webnovel

Chapter 54 I miss you

Kinabukasan ay nagising si Yra na mag isa lang sa kwarto, nakatulugan na niya ang paghihintay kay Jion na pumasok doon pero hindi ito dumating.

Mabigat ang katawan niyang bumangon sa kama. Pagbaba niya sa hagdan ay sinilip niya ang sala pero wala ito roon, baka nasa guest room! naisip niya.

"Good morning ma'am!" bati sa kanya ni garette, "anu pong gusto niyong almusal?"

"Kahit ano," wala naman talaga syang ganang mag almusal eh. "Yung boss mo, bumaba na ba sya?"

"Maaga pong umalis si Sir, hindi na nga po nagalmusal kanina, hindi rin po nagtimpla ng kape nya."

"Wag mo na rin akong ipaghanda ng pagkain, sa office nalang din ako magaalmusal. Pakisabi nalang kay Juan Pablo, maaga kaming aalis at sya nalang ang ipaghanda mo ng pagkain." muli syang umakyat sa kwarto nila. Hay, kailan kaya to matatapos?

Dahil maaga syang pumasok sa trabaho ay wala pa syang nadatnang tao roon kaya naisip niyang bumuli ng kape sa kalapit na convenient store na tatlong tindahan lang ang layo mula sa opisina nila, Kasama niyang nagpunta roon ang alalay dahil hindi naman siya nito papayagang mag isa.

"Dalawang coffee blend please!" aniya sa cashier.

"Make it three!"

napalingon siya sa lalaking nagsalita na kasunod niya sa pila, medyo nagulat siya ng mapagsino iyon. Si khalix!

"Hi, good morning!" bati nito sa kanya na mukhang kagigising lang.

Ayaw niya sana itong kausapin dahil isa ito sa mga dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ni Jion kaya lang ay ayaw naman niyang magmukhang bastos sa harapan nito. "Good morning din."

"Maaga ka ata? seven am palang bakit andito kana?" walang kangiti ngiting tanong nito sa kanya.

"Marami akong gagawin ngayun eh! ikaw? bakit maaga ka rin?" itinuro pa niya rito ang dalawang butones ng polo nito na hindi pa nakasarado.

"I just got out from work." anito

"What? kakalabas mo lang sa trabaho as in magdamag ka sa trabaho?" gulat na tanong niya rito.

Binayaran muna nito ang tatlong kapeng ibinigay ng kahera sa kanila saka ibinigay sa kanya ang dalawa.

"Marami rin akong ginagawa eh," panggagaya nito sa kanya, lalo tuloy lumabas ang pagkakahawig nito kay superman dahil sa pagngiti nito ay lumabas ang malalim nitong biloy sa kanang pisngi.

Napatanga naman si Yra dito, Shit! isa siguro ito sa dahilan kung bakit ayaw akong palapitin sa kanya ni Jion, "Is it okey kung sabay na nating inumin tong kape!' tinuro nito sa kanya ang bakanteng mesa na malapit sa pinto ng convenience store na iyon.

"Pasensya kana kaya lang may kasama kase ako tsaka marami talaga akong gagawin ngayun." kahit nahihiya siyang tanggihan ito ay kailangan dahil sigurado syang pag nalaman ito ni Jion ay pagagalitan na naman siya nito, at syempre hindi naman siya magpapatalo rito. "Mauna na ako sayo ha, salamat sa kape." hindi na niya hinintay ang sagot nito at lumabas na siya roon.

Kung alam lang sana niya kung sino ang nagtatangka sa buhay niya at kung mahuhuli lang sana kaagad ito ngmmga pulis ay hindi sana sila magkakaganon ni Jion.

kinagabihan ay hindi rin sumabay sa kanya sa hapunan si Jion dahil may emergency meeting daw ito ayon sa mensaheng natanggap niya mula rito.

Paikot ikot si Yra sa kama nila, hindi sya mapakali dahil alas diyes na ng gabi ay wala pa rin ito. Naiinis si Yra sa sarili niya dahil nasanay na syang katabi palagi ang nobyo.

Jion's POV

Naaawa siya sa nobya dahil kailangan niya itong paghigpitan, alam niyang hindi ito sanay sa ganoong bagay pero wala siyang magagawa dahil hindi pa sapat ang evidensyang hawak nya na si Mr. Amorillo ang nasa likod ng banta sa buhay ni Yra..

Nung una kay Francis lang sya nag alala na baka may gusto ito sa dalaga o kayay gusto niyong gantihan si Yra dahil sa kapatid nito, ngayun naman ay may khalix pa! isang tapat na tauhan ng kalaban niya, sigurado syang may binabalak ito sa dalaga pero tulad ng dati ay hindi naman niya pwedeng sabihin kaagad sa nobya dahil wala pa namang silang sapat na ebidensya laban dito.

Pinanood lang niya ang pag akyat nito sa hagdan at pagsalampak ng pinto ng kwarto nila, sa ngayun ay titiisin na muna niya ang galit nito kaysa naman mapahamak ito, kinabukasan ay sinadya niyang umalis ng mas maaga kaysa dati, kailangang matapos na nila ang pangangalap ng ebidensya para matigil na takot at pangamba niya para sa nobya.

Maghahating gabi na ng makauwi sya sa bahay nila at ang una niyang pinuntahan ay ang kwarto nila ni Yra, dahan dahan niyang binuksan ang pinto para hindi na maabala ang pagtulog nito. Laking gulat na lang niya ng makita itong gising pa at nakaupo sa kama habang nakatingin sa kanya. Hinihintay ba sya nito? napatingin siya sa suot na orasan, 11:30 pm na.

"Bakit gising kapa?" bumaha ang liwanag ng binuksyan niya ang ilaw.

"Hindi ako makatulog, ikaw bakit ngayun kalang?" bigla itong naghikab.

Hindi na muna niya ito pagsasabihan sa ngayun kahit alam niyang nakipagusap na naman ito kay khalix kanina, hahayaan na muna niya ito tutal naman ay maayos ito at wala namang ginawa ang kalaban para saktan ito. Nagbihis muna sya bago lumapit sa kama nila, kumilos ito para bigyan sya ng espasyo sa tabi nito.

"How's your day?" tanong niya rito.

"Bakit tinatanong mo pa! alam ko namang sinabi na sayo ni Juan Pablo ang ginawa ko maghapon." sagot nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit, hindi na sya nagsalita para wag nang humaba ang usapan nila na maaaring mauwi lang sa pagaaway. Sa halip ay binulungan niya ito, "I miss you."

Gumanti rin ito ng yakap sa kanya, "Hindi mo ba ako pagagalitan?"

"Hindi, pagod na ako kaya matulog na tayo!" inihiga niya ito sa kama saka hinalikan sa noo. "Sleep! maaga pa tayo bukas."

Para namang majic word iyon at kaagad pumikit ang dalaga na lalo pang isiniksik ang katawan sa kanya. Oh God! isang gabi lang niya itong hindi nakasama ay parang isang taon na! He really miss her.

Chapitre suivant