong niya rito.
He kissed her arms, habang hakayakap ang isang kamay nito sa bewang niya.
"Wait, anu bang ginagawa mo!? ang aga aga pa!" pigil niya sa ginagawa nito.
"Nag-aalmusal!" saka ibinalik lang nito ang kamay sa pagkakayakap sa bewang niya.
"Ano kaba? umagang umaga kung ano ano ang naiisip mo." medyo namula ang pisngi niya dahil nararamdaman niya ang kagustuhan nito.
Hindi sya sinagot nito, instead ay sinimulan siya nitong halikan sa leeg, she can't help it, nadadala sya sa ginagawa nito. Wala syang magawa kundi pagbigyan ito, she felt hot kahit medyo malamig ang umaga, kahit malamig ang mesa na sinasandalan niya. "Don tayo sa kwarto." bulong niya rito.
"But I want to do it here."
Nang matapos ang "almusal" nila ay niyaya siya nitong lumabas para mag grocery, dahil maaga pa ay nag ikot ikot muna sila sa mall. Nagshopping ng konti dahil wala naman siyang masyadong kailangan.
"Para tayong nag dadate!" sabi niya rito habang naglalakad sila sa labas ng isang accessory store, napatingin siya sa poster na nakadikit sa labas ng salamin noon, ang caption ng picture ay "I said yes!" habang ipinapakita ng babae ang singsing na suot nito na tinutukan ng camera.
"Kung tutuusin naman talaga hindi pa tayo nakakapagdate simula ng maging girlfriend kita." napatingin na rin ito sa poster na yon, "We never had the chance to!' Napangiti sya sa sinabi nito, Ilang bwan na rin silang magboyfriend at marami na rin silang pinagdaanan pero kahit minsan ay hindi pa sila nagdate.
" do you wanna watch a movie?" yaya niya sa nobyo.
"Sure!"
Nasa supermarket na sila ng mga sandaling iyon ng mapansin niyang medyo tahimik si Jion, kaya binilisan niya ang pamimili ng mga gusto niyang bilhin.
"May problema ba?" nang makasakay na sila sa kotse nito ay hindi na niya mapigilan ang sariling tanungin ito. "Nakakainip ba akong kasama?"
"Bakit mo naman naisip na naiinip ako?" sagot nito sa kanya.
"Kanina ka pa kase tahimik eh, baka naiinip ka sa dami kong binili." guilty naman talaga eh, aminado sya sa sarili na pagdating sa pamimili ng kahit anong bagay ay medyp nagtatagal talga siya.
"Hindi ako naiinip, naninibago lang ako dahil I never experience this kind of things before. I never, not even once hindi pa ako nakipagdate sa mga babae." nanatiling tahimik si Yra, "Kaya iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko, kung hindi ka ba nababagot na kasama mo ako."
"Jion, hindi ako nababagot na kasama ka okay, para sa akin yung mga ganitong sandali ay da best na! Simpleng paglabas lang, manood lang ng sine ay okey na sa kin kaya hindi mo kailangan magalala okay!"
He didn't answer, nagpokus na lang ito sa pagmamaneho. She felt something's bothering him na hindi nito sinasabi sa kanya at yun ang gusto nyang malaman.
Tumingin sya sa labas ng sasakyan, gusto pa sana niyang tanungin ang nobyo pero nahihiya na syang magtanong, hindi na rin niya alam sasagot pa ba ito. Alam nyang may kulang sa kanilang dalawa, siguro dahil sa bilis ng pangyayari sa relasyon nila at hindi naman sila dumaan sa normal na proseso ng pagiging magboyfriend kaya ganon.